Ang
Balagtasan ay isang tulang patnigan na nangangailangan ng matalas na pag-iisip.
Ang Balagtasan, na tinaguriang “makabagong duplo” ay batay sa lumang tradisyon ng patulang
pagtatalo tulad ng Karagatan.
Totoong
mayaman na sa tradisyong tulang sagutan ang
iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas bago pa man ito masakop ng mga dayuhan.
Gayunpaman,
nauso ang Balagtasan sa Panahon ng Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas.
Nabuo ang
konsepto nito sa isang pagpupulong ng nangungunang mga manunulat noong Marso
28, 1924, sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa Instituto de Mujeres (Women's
Institute), Tondo, Maynila.
Hinango sa
pangalan ng noon ay matagal nang namayapang magaling na makatang si Francisco
Balagtas ang terminong “Balagtasan” at ang unang naitalang Balagtasan sa
Pilipinas ay isinagawa bilang paggunita sa kanyang kaarawan sa nasabing taon.
Karaniwang
may paksa o isyung pinag-uusapan ang pangunahing tatlo-kataong kalahok sa
Balagtasan.
INaasahang ang mga kalahok sa Balagtasan ay magaling sa
pag-alala ng mga tulang mahahaba at pagbigkas nito nang may datíng (con todo forma)
sa publiko.
Ang
Balagtasan ay isang makabagong duplo.
Elemento ng
Balagtasan
1. Tauhan
a. Lakandiwa - tagapakilala ng paksang
paglalabanan sa
tulaan ng
dalawang mambabalagtas.
b. Mambabalagtas - tawag sa taóng nakikipagbalagtasan o makatang
lumalahok dito na karaniwan ding sumusulat ng piyesa ng balagtasan.
c. Manonood - mga tagapakinig sa isang
pagtatanghal ng balagtasan.
2. Ang paksa
– bagay o isyu na pinag-uusapan, tatalakayin o pagtatalunan upang ganap na maipaliwanag
at maunawaan ang konteksto nito. Maaari itong tungkol sa tema politika,
pag-ibig, karaniwang bagay, kalikasan, lipunan, at
kagandahang
asal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento