Pages

Huwebes, Oktubre 28, 2010

Ang Asong Magnanakaw


     May isang asong nagnakaw ng piniritong manok. Habang pinagpapasasaan niya ito, may munting butong bumara sa kanyang lalamunan. Hindi niya alam kung paano iyon aalisin. Sa tindi ng paghihirap ay napatahol siya nang sobrang lakas.
     Tumakbo siya kung saan-saan upang maghanap ng mag-aalis ng bikig. Nagmakaawa siya sa paghingi ng tulong dahil hirap na hirap na siya.
      Tumihaya na ang aso at ibinuka ang kanyang bibig. Isang pusa ang pinakiusapan niyang tanggalin ang bikig sa lalamunan.
        "Kung maalis mo ang bikig ko ay gagantimpalaan kita.”
          Agad ipinasok ng tiwalang pusa ang ulo hanggang leeg sa bibig ng aso upang alisin ang nakabarang bikig. Pagkabunot ng bikig ay agad nagtanong ang pusa,"Nasaan ang aking gantimpala?"
         Malakas na umungol ang aso saka inilabas ang matatalim na  pangil.               

         "Pasalamat  ka na naipasok mo at nailabas ang iyong ulo sa aking bunganga nang hindi kita sinakmal,"wika ng asong magnanakaw.

GINTONG ARAL: Lahat ng sumpa at pangako ay nagagawa ng taong di marunong tumupad sa pangako kapag nasa oras siya ng kagipitan

Walang komento: