May isang asong nagnakaw ng piniritong manok. Habang pinagpapasasaan niya ito, may munting butong bumara sa kanyang lalamunan. Hindi niya alam kung paano iyon aalisin. Sa tindi ng paghihirap ay napatahol siya nang sobrang lakas.
Tumakbo siya kung saan-saan upang maghanap ng mag-aalis ng bikig. Nagmakaawa siya sa paghingi ng tulong dahil hirap na hirap na siya.
Tumihaya na ang aso at ibinuka ang kanyang bibig. Isang pusa ang pinakiusapan niyang tanggalin ang bikig sa lalamunan.
"Kung maalis mo ang bikig ko ay gagantimpalaan kita.”