Pages

Linggo, Nobyembre 28, 2010

Ang Buhay ni Lam-Ang (Epiko ng mga Ilokano)

           Noong unang panahon ang mag-asawang Don Juan at Namongan ay  naninirahan sa Nalbuan (isangbahagi ng Lalawigang La Union sa Ilocos).Bago pa maisilang ang kanilang anak, namatay si Don Juan sa pakikidigma.  Umakyat ito sa kabundukan upang parusahan ang mga kaaway na Igorot nguni’t siya angnagapi ng mga kalaban.  Pinugot ang ulo nito, itinusok sa isang buho ng kawayan at ibinilad sa publiko bilang isang tropeo.
            Nang isilang si Lam-ang, apat na hilot ang nagtulung-tlong upang siya ay iluwal. Namangha ang lahat dahil kapapanganak pa lamang sa kanya ay marunong na siyang magsalita. Katunayan nito,  siya na ang humiling sa kanyang pangalang “Lam-ang”. Hinanap rin niya agad kung nasaan ang kanyang ama. Dahil dito, itinuring siyang pinagpala na may ambihirang kakayahan sa kanilang lugar.

Biyernes, Nobyembre 26, 2010

MARAGTAS (Ang Kasaysayan ng Sampung Datu ng Borneo)

        Sinugbuhan, isang pulo sa Panay na ang mga nakatira ay mga Ita.  Ito ay pinamumunuan ni Datu Pulpolan. Sa katagalan ng panahon at dahil na rin sa kanyang katandaan upang pamahalaan ang isang pulo,  napagpasyahan niya na isalin ang kanyang kapangyarihan sa kanyang anak na si Datu Marikudo.  Tinataglay ng kanyang anak ang mga katangian ng isang datu kaya’t ito naman ay  sinang-ayunan ng lahat.  Isang kaugalian nila na bago manungkulan  ang isang datu, nararapat na siya ay pakasa.  Sa dfami ng babae na naghahangad  sda kanya, ang mahirap na si Maniwantiwan ang kanyang pinakasalan.
            Ang mga Ita sa Sinugbuhan ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagtatanim at pangingisda.  Ang kanilang paboritong pagkain ay usa, baboy-ramo, butiki, pusa, isda at iba pang pagkain na matatagpuan sa gubat at ilog.
            Di sila nahihiyang lumakad na waang damit, subalit nang may dumating sa kanila na mga bagay na wala sa kanila,  natuto silang mgatakip ng katawan, tulad ng dahon, baat ng kahoy o hayop. 

Huwebes, Nobyembre 25, 2010

Epiko ng Ifugao: Ullalim


            Ang kwento ay nagsimula sa nakatakdang kasal nina Ya-u at Dulaw nang makapulot ng  nganga o ua (na tawag  ng taga Kalinga). Ang magkasintahan ay naanyayahan sa isang pistahan sa Madogyaya. Nang sila ay nasa Madogyaya,  naakit ang pansin ni Dulliyaw si Dulaw hanggang si Dulaw ay magkagusto sa kanya. Sa pagplano na ligawan ni Dulaw si Dulliyaw ay naisip nitong painumin ng alak si Ya-u hanggang sa malasing. Habang si Ya-u ay natutuog sa ibang bahay ay saka niligawan ni Dulaw si Dulliyaw. Pinakain nito ang babae ng nganga at sinabi niya sa babae na sa pamamagitan ng pagtanggap niya ng nganga ang ibig sabihin ay tinanggap na niya ang pag-ibig na kanyang iniaalay.  Bago siya umalis ay sinabi niya sa babae na siya ay babalik kinabukasan.  Naiwan na nag-iisip ang dalaga.

Sabado, Oktubre 30, 2010

Hudhud hi Aliguyon

Noong unang panahon, sa tribu ng Hannanga sa lupain ng mga Ifugao, isang batang lalaki ang ipinanganak ng mag-asawang Amtulao at Dumulao. Pinangalanang Aliguyon, siya ay lumaking lubhang matalinong bata. Kinakitaan siya ng pagnanasang magtamo ng karunungan at kasanayan.

Lumaki si Aliguyon sa ilalim ng pagsasanay ng kanyang ama sa paghawak ng sibat at sa mga pangaral nito tunkol sa buhay. Dahil dito, sa pagkabata pa lamang niya ay nagging mahusay na siya sa pakikipaglaban at maging sa pagbigkas ng mahihiwagang orasyon. Hinahangaan siya ng ibang mga bata sa nayon at kinikilala bilang kanilang pinuno.


Biyernes, Oktubre 29, 2010

Ang Uod at ang Kalabaw

     "Maawa ka sa akin! Huwag mong ugain ang aking bahay!Gusto ko pang matulog!"pakiusap ng uod sa kalabaw.
"Bakit ibig mo pang matulog eh maliwanag na?"t anong ng kalabaw.
            Sa halip huminto ay lalong lumakas ang uga ng punongkahoy. Patuloy kasing kinakaskas ng kalabaw ang katawan sa puno.
Hindi alam ng kalabaw na sadyang may panahong dapat matulog ang uod. Ito ay ilang linggo bago siya magkaroon ng pakpak  at makalipad.Tama namang nananaginip ang uod at umaasang paggising ay isa na siyang magandang paruparo.Kaskas naman nang kaskas ng ulo ang kalabaw sa puno.

Huwebes, Oktubre 28, 2010

Ang Asong Magnanakaw


     May isang asong nagnakaw ng piniritong manok. Habang pinagpapasasaan niya ito, may munting butong bumara sa kanyang lalamunan. Hindi niya alam kung paano iyon aalisin. Sa tindi ng paghihirap ay napatahol siya nang sobrang lakas.
     Tumakbo siya kung saan-saan upang maghanap ng mag-aalis ng bikig. Nagmakaawa siya sa paghingi ng tulong dahil hirap na hirap na siya.
      Tumihaya na ang aso at ibinuka ang kanyang bibig. Isang pusa ang pinakiusapan niyang tanggalin ang bikig sa lalamunan.
        "Kung maalis mo ang bikig ko ay gagantimpalaan kita.”

Biyernes, Oktubre 22, 2010

ANG INAKAY NA MATIGAS ANG ULO

            Ang ulilang pugad ay galaw nang galaw dahil sa isang inakay doon na gustong lumipad. Nang dumating ang inang ibon,  may dala itong pagkain.
"Ayoko ng pagkain! Ang gusto ko ay makalipad!"pagmamaktol ng inakay.
"Aba,anak! Wala ka pang pakpak! Mura pa ang iyong bagwis kaya huwag kang pangahas,"payo ng ina.
"Inip na inip na ako! Gusto kong tumulad sa ibang ibong nasa himpapawid na!"  sabi ng inakay na matigas ang ulo.
              "Huwag kang mainggit. Maghintay ka ng tamang panahon. Pagsapit ng araw ay
makakalipad ka rin."
niya nagunita ang pangaral ng kanyang ina.

Huwebes, Oktubre 21, 2010

Ang Bagtok na Taga-bundok at ang Bagtok na Taga-siyudad

Mag-amigo sina Bagtok na taga-bundok at Bagtok na taga-siyudad.  Usa na adlaw, bidu aw ni Bagtok na taga-bundok sa ilang pinuy anan niya. Iyang gilaag si Bagtok na taga-siyudad sa maayong tanawon tanamanan ng pangisdaan sa Bundok. Na lipay sila.

Human nilang mituyok naghukad si Bagtok na taga-bundok ilang gisawa ang humay ug mais na tinigom niya. Human nilag kaon gistorya ni Bagtok na taga-siyudad ag ug pagkaon didto.

Linggo, Oktubre 17, 2010

Story Collage

Ang mga larawang ito ay bahagi ng isang picture collage na batay sa "Spice of Life" ni Larry Alcala mula sa   http://www.ourawesomeplanet.com/awesome/2007/05/rodics_makati_i.html



Martes, Oktubre 12, 2010

Ang Alamat ng Bulkang Pinatubo

       Masagana ang Kahariang Masinlok. Magandang maganda noon ang umaga. Maningning ang sikat ng araw .Sariwa ang hanging amihan. Lunti ang mga halaman sapaligid. Masigla ang awit ng mga ibon. Bughaw ang kabundukan. Subalit ang kagandahan ng umaga ay hindi nakasiya sa Datu.Wala siyang madamang kaligayahan sa lahat ng namamalas.

Lunes, Oktubre 11, 2010

Ang Alamat ng Bundok Pinto

(Bahagi ng “The Legend of Mount Pinto” ng Maguindanao)
Mula sa “The Legends” by Damiana L. Eugenio

Labis na nakamamangha at napakahiwaga ang tungkol sa yungib. Ito ay pinanirahan ng mga supernatural na nilikha tulad ng mga diwata at reyna na pinaniniwalaang lumitaw noong unang panahon. Sila ang pinaniniwalaang magagandang nilikha ng Diyos na may napakarimng ari-arian tulad ng iba’t ibang uri ng mga alahas. Mayroon din silang mga bagay-bagay na yari sa tanso tulad ng mga agong (gongs), mmga kulintang, mga gandingan at iba pang mga bagay-bagay na may kaugnayan o kabilang sa kumpletong mga instrumentong musikal na yari sa tanso.

Sabado, Oktubre 9, 2010

Alamat ng Basey (Visaya)

(Bahagi ng The Beautiful Bungangsakit)
Salin ni Reynaldo S. Reyes
Mula sa “The Legend “ by Damiana L. Eugenio, UP Press

Dahil sa ipinakitang kalupitan ng mga tulisang-dagat, ang mga naninirahan sa Balud, sa pangunguna ng mga misyonerong Heswita ay nagtungo sa Binongtoan, isa sa kalapit na nayon.

Doon ay nagsimula silang bumuo ng panibagong nayon at matatag na kuta na yari sa adobe. Pinatatag nila ang kanilang nayon. Naglagay sila ng mga pamigil na harang laban sa marahas na pananalakay ng mga tulisang-dagat. Ang mga taga-pamuno ng Binongtoan ay sina Ambrocio Makarumpag, Francisco Karanguing, Juan Katindoy at Tomas Makahilig.

Biyernes, Oktubre 8, 2010

Isang Kakaibang 'Graduation Speech'

Ang sumusunod na talumpati ay nabasa ko sa Facebook Notes ni Loraine Joy Tamayo at aking inire-repost dito sa hangaring makapagbigay-inspirasyon sa lahat ng mga mag-aaral na makakabasa nito.

Talumpati raw ito ng isang enhinyerong La Sallian sa isang seremonya ng pagtatapos sa UP College of Engineering.

Ngayong araw na ito, sa ating pagtatapos, mayroon akong dalang Transcript of Record. Ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito ay nag-aral sa De La Salle University. Sa unibersidad na ito, kapag ikaw ay isang undergraduate, may ID number ka na nagsisimula sa “94” at pataas, kung lumipas ang isang buong school year at umabot ka sa 15 units na bagsak, masisipa ka sa paaralan.

Miyerkules, Setyembre 1, 2010

Ang Alamat ng mga Alamat

Sa bulubunduking lugar sa isang bayan sa ating kapuluan, daan-daang taon na ang nakalipas ay may nakatirang isang lalaking balo na ubod ng yaman. Mataas ang lugar na kinatatayuan ng kanyang napakalaki at napakagandang bahay. Mula sa kanyang bahay ay tanaw na tanaw niya ang mga taong naninirajan sa may paanan ng bundok. Kitang-kita niya ang naghihikahos na na pamumuhay ng mga ito sa ibaba, na ikinatutuwa niya dahil lalo itong nakapagpapataas sa kanyang kalagayan. Kung gaano kataas ang kanyang tinitirhan, ganoon din naman kataas ang kanyang pag-uugali.

Ang lalaking balo ay may isang anak na dalaga, na ang ugali at kalooban naman ay kasingganda ng kanyang panlabas na kaanyuan. Dahil ditto, maraming nanliligaw sa kanya. Maging ang mga mayayamang binata mula sa malalayong lugar ay pumapanhik ng ligaw sa dalaga. Ngunit ang kanyang inibig ay isang mahirap na binatang nakatira sa may paanan ng bundok.

Hindi matanggap ng lalaking balo ang lalaking napili ng kanyang anak. Pilit niyang hinadlangan ang pag-iibigan ng dalawang magsing-irog kaya’t napagpasyahan ng mga ito na magtanan na lamang. Nanirahan ang mag-asawa sa paanan ng bundok. Galit nag alit ang lalaking balo kaya’t minabuti ng mag-asawa na huwag na munang magpakita rito.

Isang araw, umulan ng napakalakas. Inabot ito ng isang lingo at umapaw ang mga ilog. Lalo pang lumakas ang walang tigil na pag-ulan. Lumikha ito ng napakalaking baha na umabot sa mga maliliit na bahay sa paanan ng bundok. Nabahala ang mga tao. Nag-isip sila ng paraan kung paano sila makaliligtas. Sa pangunguna ng anak ng lalaking balo at ng kanyang asawa, pinuntahan nila ang bahay ng ama at nakiusap na payagan silang pansamantalang manirahan sa bahay nito. Umiyak at nagmakaawa ang anak ngunit hindi pa rin nila natamo ang kapatawaran ng ama.

Pagkalipas ng ilang araw, tumigil na ang ulan. Namatay lahat ng nakatira sa paanan ng bundok, kabilang ang anak ng lalaking balo. Siya lamang ang natirang buhay. Nang malaman niya ito, naisip niyang magpakamatay na lamang.

Sinaksak niya ang kanyang sarili ngunit hindi man lamang tumalab ang kutsilyo nang itarak niya ito sa kanayang dibdib. Maya-maya ay may narinig siyang tinig.

“Ikaw ay walang kamatayan. Kahit matanda ka na, mananatili kang buhay. At bilang kaparusahan sa nagawa mo, hindi ka hihinto sa pagsulat. Itatala mo ang lahat ng kuwento tungkol sa pinagmulan ng mga prutas, hayop o anumang bagay na kapupulutan ng magagandang pag-uugali ng mga tao.”

Matapos ang tinig ay kumidlat nang napakalakas. Malakas na malakas. Biglang nabiyak ang isang napakalaking bato at sa malaking tipak nito ay naisatitik ang salitang “ALAMAT”.

Walang nagawa ang lalaking balo. Naisip niyang iyon ay parusa ng langit sa kanyang kapalaluan sa kapwa. Bilang pagsisisi at pagtanggap sa kasalanang nagawa, ginampanan niya ang utos ng tinig. Isinulat niya ang lahat ng pinagmulan ng lahat ng bagay na naabot ng kanyang paningin at pandinig sa kalawakan, kaparangan, sa mga kabundukan, kagubatan at karagatan.

Lumipas ang napakahabang panahon. Tumanda at nagmukhang ermitanyo na ang lalaking balo ngunit patuloy pa rin siya sa paglakad at paglipat-lipat sa iba’t ibang lugar saanmang dako upang isulat ang mga alamat sa malalaking tipak ng bato.

ALAMAT

Depinisyon ng ALAMAT
Ang Alamat ay isa sa mga pinakamatatanda o pinakamatagal na anyo ng panitikan o literatura hindi lamang sa bansang Pilipinas kundi maging sa ibang bansa sa buong daigdig. Ito ay mga kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay, lugar, halaman, hayop, pangalan o katawagan at iba pa.

Katangian ng Alamat
1. Ang Alamat ay kuwento na maaaring pasalita o pasulat.
2. Ito ay kadalasang maikli at simple kaya madaling maintindihan.
3. Maaaring hango sa totoong pangyayari o kathang-isip lamang.
4. Mahiwaga at hindi kapani-paniwala ang mga pangyayari.
5. Nakaaliw sa mga mambabasa.
6. Kasasalaminan ng kultura at kaugalian ng mga tao sa lugar na pinagmulan nito.
7. Kapupulutan ng aral ng mambabasa ukol sa sariling kaunlaran at ng buong bayan.

Kasaysayan ng Alamat sa Pilipinas
Sa panahon pa man ng ating mga ninunong Ita o mga Negrito, sinasabing mayroon nang mga alamat bagama’t ang mga ito ay pasalita od salin-bibig pa lamang.
Dahil sa pandarayuhan ng mga Indones, Malay, Intsik, Persyano, at mga Kastila sa Pilipinas, nagkaroon ng pagbabago sa kalagayan ng Alamat sa Pilipinas. Nadagdagan at napaunlad ito. Karamihan sa mga nadagdag ay ukol sa mga anito, Bathalat at iba pang hango sa paniniwalang Pagano.
Mula sa bibig ng mga tao, nasalin ang ating mga alamat sa panulat nang matuto ng Alibata ang ating mga ninuno mula sa mga Malay. Isinulat nila ito sa mga balat ng puno, mga dahon, bato at iba pa. Sa panahon ding ito sinasabing umusbong ang alamat na “Malakas at Maganda”.
Gaya nang maraming bagay na may kinalaman sa mga Pilipino, tinangkang pigilan ng mga Kastila ang paglaganap ng sarili nating mga Alamat. Gayunpaman, hindi sila nagtagumpay dahil nawala man ang maraming naisulat nang alamat, patuloy itong lumaganap sa pamamagitan ng salin-bibig.
Mula sa pagiging pasalitang literatura, muli itong naisulat hanggang maisalin sa henerasyon natin NGAYON.
Mayaman ang Pilipinas sa mga Alamat na makakatulong sa mga tao sa kasalukuyan upang higit na maunawaan ang nakaraan at kasalukuyan. Sa ganitong paraan, mapaghahandaan naman ang kinabukasan bilang mga mamamayang Pilipino.
Kaya naman, maituturing na isang malaking hakbang ng pamahalaan na sa pamamagitan ng Bagong Kurikulum sa Sekondarya ng Kagawaran ng Edukasyon ay maituro ito sa mga mag-aaral. Sa ganitong paraan, bubuhayin sa sistema ng kasalukuyang henerasyon ng mga kabataan ang pagpapahalaga sa mga Panitikang sariling atin gaya ng ALAMAT.

Lunes, Hulyo 26, 2010

Maligayang Pagdiriwang

Isang pagbati sa lahat ng kapatid sa buong mundo sa pagsapit sa ika-96 Anibersaryo ng IGLESIA NI CRISTO!!!!

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang, magalang ko pong inaanyayahan ang lahat ng makakabasa ng post kong ito upang maging Guest sa Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos na isasagawa sa araw na ito sa iba't ibang dako ng mundo.

Samantala, ang mga nasa Cubao o Quezon City area ay maaaring dumalo sa Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City mamayang 7:00 ng gabi.

MARAMING SALAMAT PO!

SONA 2010 ni Pangulong Benigno S. Aquino III ng Pilipinas

Ang sumusunod ay State of the Nation Address ni Pangulong Benigno S. Aquino III ng Pilipinas sa Kongreso ng Pilipinas sa Session Hall of the House of Representatives, Batasan Pambansa Complex, Quezon City sa araw na ito ng Hulyo 26, 2010:


Speaker Feliciano Belmonte; Senate President Juan Ponce Enrile; Vice President Jejomar Binay; Chief Justice Renato Corona; Former Presidents Fidel Valdez Ramos and Joseph Ejercito Estrada; members of the House of Representatives and the Senate; distinguished members of the diplomatic corps; my fellow workers in government;

Mga minamahal kong kababayan:

Sa bawat sandali po ng pamamahala ay nahaharap tayo sa isang sangandaan.

Sa isang banda po ay ang pagpili para sa ikabubuti ng taumbayan. Ang pagtanaw sa interes ng nakakarami; ang pagkapit sa prinsipyo; at ang pagiging tapat sa sinumpaan nating tungkulin bilang lingkod-bayan. Ito po ang tuwid na daan.

Sa kabilang banda ay ang pag-una sa pansariling interes. Ang pagpapaalipin sa pulitikal na konsiderasyon, at pagsasakripisyo ng kapakanan ng taumbayan. Ito po ang baluktot na daan.

Matagal pong naligaw ang pamahalaan sa daang baluktot. Araw-araw po, lalong lumilinaw sa akin ang lawak ng problemang ating namana. Damang-dama ko ang bigat ng aking responsibilidad.

Sa unang tatlong linggo ng aming panunungkulan, marami po kaming natuklasan. Nais ko pong ipahayag sa inyo ang iilan lamang sa mga namana nating suliranin at ang ginagawa naming hakbang para lutasin ang mga ito.

Sulyap lamang po ito; hindi pa ito ang lahat ng problemang haharapin natin. Inilihim at sadyang iniligaw ang sambayanan sa totoong kalagayan ng ating bansa.

Sa unang anim na buwan ng taon, mas malaki ang ginastos ng gobyerno kaysa sa pumasok na kita. Lalong lumaki ang deficit natin, na umakyat na sa 196.7 billion pesos. Sa target na kuleksyon, kinapos tayo ng 23.8 billion pesos; ang tinataya namang gastos, nalagpasan natin ng 45.1 billion pesos.

Ang budget po sa 2010 ay 1.54 trillion pesos.

Nasa isandaang bilyong piso o anim at kalahating porsyento na lang ng kabuuan ang malaya nating magagamit para sa nalalabing anim na buwan ng taong ito.

Halos isang porsyento na lang po ng kabuuang budget ang natitira para sa bawat buwan.

Saan naman po dinala ang pera?

Naglaan ng dalawang bilyong piso na Calamity Fund bilang paghahanda para sa mga kalamidad na hindi pa nangyayari. Napakaliit na nga po ng pondong ito, ngunit kapapasok pa lang natin sa panahon ng baha at bagyo, 1.4 billion pesos o sitenta porsyento na ang nagastos.

Sa kabuuan ng 108 million pesos para sa lalawigan ng Pampanga, 105 million pesos nito ay napunta sa iisang distrito lamang. Samantala, ang lalawigan ng Pangasinan na sinalanta ng Pepeng ay nakatanggap ng limang milyong piso lamang para sa pinsalang idinulot ng bagyong Cosme, na nangyari noong 2008 pa.

Ibinigay po ang pondo ng Pampanga sa buwan ng eleksyon, pitong buwan pagkatapos ng Ondoy at Pepeng. Paano kung bumagyo bukas? Inubos na ang pondo nito para sa bagyong nangyari noong isang taon pa. Pagbabayaran ng kinabukasan ang kasakiman ng nakaraan.

Ganyan din po ang nangyari sa pondo ng MWSS. Kamakailan lamang, pumipila ang mga tao para lang makakuha ng tubig. Sa kabila nito, minabuti pa ng liderato ng MWSS na magbigay ng gantimpala sa sarili kahit hindi pa nababayaran ang pensyon ng mga retiradong empleyado.

Noong 2009, ang buong payroll ng MWSS ay 51.4 million pesos. Pero hindi lang naman po ito ang sahod nila; may mga additional allowances at benefits pa sila na aabot sa 160.1 million pesos. Sa madaling sabi, nakatanggap sila ng 211.5 million pesos noong nakaraang taon. Beinte-kuwatro porsyento lang nito ang normal na sahod, at sitenta’y sais porsyento ang dagdag.

Ang karaniwang manggagawa hanggang 13th month pay plus cash gift lang ang nakukuha. Sa MWSS, aabot sa katumbas ng mahigit sa tatlumpung buwan ang sahod kasama na ang lahat ng mga bonuses at allowances na nakuha nila.

Mas matindi po ang natuklasan natin sa pasahod ng kanilang Board of Trustees. Tingnan po natin ang mga allowances na tinatanggap nila:

Umupo ka lang sa Board of Trustees at Board Committee meeting, katorse mil na. Aabot ng nobenta’y otso mil ito kada buwan. May grocery incentive pa sila na otsenta mil kada taon.

Hindi lang iyon: may mid-year bonus, productivity bonus, anniversary bonus, year-end bonus, at Financial Assistance. May Christmas bonus na, may Additional Christmas Package pa. Kada isa sa mga ito, nobenta’y otso mil.

Sa suma total po, aabot ang lahat ng dalawa’t kalahating milyong piso kada taon sa bawat miyembro ng Board maliban sa pakotse, technical assistance, at pautang. Uulitin ko po. Lahat ng ito ay ibinibigay nila sa kanilang mga sarili habang hindi pa nababayaran ang mga pensyon ng kanilang mga retirees.

Pati po ang La Mesa Watershed ay hindi nila pinatawad. Para magkaroon ng tamang supply ng tubig, kailangang alagaan ang mga watershed. Sa watershed, puno ang kailangan. Pati po iyon na dapat puno ang nakatayo, tinayuan nila ng bahay para sa matataas na opisyal ng MWSS.

Hindi naman sila agad maaalis sa puwesto dahil kabilang sila sa mga Midnight Appointees ni dating Pangulong Arroyo. Iniimbestigahan na natin ang lahat nang ito. Kung mayroon pa silang kahit kaunting hiya na natitira – sana kusa na lang silang magbitiw sa puwesto.

Pag-usapan naman po natin ang pondo para sa imprastruktura. Tumukoy ang DPWH ng dalawandaan apatnapu’t anim na priority safety projects na popondohan ng Motor Vehicle Users Charge. Mangangailangan po ito ng budget na 425 million pesos.

Ang pinondohan po, dalawampu’t walong proyekto lang. Kinalimutan po ang dalawandaan at labing walong proyekto at pinalitan ng pitumpung proyekto na wala naman sa plano. Ang hininging 425 million pesos, naging 480 million pesos pa, lumaki lalo dahil sa mga proyektong sa piling-piling mga benepisyaryo lang napunta.

Mga proyekto po itong walang saysay, hindi pinag-aralan at hindi pinaghandaan, kaya parang kabuteng sumusulpot.

Tapos na po ang panahon para dito. Sa administrasyon po natin, walang kota-kota, walang tongpats, ang pera ng taumbayan ay gagastusin para sa taumbayan lamang.

Meron pa po tayong natuklasan. Limang araw bago matapos ang termino ng nakaraang administrasyon, nagpautos silang maglabas ng 3.5 billion pesos para sa rehabilitasyon ng mga nasalanta nina Ondoy at Pepeng.

Walumpu’t anim na proyekto ang paglalaanan dapat nito na hindi na sana idadaan sa public bidding. Labingsiyam sa mga ito na nagkakahalaga ng 981 million pesos ang muntik nang makalusot. Hindi pa nailalabas ang Special Allotment Release Order ay pirmado na ang mga kontrata.

Buti na lang po ay natuklasan at pinigilan ito ni Secretary Rogelio Singson ng DPWH. Ngayon po ay dadaan na ang kabuuan ng 3.5 billion pesos sa tapat na bidding, at magagamit na ang pondo na ito sa pagbibigay ng lingap sa mga nawalan ng tahanan dahil kina Ondoy at Pepeng.

Pag-usapan naman natin ang nangyari sa NAPOCOR. Noong 2001 hanggang 2004, pinilit ng gobyerno ang NAPOCOR na magbenta ng kuryente nang palugi para hindi tumaas ang presyo. Tila ang dahilan: pinaghahandaan na nila ang eleksyon.

Dahil dito, noong 2004, sumagad ang pagkakabaon sa utang ng NAPOCOR. Napilitan ang pambansang gobyerno na sagutin ang dalawandaang bilyong pisong utang nito.

Ang inakala ng taumbayan na natipid nila sa kuryente ay binabayaran din natin mula sa kaban ng bayan. May gastos na tayo sa kuryente, binabayaran pa natin ang dagdag na pagkakautang ng gobyerno.

Kung naging matino ang pag-utang, sana’y nadagdagan ang ating kasiguruhan sa supply ng kuryente. Pero ang desisyon ay ibinatay sa maling pulitika, at hindi sa pangangailangan ng taumbayan. Ang taumbayan, matapos pinagsakripisyo ay lalo pang pinahirapan.

Ganito rin po ang nangyari sa MRT. Sinubukan na namang bilhin ang ating pagmamahal. Pinilit ang operator na panatilihing mababa ang pamasahe.

Hindi tuloy nagampanan ang garantiyang ibinigay sa operator na mababawi nila ang kanilang puhunan. Dahil dito, inutusan ang Landbank at Development Bank of the Philippines na bilhin ang MRT.

Ang pera ng taumbayan, ipinagpalit sa isang naluluging operasyon.

Dumako naman po tayo sa pondo ng NFA.

Noong 2004: 117,000 metric tons ang pagkukulang ng supply ng Pilipinas. Ang binili nila, 900,000 metric tons. Kahit ulitin mo pa ng mahigit pitong beses ang pagkukulang, sobra pa rin ang binili nila.

Noong 2007: 589,000 metric tons ang pagkukulang ng supply sa Pilipinas. Ang binili nila, 1.827 million metric tons. Kahit ulitin mo pa ng mahigit tatlong beses ang pagkukulang, sobra na naman ang binili nila.

Ang masakit nito, dahil sobra-sobra ang binibili nila taun-taon, nabubulok lang pala sa mga kamalig ang bigas, kagaya ng nangyari noong 2008.

Hindi po ba krimen ito, na hinahayaan nilang mabulok ang bigas, sa kabila ng apat na milyong Pilipinong hindi kumakain ng tatlong beses sa isang araw?

Ang resulta nito, umabot na sa 171.6 billion pesos ang utang ng NFA noong Mayo ng taong ito.

Ang tinapon na ito, halos puwede na sanang pondohan ang mga sumusunod:

Ang budget ng buong Hudikatura, na 12.7 billion pesos sa taong ito.

Ang Conditional Cash Transfers para sa susunod na taon, na nagkakahalaga ng 29.6 billion pesos.

Ang lahat ng classroom na kailangan ng ating bansa, na nagkakahalaga ng 130 billion pesos.

Kasuklam-suklam ang kalakarang ito. Pera na, naging bato pa.

Narinig po ninyo kung paano nilustay ang kaban ng bayan. Ang malinaw po sa ngayon: ang anumang pagbabago ay magmumula sa pagsiguro natin na magwawakas na ang pagiging maluho at pagwawaldas.

Kaya nga po mula ngayon: ititigil na natin ang paglulustay sa salapi ng bayan. Tatanggalin natin ang mga proyektong mali.

Ito po ang punto ng tinatawag nating zero-based approach sa ating budget. Ang naging kalakaran po, taun-taon ay inuulit lamang ang budget na puno ng tagas. Dadagdagan lang nang konti, puwede na.

Sa susunod na buwan ay maghahain tayo ng budget na kumikilala nang tama sa mga problema, at magtutuon din ng pansin sa tamang solusyon.

Ilan lang ito sa mga natuklasan nating problema. Heto naman po ang ilang halimbawa ng mga hakbang na ginagawa natin.

Nandiyan po ang kaso ng isang may-ari ng sanglaan. Bumili siya ng sasakyang tinatayang nasa dalawampu’t anim na milyong piso ang halaga.

Kung kaya mong bumili ng Lamborghini, bakit hindi mo kayang magbayad ng buwis?

Nasampahan na po ito ng kaso. Sa pangunguna nina Finance Secretary Cesar Purisima, Justice Secretary Leila de Lima, BIR Commissioner Kim Henares at Customs Commissioner Lito Alvarez, bawat linggo po ay may bago tayong kasong isinasampa kontra sa mga smuggler at sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Natukoy na rin po ang salarin sa mga kaso nina Francisco Baldomero, Jose Daguio at Miguel Belen, tatlo sa anim na insidente ng extralegal killings mula nang umupo tayo.

Singkuwenta porsyento po ng mga insidente ng extralegal killings ang patungo na sa kanilang resolusyon.

Ang natitira pong kalahati ay hindi natin tatantanan ang pag-usig hanggang makamit ang katarungan.

Pananagutin natin ang mga mamamatay-tao. Pananagutin din natin ang mga corrupt sa gobyerno.

Nagsimula nang mabuo ang ating Truth Commission, sa pangunguna ni dating Chief Justice Hilario Davide. Hahanapin natin ang katotohanan sa mga nangyari diumanong katiwalian noong nakaraang siyam na taon.

Sa loob ng linggong ito, pipirmahan ko ang kauna-unahang Executive Order na nagtatalaga sa pagbuo nitong Truth Commission.

Kung ang sagot sa kawalan ng katarungan ay pananagutan, ang sagot naman sa kakulangan natin sa pondo ay mga makabago at malikhaing paraan para tugunan ang mga pagkatagal-tagal nang problema.

Napakarami po ng ating pangangailangan: mula sa edukasyon, imprastruktura, pangkalusugan, pangangailangan ng militar at kapulisan, at marami pang iba. Hindi kakasya ang pondo para mapunan ang lahat ng ito.

Kahit gaano po kalaki ang kakulangan para mapunan ang mga listahan ng ating pangangailangan, ganado pa rin ako dahil marami nang nagpakita ng panibagong interes at kumpyansa sa Pilipinas.

Ito ang magiging solusyon: mga Public-Private Partnerships. Kahit wala pa pong pirmahang nangyayari dito, masasabi kong maganda ang magiging bunga ng maraming usapin ukol dito.

May mga nagpakita na po ng interes, gustong magtayo ng expressway na mula Maynila, tatahak ng Bulacan, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, hanggang sa dulo ng Cagayan Valley nang hindi gugugol ang estado kahit na po piso.

Sa larangan ng ating Sandatahang Lakas:

Mayroon po tayong 36,000 nautical miles ng baybayin. Ang mayroon lamang tayo: tatlumpu’t dalawang barko. Itong mga barkong ito, panahon pa ni MacArthur.

May nagmungkahi sa atin, ito ang proposisyon: uupahan po nila ang headquarters ng Navy sa Roxas Boulevard at ang Naval Station sa Fort Bonifacio.

Sagot po nila ang paglipat ng Navy Headquarters sa Camp Aguinaldo. Agaran, bibigyan tayo ng isandaang milyong dolyar. At dagdag pa sa lahat nang iyan, magsusubi pa sila sa atin ng kita mula sa mga negosyong itatayo nila sa uupahan nilang lupa.

Sa madali pong sabi: Makukuha natin ang kailangan natin, hindi tatayo gagastos, kikita pa tayo.

Marami na pong nag-alok at nagmungkahi sa atin, mula lokal hanggang dayuhang negosyante, na magpuno ng iba’t ibang pangangailangan.

Mula sa mga public-private partnerships na ito, lalago ang ating ekonomiya, at bawat Pilipino makikinabang. Napakaraming sektor na matutulungan nito.

Maipapatayo na po ang imprastrukturang kailangan natin para palaguin ang turismo.

Sa agrikultura, makapagtatayo na tayo ng mga grains terminals, refrigeration facilities, maayos na road networks at post-harvest facilities.

Kung maisasaayos natin ang ating food supply chain sa tulong ng pribadong sektor, sa halip na mag-angkat tayo ay maari na sana tayong mangarap na mag-supply sa pandaigdigang merkado.

Kung maitatayo ang minumungkahi sa ating railway system, bababa ang presyo ng bilihin. Mas mura, mas mabilis, mas maginhawa, at makakaiwas pa sa kotong cops at mga kumokotong na rebelde ang mga bumibiyahe.

Paalala lang po: una sa ating plataporma ang paglikha ng mga trabaho, at nanggagaling ang trabaho sa paglago ng industriya. Lalago lamang ang industriya kung gagawin nating mas malinis, mas mabilis, at mas maginhawa ang proseso para sa mga gustong magnegosyo.

Pabibilisin natin ang proseso ng mga proyektong sumasailalim sa Build-Operate-Transfer. Sa tulong ng lahat ng sangay ng gobyerno at ng mga mamamayan, pabababain natin sa anim na buwan ang proseso na noon ay inaabot ng taon kung hindi dekada.

May mga hakbang na rin pong sinisimulan ang DTI, sa pamumuno ni Secretary Gregory Domingo:

Ang walang-katapusang pabalik-balik sa proseso ng pagrehistro ng pangalan ng kumpanya, na kada dalaw ay umaabot ng apat hanggang walong oras, ibababa na natin sa labinlimang minuto.

Ang dating listahan ng tatlumpu’t anim na dokumento, ibababa natin sa anim. Ang dating walong pahinang application form, ibababa natin sa isang pahina.

Nananawagan ako sa ating mga LGUs. Habang naghahanap tayo ng paraan para gawing mas mabilis ang pagbubukas ng mga negosyo, pag-aralan din sana nila ang kanilang mga proseso. Kailangan itong gawing mas mabilis, at kailangan itong itugma sa mga sinisumulan nating reporma.

Negosyante, sundalo, rebelde, at karaniwang Pilipino, lahat po makikinabang dito. Basta po hindi dehado ang Pilipino, papasukin po natin lahat iyan. Kailangan na po nating simulan ang pagtutulungan para makamit ito. Huwag nating pahirapan ang isa’t isa.

Parating na po ang panahon na hindi na natin kailangang mamili sa pagitan ng seguridad ng ating mamamayan o sa kinabukasan ng inyong mga anak.

Oras na maipatupad ang public-private partnerships na ito, mapopondohan ang mga serbisyong panlipunan, alinsunod sa ating plataporma.

Magkakapondo na po para maipatupad ang mga plano natin sa edukasyon.

Mapapalawak natin ang basic education cycle mula sa napakaikling sampung taon tungo sa global standard na labindalawang taon.

Madadagdagan natin ang mga classroom. Mapopondohan natin ang service contracting sa ilalim ng GASTPE.

Pati ang conditional cash transfers, na magbabawas ng pabigat sa bulsa ng mga pamilya, madadagdan na rin ng pondo.

Maipapatupad ang plano natin sa PhilHealth.

Una, tutukuyin natin ang tunay na bilang ng mga nangangailangan nito. Sa ngayon, hindi magkakatugma ang datos. Sabi ng PhilHealth sa isang bibig, walumpu’t pitong porsyento na raw ang merong coverage. Sa kabilang bibig naman, singkuwenta’y tres porsyento naman. Ayon naman sa National Statistics Office, tatlumpu’t walong porsyento ang may coverage.

Ngayon pa lang, kumikilos na si Secretary Dinky Soliman at ang DSWD upang ipatupad ang National Household Targetting System, na magtutukoy sa mga pamilyang higit na nagangailangan ng tulong. Tinatayang siyam na bilyon ang kailangan para mabigyan ng PhilHealth ang limang milyong pinakamaralitang pamilyang Pilipino.

Napakaganda po ng hinaharap natin. Kasama na po natin ang pribadong sektor, at kasama na rin natin ang League of Provinces, sa pangunguna nina Governor Alfonso Umali kasama sina Governor L-Ray Villafuerte at Governor Icot Petilla. Handa na pong makipagtulungan para makibahagi sa pagtustos ng mga gastusin. Alam ko rin pong hindi magpapahuli ang League of Cities sa pangunguna ni Mayor Oscar Rodriguez.

Kung ang mga gobyernong lokal ay nakikiramay na sa ating mga adhikain, ang Kongreso namang pinanggalingan ko, siguro naman maasahan ko din.

Nagpakitang-gilas na po ang gabinete sa pagtukoy ng ating mga problema at sa paglulunsad ng mga solusyon sa loob lamang ng tatlong linggo.

Nang bagyo pong Basyang, ang sabi sa atin ng mga may prangkisa sa kuryente, apat na araw na walang kuryente. Dahil sa mabilis na pagkilos ni Secretary Rene Almendras at ng Department of Energy, naibalik ang kuryente sa halos lahat sa loob lamang ng beinte-kwatro oras.

Ito pong sinasabing kakulangan sa tubig sa Metro Manila, kinilusan agad ni Secretary Rogelio Singson at ng DPWH. Hindi na siya naghintay ng utos, kaya nabawasan ang perwisyo.

Nakita na rin natin ang gilas ng mga hinirang nating makatulong sa Gabinete. Makatuwiran naman po sigurong umasa na hindi na sila padadaanin sa butas ng karayom para makumpirma ng Commission on Appointments. Kung mangyayari po ito, marami pa sa mga mahuhusay na Pilipino ang maeengganyong magsilbi sa gobyerno.

Sa lalong madaling panahon po, uupo na tayo sa LEDAC at pag-uusapan ang mga mahahalagang batas na kailangan nating ipasa. Makakaasa kayo na mananatiling bukas ang aking isipan, at ang ating ugnayan ay mananatiling tapat.

Isinusulong po natin ang Fiscal Responsibility Bill, kung saan hindi tayo magpapasa ng batas na mangangailangan ng pondo kung hindi pa natukoy ang panggagalingan nito. May 104.1 billion pesos tayong kailangan para pondohan ang mga batas na naipasa na, ngunit hindi maipatupad.

Kailangan din nating isaayos ang mga insentibong piskal na ibinigay noong nakaraan. Ngayong naghihigpit tayo ng sinturon, kailangang balikan kung alin sa mga ito ang dapat manatili at kung ano ang dapat nang itigil.

Huwag po tayong pumayag na magkaroon ng isa pang NBN-ZTE. Sa lokal man o dayuhan manggagaling ang pondo, dapat dumaan ito sa tamang proseso. Hinihingi ko po ang tulong ninyo upang amiyendahan ang ating Procurement Law.

Ayon po sa Saligang Batas, tungkulin ng estado ang siguruhing walang lamangan sa merkado. Bawal ang monopolya, bawal ang mga cartel na sasakal sa kumpetisyon. Kailangan po natin ng isang Anti-Trust Law na magbibigay-buhay sa mga prinsipyong ito. Ito ang magbibigay ng pagkakataon sa mga Small- at Medium-scale Enterprises na makilahok at tumulong sa paglago ng ating ekonomiya.

Ipasa na po natin ang National Land Use Bill.

Una rin pong naging batas ng Commonwealth ang National Defense Act, na ipinasa noon pang 1935. Kailangan nang palitan ito ng batas na tutugon sa pangangailangan ng pambansang seguridad sa kasalukuyan.

Nakikiusap po akong isulong ang Whistleblower’s Bill upang patuloy nang iwaksi ang kultura ng takot at pananahimik.

Palalakasin pa lalo ang Witness Protection Program. Alalahanin po natin na noong taong 2009 hanggang 2010, may nahatulan sa 95% ng mga kaso kung saan may witness na sumailalim sa programang ito.

Kailangang repasuhin ang ating mga batas. Nanawagan po akong umpisahan na ang rekodipikasyon ng ating mga batas, upang siguruhing magkakatugma sila at hindi salu-salungat.

Ito pong mga batas na ito ang batayan ng kaayusan, ngunit ang pundasyon ng lahat ng ginagawa natin ay ang prinsipyong wala tayong mararating kung walang kapayapaan at katahimikan.

Dalawa ang hinaharap nating suliranin sa usapin ng kapayapaan: ang situwasyon sa Mindanao, at ang patuloy na pag-aaklas ng CPP-NPA-NDF.

Tungkol sa situwasyon sa Mindanao: Hindi po nagbabago ang ating pananaw. Mararating lamang ang kapayapaan at katahimikan kung mag-uusap ang lahat ng apektado: Moro, Lumad, at Kristiyano. Inatasan na natin si Dean Marvic Leonen na mangasiwa sa ginagawa nating pakikipag-usap sa MILF.

Iiwasan natin ang mga pagkakamaling nangyari sa nakaraang administrasyon, kung saan binulaga na lang ang mga mamamayan ng Mindanao. Hindi tayo puwedeng magbulag-bulagan sa mga dudang may kulay ng pulitika ang proseso, at hindi ang kapakanan ng taumbayan ang tanging interes.

Kinikilala natin ang mga hakbang na ginagawa ng MILF sa pamamagitan ng pagdidisplina sa kanilang hanay. Inaasahan natin na muling magsisimula ang negosasyon pagkatapos ng Ramadan.

Tungkol naman po sa CPP-NPA-NDF: handa na ba kayong maglaan ng kongkretong mungkahi, sa halip na pawang batikos lamang?

Kung kapayapaan din ang hangad ninyo, handa po kami sa malawakang tigil-putukan. Mag-usap tayo.

Mahirap magsimula ang usapan habang mayroon pang amoy ng pulbura sa hangin. Nananawagan ako: huwag po natin hayaang masayang ang napakagandang pagkakataong ito upang magtipon sa ilalim ng iisang adhikain.

Kapayapaan at katahimikan po ang pundasyon ng kaunlaran. Habang nagpapatuloy ang barilan, patuloy din ang pagkakagapos natin sa kahirapan.

Dapat din po nating mabatid: ito ay panahon ng sakripisyo. At ang sakripisyong ito ay magiging puhunan para sa ating kinabukasan. Kaakibat ng ating mga karapatan at kalayaan ay ang tungkulin natin sa kapwa at sa bayan.

Inaasahan ko po ang ating mga kaibigan sa media, lalo na sa radyo at sa print, sa mga nagbablock-time, at sa community newspapers, kayo na po mismo ang magbantay sa inyong hanay.

Mabigyang-buhay sana ang mga batayang prinsipyo ng inyong bokasyon: ang magbigay-linaw sa mahahalagang isyu; ang maging patas at makatotohanan, at ang itaas ang antas ng pampublikong diskurso.

Tungkulin po ng bawat Pilipino na tutukan ang mga pinunong tayo rin naman ang nagluklok sa puwesto. Humakbang mula sa pakikialam tungo sa pakikilahok. Dahil ang nakikialam, walang-hanggan ang reklamo. Ang nakikilahok, nakikibahagi sa solusyon.

Napakatagal na pong namamayani ang pananaw na ang susi sa asenso ay ang intindihin ang sarili kaysa intindihin ang kapwa. Malinaw po sa akin: paano tayo aasenso habang nilalamangan ang kapwa?

Ang hindi nabigyan ng pagkakataong mag-aral, paanong makakakuha ng trabaho? Kung walang trabaho, paanong magiging konsumer? Paanong mag-iimpok sa bangko?

Ngunit kung babaliktarin natin ang pananaw—kung iisipin nating “Dadagdagan ko ang kakayahan ng aking kapwa”—magbubunga po ito, at ang lahat ay magkakaroon ng pagkakataon.

Maganda na po ang nasimulan natin. At mas lalong maganda po ang mararating natin. Ngunit huwag nating kalimutan na mayroong mga nagnanasang hindi tayo magtagumpay. Dahil kapag hindi tayo nagtagumpay, makakabalik na naman sila sa kapangyarihan, at sa pagsasamantala sa taumbayan.

Akin pong paniwala na Diyos at taumbayan ang nagdala sa ating kinalalagyan ngayon. Habang nakatutok tayo sa kapakanan ng ating kapwa, bendisyon at patnubay ay tiyak na maaasahan natin sa Poong Maykapal. At kapag nanalig tayo na ang kasangga natin ay ang Diyos, mayroon ba tayong hindi kakayanin?

Ang mandato nating nakuha sa huling eleksyon ay patunay na umaasa pa rin ang Pilipino sa pagbabago. Iba na talaga ang situwasyon. Puwede na muling mangarap. Tayo nang tumungo sa katuparan ng ating mga pinangarap.

Maraming salamat po.

Martes, Hulyo 13, 2010

DILG Sec. Robredo para sa 2010 World Mayor Prize Award

Itinalaga ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III bilang pinuno ng Department of Interior and Local Government ang dating meyor ng Naga City na si Jesse Robredo.
Si Robredo, edad 29 nang unang nahalal bilang meyor ng Naga City noong 1988 ang naging pinakabatang meyor ng siyudad sa Pilipinas. Siya ang tanging Pilipinong meyor na nagkamit ng Ramon Magsaysay Award for Government Service. Lalo pa niyang pinatunayan niya ang kanyang pagiging lider nang kilalanin ng Asiaweek Magazine noong 1999 ang Naga na isa sa mga “Most Improved Cities in Asia”.
Sa ngayon, ang dating meyor na ito ay ang nag-iisang Pilipino sa anim lamang na mayor sa buong Asia na kabilang sa pinagpipiliang maging World Mayor 2010.
Hindi ko po siya personal na kakilala at wala akong anumang kaugnayan sa kanya. Nagkataon lamang na nalaman ko ito sa aking pagbabasa sa internet. Kaya naisip kong suportahan na siya. Gaano lang ba naman ang isang klik para sa kapwa Pilipinong kinikilala pa ng mga banyaga ang kakayahan bilang pinuno?
Iboto natin si Jesse Robredo para sa 2010 Worl Mayor Prize Award dito:

http://www.worldmayor.com/contest_2008/world-mayor-vote.html

Miyerkules, Hunyo 30, 2010

Inaugural Speech ni Pangulong Benigno C. Aquino III

Ang talumpati ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa kanyang pagkakaluklok bilang ika-15 Pangulo ng Pilipinas sa Quirino Grandstand, Manila sa araw na ito ng Miyerkules, Hunyo 30, 2010:

Ang pagtayo ko dito ngayon ay patunay na kayo ang aking tunay na lakas. Hindi ko inakala na darating tayo sa puntong ito, na ako'y manunumpa sa harap ninyo bilang inyong Pangulo. Hindi ko pinangarap maging tagapagtaguyod ng pag-asa at tagapagmana ng mga suliranin ng ating bayan.
Ang layunin ko sa buhay ay simple lang: maging tapat sa aking mga magulang at sa bayan bilang isang marangal na anak, mabait na kuya, at mabuting mamamayan.
Nilabanan ng aking ama ang diktadurya at ibinuwis niya ang kanyang buhay para tubusin ang ating demokrasya. Inalay ng aking ina ang kanyang buhay upang pangalagaan ang demokrasyang ito. Ilalaan ko ang aking buhay para siguraduhin na ang ating demokrasya ay kapaki-pakinabang sa bawat isa. Namuhunan na po kami ng dugo at handa kong gawin ito kung muling kinakailangan.

Tanyag man ang aking mga magulang at ang kanilang mga nagawa, alam ko rin ang problema ng ordinaryong mamamayan. Alam nating lahat ang pakiramdam na magkaroon ng pamahalaang bulag at bingi. Alam natin ang pakiramdam na mapagkaitan ng hustisya, na mabalewala ng mga taong pinagkatiwalaan at inatasan nating maging ating tagapagtanggol.
Kayo ba ay minsan ring nalimutan ng pamahalaang inyong iniluklok sa puwesto? Ako rin. Kayo ba ay nagtiis na sa trapiko para lamang masingitan ng isang naghahari-hariang de-wangwang sa kalsada? Ako rin. Kayo ba ay sawang-sawa na sa pamahalaang sa halip na magsilbi sa taumbayan ay kailangan pa nila itong pagpasensiyahan at tiisin? Ako rin.
Katulad ninyo ako. Marami na sa atin ang bumoto gamit ang kanilang paa - nilisan na nila ang ating bansa sa kanilang paghahanap ng pagbabago at katahimikan. Tiniis nila ang hirap, sinugod ang panganib sa ibang bansa dahil doon may pag-asa kahit kaunti na dito sa atin ay hindi nila nakikita. Sa iilang sandali na sarili ko lang ang aking inaalala, pati ako ay napag-isip din - talaga bang hindi na mababago ang pamamahala natin dito? Hindi kaya nasa ibang bansa ang katahimikang hinahanap ko? Saan ba nakasulat na kailangang puro pagtitiis ang tadhana ng Pilipino?

Ngayon, sa araw na ito - dito magwawakas ang pamumunong manhid sa mga daing ng taumbayan. Hindi si Noynoy ang gumawa ng paraan, kayo ang dahilan kung bakit ngayon, magtatapos na ang pagtitiis ng sambayanan. Ito naman po ang umpisa ng kalbaryo ko, ngunit kung marami tayong magpapasan ng krus ay kakayanin natin ito, gaano man kabigat.

Sa tulong ng wastong pamamahala sa mga darating na taon, maiibsan din ang marami nating problema. Ang tadhana ng Pilipino ay babalik sa tamang kalagayan, na sa bawat taon pabawas ng pabawas ang problema ng Pinoy na nagsusumikap at may kasiguruhan sila na magiging tuloy-tuloy na ang pagbuti ng kanilang sitwasyon.

Kami ay narito para magsilbi at hindi para maghari. Ang mandato ninyo sa amin ay pagbabago - isang malinaw na utos para ayusin ang gobyerno at lipunan mula sa pamahalaang iilan lamang ang nakikinabang tungo sa isang pamahalaang kabutihan ng mamamayan ang pinangangalagaan.

Ang mandatong ito ay isa kung saan kayo at ang inyong pangulo ay nagkasundo para sa pagbabago - isang paninindigan na ipinangako ko noong kampanya at tinanggap ninyo noong araw ng halalan.
Sigaw natin noong kampanya: "Kung walang corrupt, walang mahirap." Hindi lamang ito pang slogan o pang poster - ito ang mga prinsipyong tinatayuan at nagsisilbing batayan ng ating administrasyon.

Ang ating pangunahing tungkulin ay ang magsikap na maiangat ang bansa mula sa kahirapan, sa pamamagitan ng pagpapairal ng katapatan at mabuting pamamalakad sa pamahalaan.

Ang unang hakbang ay ang pagkakaroon ng tuwid at tapat na hanay ng mga pinuno. Magsisimula ito sa akin. Sisikapin kong maging isang mabuting ehemplo. Hinding hindi ko sasayangin ang tiwalang ipinagkaloob ninyo sa akin. Sisiguraduhin ko na ganito rin ang adhikain ng aking Gabinete at ng mga magiging kasama sa ating pamahalaan.

Naniniwala akong hindi lahat ng nagsisilbi sa gobyerno ay corrupt. Sa katunayan, mas marami sa kanila ay tapat. Pinili nilang maglingkod sa gobyerno upang gumawa ng kabutihan. Ngayon, magkakaroon na sila ng pagkakataong magpakitang-gilas. Inaasahan natin sila sa pagsupil ng korapsyon sa loob mismo ng burukrasya.

Sa mga itinalaga sa paraang labag sa batas, ito ang aking babala: sisimulan natin ang pagbabalik ng tiwala sa pamamagitan ng pag-usisa sa mga "midnight appointments." Sana ay magsilbi itong babala sa mga nag-iisip na ipagpatuloy ang baluktot na kalakarang nakasanayan na ng marami.
Sa mga kapuspalad nating mga kababayan, ngayon, ang pamahalaan ang inyong kampeon.

Hindi natin ipagpapaliban ang mga pangangailangan ng ating mga estudyante, kaya't sisikapin nating punan ang kakulangan sa ating mga silid-aralan.

Unti-unti din nating babawasan ang mga kakulangan sa imprastraktura para sa transportasyon, turismo at pangangalakal. Mula ngayon, hindi na puwede ang "puwede na" pagdating sa mga kalye, tulay at gusali dahil magiging responsibilidad ng mga kontratista ang panatilihing nasa mabuting kalagayan ang mga proyekto nila.

Bubuhayin natin ang programang "emergency employment" ng dating pangulong Corazon Aquino sa pagtatayo ng mga bagong imprastraktura na ito. Ito ay magbibigay ng trabaho sa mga local na komunidad at makakatulong sa pagpapalago ng kanila at ng ating ekonomiya.

Hindi kami magiging sanhi ng inyong pasakit at perwisyo. Palalakasin natin ang koleksyon at pupuksain natin ang korapsyon sa Kawanihan ng Rentas Internas at Bureau of Customs para mapondohan natin ang ating mga hinahangad para sa lahat, tulad ng:

• dekalidad na edukasyon, kabilang ang edukasyong bokasyonal para makapaghanap ng marangal na trabaho ang hindi makapag-kolehiyo;
• serbisyong pangkalusugan, tulad ng Philhealth para sa lahat sa loob ng tatlong taon;
• tirahan sa loob ng mga ligtas na komunidad.

Palalakasin at palalaguin natin ang bilang ng ating kasundaluhan at kapulisan, hindi para tugunan ang interes ng mga naghahari-harian, ngunit para proteksyunan ang mamamayan. Itinataya nila ang kanilang buhay para mayroong pagkakataon sa katahimikan at kapayapaan sa sambayanan. Dumoble na ang populasyong kanilang binabantayan, nanatili naman sila sa bilang. Hindi tama na ang nagmamalasakit ay kinakawawa.

Kung dati ay may fertilizer scam, ngayon ay may kalinga ng tunay para sa mga magsasaka. Tutulungan natin sila sa irigasyon, extension services, at sa pagbenta ng kanilang produkto sa pinakamataas na presyong maaari.

Inaatasan natin na ang papasok na Secretary Alcala ay magtayo ng mga trading centers kung saan diretso na ang magsasaka sa mamimili - lalaktawan natin ang gitna, kasama na ang kotong cop. Sa ganitong paraan, ang dating napupunta sa gitna ay maari nang paghatian ng magsasaka at mamimili.

Gagawin nating kaaya-aya sa negosyante ang ating bansa. We will cut red tape dramatically and implement stable economic policies. We will level the playing field for investors and make government an enabler, not a hindrance, to business. Sa ganitong paraan lamang natin mapupunan ang kakulangan ng trabaho para sa ating mga mamamayan.

Layunin nating paramihin ang trabaho dito sa ating bansa upang hindi na kailanganin ang mangibang-bansa para makahanap lamang ng trabaho. Ngunit habang ito ay hindi pa natin naaabot, inaatasan ko ang mga kawani ng DFA, POEA at ng OWWA at iba pang mga kinauukulang ahensiya na mas lalo pang paigtingin ang pagtugon sa mga hinaing at pangangailangan ng ating mga overseas Filipino workers.

Papaigtingin namin ang proceso ng konsultasyon at pag-uulat sa taumbayan. Sisikapin naming isakatuparan ang nakasaad sa ating Konstitusiyon na kinikilala ang karapatan ng mamamayaan na magkaroon ng kaalaman ukol sa mga pampublikong alintana.

Binuhay natin ang diwa ng people power noong kampanya. Ipagpatuloy natin ito tungo sa tuwid at tapat na pamamahala. Ang naniniwala sa people power ay nakatuon sa kapwa at hindi sa sarili.

Sa mga nang-api sa akin, kaya ko kayong patawarin at pinapatawad ko na kayo. Sa mga nang-api sa sambayanan, wala akong karapatan na limutin ang inyong mga kasalanan.

To those who are talking about reconciliation, if they mean that they would like us to simply forget about the wrongs that they have committed in the past, we have this to say: there can be no reconciliation without justice. Sa paglimot ng pagkakasala, sinisigurado mong maulit muli ang mga pagkakasalang ito. Secretary de Lima, you have your marching orders. Begin the process of providing true and complete justice for all.

Ikinagagalak din naming ibahagi sa inyo ang pagtanggap ni dating Chief Justice Hilario Davide Jr. sa hamon ng pagtatatag at pamumuno sa isang Truth Commission na magbibigay linaw sa maraming kahinahinalang isyu na hanggang ngayon ay walang kasagutan at resolusyon.

Ang sinumang nagkamali ay kailangang humarap sa hustisya. Hindi maaaring patuloy ang kalakaran ng walang pananagutan at tuloy na pang-aapi.

My government will be sincere in dealing with all the peoples of Mindanao. We are committed to a peaceful and just settlement of conflicts, inclusive of the interests of all - may they be Lumads, Bangsamoro or Christian.

We shall defeat the enemy by wielding the tools of justice, social reform, and equitable governance leading to a better life. Sa tamang pamamahala gaganda ang buhay ng lahat, at sa buhay na maganda, sino pa ang gugustuhing bumalik sa panahon ng pang-aapi?

Kung kasama ko kayo, maitataguyod natin ang isang bayan kung saan pantay-pantay ang pagkakataon, dahil pantay-pantay nating ginagampanan ang ating mga pananagutan.

Kamakailan lamang, ang bawat isa sa atin ay nanindigan sa presinto. Bumoto tayo ayon sa ating karapatan at konsensiya. Hindi tayo umatras sa tungkulin nating ipaglaban ang karapatan na ito.

Pagkatapos ng bilangan, pinatunayan ninyo na ang tao ang tunay na lakas ng bayan.

Ito ang kahalagahan ng ating demokrasya. Ito ang pundasyon ng ating pagkakaisa. Nangampanya tayo para sa pagbabago. Dahil dito taas-noo muli ang Pilipino. Tayong lahat ay kabilang sa isang bansa kung saan maaari nang mangarap muli.

To our friends and neighbors around the world, we are ready to take our place as a reliable member of the community of nations, a nation serious about its commitments and which harmonizes its national interests with its international responsibilities.

We will be a predictable and consistent place for investment, a nation where everyone will say, "it all works."

Inaanyayahan ko kayo ngayon na manumpa sa ating mga sarili, sa sambayanan, WALANG MAIIWAN.

Walang pangingibang-bayan at gastusan na walang wastong dahilan. Walang pagtalikod sa mga salitang binitawan noong kampanya, ngayon at hanggang sa mga susunod pang pagsubok na pagdadaanan sa loob ng anim na taon.

Walang lamangan, walang padrino at walang pagnanakaw. Walang wang-wang, walang counterflow, walang tong. Panahon na upang tayo ay muling magkawanggawa.

Nandito tayo ngayon dahil sama-sama tayong nanindigan at nagtiwala na may pag-asa.
The people who are behind us dared to dream. Today, the dream starts to become a reality. Sa inyong mga nag-iisip pa kung tutulong kayo sa pagpasan ng ating krus, isa lang ang aking tanong - kung kailan tayo nanalo, saka pa ba kayo susuko?

Kayo ang boss ko, kaya't hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo. We will design and implement an interaction and feedback mechanism that can effectively respond to the people's needs and aspirations.

Kayo ang nagdala sa akin sa puntong ito - ang ating mga volunteers - matanda, bata, celebrity, ordinaryong tao, na umikot sa Pilipinas para ikampanya ang pagbabago; ang aking mga kasambahay, na nag-asikaso ng lahat ng aking mga personal na pangangailangan; ang aking pamilya, kaibigan at katrabaho, na dumamay, nag-alaga at nagbigay ng suporta sa akin; ang ating mga abogado, na nagpuyat para bantayan ang ating mga boto at siguraduhing mabilang ang bawat isa; ang aking mga kapartido at kaalyado na kasama kong nangahas mangarap; at ang milyun-milyong Pilipinong nagkaisa, nagtiwala at hindi nawalan ng pag-asa - nasa inyo ang aking taos-pusong pasasalamat.

Hindi ko makakayang harapin ang aking mga magulang, at kayong mga nagdala sa akin sa yugto ng buhay kong ito, kung hindi ko maisasakatuparan ang aking mga binitawang salita sa araw na ito.

My parents sought nothing less and died for nothing less than democracy, peace and prosperity. I am blessed by this legacy. I shall carry the torch forward.

Layunin ko na sa pagbaba ko sa katungkulan, masasabi ng lahat na malayo na ang narating natin sa pagtahak ng tuwid na landas at mas maganda na ang kinabukasang ipapamana natin sa susunod na henerasyon. Samahan ninyo ako sa pagtatapos ng laban na ito. Tayo na sa tuwid na landas.

Maraming salamat po at mabuhay ang sambayanang Pilipino!

Linggo, Hunyo 13, 2010

ALAMAT

Alamat ang tawag sa mga kwento tungkol sa pinagmulan ng isang lugar o bagay.

Sabado, Hunyo 12, 2010

Araw ng Kalayaan

Ito ay ipinagdiriwang bilang paggunita sa araw kung kailan natamo ng Pilipinas ang Kalayaan mula sa mga dayuhang Kastila. Naganap ito noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite.

Pagkalipas ng maraming taon, ipinagdiriwang pa rin ng mga Pilipino ito sa pangunguna ng mga nanunungkulan sa pamahalaan o mga tanggapan pampubliko. Kadalasan, nagsasagawa ng palatuntunan kung saan may mga opisyal na nagtatalumpati, mga pagsasadula ng mga nangyari noon at iba pa. Ganoon lang.

Maliban kung ikaw ang nagtalumpati, hindi naman uso ang batian ng "Maligayang Araw ng Kalayaan", di ba?

Kaya naman nasorpresa ako pagkabasa sa mensahe ng isang dayuhang naging kaibigan na ng pamilya namin kahit sa onlayn lang kami may komunikasyon. Napanood daw kasi niya sa telebisyon na may pagdiriwang ang mga Pilipino sa NZ kaya nag-email siya para batiin ang pamilya ko.

Nakakatuwa naman...galing pa sa isang dayuhan ang unang pampersonal na pagbating narinig ko ukol sa kalayaan.

Kaya naisip ko na ring mag-post dito para bumati ng "Maligayang Araw ng Kalayaan" sa lahat ng mga kapwa ko Pilipino.:-)

Linggo, Mayo 9, 2010

Eleksyon 2010

Maaga akong pumunta sa San Mateo, Rizal. Doon kasi ako boboto para sa Eleksyon 2010. Iniwasan ko ang mahabang pila kaya ayaw kong maleyt. Gayunpaman, 3rd batch na ako sa pila ng mga nakapasok.

Mukhang maayos naman. Iyon nga lang napakahaba na ng pila. Ang mahirap kapag ganitong tanghali na. Napakainit pa naman ng panahon. Tiyak, madali ring mag-init ulo ng mga tao lalo na sa mga lugar na walang kuryente.

Kumbakit naman, araw ng eleksyon, walang kuryente. Ano ito? Pananabotahe? Huwag naman sana. Di bale, kung hindi madadamay ang mga karaniwang botante at mga BEI na karamihan ay umupo dahil walang mapagpipilian.

Eniweys, umasa na lang tayo na sana ay maging mapayapa ang Eleksyon 2010. At sana'y lumabas din agad ang tunay na resulta ng eleksyon.

Linggo, Mayo 2, 2010

Pagboto: Dikta o Sariling Pagpapasya?

Tuwing nalalapit ang araw ng eleksyon, may mga nagtatanong sa akin. Maraming 'bakit...' na ang suma-total ay 'Bakit di ka nagpapadikta at hindi magpasyang mag-isa?' Dikta nga ba o sariling pagpapasya ang sinusunod ko sa pagboto?

Ako ay naghahayag ng sariling kalooban ko bilang isang karaniwang indibidwal at isang mulat na mamamayang Pilipino. Hindi ako isang mangangaral ng relihiyon kaya isasantabi ko ang mga pagpapaliwanang mula sa Bibliya, banal na aklat ng mga Kristiyano, tungkol sa pagkakaisa sa paghatol o pagpili ng mga pinuno.

Gaya ng madalas kong sabihin sa mga nagtatanong sa akin, hindi ako nadidiktahan ukol sa eleksyon. Dahil sa totoo lang, para sa akin, pare-pareho lamang ang mga pulitikong kumakandidato sa iba't ibang posisyon.

Ang mga pulitiko ay mga taong may kanya-kanyang pansariling interes na gustong isulong kapag nakaupo na. Ang pagkakaiba nga lang marahil ay nasa antas ng kasakiman nila sa kapangyarihan at kayamanan. At ang mga ito ay masasalamin sa mga nagawa, ginagawa o gagawin nilang mga batas, proyekto at paggamit kundi, paglustay (?!!!)sa pera ng naghihingalong si Juan dela Cruz.

Ganoon pala, bakit pa ako boboto? Kasi nga isa pa rin akong mamamayang Pilipino. Karapatan at tungkulin ko ang makipagkaisa para magkaroon ng mga (mabubuti sanang) pinuno ang ating bansa.


Boboto ako hindi para sa kung sinumang tao o kandidato. Boboto ako hindi dahil sa dinidiktahan o inoobliga ako.

Boboto ako atas ng sariling pagpapasya at paniniwala sa tunay na kahulugan ng pagkakaisa (pagkakaisa na hinahangad ng lahat ngunit pilit sinisiraan kapag nagagawa ng isang organisasyon). BOBOTO AKO SA PAMAMAGITAN NG PAKIKIPAGKAISA SA RELIHIYONG KINAAANIBAN KO!

Linggo, Marso 28, 2010

Traffic

Ipinikit ko ang aking mga mata. naglakbay na ang aking diwa. Pumaimbulog sa pagkaidlip....sa dako pa roon....nakatulog na ako....habang sakay ng dyip na patok papuntang papasukan ko. Nang ako'y magising, malayo pa rin ako sa paroroonan ko. Dahil sa napakabigat na trapiko.

Halos araw-araw na lamang na ganito ang senaryo tuwing bibiyahe ako papunta sa trabaho o pauwi na sa pamilya ko. Humigit-kumulang dalawang oras ng biyaheng nakakapagod lalo na kapag napakainit ng panahon!

At ang mabigat na trapiko sa gitna ng napakainit na panahon ay pinalala pa nitong mga nagdaang araw ng mga kandidato sa pulitika. Panay ang parada nila kasama ang sangkaterbang diumano'y alipores o tagasuporta nila.

Nakakaabala talaga!Sana iwasan naman nila ang magparada kapag "rush hour" na. Sa halip kasing maingganyo ang mga botante na iboto sila, lalo lamang mawawalan ng ganang iboto sila.

Sabado, Marso 27, 2010

Earth Hour 2010

Para suportahan ang kamapaya laban sa patuloy na pag-init ng mundo (global warming), nakipagkaisa naman kami ng aking pamilya sa pagpatay ng ilaw mula 8:30-9:30 kagabi, Marso 27, 2010.

Paano ko ba malilimutan ito? Mismong mga anak ko ang nagpapaalala. Naka-set pa ang alarm ng mga cellphones para di malimutan ang oras na ito.

Ang bunso ko, minabuting umakyat ng bubungan at pagmasdan daw ang mga bituin.:-) Ang panganay, bisi sa pakikipaglaro sa mga kaibigan. Ang asawa ko, nakipagkuwentuhan sa kaibigang kapitbahay. At ako, kasama ang alaga kong aso na si Heaven, naupo kami sa may kubo sa ilalim ng puso sa tabi ng kalsada habang pinagmamasdan ang kapaligiran...

Palibhasa'y nasa bundok kami, tanaw ang mga nagkikislapang ilaw sa mga kabahayan sa paligid na malayo sa amin. Sa malapitan naman, nakasindi lahat ang mga bonggang street lights ng katabi naming subdivision. At sa dinami-dami ng kapitbahay namin, isang bahay lamang ang nagpatay ng ilaw na tulad namin.

Ang nakakadismaya pa nito, tila walang kamalay-malay ang mga kandidatong pulitiko na abalang-abala sa sa pangangampanya sa napakaliwanag na isteyds. Panay ang sayaw, kanta at diskurso ng iba'tibang personalidad sa gitna ng maraming taong dumalo na ewan kung ano talaga ang motib...pagsuporta o pagkain? Nagpakain kasi sila.

Kaya naman kaninang umaga, bonggang kalat ang bumulaga sa mga unang lumabas ng subdibisyon.:-)

Bumilib sana ako kung pinapatay man lang kahit isang oras ang sandamakmak na naggagandahang ilaw pero di naman ganon kahalaga para di maisakripisyo ng isang oras.

Simpleng pakikipagkaisa sa mundo para maihayag ang pagtutol sa global warming, di magawa. Aba, huwag silang magsasabing "environmentalist" sila at nagpapahalaga sa kalikasan. Lalong huwag nilang asahang sumunod ang mga tao sa kanila kung sila mismo ay huwaran ng kawalang-pagpapahalaga sa mga simulaing pangkapaligiran.

Sa mga taong tulad nila, kung lumindol dahil sa lubhang pag-init ng mundo, huwag nang mag-isip ng dahilan. Isipin na lamang na ito ay sariling kagustuhan.

Huwebes, Marso 25, 2010

Klerans

Patapos na ang iskul yir. Kanya-kanyang papirma na ng klerans ang mga mag-aaral sa kanilang mga guro. Kailangang makumpleto nila ito hangga't maaari bago magbakasyon.

Ito kasi ang kailangan upang makuha ang kanilang kard. Katibayan ito na wala na silang obligasyon sa kanilang mga sabjek at sa iba't ibang tanggapan ng paaralan.

Nagbigay ako ng kondisyon sa ilang mag-aaral na magpapapirma sa akin. Isang tanong, isang sagot. Dapat masagot nila ng tama ang tanong para pirmahan ko ang kanilang kard.

Naku po! Gusto kong umiyak sa pagkadismaya. Mukhang wala silang natutuhan sa akin... Ganoon nga ba talaga ako kahinang magturo? O sadya bang ganito na ang mga kabataan ngayon na hindi na iniintindi ang mga itinuturo ng guro?

Kung sakali man na ako ang nagkulang, paano naman ang mga titser nila mula Kindergarten at elementarya? Katulad ko rin ba sila?

Ang mga tanong kasi ay tulad ng mga sumusunod:

1. Ano ang wikang Pambansa ng Pilipinas?
2. Ilang ang patinig sa alpabetong Filipino?
3. Ilan ang katinig sa alpabetong Fiipino?
4. Ano ang pandiwa? Magbigay ng halimbawa.
5. Ano ang pang-uri? Magbigay ng halimbawa.
6. Ano ang pangngalan? Magbigay ng halimbawa?
7. Magbigay ng salitang inuulit.
8. Magbigay ng halimbawa ng salitang tambalan.
9. Sa pangungusap na "Ang bata ay naglalaro.", ano ang paksa?
10. Sa pangungusap na "Ang bata ay naglalaro.", ano ang ginamit na pandiwa?

Napakahihirap ba ng mga tanongna ito? Bakit hindi nila masagot?

Ilang balikan muna bago ko napirmahan ang kanilang klerans.

Miyerkules, Marso 24, 2010

Pagbati!

...para sa lahat ng mga mag-aaral na nagtamo ng karangalan at mga magtatapos sa kani-kanilang pag-aaral!!!

Lunes, Marso 22, 2010

Pasalubong

Kilala ang mga Pilipino na mahilig sa "pasalubong", pagbibigay man o pagtanggap, galing man sa malayo o sa malapit lang.

Masarap mamili ng pampasalubong lalo na kapag may pera, galing sa malayo at matagal na nawalay sa mga mahal sa buhay. Sa madaling salita, balikbayan!

Pero ang pasalubong na natanggap ko sa araw na ito ay hindi mula sa balikbayan kundi balik-paaralan. Galing kasi sila sa Baguio City. Hindi ako sumama.

Mmmm...ang sarap talaga ng strawberry wine para kay Jocille, strawberry jam para kay Thea, ube jam para kay Mam Buan at peanut brittle sa aming lahat. Ops! mukhang wala ngang para sa akin lang...nakikain lang ako. At least nakarami kayasa nagbigay na naubusan...he-he-he

Salamat kay besfren S' Edwin! Hanggang sa muli.... sana, di ka na maubusan ng pambili ng pasalubong.:-)

Miyerkules, Marso 17, 2010

Gradwesyon na!

Bumabalik ang alaala ng nakaraan... noong ako ay magtatapos pa lamang sa hayskul...masaya na malungkot ang nararamdaman.

Malungkot dahil maghihiwalay na kami ng mga malalapit kong kaibigan at kaklase. At siyempre, di na rin kami araw-araw magkikita ng "labs" ko dat tayms. he-he-he Malungkot din kasi di tiyak kung makapagpapatuloy pa rin ako ng pag-aaral o hindi na. Napakahirap kasi ng buhay namin na mag-isang itinataguyod ng biyudang ina.

Masaya din kasi sa wakas, matatapos na ako ng hayskul! Maryosep! Hindi birong pag-iisip ang ginawa ko para lang makapasang-awa sa Algebra, ano?!! At siyempre nandoon 'yong hopeful feeling na magkakaroon din ng katuparan ang mga pangarap ko sa buhay. (ang dami nga e, sa dami, wala na akong maalala!)

Eniweys, bakit ba ako biglang nagbabalik sa ilang dekada nang nakaraan?

Kaninang hapon kasi, narindi ang tenga ko sa ginawang pers day praktis ng mga magtatapos sa hayskul sa skul namin. Ang kukulit kasi...mga pasaway...ayun, bukod sa paulit-ulit na patugtog ng nire-rehearse nilang mga awit, may intermission pang mga sermon ng mga gurong namamahala sa kanila.

Nakapagpapainit nga naman kasi ng ulo kapag kinukunsumi ka sa gitna ng napakainit na panahon.

Pero, siguro nga, di na rin magawang magpakadisiplinado ng mga estudyante kasi nakadarang sila sa panghapong init ng araw, e, mga artistahin pa naman.:-)

Sana, bukas, maging ok na ang praktis nila para masaya ang lahat...lalo't mamumundok ang maraming titser kinagabihan. Wala lang , magpapalamig lang sila ng ilang araw sa Baguio City. Pero magpapaiwan ako kasi di ko feel magbiyahe nang maraming iniisip. (iniisip daw, o?)

Wish ko lang, may magpasalubong sa aking ng ube jam, strawberry jam, etc. pagbalik nila...

Upang paghandaan naman ang Araw ng Pagtatapos sa Marso 29!

Linggo, Marso 14, 2010

Ang Galing ni Pacquiao!

Walang kupas ang galing ni Manny Pacquiao. Pambansang kamao talaga! Pinatunayan na naman niya ito sa muling pagkapanalo ngayon, sa laban nila ni Joshua Clottey.

Siguro nasa tiyan pa lang siya, sumusuntok na.;-)

Bukod sa karangalan niya, ng kanyang pamilya at buong bansa, napakarami na namang "money" ang nadagdag sa kaban ng yaman niya.

Sana matuloy na ang laban nila ni Floyd Mayweather Jr. at maipanalo niya ulit. Tapos, mag-resign siya habang Champion siya at nasa rurok ng tagumpay. At nang di na niya maranasan ang malamog at matalo pagkatapos ng sunud-sunod na pagkapnalo.

Makapag-isip-isip sana siya at huwag na ring ituloy ang pagpasok sa pulitika. Marami naman siyang magagawa kung gusto niyang tumulong sa mga tao at sa bayan...kahit hindi siya nakaupong opisyal ng bayan.

Eniweys, isang pagbati para kay Manny. (as if naman, makakarating sa kanya...fc ba? as in feeling close?)he-he-he

Talagang isang family affair kapag may laban si Manny. Kahit mga kamag-anak namin sa ibang bansa, nagtipun-tipon at sabay na nanood sa tv ng isa sa Canada at North Carolina. Pati kami nakisabay na rin. Dahil wala naman kaming cable, ang ginawa, sumabay na kami sa kanila. Gamit ang computer camera at speaker nila na nakatutok sa tv nila. he-he-he Medyo malabo pero ang masaya, kausap sila habang nanonood kaming lahat. Masaya, di ba?

At sa lahat ng nagdiriwang sa pagkapanalo ni Pacquiao hanggang sa oras na ito, hinay-hinay sa inuman mga pare ko...Lunes bukas. May trabaho tayo.:-)

Sabado, Pebrero 6, 2010

Magkolehiyo at Maging Iskolar

Pangarap mo bang makapag-aral sa kolehiyo at kunin ang gusto mong kurso? Pero paano kung walang sapat na pera ang iyong mga magulang o tagapangalaga na pantustos dito? Ano ang gagawin mo? Kakalimutan mo na lamang ba ang iyong pangarap? Bakit mo naman gagawin ito kung may iba pang paraan? Paano? Maging iskolar!
Marahil, magtataas ka ng kilay o mapapailing na isipin pa lamang na ikaw ay maging iskolar samantalang alam mo naman na hindi ka ganun kahusay o katalino. Ito ay dahil nakagawian na kasing iugnay ang salitang iskolar sa isang henyo o matalino na may matataas na marka.
Pero kahit pangkaraniwan lamang ang iyong IQ, possible ka pa ring maging iskolar. Katulad din ng mahirap na posibleng makapagpatuloy ng pag-aaral sa pamamagitan ng grant, loan o pagtatatrabaho.
Kaugnay ng mga ito, narito ang ilang uri ng scholarship na puwedeng pagpilian:
1. University/College Scholarship
a. academic scholarship – para sa mga nagtapos ng hayskul na may karangalan, nakapasa sa entrance scholarship examinations at iba pa. Nangangailangan ito ng pagmamantine ng mga grado at average sa kard kada semester.
b. Extra-curricular activity scholar ship – para sa mga mga mag-aaral na may kakaibang husay at talento bilang larangan ng isports o palakasan, pagsulat, pag-awit, pagsayaw, pag-arte o pangunguna sa mga organisasyong pampaaralan. Dito kadalasang nalilibre ang tuition fee o nagkakaroon ng discount batay sa pamantayan ng paaralang pinapasukan.
c. Dependents’ Scholarship – para sa mga mag-aaral na may mga magulang na nagtatrabaho sa paaralan kung saan, may prebilehiyo silang makapag-aral nang libre. Kung may ganitong pribilehiyo, bakit kailangan pang mag-aral sa ibang paaralan gayong walang sapat na kakayahang pinansyal?
2. Scholarship Programs – ito ang pinakamagandang iskolarship. Bukod sa tuition fee, nalilibre rin ang iba pang bayarin. May alawans pang cash at iba pang benepisyo.
Kadalasan, may minimum average grade bilang kwalipi- kasyon pero halos nagsisilbi lang itong cut-off points. Kapag naipasa ito, ang kailangan na lamang ay ang kakayahanng mapanatili ang iskolarship.Napakahalaga rito ang karakter
ng mag-aaral. Tumutukoy ito sa kakayahang magsumikap sa pag- aaral upang mamintina ang average na hindi naman gaanong mataas. Gayundin, sa kakayahang pahalagahan at gampanan ang responsibilidad kung nais magtagumpay sa pangarap.
Isang magandang balita para sa mga kabataang mahihirap o pang karaniwan ang pamilya na karamihan sa mga “corporate scholarship” ay naglalagay ng ”poor but deserving” bilang pangunahing pamantayan sa pagpili ng kanilang pag-aaralin.
Samantalang ang iba naman ay naghahanap ng huhubuging lider.
Ilang halimbawa nito ay ang
Ayala Group of Companies Scholarship, Megaworld Foundation, Inc., Metro Bank College Scholarship Programs, SM Foundation Inc., Commission on Higher Education (SHED) State Scholarship Program, CHED’s Study-Now-Pay –Later Program (SNLP), Department of Science & Technology (DOST), Science and technology Scholarship Program, MERALCO Foundation Scholarship, Coca-cola Foundation Philippines, Inc. at iba pa.
3. Student Employment/Work Aid
Program
a. School Labor – para ito sa mga mag-aaral na gustong maglingkod sa paaralan gaya ng pagiging Library Aide, Office Assistant, etc. Kadalasan, ang mag-aaral ay tumatanggap ng honorarium na pwede niyang ipunin para sa tuition fee at iba pang pangangailangan. May maximum unit load requirement ito dahil kinakailangang may sapat na panahon ang mag-aaral para makapagtrabaho
b. Summer Job – ito ay
programa ng pamahalaan na ka-tie up ang ilang pribadong kumpanya kung saan pwedeng mamasukan ang mag-aaral sa panahon ng bakasyon para makapag-ipon para sa kanyang pag-aaral. May bahagi-kaloob ang pamahalaan sa kanilang sahod.
c. Off-school Part Time Jobs – para sa mga mag-aral na buo ang loob, may disiplina sa sarili at may determinasyong makapag-aral habang isinasabay ang pagtatrabaho ng ilang oras sa mga fast food restaurants, atbpa.
Kaya ang tanong, gusto mo bang magkolehiyo at maging iskolar?

Huwebes, Pebrero 4, 2010

Nagmamahal Pa Rin

Sobreng kulay asul ang aking natanggap
Puso ko’y nasaktan sa laman ng sulat
Sapagkat ang aking minahal nang tapat
Ang suyuan nami’y binigyan ng wakas.

Bakit sa kabila nitong pagmamahal
Ay iyong nagawang ako’y pagtaksilan?
Di ko nalalamang may iba kang mahal
Nang ang puso nati’y magkaunawaan.

Ang kabiguan ko’y aking tatanggapin
Kaligayahan mo ay aking dalangin
Ngunit gayon pa man ay alalahanin
Na ako sa iyo’y nagmamahal pa rin.

-joy ollero

Huwebes, Enero 21, 2010

Kompyuterisasyon sa Eleksyon 2010

Sinasabing handang-handa na ang Commission on Election (COMELEC) para sa kompyuterayst eleksyon sa taong ito ng 2010.  Pero sa totoo lang, wala pa akong ideya kung paano talaga isasagawa ang sinasabing kompyuterisasyong ito.

Minsan, noong Nobyembre, 2009, may nakasakay ako sa traysikel. Isa raw siyang empleyado sa COMELEC-Manila.  Kaya naitanong ko ang tungkol sa darating na eleksyon.

"Kung ganyang reding-redi na pala ang COMELEC at kompyuter na ang gagamitin, ibig po bang sabihin, hindi na uupo sa eleksyon ang mga guro?"

"Kailangan pa rin sila.  Uupo pa rin sila," ang sagot niya. 

Tinanong ko uli siya kung kailan naman i-u-oryent ang mga titser pero di pa raw niya alam.

At hanggang ngayon wala akong balita kung paano at ano ang gagawin ng mga titser sa araw ng eleksyon.  Kasi, hindi rin naman lahat ng mga dating lugar ng voting precincts ay gagamitin.

Naku-kyuryos lang naman ako kasi marami pa ring mga titsers ang hindi marunong sa kompyuter.  Sabagay, bisi pa naman ang mga eskwelahan ngayon kaya siguro ang pagsasanay sa kanila ay gagawin pa sa bakasyon - sa Abril.

Isang pang iniisip ko ay kung magiging malinis nga ba ang eleksyon o mas malawakang dayaan at kapalpakan lamang ang kahihinatnan ng Eleksyon 2010?

Biyernes, Enero 15, 2010

Reviewer - Filipino I

I.A. Panuto: Piliin ang titik ng wastong pahayag na tumutugon sa sumusunod na mga
                        sitwasyon.

     _____1. Ipinakilala mo ang iyong guro sa iyong ina.
               A. Nanay ang aking guro, si Bb Castillo    C. Nanay, ang aking guro,  si Bb. Castillo.
                       B. Nanay ng aking guro  si Bb Castillo      D. Nanay, ang aking guro,  si Bb. Castillo.

    ______2. Nagyaya ka nang umalis.
         A.  Tayo na?        B. Tayo na!        C. Tayo!    D. Tayo?
    ______3.  Ipinaaalam mo sa iyong kaklase na may pagsusulit kayo bukas.
        A.  May test tayo bukas            C. May test tayo, bukas.
        B.  May test tayo bukas?            D. May test, tayo bukas.
   ______4.  Nangatwiran kang hindi si Juan ang kumuha ng pera.
                    A. Hindi, si Juan ang kumuha ng pera.   C. Hindi si Juan, ang kumuha ng pera.
                    B. Hindi si Juan, ang kumuha ng pera.   D. Hindi si Juan ang kumuha ng pera!
   ______5.  Tinanong mo sa iyong kamag-aral kung naglinis na sila ng silid-aralan.
        A.  Naglinis kayo ng silid-aralan!    C. Naglinis na ba kayo ng silid-aralan?
        B.  Naglinis kayo, ng silid-aralan.    D. Maglinis kayo ng silid-aralan.

II.Panuto: Basahn at unawing mabuti ang texto.  Pagkatapos, piliin ang titik ng tamang
                   sagot sa sumusunod na mga tanong.
 Pera sa Basura
     May pera sa basura.  Huwag mong pagtakhan iyan.
     Isa-isahin mo ang laman ng iyong basurahan.  Tiyk na may papel na walang sulat sa likod at maaari mo pa itong sulatan.  Kung minsan, may mga papel at notebook na may sulat pero pwede mo naming ipagbili.  May mga bukas na lata na maaari mo rin namang tamnan o kaya’y pwedeng balutin ng wrapping paper upang paglagyan ng lapis, bolpen, krayola, aspile o kaya’y pako. Ang pinagbalatan ng sibuyas, patatas at saging, sanga ng kangkong, tira-tirang pagkain ay maaaring maging pagkain ng baboy at maaari rin itong maging patba sa lupa.
Tuny na may pera sa basura kung magtitiyaga lamang at magiging malikhan upang ang patapong mga bagay ay maging kapaki-pakinabang.
         ______6.  Anong uri ng texto ang seleksyong binasa?
                          A. informative    B. argumentative    C. prosijural        D. narativ
     ______7. Anong kaisipan ang nais iparating ng texto sa mga mambabasa?
                         A. may pera sa basura        C. yayaman sa basura
                         B. magtatrabaho para kumita                D. mamulot ng basura
     ______8.  Alin sa mga salita ang di-formal?
                        A.  sulat    B. bukas    C. tamnan    D. wala sa mga nabanggit
     ______9.  Ang  salitang ito ay tumutukoy sa
                       A. pera    B. basurahan      C. nabubulok na pagkain    D. di-nabubulok
     _____10.  Ano ang ibig sabihin ng  salitang may salungguhit sa ikalawang talata?
                          A. ibenta    B. itago    C. itapon    D. ipamigay

Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang texto.  Pagkatapos, piliin ang titik ng tamang sagot sa mga sumusunod na mga tanong.

“Sa Wika Nag-uugat ang Diwa ng Bansa”

       Kailangan nating mag-aaral ng mga wikang dayuhan, para lumawak ang ating kaisipan at diwa.  Anuman ang ating masagap mula sa ibang bansa, dapat itong maisalin at maiugnay sa buhay ng Pilipino para pakinabangan ng nakararami.  Sa ating kalagayan bilang isang maunlad na bansa tinatwag na pangatlong daigdig.  Habang pinangangalagaan ng isang bayan ang isang sariling wika, magsisilbi itong panata ng kalayaan.  Kagaya rin ng isang taong nananatiling Malaya, para makaya niyang mag-isip para sa kanyang sarili.
       Ang wika ang paraan ng pag-iisip ng isang bayan.  Sa wika nag-uugat ang diwa ng bansa.  At kung matatag at mayaman ang diwa maaaring mamumulaklak ang katangian ng lahi, mga katangiang atin at namumukod tanging atin.   

____11.  Ano ang paran ng paglalahad ang nabasang texto?
        A. persweysiv          B. prosijural    C. informative    D. narativ
____12.  Nilalayon ng textong binasa na
        A. umangat sa ibang bansa            C. maisadiwa ang ating wika
        B. makilala tayo sa buong mundo        D. matuto ng ibang wika
____13. Alin ang nagsasaad ng pagkamakatotohanan ng texto?
        A. pangalagaan ang wika            C. manatiling malaya ang wika
        B. mahalin ang sariling wika        D. lahat ng nabanggit
____14.  Ano ang mensahe ng nabasang texto?
        A.  alalahanin ang ating kabuhayan     C. manatiling malaya ang wika
        B. patatagin ang lahing Pilipino        D. palawakin ang kaisipan
____15.  Anong kaisipan ang katanggap-tanggap sa texto?
          A. totoong kailangang mag-aral ng ibang wika
          B. dapat mapaugnay ang wika sa sambahayan
          C. kailangang pangalagaan ng ibang bansa ang wika
          D. magkaisa sa paggamit ng wika at kabuhayan.

   III.Panuto: Lagyan ng tesk (/) ang bilang ng salitang may KLASTER at ekis (X) naman
                         ang salitang may DIPTONGGO.
               _____16. reyna                _____21.  pwede
               _____17.  plaslayt            _____22.  bloawt
               _____18.  tseke                _____23.  prito
               _____19.  araw                _____24.  aliw
               _____20.  edukasyon

Panuto:  Salungguhitan  nang isang beses  ang sanhi at dalawang beses naman ang bunga
25-26.    Mabilis na lumaganap ang apoy gawa ng nakaimbak na pulbura.
27-28.    Nagulantang ang mga batang nahihimbing nang biglang sumabog ang pabrika.
29-30.    Dahil sa agapang pagresponde ng mga bombero, agad namang naapula ang sunog.

Panuto:  Piliin sa loob ng  sumusunod na mga pangungusap ang salitang maaaringbaguhin ang anyo
   at isulat sa tapat nito ang pagbabagong morpoponemiko.
31-32. Kailangang takipan ang mga pagkain para di langgamin.
33-34.  “Heto na si  Andres, dumadating na,” sabi niya.
35-36.  Singbilis ng  kidlat ang kanyang pagdating.
37-38.  Madumi ang kanyang damit nang dumating kagabi.
39-40.  Lubhang napakabuti ng Panginon sa paglikha ng malawak na kadagatan.
41-42.  Singtigas ng marmol ang kanyang puso.
43-44.  Pangbihira ang galing na ipinakita ni Andres sa tagisan ng talino.

Panuto:  Piliin ang pariralang nagpapakita ng kaganapan ng pandiwang tinutukoy sa
   loob ng panaklong.
     _____45.  (layon)  Namigay ng tulong sa mga biktima ng bagyo ang pangulo.
     _____46.  (tagaganap) Tinulungan ng iba pang samahan ang alkalde ng bayan.
     _____47.   (direksyon) Nagbigay sila ng mga  pagkain at damit sa mga nasunugan.
     _____48.  (sanhi)   Naiyak ang mga nasalanta ng bagyo sa kabaitan ng pangulo.
     _____49.  (ganapan)  Nagpulong sa munisipyo ang mga konsehal.
     _____50.  (tagatanggap)  Gumawa sila ng pansamantalang tirahan para sa mga nasunugan..
 Panuto:  Isulat ang A kung ang mga pahayag o ideya ay magkatulad at B kung
                   magkasalungat.Pink Neko Cosplay
_____51.  Higit na dakila ang gawaing pagtuturo sa lahat ng uri ng gawain.
_____52.  Di karapat-dapat ang pagpapalabas ng mga pelikulang walang kapupulutang
                  aral.
     _____53.  Totoong malaki ang inilalaang badyet ng gobyerno sa ahensya ng Edukasyon.
     _____54.   Tutol ang ilan sa mga patuloy na pagdami ng mga Pilipinong naghahanapbuhay
                        sa ibang bansa.

IV. Pagsulat
    Panuto:  Sumulat ng isang kawili-wili o nakatutuwang sariling karanasan na kinapulutan ng aral.