Pages

Linggo, Disyembre 11, 2011

Sa Pula, Sa Puti


- Francisco "Soc" Rodrigo  

Kulas: A…hem! E, kumusta ka ngayong umaga, Celing. 
Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kamustahin. 
Kulas: Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin? 
Celing: Sapagkat pagkidlat ng mata mo sa umaga, wala ka ng iniisip kamustahin at himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo ang tinali mo kaysa sa akin. 
Kulas: Ano ka ba naman, Celing, wala ng mas mahal pa sa akin sa buhay na ito kundi ang asawa. 
(Ilalagay ang kamay sa balikat ni Celing). 
Celing: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyong tinali, ibig ko ng kung minsang mainggit at magselos. 
Kulas: Ngunit Celing, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang mabuti ang mga tinaling ito ay para sa atin din. Sila ang magdadala sa atin ng grasya. 
Celing: Grasya ba o disgrasya, 
gaya ng karaniwang nangyayari? 
Kulas: Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako nga'y napagtalo noong mga nakaraang araw, sapagkat
noon ay hindi pa ako bihasa sa pagpili at paghimas ng manok. Ngunit ngayon ay marami na akong natutuhan, mga bagong sistema. 
Celing: At noong nakaraang Linggo, noong matalo ang iyong talisain, hindi mo pa ba alam ang mga bagong sistema. 
Kulas: Iyon ay disgrasya lamang, Celing, makinig ka. Alam mo, kagabi ay nanaginip ako. Napanaginipan kong ako'y hinahabol ng isang kalabaw na puti. Kalabaw na puti, Celing! 
Celing: E ano kung puti? 
Kulas: Ang pilak ay puti, samakatwid ang ibig sabihin ay pilak. At ako'y hinahabol…Hinahabol ako ng pilak…ng kuwarta! 
Celing: Ngunit ngayon ay wala nang kuwartang pilak. 
Kulas: Mayroon pa, nakabaon lang. kaya walang duda, Celing. Bigyan mo lamang ako ng limang piso ngayon ay walang salang magkakuwarta tayo. 
Celing: Ngunit, Kulas, hindi ka pa ba nadadala sa mga panaginip mong iyan? Noong isang buwan, nanaginip ka ng ahas na numero 8. Ang pintakasi
noon ay nation sa a-8 ng Pebrero at sabi mo'y kuwarta na ngunit natalo ka ng anim na piso. 
Kulas: Oo nga, ngunit ang batayan ko ngayon ay hindi lamang panaginip. Pinag-aralan kong mabuti ang kaliskis at ang tainga ng manok na ito.Ito'y walang pagkatalo, Celing. Ipinapangako ko sa iyo, walang sala tayo ay mananalo. 
Celing: Kulas, natatandaan mo bang ganyan-ganyan din ang sabi mo sa akin noong isang Linggo tungkol sa manok mong talisain? At ano ang nangyari? Nagkaulam tayo ng pakang na manok. 
Kulas: Sinabi ko nang iyon ay disgrasya! 
(Maririnig uli ang sigawan sa sabungan. Maiinip si Kulas). 
Sige na, Celing. Ito na lamang. Pag natalo pa ang manok na ito, hindi na ako magsasabong. 
Celing: Totoong-totoo? 
Kulas: Totoo. Sige na, madali ka at nagsusultada na. sige na, may katrato ako sa susunod na sultada. Pag hindi ako dumating ay kahiya-hiya.
(Titingnan ni Celing ang pagkakabalisa ni Kulas at maisip na walang saysay ang pakikipagtalo pa, iiling-iling na dudukot ng salapi sa kanyang bulsa). 
Celing: O, Buweno, kung sa bagay, ay tatago lamang ako ng pera. O, heto. Huwag mo 
sana akong sisihan kung mauubos ang kaunting pinagbilhan ng ating palay. 
Kulas: 
(Kukunin ang salapi) 
Huwag kang mag-alala, Celing, ito'y kuwarta na. seguradong-segurado! O, Buweno, diyan ka muna. 
(Magmamadaling lalabas si Kulas, ngunit masasalubong si Sioning sa may pintuan.) 
Sioning: Kumusta ka, Kulas? 
Kulas: 
(Nagmamadali) 
Kumusta…e…eh…Sioning didispensahin mo ako. Ako lang ay nagmamadali. Eh…este…nandiyan si Celing! Heto si Sioning. Buwena-diyan kana. 
(Lalabas si Kulas). 


Linggo, Nobyembre 6, 2011

Kaligirang Pangkasaysayan ng Dulang Pangtanghalan


Ang tunay na drama ayon kay Sebastian ay nagsimula noong mga unang taon ng pangungupkop ng mga Amerikano. Idinagdag pa ni Tiongson na ang drama ay binubuo ng tanghalan, iba’t ibang  kasuotan, iskripto, “characterization”, at “internal conflict”.  Ito an pangunahing sangkap ng tunay na drama ayon  sa banyagang kahulugan.  Sa kabilang dako, ayon sa mga librong  kinunsulta ko, ang drama ay drama kahit wala ang mga sangkap na nabanggit. Ito ang dramang Pilipino.  Ayon pa rink ay Tiongson. Memises  ang pangunahing  sangkap  ng Dulang Pilipino.  Memises ay ang pagbibigay buhay ng actor sa mga pang-araw-araw  na pangyayari sa buhay ng mga Pilipino.  Ito rin ang malaking pagkakaiba ng banayaga sa Pilipinong dula.

Inilalarawan sa  tunay na  PIlipinong Dula ang mga pangarap ng bansa. Dito ipinapakita ang mga katutubong kultura, paniniwala at tradisyon. Ikinukuwento rin ang paghihirap at pagpupunyagi sa buhay ng mga katutubong Pilipino.  Dito rin mamamalas ang iba’t ibang anyo ng kanilang pamahalaan at uri ng lipunan.  Samakatuwid, ang tunay a dulang Pilipino ay nagbibigay ng mas malawak na pang-unawa sa kulturang Pilipino at nagbibigay ng kasagutan sa  mga pangangailangan ng mga Pilipino.  Higit sa lahat, ito’y nagsisilbing gabay para sa kabutihan ng mga mamamayang Pilipino.

Ang kasaysayan ng Dulang Pilipino ay isinlang sa lipunan  ng mga katutubong  Pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop. Ayon kay Casanova, ang mga katutubo’y likas na mahiligin sa mga awit, sayaw, at tula na siyang  pinag-ugatan ng mga unang anyo ng dula.  Ang mga unang awitin ay nasa anyo ng tula.  Ang mga katutubo rin ay mayaman sa epikong bayan na kalimita’y isinasalaysay sa pamamagitan ng pag-awit.Ang mga awit, sayaw at ritwal ay karaniwang ginaganap para sa pagdiriwang ng kaarawan, binyag, pagtutuli, ligawan, kasalan, kamatayan, pakikipagdigmaan , kasawian, pananagumpay, pagtatanim, pag-aani, at pangingisda, atbp. Bago dumating ang mga katutubong Pilipino.

                                                        -Mula sa Gabay ng Pagtuturo ng Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010


Sabado, Agosto 6, 2011

Eagle Bayan Care-avan, Tagumpay

E

Dumagsa ang mga mamamayang nagnais  maka-avail ng mga libreng benepisyong ipinagkakaloob ng  Eagle Bayan Care-avan sa araw na ito ng Sabado, Agosto 6, 2011.


Sabay-sabay na isinagawa ito sa  limang dako sa NCR - Marikina Sports Complex, Amoranto Sports Complex, Cuneta Astrodome, Oreta Site, San Andres Stadium at NEU Lobby.


Bukod sa  libreng Medical Consultation, Dental Check-up at Legal Consultation, namigay din ng mga gamot at vitamins , at iba pa sa mga bata at matatanda.

Sabado, Hulyo 30, 2011

PAKSIW NA AYUNGIN


Pete Lacaba

Ganito ang pagkain
ng paksiw na ayungin
bunutin ang palikpik
at ang natirang tinik
(para sa pusa iyan)
at ilapit sa labi
ang ulo at sipsipin
ang mga matang dilat;

pagkatapos ay mismong
ang ulo ang sipsipin
hanggang sa maubos ang katas nito
saka mo umpisahan ang laman


Unti-unti lang, dahan
dahan, at simutin nang
husto-kokonti iyan
ulam natin, mahirap
paglawain sa sabaw

at huwag kang aangal
payat man ang ayungin
pabigat din sa tiyan..


Paglisan


Joi Barrios

Sinasalat ko bawat bahagi
Ng aking katawan.
Walang labis, walang kulang.
Sinasalat ko bawat bahagi
Ng aking katawan.
Nunal sa balikat,
Hungkag na tiyan.
May tadyang ka bang hinugot
Nang lumisan?
Sinasalat ko bawat bahagi
Ng aking katawan.
Sa kaloob-looban,
Sa kasulok-sulukan
Nais kong mabatid

Ang lahat ng iyong
Tinangay at iniwan.
Nais kong malaman,
Kung buong-buo pa rin ako sa iyong
paglisan



Biyernes, Hulyo 29, 2011

Sa aking mga Kababata

ni  Jose Rizal

Kapagka ang baya'y sadyáng umiibig
Sa kanyáng salitáng kaloob ng langit,
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka't ang salita'y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharián,
At ang isáng tao'y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaán.

Ang hindi magmahal sa kanyang  salitâ
Mahigit sa hayop at malansáng isdâ,
Kayâ ang marapat pagyamaning kusà
Na tulad sa ináng tunay na nagpalà.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Inglés, Kastilà at salitang  anghel,
Sapagka't ang Poong maalam tumingín
Ang siyang naggawad, nagbigay  sa atin.

Ang salita nati'y tulad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawalá'y dinatnan ng  sigwâ
Ang lunday sa lawà noóng  dakong una



Huwebes, Hulyo 28, 2011

ANG BUHAY NG TAO



Jose Corazon de Jesus

Inakay na munting naligaw sa gubat
ang hinahanap ko’y ang sariling pugad
ang dating pugad ko noong mapagmalas
nang upuan ko na ang laman ay alias.

O ganito pala itong daigdigan
marami ang sama kaysa kabutihan
kung hahanapin mo ang iyong kaaway
huwag kang lalayo’t katabi mo lamang.

Ako’y parang bato na ibinalibag
Ang buong akala’y sa langit aakyat
Nang sa himpapawid ako’y mapataas
ay bigat ko na rin ang siyang naglagpak.

INANG WIKA


-Amado V. Hernandez

Natapos ang kasal…
Maligayang bati, birong maaanghang
At saboy ng bigas ang tinanggap naming pagbaba sa altar;
Nang mga sandaling pasakay na kami sa aming sasakyan
Ay may alingasngas akong napakinggan…
At aking natanaw;
Yaon ding matanda ang ligid ng taong hindi magkamayaw;
Ako’y itinulak ng hiwagang lakas na di mapigilan
At siya’y patakbong aking nilapitan;
Nang kandungin ko na sa aking kandungan,
Sa mata’y napahid ang lahat ng luha, dusa’t kalungkutan,
Masuyong nangiti’t maamong tinuran:

Miyerkules, Enero 12, 2011

HANDIONG

Epiko ng Bikol
Salin sa Tagalog ni J. Arrogante

VIII
Ang Kabikolan ay isang lupain
Patagang  mayaman sa mga baybayin
Sa buong daigdig pinakamarikit
Sagana sa butil, aming nakakamit.

IX
Si Baltog ang lalaking kauna-unahang
Nanirahan sa dakilang patagan
Nagmulang Botavara,
Lahing di nakikita

Lunes, Enero 10, 2011

Dumalo si Tuwaang sa Isang Kasalan


(Halaw mula sa Tuwaang – Epikong Manobo)
Ipinagtapat ni Tuwaang ang ipinag-uutos sa kanya ng hangin sa kanyang tiyahin sa ina.  Ito ay tungkol sa dapat niyang pagdalo sa kasal ng Mutya ng Monawon.
“Tuwaang, huwag ka nang pumunta,” pigil ng kanyang tiyahin. “Nararamdaman kong hindi ka mapapabuti roon.”
Nagmatigas ang determinadong si Tuwaang. Tiniyak niya sa kanyang tiyang na kaya niya ang kanyang sarili. Masidhi ang pagnanais niyang Makita ng kagandahan ng dalaga ng Monawon.
Naghanda si Tuwaang at tumulak na sa pagdalo sa kasal. Isinakbit niya  ang hugis-pusong buslo na maaaring makapagpakidlat, ginamit ang kupya at baluti na gawa pa ng mga diyosa, at  dinala ang isang mahabang espada at punyal, maging ang kanyang kalasag at sibat.
Narating ni Tuwaang ang kapatagan ng Kawkawangan sa pamamagitan ng talim ng kidlat.  Nang nagpapahinga na siya roon ay nakarinig siya ng huni ng ibong gungutan. Tinangka niyang hulihin ang ibon ngunit, nakita niya ang matatalim na tari nito. Nagsalita ang Gungutan at sinabi nito kay Tuwaang na dahil sa panaginip kaya niya nalaman ang pagdating ng binata, na gusto niyang samahan .

Linggo, Enero 9, 2011

INDARAPATRA AT SULAYMAN

 (Isinatula ni Bartolome del Valle)

Noong unang panahon ayon sa alamat ng pulong MIndanaw,
ay wala ni kahit munting kapatagan. Pawang kabundukan
ang tinatahanan ng maraming taong doo’y namumuhay
maligaya sila sapagkat sagana sa likas na yaman.

Subali’t ang lagim ay biglang dumating sa kanilang bundok
na dati’y payapa. Apat na halimaw ang doo’y nana lot.
Una’y si Kurita na maraming paa at ganid na hayop
pagka’t sa pagkain kahit limang tao’y kanyang nauubos.

Ang Bundok Matutum ay tinirhan naman ng isang halimaw
na may mukhang tao na nakatatakot kung ito’y mamasdan,
ang sino mang tao na kanyang mahuli’y agad nilalapang,
at ang laman nito’y kanyang kinakain na walang anuman.

Ang ikatlo’y si Pah na ibong malaki. Pag ito’y lumipad
ang Bundok na Bita ay napadidilim niyong kanyang pakpak,
ang lahat ng tao’y sa kuweba tumahan upang makaligtas
sa salot na itong may matang malinaw at kukong matalas.

Ang Bundok Kurayang pinananahanan ng maraming tao
ay pinagpalagim ng isa pang ibong may pitong ulo;
walang makaligtas sa bagsik ng kanyang matalas na kuko
pagkat maaaring kanyang matanaw ang lahat ng dako.

Linggo, Enero 2, 2011

'Holidays' sa Taong 2011

Ang sumusunod ay listahan ng mga araw na  ipagdiriwang o “holidays” para sa taong ito ng 2011 sa ilalim ng   Proklamasyon Blg 84.

A. Regular Holidays
New Year’s Day – January 1 (Saturday)
Araw ng Kagitingan – April 9 (Saturday)
Maundy Thursday – April 21
Good Friday – April 22
Labor Day – May 1 (Sunday)
Independence Day – June 12 (Sunday)
National Heroes Day – August 29 (Last Monday of August)
Bonifacio Day – November 30 (Wednesday)
Christmas Day – December 25 (Sunday)
Rizal Day – December 30 (Friday)

B. Special (Non-Working) Days
Ninoy Aquino Day – August 21 (Sunday)
All Saints Day – November 1 (Tuesday)
Last Day of the Year – December 31 (Saturday)

C. Special Holiday (for all schools)
EDSA Revolution Anniversary – February 25 (Friday)

Ayon sa GMANews.tv,   tatlong ‘holidays’ lamang ang magbibigay sa publiko ng mahabang  ‘weekends’ o pahinga na mas mababa sa kalahati ng 11 na mahabang ‘weekends’ noong taong 2010.

Sinabi ni  Chief Presidential Legal Counsel Eduardo de Mesa sa GMANews.tv  na nasa diskresyon ni Pangulong  Noynoy Aquino sa paglilipat ng mga holiday na hindi pangrelihiyon sa araw ng Lunes na pinakamalapit dito.  Binanggit ni  de Mesa ang  RA 9492 na nagsasaad na ang mga di-pangrelihiyong ‘holidays’ ay maaaring ilipat maliban kung itinalaga ng batas at/o ng proklamasyon