Pages

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Amado V. Hernandez. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Amado V. Hernandez. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Hulyo 28, 2011

INANG WIKA


-Amado V. Hernandez

Natapos ang kasal…
Maligayang bati, birong maaanghang
At saboy ng bigas ang tinanggap naming pagbaba sa altar;
Nang mga sandaling pasakay na kami sa aming sasakyan
Ay may alingasngas akong napakinggan…
At aking natanaw;
Yaon ding matanda ang ligid ng taong hindi magkamayaw;
Ako’y itinulak ng hiwagang lakas na di mapigilan
At siya’y patakbong aking nilapitan;
Nang kandungin ko na sa aking kandungan,
Sa mata’y napahid ang lahat ng luha, dusa’t kalungkutan,
Masuyong nangiti’t maamong tinuran: