Epiko ng Bikol
Salin sa Tagalog ni J. Arrogante
VIII
Ang Kabikolan ay isang lupain
Patagang mayaman sa mga baybayin
Sa buong daigdig pinakamarikit
Sagana sa butil, aming nakakamit.
IX
Si Baltog ang lalaking kauna-unahang
Nanirahan sa dakilang patagan
Nagmulang Botavara,
XI
Nang ito’y kanyang masukol,
Sa sibat ito’y nasapol
At sa brasong Herkules sa lakas
Ang panga ng hayop ay nangagkapilas.
XII
Bawat panga’y sukat
Sa habang sandipa
Dalawang katlo ang mga pangil
Ng tanganan ng kanyang sibat.
XIII
At siya’y umuwi sa kanyang lupain
Ang dalawang panga’y kanyang binitin
Sa puno ng isang talisay
Sa Tondo, malapit sa bahay.
XIV
Ang matandang mangangasong pulangan
Nangamangha sa nangapagmasdang
Mga tropeo na tinagumpayan
Ni Baltog na hari’t makapangyarihan.
XV
Nang mausisa itong lubos ay nangagsidulong
MGa kapulungan nina Panicuason at Asog,
Dahil sa tanang buhay na kanilang inilagi,
Malas na makakita pa ng hayop na kay laki.
XVI
Tandang ito pinangalanan
Nagmula sa Ligniong kagubatan
Dahil larawan itong tunay
Ni Behemoth, isang halimaw.
XVII
Pagkatapos nito, sa Bikol dumating na
Si Handiong at sampu ng kanyang kasama
Ang mga halimaw sa baya’y tinugis
Sa konting panahon lahat ay napalis.
XVIII
Mababangis na halimaw libong pinangalap
Nang lahat ng ito ay magsilahong ganap,
Napagtagumpayan naman niya ang lahat,
Bawat halimaw ay isa-isang nasibat.
XIX
May ‘sang mata’t tatlong bibig na halimaw
Na ninirahan sa nayon ng Ponon
Loob ng sampung buwa’t wala ni ahon
Wala ni antala ito’y kanyang pinanaw.
XX
Ang pating na may pakpak
Ang kapon na mailap,
Sa bundok nangaglipad
Inamo niyang lahat.
XXI
Ang mga higanteng buwaya
Sabi’y halimaw ang kapara
Ang mababangis na sarimaw
Ay sa Colasi nagkamayaw
XXII
Ang mga serpiyente roong
Kaboses ng mga sirena
Sa bunganga ng bundok-Hamtik
Doo’y pinaglilibing niya.
XXIII
Ngunit di niya magapi-gapi
Sa anumang galing niya’t lansi
Ang ahas ng katusu-tusuhan,
Kilala sa Oriol na ngalan.
XXIV
Mas matalino ang ahas
Kaysa kay Handiong na pantas
May pangkulam nitong mata
Ay nakapanggagayuma.
XXV
Sanlibong lasong pinagbubuhol ang ahas
Ngunit sa dayaan ito ay pangahas.
Lahat ng sandali’y agad nakakalas
Angking dunong sadya ay lubhang matalas.
XXVI
Sa mapanggayuma nitong mga bulong
Nabigo ang lahat ng tangka ni Handiong
Sa pagkamalinlang at pagkamarunong
Si Oriol ay gurong walang kasindunong.
XXVII
Makakailang hanap at bakasakali
Ang pagtatalunton sa w ala nauwi.
Ang boses ni Oriol na kanyang nilimi
Sya pala’y nadaya na naming muli.
XXVIII
Si Herkules sa mga tungkuling ginagampanan
Ang bawat pananakop ay pinagtagumpayan
Kung nangagbigo man
Gawa na ng kulam.
XXIX
Mga bakulaw at mga orang-utang
Makita lang siya’y nahihintakutan
Dahil ang mga sapa sa Kabikulan
Sa pula ng dugo’y kanayng kinulayan.
XXX
May mga unggoy ding mahilig sa away
Nang ang kagitinga’y makilalang tunay,
Ngunit ang lahat ay nagapi ni Handiong
Kaya sa Isarog, sila ay nagsiurong.
Kaya sa Isarog, sila ay nagsiurong.
XXXI
At lumaya rin sa mga mapanila
Mamamayang ngayo’t lahat natimawa
Sa batas na si Handiong din ang may gawa
Isip niyang sukat kapakanang madla.
XXXII
Si Handiong at ang kanyang mga kasamahan
Ang bundok na muni ay pinagtatamnan
Ng linsang namumunga ng dagan-dagan
Na pagkalalaki gaya’y barakilan.
XXXIII
Lahat ng kapataga’y
Pinagtatamnang palay
Na sa dumating pang dantaon
Nagpapadakila lalo kay Handiong
XXXIV
Ang unang Bangka ay gawa rin ni Handiong
Nang ang Kabikula’y lubos na matunton
Maliban na lamang sa layag at timon
Pagka’t ito naman’y gawa ni Guimatong.
XXXV
Ang mga araro’y likha ni Guinatong
Ang panuyod at ang pagulong
Ang mga panukat at gating
Ang pamatok, ang asarol at ang sundang.
XXXVI
Ang habihan, ang ikiran
Kay Hablon naming paraan,
Ang lahat sa kanya ay nangaggilalas
Minsang kay Handiong mga ito’y ipamalas.
XXXVII
Naimbento rin ang bang.
Palayok, kalan at paso
Iba pang gamit na likha
Ni Dinahon, ang unano.
XXXVIII
Ang masinsing Alibata
Si Surat ang nagsama-sama
Umukit sa batong Libon
Na binuli naman ni Gapon.
XXXIX
Nagawa ang baya’t mga bahay
Sa sukat na hindi pantay-pantay.
Sa mga sanga’y nagbitin
Mga kamago’t kamuning.
XL
Ang kulisap ay nangagkawan
Sa init na nasa kahigtan
Hanay ay moog na mapagkukutaan
Nang ang matinding araw ay maalpasan.
XLI
Makatarungang batas ni Handiong ay pinairal
Nang mapangalagaan ang buhay at dangal
Nang lahat ng kanyang mga nasasakupan
Na walang itinatangi na kahit sinuman.
XLII
Binantayan ang lahat ng pansariling kalagayan
Ang pinuno at maging ang alila man
Igagalang ng bawat isa angmga karapatang
Tanging galing sa buhay at kamatayan.
XLIII
At nagkaroon ng delubyo
Ang sugo ni Onos na bagyo
Ang ibabaw ng mundo
Ay ganap na nagbago.
XLIV
Ang mga bulka’y sumabog
Hantik, Colasi, Isarog
At naramdaman din
Ang makayanig na lindol.
XLV
Ang lindol na ‘yon na kay lakas
Ang tubig sa dagat ay tinuyong inawas
Nabuo ang istmong Pasacao
Na makikita natin sa pagkakahimlay.
XLVI
Sa pagkahati ng kapuluan
Ay napawalay ang Malbogon
Munting pulong pinananahanan
Ng manghuhulang sibilang Hilan at Lariong.
XLVII
Lumihis ang Ilog Inarihan
Nagpakiwal-kiwal pasilangan
At bago magkadelubyo
Sa Pono umagos ito.
XLIII
Sa Bato’y lumubog ‘sang malaking bundok
NGunit ang lumitaw sa mismo ring pook
Ay dagat-dagatang pinangingisdaan
Sa Ibalon ngayo’y siyang kabuhayan.
XLIX
Ang makapangyarihang kaharian noong
Kapanahunan pa ni Bantong
Kaibigang tangi at bugtong
Ng walang pagkatalo at dakilang Handiong.
L
Si Handiong at libong tauhan si Bantong ay pinuntahan
Na anga kalahati ay tao at kalahati ay hayop
Datapwa’t pantas naman.
LI
Ang mga umahong una doon,
Bago dumating ang ekspedisyon
Pawang lahat nagging mga bato’t
Nabalani ng bulong ni Rabot.
LII
Alam ni Bantong gawi ng salamangkero
Na sadyang malalim kung matulog,
Napakatagal, halos sa buong araw.
Nang walang anumang pag-iingat sa buhay.
LIII
Dumating kay Bantong ang mga sundalo
Isang aaraw habang doo’y bumabaha,
At bago magising ang salamangkero
Katawa’y tadtad na sa pagkakahiga.
LIV
Ang lahat ay nangagsigawan
Sa tonong makapangyarihan
Narinig sila ng mga bakawan
NG mga bunga’t mga kamagong man.
LVI
Bangkay ay dinala nila sa Libmanan
Kay dakilang Handiong nang it’y mamasdan
Nang biglang makita siya ay namangha
Tagal natahimik sa pagkatulala.
LVII
Kailanma’y hindi pa siya nakakita
Ng higanteng nabubuhay na dito’y gagaya
Sa anyo na lamang katatakutan na
Ang boses kaya ang di-makagitla pa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento