Pages

Linggo, Nobyembre 6, 2011

Kaligirang Pangkasaysayan ng Dulang Pangtanghalan


Ang tunay na drama ayon kay Sebastian ay nagsimula noong mga unang taon ng pangungupkop ng mga Amerikano. Idinagdag pa ni Tiongson na ang drama ay binubuo ng tanghalan, iba’t ibang  kasuotan, iskripto, “characterization”, at “internal conflict”.  Ito an pangunahing sangkap ng tunay na drama ayon  sa banyagang kahulugan.  Sa kabilang dako, ayon sa mga librong  kinunsulta ko, ang drama ay drama kahit wala ang mga sangkap na nabanggit. Ito ang dramang Pilipino.  Ayon pa rink ay Tiongson. Memises  ang pangunahing  sangkap  ng Dulang Pilipino.  Memises ay ang pagbibigay buhay ng actor sa mga pang-araw-araw  na pangyayari sa buhay ng mga Pilipino.  Ito rin ang malaking pagkakaiba ng banayaga sa Pilipinong dula.

Inilalarawan sa  tunay na  PIlipinong Dula ang mga pangarap ng bansa. Dito ipinapakita ang mga katutubong kultura, paniniwala at tradisyon. Ikinukuwento rin ang paghihirap at pagpupunyagi sa buhay ng mga katutubong Pilipino.  Dito rin mamamalas ang iba’t ibang anyo ng kanilang pamahalaan at uri ng lipunan.  Samakatuwid, ang tunay a dulang Pilipino ay nagbibigay ng mas malawak na pang-unawa sa kulturang Pilipino at nagbibigay ng kasagutan sa  mga pangangailangan ng mga Pilipino.  Higit sa lahat, ito’y nagsisilbing gabay para sa kabutihan ng mga mamamayang Pilipino.

Ang kasaysayan ng Dulang Pilipino ay isinlang sa lipunan  ng mga katutubong  Pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop. Ayon kay Casanova, ang mga katutubo’y likas na mahiligin sa mga awit, sayaw, at tula na siyang  pinag-ugatan ng mga unang anyo ng dula.  Ang mga unang awitin ay nasa anyo ng tula.  Ang mga katutubo rin ay mayaman sa epikong bayan na kalimita’y isinasalaysay sa pamamagitan ng pag-awit.Ang mga awit, sayaw at ritwal ay karaniwang ginaganap para sa pagdiriwang ng kaarawan, binyag, pagtutuli, ligawan, kasalan, kamatayan, pakikipagdigmaan , kasawian, pananagumpay, pagtatanim, pag-aani, at pangingisda, atbp. Bago dumating ang mga katutubong Pilipino.

                                                        -Mula sa Gabay ng Pagtuturo ng Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010


Walang komento: