Pages

Sabado, Enero 23, 2021

Replektibong Sanaysay Tungkol sa Ponolohikal na Varayti ng Wika

 

- Joy Ollero

 

 

May pagkakataong napuri ako ngunit mas maraming beses na na-bully ako dahil sa pagbigkas ng mga salita sa Filipino at English na kalauna’y nalaman kong dahil pala sa Ponolohikal na Varayti ng Wika.

 

Ipinanganak ako at namuhay sa probinsya nang halos tatlong dekada. Kung tutuusin, Ilocano ang unang kong wika ngunit parang simula’t sapul, ginagamit ko na rin ang Filipino.  Sinanay kasi akong magsalita ng Tagalog.

 

Kaya naman, minsan, napupuri ako ng ilang matatanda sa probinsya dahil mahusay daw akong mag-Tagalog at hindi halata na hindi ako lumaki sa Maynila.  Ngunit pagdating naman sa Kamaynilaan, malimit na napapansin ang matigas na pagbigkas ko raw ng mga salita. Lumalabas daw ang pagka-Ilocano ko.

 

Minsan, pinuproblema ko ito. Bakit kasi?

 

Ayon sa isang pagtalakay sa klase, ang Ponolohikal na varayti ay ukol sa ponema na yunit ng tunog ng ating wika na nagpapaiba rin sa kahulugan nito. Nagiging salik sa pagkakaroon ng varayti ng wika ang Ponolohiya dahil sa iba’t ibang paraan ng pagbigkas ng tunog ng mga taong kabilang naman sa iba’t ibang kultura.

 

Sa madaling salita, ang ponolohikal na varayti ng wika ay ukol sa mga salita o ekspresyon na parehas ang kahulugan ngunit magkaiba ang tunog at bigkas ng mga salita (dialectal accent).

 

Batay na lang sa salitang “ponolohiya” na kumbinasyon ng mga salitang “pono” na “phone” sa Ingles ay nangangahulugan “tunog” at “lohiya” na ang ibig sabihin naman ay pag-aaral ng mga tunog. At ang “ponolohikal na varayti ng wika” ay isa sa tatlong salik ng pagkakaroon ng pagkakaiba sa tawag o kahulugan ng mga salita.

 

Pinakakaraniwang halimbawa ng ponolohikal na varayti ang pagkakapalitan ng bigkas sa /e/ at /i/ gayundin sa /o/ at /u/.

 

Ngunit sa palagay ko, isa pang dahilan ng pagkakapalitan ng bigkas /e/ at /i/ o ng /o/ at /u/ ay medyo nakasanayan din ito ng dila ng mga Pilipino palihasa’y noong unang panahon, sa Baybayin, tatlo lang naman ang patinig - a, e/i at o/u.

 

Kaya siguro partikular ang pagkakamali ko lalo na sa mga pangalan ng tao katulad ng “Amelia” na nagiging “Amilia”, “Celia” na nagiging “Cilia” at “Emilio” na nagiging “Imilio” kundi man “Emelio”.  Ang isa pa sa mga salitang malimit na napagpapalit ko ang ay “peso” at “piso”.

 

Marahil nga, maaari itong iugnay sa Ponolohikal na varayti ng wika. Ngunit sa kung paano, hindi ko pa ganap na maipaliwanag. Siguro nga, sadyang “dialectal accent” ang problema.  O baka nga minsan, sadyang may kakaiba lang sa dila ko.

 

Sa susunod na may mam-bully sa akin, sasabihin ko na lang na “Ponolohikal na varayti ng wika ang gamit ko.  Magsaliksik ka nang malaman mo.” J

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Miyerkules, Enero 13, 2021

Ang Balagtasan

 


Ang Balagtasan ay isang tulang patnigan na nangangailangan ng matalas na pag-iisip. Ang Balagtasan, na tinaguriang “makabagong duplo”  ay batay sa lumang tradisyon ng patulang pagtatalo tulad ng Karagatan.

Totoong mayaman na sa tradisyong tulang sagutan ang  iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas bago pa man ito masakop ng mga dayuhan.

Gayunpaman, nauso ang Balagtasan sa Panahon ng Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas.

Nabuo ang konsepto nito sa isang pagpupulong ng nangungunang mga manunulat noong Marso 28, 1924, sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa Instituto de Mujeres (Women's Institute), Tondo, Maynila.

