Pages

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Buhay ng Tao. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Buhay ng Tao. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Hulyo 28, 2011

ANG BUHAY NG TAO



Jose Corazon de Jesus

Inakay na munting naligaw sa gubat
ang hinahanap ko’y ang sariling pugad
ang dating pugad ko noong mapagmalas
nang upuan ko na ang laman ay alias.

O ganito pala itong daigdigan
marami ang sama kaysa kabutihan
kung hahanapin mo ang iyong kaaway
huwag kang lalayo’t katabi mo lamang.

Ako’y parang bato na ibinalibag
Ang buong akala’y sa langit aakyat
Nang sa himpapawid ako’y mapataas
ay bigat ko na rin ang siyang naglagpak.