Pages

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Uri ng Sanaysay. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Uri ng Sanaysay. Ipakita ang lahat ng mga post

Martes, Oktubre 13, 2020

Ang SANAYSAY

Ang Sanaysay ay isang sulatin o akdang tuluyan na karaniwang naglalaman ng mga pananaw, kuro-kuro, o opinyon ng awtor o may-akda ukol sa mga makabuluhan at napapanahong isyu.

Ang SANAYSAY  o “essay” sa English ay ipinakilala Michel de Montaigne bilang isang anyong panitikan nang pinamagatan niyang “ESSAIS” ang kalipunan ng mga sinulat niyang kaisipan, pananaw, opinion, pananaw at damdamin sa panahon ng French Renaissance.

Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang sanaysay ay pagsasalaysay ng isang sanay.  Batay ito sa mga salitang “sanay” at “pagsasalaysay” kaya ang sanaysay ay “nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay”.

Mga Uri ng SANAYSAY

1. Pormal – Ang mga pormal na sanaysay ay may seryosong tono, may mga paksa na batay sa mga masusing pananaliksik ng may-akda at informative sapagka’t nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao, hayop, bagay, lugar at pangyayari.

2. Di-Pormal – Ang di-pormal na sanaysay ay may himig na nakikipag-usap sa mga mambabasa, tumatalakay sa karaniwang paksa, personal at pang-araw-araw at kasiya-siya. Ito ay descriptive dahil naglalarawan at nagbibigay ng sariling opinion. Nagbibigay-aliw din ito sa mga  mambabasa.

  

Mga Bahagi ng Sanaysay

1. Simula / Panimula – Ang bahaging ito ang pinakamahalaga dahil nakasalalay dito kung ipagpapatuloy ng mambabasa o hindi ang pagbasa sa sanaysay. Dapat makuha ng akda ang atensyon at damdamin ng mambabasa.

2. Gitna / Katawan – Ang bahaging ito naman ang nagtataglay ng mga mahalagang puntos o ideya at paliwanag ukol sa paksa ng sanaysay. 

3. Wakas – Sa bahaging ito isinasara ng akda ang paksang nagaganap sa gitna o katawan ng isinulat niya. Dito rin naghahamon ang akda sa mga isip ng mga mambabasa na maisakatuparan ang mga isyung tinatalakayan niya.