Hinango sa pangalan ng noon ay matagal nang namayapang magaling na makatang si Francisco Balagtas ang terminong “Balagtasan” at ang unang naitalang Balagtasan sa Pilipinas ay isinagawa bilang paggunita sa kanyang kaarawan sa nasabing taon.

Karaniwang may paksa o isyung pinag-uusapan ang pangunahing tatlo-kataong kalahok sa Balagtasan.

INaasahang  ang mga kalahok sa Balagtasan ay magaling sa pag-alala ng mga tulang mahahaba at pagbigkas nito nang may datíng (con todo forma) sa publiko.

 

Ang Balagtasan ay isang makabagong duplo.

Elemento ng Balagtasan

1. Tauhan

      a. Lakandiwa - tagapakilala ng paksang paglalabanan sa

tulaan ng dalawang mambabalagtas.

      b. Mambabalagtas -  tawag sa taóng nakikipagbalagtasan o makatang lumalahok dito na karaniwan ding sumusulat ng piyesa ng balagtasan.

        c. Manonood - mga tagapakinig sa isang pagtatanghal ng balagtasan.

2. Ang paksa – bagay o isyu na pinag-uusapan, tatalakayin o pagtatalunan upang ganap na maipaliwanag at maunawaan ang konteksto nito. Maaari itong tungkol sa tema politika, pag-ibig, karaniwang bagay, kalikasan, lipunan, at

kagandahang asal.

Lunes, Enero 11, 2021

Mga Kayarian ng Salita sa Filipino

 

Mga Kayarian ng Salita sa Filipino

1)      Payak –pinakapayak o simpleng kayarian ng salita; binubuo ng salitang-ugat lamang;

Halimbawa:

                Una

                Ilaw

                tagumpay

                tubig

                 bahay

                hangin

                sikap

 

2)      Maylapi – binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi.

      Mga paraan ng paglalapi ng salita:

a.       Pag-uunlapi – ang panlapi na tinatawag na “unlapi” ay ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat

Halimbawa:

Salitang-ugat

UNlapi

Salitang Maylapi (Inunlapian)

Una

Ilaw

tagumpay

buhay

kulay

hangin

sikap

Na

Um

Nag

Ma

Ma

Ma

mag

nauna

umilaw

nagtagumpay

mabuhay

makulay

mahangin

magsikap

 

     b.      Paggigitlapi – ang panlapi na tinatawag na “gitlapi” ay isinisingit sa gitna ng salita

Halimbawa:              

 

Salitang-ugat

GITlapi

Salitang Maylapi (Ginitlapian)

buhay

hangin

 

sabi

sikap

In

In

Um

In

in

binuhay

hinangin

humangin

sinabi

sinikap

            

c.       Paghuhulapi – ang panlapi na tinatawag na “hulapi” ay idinurugtong sa dulo ng salita

Halimbawa:

Salitang-ugat

HUlapi

Salitang Maylapi (Hinulapian)

Una

Ilaw

buhay

kulay

hangin

sabi

sikap

hin

an

in

an

in

han

in

unahin

ilawan

buhayin

kulayan

hanginin

sabihan

sikapin

 

d.      Kabilaan – ang panlapi ay ikinakabit sa unahan at hulihan ng salitang-ugat; paggamit ng unlapi at hulapi sa salita.

Halimbawa:

Salitang-ugat

UNlapi/

HUlapi

Salitang Maylapi (Kabilaan)

Una

Ilaw

tagumpay

buhay

kulay

hangin

sabi

sikap

Na/han

In/an

Pag/an

Ma/an

Na/an

Ma/an

Pag/han

Pag/an

naunahan

inilawan

pagtagumpayan

mabuhayan

nakulayan

mahanginan

pagsabihan

pagsikapan

             

e.      Laguhan – ang panlapi ay nasa unahan, gitna at hulihan ng salitang-ugat.

Halimbawa:

Salitang-ugat

UNlapi/

GITlapi/

HUlapi

Salitang Maylapi (Laguhan)

sikap

 

Pag/um/an

 

pagsumikapan

 

 

3)      Inuulit – ang kabuuan o isa o higit pang pantig ay inuulit.

 

                Dalawang uri ng pag-uulit:

          a.       Pag-uulit na Ganap – inuulit ang buong salitang-ugat

            Halimbawa:

                araw-araw, gawa-gawa, halo-halo, sabi-sabi, sama-sama,

           b. Pag-uulit na Parsyal – isang pantig o bahagi lamang ng salita ang inuulit

                                Halimbawa:

                                                kahali-halina, bali-baligtad, kapani-paniwala

 

4)      Tambalan – binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isa lamang salita.

 

                Dalawang uri ng Pagtatambal:

a.       Malatambalan o Tambalang Parsyal – nananatili ang kahulugan ng    

    dalawang salitang pinagtatambal. Ginagamitan ito ng gitling sa pagitan

                   Halimbawa:

                          Bahay-ampunan, balik-bayan,

 

               b.      Tambalang Ganap – nakabubuo ng kahulugang iba kaysa sa

                  kahulugan ng dalawang salitang pinagsama

                        Halimbawa:

                               Hampaslupa, bahaghari, balikbayan, kapit tuko

 

 

 

 

 

 



Linggo, Nobyembre 29, 2020

Ang INGKLITIK

-   Ang INGKLITIK ay mga katagang pang-abay na tinatawag ding paningit.

-    Maiikling salita ang mga ito na kapag isiningit ay nakakapagpabago ng kahulugan ng pangungusap

-     Masasabing  ito ay mga salitâng binibigkas nang walang gaanong diin kayâ nagiging bahagi ng sinundang salita

-    Ang mga ito ay mayroong tiyak na posisyon sa loob ng pangungusap.

H  Mga Halimbawa : naman, po, daw, lang/lamang, nga, din, rin,  man, pala, oo, hindi, wala, may/mayroon, ba, pa, na, nga, man, daw. raw, yata, kaya, kasi, muna, lang, tuloy


Martes, Oktubre 13, 2020

Ang SANAYSAY

Ang Sanaysay ay isang sulatin o akdang tuluyan na karaniwang naglalaman ng mga pananaw, kuro-kuro, o opinyon ng awtor o may-akda ukol sa mga makabuluhan at napapanahong isyu.

Ang SANAYSAY  o “essay” sa English ay ipinakilala Michel de Montaigne bilang isang anyong panitikan nang pinamagatan niyang “ESSAIS” ang kalipunan ng mga sinulat niyang kaisipan, pananaw, opinion, pananaw at damdamin sa panahon ng French Renaissance.

Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang sanaysay ay pagsasalaysay ng isang sanay.  Batay ito sa mga salitang “sanay” at “pagsasalaysay” kaya ang sanaysay ay “nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay”.

Mga Uri ng SANAYSAY

1. Pormal – Ang mga pormal na sanaysay ay may seryosong tono, may mga paksa na batay sa mga masusing pananaliksik ng may-akda at informative sapagka’t nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao, hayop, bagay, lugar at pangyayari.

2. Di-Pormal – Ang di-pormal na sanaysay ay may himig na nakikipag-usap sa mga mambabasa, tumatalakay sa karaniwang paksa, personal at pang-araw-araw at kasiya-siya. Ito ay descriptive dahil naglalarawan at nagbibigay ng sariling opinion. Nagbibigay-aliw din ito sa mga  mambabasa.

  

Mga Bahagi ng Sanaysay

1. Simula / Panimula – Ang bahaging ito ang pinakamahalaga dahil nakasalalay dito kung ipagpapatuloy ng mambabasa o hindi ang pagbasa sa sanaysay. Dapat makuha ng akda ang atensyon at damdamin ng mambabasa.

2. Gitna / Katawan – Ang bahaging ito naman ang nagtataglay ng mga mahalagang puntos o ideya at paliwanag ukol sa paksa ng sanaysay. 

3. Wakas – Sa bahaging ito isinasara ng akda ang paksang nagaganap sa gitna o katawan ng isinulat niya. Dito rin naghahamon ang akda sa mga isip ng mga mambabasa na maisakatuparan ang mga isyung tinatalakayan niya.

 

 

 

Lunes, Marso 9, 2020

El Filibusterismo (Buod)


Karugtong ng kuwento ng Noli Me Tangere ang El Filibusterismo dahil dito ipinagpatuloy ang kuwento ni Crisostomo Ibarra sa katauhan ng nagbalatkayong si Simoun.

Lulan ng isang bapor na naglalakbay sa pagitan ng Laguna at Maynila si Simoun na nagpakilalang mag-aalahas, si Isagani, at si Basilio.

Labing tatlong taon nang namayapa sina Sisa at Elias. At isang araw na dumalaw si Basilio sa puntod ng kanyang inang si Sisa, nakita niya si Simoun sa libingan ng mga Ibarra kaya nabisto na si Simoun ay si Ibarra.

Pinagtangkaang paslangin si Basilio ni Simoun ngunit nabigo siya. Inaya na lamang niya si Basilio na sumama sa kaniyang paghihiganti sa mga Espanyol ngunit tumanggi ito dahil sa pag-aaral nito.

Muling niyaya ni Simoun si Basilio na maghiganti at lumusob sa kumbento kung saan naroon si Maria Clara. Muling tumanggi si Basilio.  At hindi rin naisakatuparan ang misyon dahil yumao na  si Maria noong hapon nang sana ay paglusob.

Samantala, hiniling ng mga mag-aaral sa Kapitan Heneral, na abala sa pagsasabong, na makapagpatayo ng akademya sa wikang Kastila. Dahil mga prayle ang mamumuno, hindi ito apagbigyan.

Para lumimot sa kabiguan, nagsagawa ng salu-salo ang mga mag-aaral sa Panciteria Macanista de Buen Guan. Naging mainit ang kanilang talakayan sa hapag at panay ang pagtuligsa sa mga prayle.

Nakarating sa kaalaman ng mga prayle ang sinabi ng mga mag-aaral kaya gumawa ang mga ito ng patibong. Naglagay sila ng mga paskil na may temang paghihimagsik. Pagkatapos, ibinintang nila ang mga ito sa mga mag-aaral. Hinuli ang ilan sa kanila at napasama si Basilio. Nagdamdam ang kasintahan ni Basilio na si Juli.

Inasikaso ng mga kamag-anak ang ibang mag-aaral upang makalaya habang naiwan sa piitan si Basilio. Gumawa ng paraan si Juli at nakiusap kay Padre Camorra ngunit wala itong nagawa. Nagpatihulog si Juli sa durungawan ng kombento. Ito ang dahilan ng pagkasawi ng dalaga habang naiwan sa kulungan si Basilio.

Nakipagsosyo si Simoun sa negosyo kay Timoteo Pelaez na ama ni Juanito. At naipagkasundo ng kasal si Juanito sa dalagang si Paulita Gomez. Magiging ninong nila sa kasal  ang Kapitan Heneral. Imbitado ring dumalo sa piging ang mga negosyante ,  mga matataas na tao sa pamahalaan at iba pang mayayaman.

Sa tulong ni Simoun, nakalaya rin mula sa bilangguan si Basilio, matapos ang dalawang buwang pagkakulong kahit walang kasalanan.

Gaya ng inaasahan ni Simoun, pinuntahan siya ni Basilio nang makalabas ito ng bilangguan upang sumali sa plano niyang paghihimagsik.

Ipinaalam kay Basilio ni Simoun ang kaniyang mga plano kabilang ang ginawa niyang lamparang pampasabog pampasabog sa kasal nina Juanito at Paulita Gomez.

Ayon kay Simoun, ipalalagay niya ang lampara sa gitna ng isang kiyosko na ipasasadya niyang ipagawa.  

Planado ni Simoun ang pagkakalikha sa ilawan na tatagal ang liwanag nang  dalawampung minute, pagkatapos,  lalabo. At kapag tinangkang muli itong pailawin,  puputok ang kapsula sa loob na fulminato de marcurio. Kasabay nito,  sasabog ang granada at mawawasak ang kiyoskong kinalalagyan nito at walang aasahang makaliligtas. Magiging hudyat din daw ang pagsabog ng lampara ng pag-uumpisa ng paghihimagsik ng mga inaapi sa pangunguna ni Simoun.

Dumating ang araw ng kasal. Bangdang ikapito nang gabi, nasal abas ng  bahay na pagdarausan ng salusalo si Basilio. Hindi ito mapakali at balisa.

Samantala, agad na bumaba mula sa bahay si Simoun at lumisan dahil naroon na ang lampara na ilang sandal na lamang, sasabog na.

Dumating si Isagani, ang dating kasintahan ni Paulita. Pinapaalis ni Basilio si Isagani  ngunit hindi ito nakinig kahit nang ibinunyag na ni Basilio ang plano kay Isagani.

Maya-maya pa, humihina na ang liwanag ng lamparang regalo ni Simoun. Hindi mapakali ang Kapitan Heneral kaya pinakiusapan niya si Padre Irene na itaas ang mitsa ng lampara.

Biglang naalala ni Isagani ang sinabi ni Basilio kaya agad niyang kinuha ang lampara, nagtungo siya sa asotea at inihagis ito sa ilog upang doon sumabog.

Nabigo ang plano ni Simoun. Hindi natuloy ang nakaplanong paghihimagsik na isasagawa sana pag natapos ang pagsabog at  kapag namatay ang mga tao sa pagtitipon.

Dahil pumaplpak ang plano, nagmadaling tumakas si Simoun.

Nagtungo siya sa daraungan at binaybay ang karagatang Pasipiko. Bagama’t agad na nakalayo si Simoun,  sugatan naman siya at parang nanghihina na nang dumating sa lugar nina Padre Florentino.

Sinabi ni  Simoun na dahil lamang sa hindi niya pag-iingat ang kanyang mga sugat at nais na lang daw niyang magpaalaga kay Dr. De Espadaña at ayaw magpadala sa pagamutan dahil sa pangambang mahuli ng mga tumutugis sa kaniya.

Napa-isip ang pari sa totoong motibo ni Simoun. Pinuntahan ng pari upang kausapin sana si Simoun pero naglason na pala ito.   Tinangka ng paring hanapan ng lunas ang lason ngunit tumanggi na ang binate.

Dahil alam na ni Padre Florentino na hindi na magtatagal si Simoun, dinasalan na niya ito at hinayaang mangumpisal ang naghihingalong si Simoun.

Ipinagtapat ni Simoun ang tunay niyang pagkatao. Isinalaysay ni Simoun ang kaniyang naging buhay… kung paanong nawalan ng kayamanan, kredibilidad, at mga koneksiyon ang dating makapangyarihang si Ibarra.

Ilang sandali pa, pumanaw na si Simoun. Ipinagdasal ng pari ang kapayapaan ng kaniyang kaluluwa.
At inihagis ni Padre Florentino ang mga alahas ni Simoun sa dagat.




Martes, Marso 3, 2020

Buod ng Noli Me Tangere



Matapos ang matagal na pamamalagi sa Europa dahil sa kanyang pagpapakadalubhasa, nagpasyang umuwi sa kanyang Bayang sinilangan si Crisostomo Ibarra.

Pagdating niya sa Pilipinas, nalaman niyang yumao na ang kanyang ama.  Binawian ito ng buhay sa bilangguan dahil sa kagagawan ni Padre Damaso, isang Pransiskanong Prayle.

Sinabi ni Tinyente Guevarra na pinaratangan diumano ni Padre Damaso si Don Rafael na isang Erehe at Pilibustero kaya itiniwalag ito sa simbahan at ibinilanggo. Doon ito nagkasakit at namatay.

Ngunit hindi pa tumigil si Padre Damaso. Ipinahukay nito ang mga labi ni Don Rafael para ipalipat sa sementeryo ng mga Intsik.

Kaya lang, dahil mabigat at malakas ang ulan, hindi na nagawa ng mga inutusan nito na ilipat ng sementeryo. Sa halip, napagdesisyunan na lang nilang itapon ito sa lawa.

Kasuklam-suklam ang mga inihayag ni Tinyente. Gayunpaman, sinarili ni Ibarra  ang mga nalaman niya – nanahimik lang siya at pinili nyang ituloy ang pangarap na makapagpatayo ng isang paaralan.

Pero nagbago ang lahat nang  muli silang magkita ni Padre Damaso sa isang salu-salo at  ilang beses nagparinig sa binata ang Pransiskanong pari .

Sinubukan ni Ibarra na magtimpi  at ipagwalang-bahala na lang ang nangyari sa kanyang ama. Kaya lang, nabigo siyang ikubli ang tunay na nararamdaman. Hindi siya nakapagpigil at tinangka niyang saksakin ang pari.

Mabuti na lamang, nandoon si Maria Clara na sumaway sa kanya.

Dahil sa pangyayari, itiniwalag ng simbahan si Ibarra. Sinamantala naman ito ng kontrabidang si Padre Damaso upang udyukan si Kapitan Tiago na ipawalang bisa ang nakatakda sanang pagpapakasal ni Maria Clara at ni Ibarra.

Ginawa ito ni Padre Damaso dahil gusto nitong  makasal si Maria Clara kay Linares, isang Kastilang binatilyo na kararating lamang noon sa bansa.

Kahit na tinanggap ni Maria Clara ang hatol ng pari at ng pasya ng ama nito, hindi naging masaya ang dalaga sa kinahinatnan ng  tadhana nito.  Dahil dito, nagkasakit ito.

Palihim itong pinadalhan ni Ibarra ng gamot upang agad itong gumaling.

Mapapawalang bisa na sana ang pagkakatiwalag kay Ibarra ngunit sinalakay ang kwartel ng mga Gwardya Sibil. Napagbintangan ang binate na kasama sa pag-atake kaya muli siyang  dinakip at inilagak sa kulungan.

Sinubukang patunayan ni Ibarra na wala siyang kinalaman sa pagsalakay sa kwartel ngunit napahamak siya dahil sa liham na ibinigay ni Maria Clara sa kanya. Dahil dito, tuluyan na siyang ikinulong.

Isang gabi, nakatakas si Ibarra sa kulungan, habang  may pagdiriwang sa tahanan nina  Kapitan Tiago. Ipinahayag noong gabing iyon ang kasunduan ukol sa  pag-iisang dibdib nina Linares at Maria Clara.

Bago tuluyang lumisan si Ibarra, nagawa niyang palihim na makipagkita kay Maria Clara. Pinapalaya na ng binate ang dalaga.

Nagpaliwanag si Maria Clara na si Padre Damaso ang tunay nitong ama ayon sa mga nabasa nitong liham na nasa mga kamay ni Padre Salvi. Sinabi nito na kailangan nitong protektahan ang karangalan ng namayapang ina nito kaya magpapakasal ito sa Kastilang si Linares.

Sumumpa si Maria Clara na kahit ano ang mangyari sa kanila, mananatili ang pag-ibig nito sa binata magpakailanman.

Tumakas si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila ng Bangka at palihim na tinunton ang Ilog Pasig hanggang sa makalabas sila sa may Lawa ng Bay.

Ngunit sa kasamaang palad, nakita sila ng mga awtoridad na humahabol sa kanila. Iniligaw ni Elias ang mga tumutugis sa kanila upang mailigtas si Ibarra.

Lumundag si Elias sa tubig at lumangoy papalayo.

Binaril ito ng mga gwardya sibil hanggang sa nagkulay dugo ang tubig.

Nabalitaan ni Maria Clara na pinaslang ng mga gwardya sibil si Ibarra.

Pinagbantaan ni Maria Clara ang sariling buhay kung hindi siya ipapasok ni Padre Damaso sa kumbento kaya walang nagawa ang pari kundi pagbigyan ang dalaga.

Sugatan at malubha ang lagay ni Elias nang makarating siya sa kagubatan  ng mga Ibarra. Natagpuan niya roon si Basilio kasama ang ina nitong pumanaw na.

At bago tuluyang namatay si Elias, sinabi nitong hindi man lang nito  napagmasdan ang pamimitak ng araw sa kanyang mahal na bayan. Hiniling nito  na sana, hindi malimutan ang mga taong namatay upang maipagtanggol ang bayang sinilangan.



Sabado, Pebrero 8, 2020

Ibong Adarna (Buod ng Unang Kabanata)

Noong unang panahon, sa Kaharian ng Berbanya, hinahangaan ang pamamahala ng hari na si Don Fernando.

Umunlad kasi ang kanilang kaharian at tumanggap ng pantay na biyaya ang mga mamamayan.  Nagpapatupad lang din siya ng mga kautusan na makabubuti sa lahat ng mga mamamayan  at bayan.

Umiiral naman ang hustisya sa mga usaping idinudulog sa kanya dahil inaaral muna niyang mabuti ang mga katwiran bago magbigay ng hatol.

May napakaganda at napakabuting asawa si Don Fernando.  Siya si Donya Valeriana.

May tatlo silang anak na pawing mga lalaki – sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan.

Mahal na mahal ng hari at reyna ang kanilang mga anak.  Gusto nilang lumaki ang mga ito na mararangal. Kaya naman, bata pa lang, pinaturuan na ang mga ito ng  mga kaalaman o karunungang kakailanganin ng mga ito.

Naniniwala kasi si Don Fernando na hindi porke’t hari siya,  ligtas na sa pangungutya kung maging mangmang man ang kanilang mga anak.  Alam nag hari na napakahalagang maging marunong upang maging kapaki-pakinabang sa palasyon ang isang pinuno.

Nang dumating ang araw na itinakdang pagpili ng tatlong prinsipe – pagpapari o paglilingkod sa kaharian.

Paglilingkod sa bayan ang kanilang pinili.

Minabuti ng hari na pagsanayin sila sa paghawak ng patalim at sandata ngunit isa lang ang maaaring humawak ng trono pagdating ng takdang panahon.
Siyempre pa, alam ng magkapatid na paborito ng kanilang amang hari si Don Juan.

Biyernes, Enero 31, 2020

Alam mo ba? (Para sa mas ikauunawa sa awit na Florante at Laura)

Ang mga sumusunod ay ilang pangalan o termino na ginamit ni Francisco Balagtas sa kanyang akdang Florante at Laura:


1. Gumamit si Balagtas ng alegorya sa Florante at Laura.  Sa halip na tuwirang pagtukoy, gumamit siya ng  mga simbolo upang makalusot ang akda sa mahigpit na sensura ng mga Espanyol sa panahong ‘yon. Gumamit s’ya ng mga simbolong tulad ng syerpe’, basilisko, Averno, sipres, higera, gayundin ng mga tauhan ng mitolohiyang Griyego tulad ng Adonis, Narciso, Pluton, Oreadas Nimpas at iba pa.

2. Isang maliit at madilim na butas sa isang lawa sa Timog ng Italya ang  Aberno o Averno. Dahil sa nagmumula rito noon na itim na kulay at sa usok na amoy asupre, pinaniniwalaan ng mga sinaunang Romano na ito ang pintuan ng impyerno.

3. Kilala si Pluton o Hades sa Mitolohiyang Griyego bilang Hari ng Kadiliman o Impyerno.

4. Si Narciso ay isang binatang tauhan sa mitolohiyang Griyego. Ubod siya ng kisig kaya’t hinangaan at inibig ng maraming nimpas subali’t silang lahat ay kanyang binigo. Isang araw, napatapat siya sa isang ilog at nakita niya ang kanyang anyo sa malinaw na tubig. Lubos siyang humanga at umibig sa makisig na binatang kanyang nakita ngunit hindi niya batid na siya at ang binata ay iisa.  Namatay siya dahil sa matinding obsesyon sa kanyang sariling repleksyon. Sa ngayon, ang mga taong masyadong mataas ang pagpapahalaga sa sarili o sarili lamang ang minamahal ay tinatawag na narcissistic.

5. Sa mitolohiyang Griyego, ang harpias ay mga nilalang na may katawang tulad ng sa isang ibon, may pakpak at may matutulis na kuko subalit may mukhang tulad ng sa isang babae.  Kilala ang mga ito sa pang-aagaw ng pagkain mula sa isa pang tauhan ng mitolohiyang Griyego na si Phineas.



Biyernes, Enero 10, 2020

Dokumentaryong Pampelikula



Unang nakilala bilang pinilakang tabing at sine ang pelikula na isang likhang-sining at bahagi ng industriya ng libangan.

Tula ng pagbasa ng mga aklat at ibang babasahin, maaaring maghatid ng mga kaalaman ang pelikula sa  pamamagitan ng gumagalaw na mga imahe at naririnig na mga tunog na bunga ng makabagong teknolohiya. Dahil sa panonood ng mga pelikula,  higit na nagkakaroon ng kabatiran sa kapaligiran, nailalantad ang katotohanan at realidad upang makabuo ng kuwento mula sa imaheng nilapatan ng tunog at musika.

At sa pamamagitan ng pagbuo
 ng mga dokumentaryong pampelikula, naipapamulat sa mga kaisipan at makadaragdag ng kabatiran upang maantig ang kamalayang panlipunan at mabago ang pamumuhay  ng mga manonood. Kaya naman, masasabing isang ekspresyong biswal na nagpapakita ng katotohanan ang  dokumentaryong pampelikula.

Sa pamamagitan nito, nakukuhanan at naipapakita sa mga manonood ang iba’t ibang totoong eksena, aktuwal na tanawin na parang sa travelogue. Nagkakaroon ang tagalikha ng pelikula ng  o film maker ng pag-uugnay ng mga pangyayariat ang pinapaksa ng dokumentaryo  na ang bunga’y pagiging mabisa at makabuluhan nito bilang bahagi ng kulturang popular at panitikang popular ng mga Pilipino.





MEMORANDUM PANGKAGAWARAN
B l g .   1 4 8,   s .  20 1 1                                                                                  JUL  0 1 2011 

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2011 

Sa  mga : Direktor ng Kawanihan
               Direktor n g  mga Rehiyon
               Tagapamanihala ng mga Paaralan
               Pinuno n g  mga Pampubliko a t  Pribadong Paaralan

1.  Bilang  pag-alinsunod  sa  i t inakda   ng  Proklamasyon  Blg.  1041,  s.  1997  na  nagpapahayag 
 ng  taunang  pagdiriwang  ng  Buwan ng Wikang Pambansa  tuwing Agosto, 
p a n g u n g u n a h a n  ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) ang pagdiriwang sa taong ito n a  
may  paksang-diwa  n a ,   "Ang Filipino  ay Wikang  Panlahat,  flaw  at  Lakas  sa Tuwid  na 
Landas." 
2.  Layunin n g  pagdiriwang n a  ito a n g  mga sumusunod:
a .   ma i s aka tupa r an a n g  mga tungkulin ng KWF  ayon sa itinakda ng
Seksiyon XIV, Letrang L n g  Ba t a s  Pambansa Blg. 7 104;
b.  maipatupad ng ganap a n g  Proklamasyon Blg.  104 1 ng Pangulo ng
Pilipinas;
c.  maipamalas  sa  s ambayanan  ang  kahalagahan  sa  paggunita  ng
wikang  pambans a   a t  a n g   kasaysayan  nit0  sa ika-75  anibersaryo
n g  KWF;
d.   ganyakin ang mamamayang  Pilipino n a  makilahok sa patimpalak
sa pagsulat n g  sanaysay sa wikang Filipino;
e.  ma sur i   a t   ma s u k a t   muli  a n g   naisagawa  sa  implementasyon ng
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335; a t
f.  maidaos  a n g   kumperensiyang  pangwika  n a   ang  layunin  ay
maisapanahon ang mga kaalaman a t  isyung pangwika.
3 .   Hinati sa limang lingguhang p a k s a  a n g  isang buwang pagdiriwang:
I  P e t s a   I  P a k s a   I
Pangkatarungan
Wikang Filipino: Tugon sa Malinaw n a  Programa sa Tuwid n a
Agosto 1-7
Agosto 8-  14
Agosto 15-2 1
Pagpapahalaga sa Pambansang Wika
Wika sa Pagpapatupad ng Kaunlaran a t  Disiplina ng Bayan
Wika ang Instrumento sa mga Patakarang Pangkaunlaran a t
* *   -
"EFA 2015: Karapatan ng  Lahat, Pananagutan ng  Lahat!"
Landas
Agosto 29-3 1  Wikang Filipino: Tinig ng mga Guro, Tinig ng mga Mag-aaral,
Wika ng Kabayanihan 4.  Kalakip  nito  ang mungkahing  Pa l a tuntunan ng  mga  Gawain  p a r a   sa  isang
buwang pagdiriwang.
5.  Hinihiling ang maaga a t  malawakang pagpapalaganap ng Memorandum n a  ito.
Secretary
d
Kalakip. :
Gaya n g  na s a s a ad
Sanggunian:
Memorandum Pangkagawaran: Blg. 309, s .  2010
Ilalagay sa Palaffiana Ta l a tuntunan
sa ilalim n g  mga s umu s u n o d  n a  paksa:
CELEBRATIONS & FESTIVALS
LEARNING AREA, FILIPINO
ADA, D M  20 1 1  buwan ng. wika
June12 1/20 1 1  16-24



http://www.deped.gov.ph/cpanel/uploads/issuanceImg/DM%20No.%20148,%20s.%202011.pdf