Pages

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Paksiw na Ayungin. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Paksiw na Ayungin. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Hulyo 30, 2011

PAKSIW NA AYUNGIN


Pete Lacaba

Ganito ang pagkain
ng paksiw na ayungin
bunutin ang palikpik
at ang natirang tinik
(para sa pusa iyan)
at ilapit sa labi
ang ulo at sipsipin
ang mga matang dilat;

pagkatapos ay mismong
ang ulo ang sipsipin
hanggang sa maubos ang katas nito
saka mo umpisahan ang laman


Unti-unti lang, dahan
dahan, at simutin nang
husto-kokonti iyan
ulam natin, mahirap
paglawain sa sabaw

at huwag kang aangal
payat man ang ayungin
pabigat din sa tiyan..