Pages

Biyernes, Oktubre 29, 2010

Ang Uod at ang Kalabaw

     "Maawa ka sa akin! Huwag mong ugain ang aking bahay!Gusto ko pang matulog!"pakiusap ng uod sa kalabaw.
"Bakit ibig mo pang matulog eh maliwanag na?"t anong ng kalabaw.
            Sa halip huminto ay lalong lumakas ang uga ng punongkahoy. Patuloy kasing kinakaskas ng kalabaw ang katawan sa puno.
Hindi alam ng kalabaw na sadyang may panahong dapat matulog ang uod. Ito ay ilang linggo bago siya magkaroon ng pakpak  at makalipad.Tama namang nananaginip ang uod at umaasang paggising ay isa na siyang magandang paruparo.Kaskas naman nang kaskas ng ulo ang kalabaw sa puno.
            "Sabing huwag mo akong gambalain sa pagtulog ko!"pakiusap ng uod.
"At sino kang pipigil sa akin? Isang hamak na uod ka lang!"sigaw ng kalabaw.
            “Diyan ka nagkamali! Ang akala mo ay ordinaryong uod lang ako o maliit na bulate. Makikita mo balang araw na magkakapakpak ako!"sagot ng uod.
             "Hindi mo ako maloloko! Dahil pag tinapakan kita ay patay ka
na..." tatapakan ng kalabaw ang uod na mabilis nakagapang sa isang butas.
            "Umalis ka na,"anang uod."Humanda ka pagkatapos ng dalawang
linggo! Magkikita pa rin tayo."
            Sa inis ni kalabaw ay hinamon ang uod."Sige,paglipas ng dalawang linggo ay pwede na tayong maglaban.
Doon tayo sa bukid magkita, okey?!"
            Makaraan ang dalawang linggo, naging paru-paro ang uod. Humingi siya ng tulong sa mga kapwa kulisap - sa uwang,bubuyog,sa kuliglig,at sa
salagubang. Maging ang balang ay nilapitan niya. Nakiusap siya sa mga ito na
tulungan siya.
            Dumating ang kalabaw sa parang. Maya-maya lang ay sumugod na ang
baling at inikutan ang kalabaw. Pagkatapos ay pinagkakagat ng mga uwang ang
kalabaw. Bukod doon ay pinagkakalmot rin siya ng maraming salagubang.
     Pumasok sa kanyang tainga ang mga kuliglig.Sa gawing buntot naman ng
kalabaw dumapo ang mga bubuyog.Sa sobrang sakit na naramdaman ay tumakbo nang matulin ang kalabaw at naglublob sa ilog.
     Ang uod na naging paruparo ay tawa nang tawa.
     "Hoy,Kalabaw! Hindi pa ako kumikilos! Kung kumilos pa ako ay baka patay ka
na!"nang-iinis na sabi ng paruparo.
     "Wala na! Talo na ako! Kaya nga tumakbo na ako..."nanginginig sa takot na
sabi ng kalabaw. "Sige na,umalis na kayo para makaahon na ako sa tubig."
     "Hindi kami aalis! Titigil lang kami kung aalis ka rin,"sagot ng mga
kulisap.
    "Maawa kayo! Narito ang aking amo samantalang pwede kayong pumunta kahit saan ninyo gusto!"pakiusap ng kalabaw.


Walang komento: