Unang nakilala bilang pinilakang tabing at sine ang pelikula
na isang likhang-sining at bahagi ng industriya ng libangan.
Tula ng pagbasa ng mga aklat at ibang babasahin, maaaring
maghatid ng mga kaalaman ang pelikula sa pamamagitan ng gumagalaw na mga imahe at
naririnig na mga tunog na bunga ng makabagong teknolohiya. Dahil sa panonood ng
mga pelikula, higit na nagkakaroon ng
kabatiran sa kapaligiran, nailalantad ang katotohanan at realidad upang makabuo
ng kuwento mula sa imaheng nilapatan ng tunog at musika.
At sa pamamagitan ng pagbuo
ng mga dokumentaryong
pampelikula, naipapamulat sa mga kaisipan at makadaragdag ng kabatiran upang
maantig ang kamalayang panlipunan at mabago ang pamumuhay ng mga manonood. Kaya naman, masasabing isang
ekspresyong biswal na nagpapakita ng katotohanan ang dokumentaryong pampelikula.
Sa pamamagitan nito, nakukuhanan at naipapakita sa mga
manonood ang iba’t ibang totoong eksena, aktuwal na tanawin na parang sa
travelogue. Nagkakaroon ang tagalikha ng pelikula ng o film maker ng pag-uugnay ng mga
pangyayariat ang pinapaksa ng dokumentaryo na ang bunga’y pagiging mabisa at makabuluhan
nito bilang bahagi ng kulturang popular at panitikang popular ng mga Pilipino.