Ang maikling kuwentong ito ay tungkol sa isang guro at ina na kung bansagan ng kanyang mga estudyante ay “Mabuti”.
Si Mabuti ang naging dahilan upang maunawaan ng isang mag-aaral sa katauhan ni Fe ang tunay na kahulugan ng buhay.
Si Mabuti may suliraning iniiyakan, tulad din ni Fe. Sa kabila nito, napaghingahan niya ng damdamin ang guro. Bumuti ang kanyang pakiramdam at naging positibo ang kanyang pananaw sa buhay.
Natuklasan niya ang isang lihim sa pagkatao nito na nagbunga ng anak. Ang anak na ipinagmamalaki ng guro sa kabila ng lahat. Hindi niya kinabakasan ng kapaitan ang guro.
Naramdaman ni Fe na sila ni Mabuti ay iisa dahil nadama niya na silang dalawa ay bahagi ng mga nilalang na nakararanas ng kalungkutan at nakakikilala ng kaligayahan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento