Mga
Kayarian ng Salita sa Filipino
1) Payak –pinakapayak o simpleng kayarian ng
salita; binubuo ng salitang-ugat lamang;
Halimbawa:
Una
Ilaw
tagumpay
tubig
bahay
hangin
sikap
2) Maylapi – binubuo ng salitang-ugat at isa
o higit pang panlapi.
Mga paraan ng paglalapi ng salita:
a. Pag-uunlapi – ang panlapi na tinatawag na
“unlapi” ay ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat
Halimbawa:
Salitang-ugat |
UNlapi |
Salitang Maylapi
(Inunlapian) |
Una Ilaw tagumpay buhay kulay hangin sikap |
Na Um Nag Ma Ma Ma mag |
nauna umilaw nagtagumpay mabuhay makulay mahangin magsikap |
b.
Paggigitlapi – ang panlapi na tinatawag na “gitlapi” ay isinisingit sa
gitna ng salita
Halimbawa:
Salitang-ugat |
GITlapi |
Salitang Maylapi (Ginitlapian) |
buhay hangin
sabi sikap |
In In Um In in |
binuhay hinangin humangin sinabi sinikap |
c. Paghuhulapi – ang panlapi na tinatawag
na “hulapi” ay idinurugtong sa dulo ng salita
Halimbawa:
Salitang-ugat |
HUlapi |
Salitang Maylapi (Hinulapian) |
Una Ilaw buhay kulay hangin sabi sikap |
hin an in an in han in |
unahin ilawan buhayin kulayan hanginin sabihan sikapin |
d. Kabilaan – ang panlapi ay ikinakabit sa
unahan at hulihan ng salitang-ugat; paggamit ng unlapi at hulapi sa salita.
Halimbawa:
Salitang-ugat |
UNlapi/ HUlapi |
Salitang Maylapi
(Kabilaan) |
Una Ilaw tagumpay buhay kulay hangin sabi sikap |
Na/han In/an Pag/an Ma/an Na/an Ma/an Pag/han Pag/an |
naunahan inilawan pagtagumpayan mabuhayan nakulayan mahanginan pagsabihan pagsikapan |
e. Laguhan – ang panlapi ay nasa unahan, gitna
at hulihan ng salitang-ugat.
Halimbawa:
Salitang-ugat |
UNlapi/ GITlapi/ HUlapi |
Salitang Maylapi
(Laguhan) |
sikap
|
Pag/um/an
|
pagsumikapan
|
3) Inuulit – ang kabuuan o isa o higit pang
pantig ay inuulit.
Dalawang uri ng pag-uulit:
a. Pag-uulit na Ganap – inuulit ang buong
salitang-ugat
Halimbawa:
araw-araw, gawa-gawa, halo-halo,
sabi-sabi, sama-sama,
b. Pag-uulit na Parsyal – isang
pantig o bahagi lamang ng salita ang inuulit
Halimbawa:
kahali-halina, bali-baligtad, kapani-paniwala
4) Tambalan – binubuo ng dalawang salitang
pinagsasama para makabuo ng isa lamang salita.
Dalawang uri ng Pagtatambal:
a. Malatambalan o Tambalang Parsyal –
nananatili ang kahulugan ng
dalawang salitang pinagtatambal.
Ginagamitan ito ng gitling sa pagitan
Halimbawa:
Bahay-ampunan,
balik-bayan,
b. Tambalang Ganap – nakabubuo ng kahulugang
iba kaysa sa
kahulugan ng dalawang
salitang pinagsama
Halimbawa:
Hampaslupa,
bahaghari, balikbayan, kapit tuko