Pages

Lunes, Agosto 25, 2014

SINAG SA KARIMLAN


ni  Dionisio S. Salazar

(Maraming sanhi ang isinasama ng isang tao. Kung minsa’y dala ng kapaligiran o impluwensiya ng barkada. Sa ating dula, tuklasin kung bakit naligaw ng landas si Tony. Paano siya muling nakabalik sa matuwid?)
MGA TAUHAN :
 Tony (Binatang bilanggo)
                 Luis (Ang kanyang ama)
            Erman
            Doming (Mga kapwa bilanggo)
            Bok
            Padre Abena (Isang pari ng bilibid)
            Miss Reyes (Isang Nars)
            Isang Tanod

PANAHON:
                Kasalukuyan

TAGPUAN:
                Isang panig ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa.

ORAS :
                Umaga

PROLOGO :
                Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa: Wakas at Simula …
Moog ng katarungan … Sagisag ng Demokrasya … Salaming pambudhi … Palihan ng puso’t diwa… Waterloo ng kasamaan… Hamon sa pagbabagong buhay …
May mga maikling gayung dapat hubdan ng mascara at sa sinapupunan nito kailangang iwasto ay hayu’t talinghagang mamamayagpag at umiiring sa batas. Sa isang dako’y may mga walang malay na dahil sa kasaliwaang-palad, kahinaan, o likas na mapagsapalaran ay dito humahantong; dito rin sinisikatan o nilulubugan ng Katotohanan at Katarungan…
Marami nang lubha ang mga pang pumasok at lumabas dito. Walang makapagsasabi kung gaano pa karami ang tatanggap ng kanyang tatak…
May sala o wala, ang bawat pumasok dito ay kabuuan ng isang marikit at makulay na kasaysayan…
Pagbubukas ng tabing ay mabubungad ang isang bahagi ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa. May anim na teheras ang makikita rito. Ang dalawang nasa makabilang gilid ay bakante. Sa dalawang nasa gawing kanan ay magkaagapay si Tony (19 na taon) at si Bok (29); sa gawing kaliwa naman ay naroroon si Mang Erman (45) at si Doming (30). May munting durungawang nahahadlangan ng mga rehas na bakal na makikita sa gawing likod, kalagitnaan. Hubad ang natutulog na si Tony. May bakas ng dugo ang mga bendang nasa kanyang tiyan at kaliwang bisig . May black eye rin siya. Si Bok ang bilanggong labas-masok sa Bilibid, ay nakakulubong – may trangkaso siya. Si Mang Erman, na may apat na araw nang naooperahan ng almoranas, ay gising at waring nag-iisip. Naka-plaster cast naman ang isang paa ni Doming … Paminsan minsa’y maririnig ang malakas ng paghilik ni Bok .
Doming: (Bibiling sa higaan, iiangat ang ulo, at tatanungin si Bok) tipaningmayap, lakas namang mag-ilik ni Bok.
Ernan: (Mangingiti) Pasensiya ka na Doming.
Doming: Kelan pa kaya lalabas dito ‘yan, a Mang Ernan? Traga malas hang. BABAYING . Ba, sino ‘yan? …. (Ingunguso si Tony.)
Ernan: Ewan, Hatinggabi kagabi nang ipasok ‘yan dito. Kawawa naman. Dugu-dugun siya.
Doming: OXO seguro ‘yan. O kaya Sigue-Sigue. Nagbakbakan naman seguro. (Mamasdang mabuti si Tony.) Mukhang bata pa.
Ernan: At may hitsura, ang sabihin mo.(Mapapalakas ang hilik ni Bok.)
Doming : Tipaning – parang kombo! (Matatawa si Mang Ernan.)
Bok: (Biglang mag-aalis ng kulubong; pasigaw) Saylens! Magapatulog man kayo! Yawa….
Ernan: Si Bok naman. Konting lamig, ‘bigan.
Doming: Hisi lang, Tsokaran.
Bok: Tuluyan nang babangon: matapos mag-inat at maghikab ay susulyapan ang katabi) Nagapuyat ako kagab-i. Galaking sugat n’ya.(Titingnan ni Tony.) (Kikilos sa pagkakahiga at mapapahalinghing si Tony.)
Doming: Kilala mo siya, Bok?
Bok: (Sabay iling) De-hin. Kung ibig yo gigis-
Doming : Ba, ‘wag!, Makikitang kikilos si Tony.) O, ayan, gising na.
Tony: (Matapos huminga ng paimpit na waring ayaw ipahalata ang nararamdamang sakit) M-ma—gandang umaga senyo…
Ernan: Gayundin sa ‘yo. Este, ano nga’ng - ?
Tony: (Mauupo; mahahalatang nagpipigil pa rin sa sakit) Tony ho’ng pangalan ko. Tekayo! Kayo si Ginoong Ernani Alba, di ho ba?
Ernan : Ako nga.
Tony : Nababasa ko’ng inyong mga akda. Hanga ako senyo!
Ernan: Salamat, Tony.
Bok: (May pagmamaki) ako gid, de-hin mo kilala? Di wan en only Bok –alyas Thompson Junior. Big bos ng Batsi Gang. Marai padrino. Yeba!… (Mangingiti ng makhulugan ang lahat.)
Tony: Haharapin si Doming; malumanay) Kayo?
Doming: Doming hang palayaw ko. Walang h-alyas .
Bok : (Kay Tony) OXO? … Sigue – Sigue? … Bahala na? … Pawang iling ang itutugon ni Tony.) Beri-gud Ginsama ka a ‘ming Batsi Gang, ha?
Tony: Salamat, Bok. Pero sawa na ‘ko sa mga gang, sa mga barkada. Dahil sa barkada’y – heto, magdadalawang taon na ‘ko dito sa Big House.
Ernan : Mukhang makulay ang … Pewede ba Toning kahit pahapyaw ay ibida mo sa ‘min ang iyong buhay?
Bok : (Bago makapangusap si Tony) Holdi’t,Tony boy! … Ba’t nagalaslas ang imong tiyan, ber? At… teribol yang blakay mo. Yawa.
Doming: (Mapapansin ang pangagasim ng mukha ni Tony) Makakaya mo ba, Tony?
Tony: (Tatango muna bago umayos ng upo) Pumuga sina Silver Boy kagabi. Nang hindi ako sumama’y sinuntok ako. Mabuti kanyo’t nailagan ko’ng saksak ditto (sabay turo sa kaliwang dibdib), kundi’y … nasirang Tony na ‘ko ngayon. Pero ang di nailaga’y yung sakyod ni Pingas … Nagpatay-patayan lang ako kaya … Aruy!
Ernan: Sa narinig kong usapan ng nars at tanod kagabi ay tatlo ang napatay. Tila lima ang patawirin. Ang iba’y nahuli. (Sa sarili) A, kalayaan, sa ngalan mo’y kay dumaming humahamak sa kamatayan ! Kay Tony ) mabuti’t tumanggi ka, Tony, kundi’y … ‘tay kung masakit ‘yan ay saka na.
Tony : Huwag kayong mag-alala, kaya ko ito … (Hihinga muna nang mahaba.) Mula nang madala ko rito, e nag-iba na’ng takbo ng … Naisip kong walang ibubungang mabuti ang kasamaan … Malaki’ng utang na loob ko ke Padre Abena … sa aking pagbabago … Totoo nga naman, walang utang na hindi pinagbabayaran …. Me parusa sa bawat kasalanan!
Ernan : (May paghanga) May sinasabi ka, Tony!
Bok: (Ngingiti – ngiti habang nakikinig sa pahayag ni Tony; sa himig nagmamagaling) No dais, Tony, kun sila malalaki naganakaw milyun – milyun, ba. Sigi lang, ‘adre. Basta mi lagay. Basta mi padrino!
Tony : Me relihiyon ka ba, Bok?
Bok: (Tatawa habang sumasagot; pauyam) Reliyun? Wala kwenta ‘yan. Hm, dami, dami nagasimba, pero ginluluko sa kapwa. Dami gadasal, pero gin-nakaw, gin-ismagel, yawa.
Doming : Mabuti pay ‘way na tayo maghusap tungkol sa relihiyun.
Ernan : May katwiran si Doming. Ang paksang relihiyon ay masyadong kontrobersyal. Paris ng iba’t ibang ismo, kaya … di dapat pagtalunan.
Tony: Pero, Mang Erman, ba’t tayo matatakot magtalo? Kung walang pagtatalo, walang pagkakaunawaan. Kung walang pagkakaunawaan, walang pagkakaisa. Ang mga taong di nagkakaisa’y pirming nag-aaway.
Ernan : Tama ‘yan. Ngunit ang pagtatalo’y dapat lamang sa taong malaki ang puso; hindi sa mga maliit ang pinagkukunan. Pero … pinahahanga mo ako, Tony! Nag-aaral ka ba ng batas? Ba, may kakaibang tilamsik ang iyong diwa.
Tony: Elementarya lamang ho ang natapos ko.
Doming: Kasi nga naman hasa mo habugado ka kung magsalita.
Bok: Ber, ber, mga pare! ‘Yung istorya ni Tony!
Tony: Iimbithin kita , Bok, isang araw, sa klase naming nila Padre Abena. Marami kang mapupulot doon. At pakikinabangan. Tiyak.
Bok: No ken du! Kun naytklab pa, olditaym!
Tony: (Matapos makinang handa na ang lahat sa pakikinig sa kanya) Buweno…Ako’y buhay sa ‘sang karaniwang pamilya sa Tundo. Empleyado si Tatay. Guwapo siya. Pero malakas uminom ng tuba. At mahilig sa karera. Napakabait ng Nanay ko. Kahit kulang ang iniintregang sahod ni Tatay e di siya nagagalit, paris ng iba. Sang araw e nadiskubre ni Nanay ang lihim ng Tatay ko; meron siyang kerida . Natural, nag-aaway sila … Umalis si Tatay . Iniwan kami. Awa naman ng Diyos e natapos ko rin ang elementarya. Balediktoryan ako…
Bok: (Sisingit) Balediktoryan? Siga ka. Yeba!
Tony : (Magpapatuloy matapos ngitian si Bok) Namatay ang solo kong kapatid na babae. Malubha si Nanay. Naospital siya… Naghahanapbuhay naman ako. Pero, kulang din, kasi mahal ang lahat … Nakakahiya pero … dahil sa barkada’y natuto akong akong mandurukot , mang – agaw, magsugal. Naglabas-masok ako sa Welfareville … Inilipat ako ditto pagkatapos … Santaon na lang ang natitira sa senten’ya ko… A, ang tatay ko ang may sala ng lahat! … Mabuti nama’t idinistino ako ni Direktor sa ‘ting library. Nagpagbabasa ako roon. Mahilig akong magbasa ng –
Ernan : Magaling. Ang pagbabasa’y nakapagpapayaman ng isip. Sabi nga ni Bacon ay “Nakalilikha ng tunay na lalaki Ang pagbabasa…”
Tony: Mahilig din ho akong magsulat.
Doming : Teka muna, Tony! Hanong nangyari sa Tatay mo?
Tony: Mula ng umalis siya’y di na namin nakita. O nabalitaan kaya. Kinamuhian ko siya nang labis.
Ernan : Huwag naman. Hindi tama ‘yan. Ang ama ay ama kailanman.
Doming : Kung magkita kayo, hanong gagawin mo?
Tony : Mula nang umalis siya’y di na namin nakita. O nabalitaan kaya. Kinamuhian ko siya nang labis.
Ernan : Huwag naman. Hindi tama ‘yan. Ang ama ay ama kailanman.
Doming : Kung magkita kayo, hanong gagawin mo?
Tony: Ayoko na siyang makita pa!
Bok: Gaisip ko reliyuso ka. Ba’t ngani…?
Tony: Di ba maliwanag? Si Tatay ang nagwasak ng aming tahanan. Siya’ng dahilan ng pagkaospital ni Nanay. Ng pagkamatay ng aking kapatid… Ng aking pagkakaganito!
Ernan: Kung sabagay ay madaling sabihing “lumimot at magpatawad.” Subalit may kahirapan itong isagawa. Gayunmay’y walang hindi napag-aaralan, kung talagang ibig. Ako? Di ninyo naitatanong ay nagawa ko ring patawarin ang mga naghangad ng aking pagbagsak.
Tony: Malaki ang inyong puso, Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng inyong puso. Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng iyong tingin. Pambihira kayo.
Ernan: Salamat, iho. Ngunit alam mo bang ang pinakamabigat kong kasawian ay ang di-pagkakaroon ng anak?
Tony : Biyudo kayo?
Ernan: Hindi, buhay ang aking asawa. Mabait siya. Maunawain. Mapagpahal. Mapagkatiwalaan. Pero ang mag-asawang walang anak (Magbubuntunghininga) … napaka … hindi ganap ang kanilang kaligayahan.
Doming: Hilang taon na kayo, Mang Herman?
Ernan: K’warenta’y singko na.
Bok: Tsiken pid! Ang akin lolo, sisenta na, gaaanak pa (Maikling tawanan.)
Tony : Ga’no na kayo katagal ditto, tabi ? …
Ernan : Nakakaisang taon na ako. May isa pa. Alam n’yoy kuwestiyon de prinsipyo ang ipinasok ko rito. Binayaran ko lang yung multa. – na sabi nga ni Bok ay tsiken pid lang – ay ligtas na ‘ko sa pagkakabilanggo.
Tony : E bat naman kayo namultahan?
Ernan : Kakaiba ang aking pagkamakabayan. Isang araw ay Sinunog ng isang kapisanang pinangungunahan ko ang maraming aklat na imoral, mga aklat kasaysayang mali-mali ang mga ulat, mga nobela, komiks at magasin at iba pa na nakaw lang sa iba ang nilalaman… Nahabla kami. At namultahan ng hukuman. Dahil nga sa prinsipyo’y inibig ko pang pabilanggo. Malayo naman akong nakapagsusulat dito, kung sabagay.
Tony : Maaari ho bang paturo senyo ng pagsulat? Kay dami kung ibig sulatin kasi, e.
Ernan : Tulad ng isang beteranong mag-aalahas, agad kong nakikilala ang batong may mataas na uri … Ituturing kitang parang tunay na anak … Mapapamahal ka rin sa king mabait na maybahay… Meron din kaming ilang ari-arian … pag-aaralin ka namin.
Tony: Ke buti n’yo! . . . Me pangako rin si Padre Abena. Pag – aaralin din daw ako. Pero… nakakahiya na atang pumasok sa klase. Baka tawanan.
Ernan: Ang karunungan, iho, ay walang kinikilalang edad. Ang totoo’y walang katapusan itong pag-aaral ng buhay ng tao.
Tony: Ganyan din ho ang sabi ni Padre Abena, Mang Ernan.
Ernan: Ang dunong ay yaman, ikaw, hagdan, kapangyarihan. Walang marunong nag-nagkakaanak ng alipin.
Tony: Wala rin kuwenta ang masyadong marunong. Paris ni Rizal, binaril –
Ernan: Iba ang kanyang panahon, iho. Pasalamat tayo’t dahil sa kanyang pambihirang katalinuhan ay nabago ang takbo ng ating kasaysayan … Kailangan natin ang marunong na lider, Tony. Yaong taong matalino na’y makabayan pa. Hindi gahaman sa salapi’t karangalan. Hindi mapagsamantalan Yaong walang colonial mentality.
Bok: Kalunyal mantiliti? Anu ‘yun?
Ernan : Diwang alipin, Bok. Pamamanginoon sa mga dayuhan. Walang sariling paninindigan. Wal- (Kagyat na matitigil dahil sa naririnig na takatak ng sapatos.) Bantay!… (Habang dumaraan ang may edad nang tanod ay walang imik sa magkakasama.)
Bok: (Pagkatalikod ng tanod) Pwee, dedoso pang bu-ang! Gaisip seguro magatakas tayo. Yawa. (Tawanan) Pano ngani? … Mi trangkaso … Lumpo (Titingnan si Doming) … Almoranas (Susulyapan si Mang Ernan) . . . Galaslas ang tiyan? Ingungususo si Tony. Tawanan na naman.)
Tony: Maiba ‘ko, Mag Ernan. Ba’t kayo naospital?
Ernan: Hindi naman.
Doming: Sang tanong, Mang Ernan. Nagagawa bang makata?
Ernan: Isinisilang sila, Doming …. Maalala ko nga pala! Di ba’t ikaw Tony ang tumula nang dumalaw itong minsan ang Presidente?
Tony: Ako nga ho.
Ernan:  Ang binigkas mong tula’y –
Tony : Pilipinas, ke gandang tula. Alam kong kayo’ng gumawa niyon.
Ernan:   Ibig kong malaman mo na ang tulang iyo’y kasama sa lalabas kong aklat ng mga piling tula… kabilang na roon ang mga sinulat ko rito.
Doming:  Anong pamagat?
Ernan Sinag Sa Karimlan.
Tony Sinag sa Karimlan? Wow, gandang pamagat! Bagay ba bagay sa saaa … atin dito! Kelangan ng mga nasa dilim ang sinag. Ang liwanag!
Ernan: Walang taong hindi nalalambungan ng dilim. Lubhang makapangyarihan ang karimlan! Subali… naitataboy ang dilim!
Tony Sana’y mabasa ko ‘yon!…
Ernan Bibigyan kita ng sipi. At marami pang iba. Lubhang makapangyarihan ang karimlan! Subali … naitataboy ang dilim!
Tony Sana’y mabasa ko ‘yon! …
Ernan Bibigyan kita ng sipi. At marami pang iba, kung…
Bok (Nakahahalataan ng pagkabagot kapag pangkaisipan na ang pagkabagot kapag pangkaisipan na ang paksa) Ber, ber, Doming! Gin istorya mo naman pare…. (Titingnan at tataguan ng iba si Doming, bilang pag-ayon sa pahiwatig ni BOK)
Doming Ako’y ahente ng seguro. Malakas ang aking komisyon. Sang haraw, buat sa hisang prubins’ya hay muwi ako dail sa bagyo. Magugulat pero matutuwa ning asawa o, sabi ko. Sa kusina hako nagdaan. Pero hanong nakita ko? Sus, hang asawa ko’t matalik na kebigan hay… Uling-uli ko sila . Nagdilim hang aking tingin … Binaril ko’ng traydor nang tumalon sa bintana… Napatay ko siya. (Mapapasandal sa dingding pagkatapos).
Tony At nabilanggo ka dahil doon? Bakit ganon?
Doming Hewan ko nga ba. (Magbububuntunghininga)
Ernan Nakikiramay kami sa ‘yo, Doming …. Alam mo Tony, ang bilangguan ay hindi lamang para sa mga nagkakasala . Ito’y para rin sa mga sinamaang palad. Sa mga kawawa. Sa walang malakas na naa… padrino, sabi nga ni Bok.
Bok (May pananabik) Ber, ang im
Bok (Mapapabangon na naman) G’wapo bang imong derpa? Paris mo Tony?

Tony (Dahil sa pag-iisip ay hindi mauunaaan ang tanong ni Bok; sa sarili) Pa’no niya malalamang narito ako? …. Anim na taon!… City Jail … Welfareville … Muntinlupa … Imposible! Hindi. Hindi maaaring siya! (Halos pasalubong) Huwag Mo pong itulot, Diyos ko!

Ernan Sino man’yon ay may kapit siya. Kung di’y di siya makatutuloy dito … Ayun! Siya na Siguro ‘yung dumarating! (Papasok si Mang Luis, ang ama ni Tony. Kasama niya ang dating tanod. May kataasan si Mang Luis, nakasalamin siya ng may kulay. Mababasa sa kanyan g anyo na siya’y dumanas o dumarana ng maraming suliranin. Isang manhid na barong tagalog ang kanyang suot. Sunog ang kanyang balat, gayunmay halata rin ang kanyang kagandahang lalaki. Mag-aapatnapu pa lamang siya subalit mukha nang lilimampuin.

Pagagalain niya ang kanyang sabik na paningin. Pagkunwa’y ituturo naman ng tanod para sa kanya ang pinaghahanap na hindi kaagad mamumukhaan. Pagtatama ng kanilang tingin ang anaki nakatanaw ng multo si Tony. Akibat ng matinding tuwa at pananabik ay pasugod na lalapit ang ama sa anak.)

Luis: (Madamdamin) Tony, anak ko! …

(Walang imik na pagyayapos ang tila natatandaang si Tony. Magpapalipat-lipat ang kamay ng naluluha sa galak na ama sa buong katawang mutya ng anak. Pagkaraan ng ilang saglit sa gayong ayos ay pabigla at walang kibong magwawala si Tony. Kahit nakararamdam ng kirot at tatayo siya’t uurong ng ilang hakbang. Tutop niya ang sugat sa tiyan. Tiin ang kanyang mga bagang, may apoy sa mata at iaalon ang kanyang dibdib. Mapapansin si Mang Luis ang mga sugat at “black-eye” niya.)

Luis : Anak ko, napano ka?

(Hindi rin tutugon si Tony. Patuloy ang pananalim ng kanyang sulyap, ang panginginig ng kanyang ugat sa kalamnan ng kanyang panga, ang paninikip ng kanyang dibdib. Samantala’y walang kibuan ang lahat, bagaman mataman silang nagmamasid at nakikiramdam)

Luis Tony, magsalita ka, anak ko. Hindi ka ba natutuwang ako’y makita? … pagakaraan ng may anim na taon? (Buhat sa kinatatayuan ay hindi rin iimik o titinag si Tony. Unti-unti siyang lalapitan ng ama.)

Tony : Huwag! Huwag kayong lalapit! Huwag!

Luis: (Matigigil!) Anak, di mo ba … Ako ang Tatay mo…

Tony: (Palibak) Tatay? … Hm, ang nakilala kong ama’y anim na taon nang p-p patay !

Tony: Sayang lang ang inyong pagod!

Luis : Lalapit pa ng isang hakbang; titigil) anak, patawarin mo ‘ko…

Tony: Inuulit ko: wala na akong,, ama! …. (Lilingon sa gawi ng bintana) Mula nang iwan n’yo kami dahil sa ‘sang –

Tony: (Magpapatuloy na hindi alumana ang sinabi ng ama) Dahil sa kerida’y sapin-saping hirap ang aming dinanas …lalo na’ng aking Nanay … Pati pag-aaral ko’y natigil … Ano’ng gagawin ko? Me sakit si Nanay … Me sakit si Baby … Nagkasangla-sangla kami … At nang lumao’y wala nang ibig magpapautang sa ‘min … ‘Sang araw e napilitan akong … Nang –agaw ako ng bag. Nahuli ako. Nagmakaawa ako at pinatawad naman. Subalit …. nang dumating ako at - amin ay … (mababasag ang tinig) patay nang kapatid ko! Sa tulong –

Luis: Nahihilam na sa luha) Tony, husto na ! … U-utang na loob … A-a alam ko na’ng lahat! …

Tony: (Hndi rin papansinin ang samo ng ama) Sa tulong ng mga kapitbahay e nailibing din si Baby… Naospital si Nanay … Walang ibig kumupkop sa ‘kin … Baka raw me T. B. rin ako … Ako’y naging kanto boy, nabarkada, hanggang … Natuto ako ng iba’t ibang paraan ng pagnanakaw … Natikman kong matulog nang walang unan … magtago sa ilalim ng tulay …

Bok: (Mabilis na papatlang) Tsiken pid ‘yan, Tony!

Tony: (Wawalaing – bahala si Bok) Subalit me wakas ang lahat … Mula sa city jail e nalipat ako sa Welfareville. Naglabas-masok ako ro’n … Nang magdisiotso ako’y heto … Magdadalawang taon na ‘ko rito … (Hihinga ng mahaba at malalim . Tutop pa rin ng kaliwang kamay ang sugat. Biglang haharapin nang tuwiran ang lumuluha’t mistulang korderong ama. Makapangyarihan.) Kayo na dapat kong tawaging ama ay tinatanong ko: Mangyayari kaya ang nangyari sa ‘ming mag-iina kung kayo’y tumupad senyong tungkulin?…

Luis: H-hindi ko na – hindi ko na kayo iiwan … K-k kelanman !

Tony: Pangako, hm … Daling sabihin, daling sirain…

Luis Nagbalik ako upang – upang pagsilbihan kayo habambuhay …

Tony: (Patuya) Ba’t di kayo bumalik senyong magandang kerida?

Luis: (Lipos pagpapakumbaba) Iniwan n’ya ako – ang taksil! – nang hindi ko nang hindi ko na masunod ang kanyang kapritso … Salamat sa kanyang ginawa at naglianag ang nalabuan kong isip. Nagyo’y –

Tony: Huli na ang lahat!

Luis: Ang sakit mong magsalita, anak…alam mo bang limang buwan kitang pinaghahanap? … At nang malaman kong narito ka’y nilakad kong … Nangako si Senador Bigat na mabibigyan ka ng parole.

Tony: (Dahil sa ibang iniisip ay hindi maunawaan ang huling sinabi ng ama) Ewan ko kung si Nanay e buhay pa o patay na. (Pasigaw naman) Kayo! Kayo ang sanhi ng kanyang kasawian! Aru-aruuuyyy!

Luis: Buhay ang nanay mo, anak. Nagkita na kami. Magaling na siya.

Tony: Magliliwanag ang mukha) Buhay! Salamat sa Diyos!

Luis: (Hindi mapapansin ang sariwang dugo sa kamay ni Tony) Pinatawad na n’ya ako. At nagkasundo nga kaming hanapin kita. Anak, magsamasama tayong muli!

Tony: Mahal ko si Nanay, ngunit kayo… Ibig ko pang mamatay kesa sumama sa senyo!

Luis: Mawawala ang pagtitimpi at paghaharian ng damdaming –ama. Isang matinding sampal ang ibibigay kay Tony). Durugo ang bibig ng huli. Sa bahaging ito’y nganingani nang lundagin ni Bok si Mang Luis danga’t makakambatan siya ni Mang Ernan na huwag manghimasok. Sa sandaling ito’y nakatalikod naman at nasa may labas ang tanod. Mapagwawaring ang nagawang kabiglaan, mabilis na lalapitan ang anak. Iigtad naman si Tony.) Patawarin mo ‘ko, anak!

Tony: (Matapos pahirin ang likod ng palad and dumudugong bibig) Lalo lamang ninyong pinalalayo ang ating daigdig! (Mabilis na tatalikod.) (Tigib-pagsisisi at panunumbat sa sarili, walang malamang gawin o sabihin si Mang Luis. Naroong pisilin ang mga kamao; naroong muling tangkaing lapitan Ang nagmamalaking anak; Naroong pisilin ang mga kamao; naroong muling tangkaing lapitan ang nagmamalaking anak; naroong tanawin sina Mang Ernan na parang nagpapahabag at nagpapatulong. Wala namang imikan ang nangamamasid. Pagkuwa’y walang kibong lalabas. Titigil sa may pintuan. Pagkuwa’y walang kibong lalabas. Titigil sa may pintuan upang linguni’t pag-ukulan ng may pagmamahal sa titig si Tony.

Wala namang kamalayan ang nagugulumihanan ding si Tony sa mga ikinikilos ng kanyang ama.

Muling babalikan ni Mang Luis ang nakatungong bunso subalit hindi maisasagawa ang balak na pagyapos dito. Mapapabuntunghininga na lamang at tiim-bagang na aalis. Magkakatitigan sina Mang Ernan, Bok at Doming.

Pagkalipas ng ilang saglit ay dahan-dahang nauupo sa gilid ng kanyang teheras Si Tony. Kagat niya nang mariin ang kanyang labi.)

Ernan: (Malumanay subalit madamdamin) Ang buhay, Tony, ay batbat ng batbat ng iba’t ibang uri ng pag-subok. Ang tagumpay, kaya lalong tumitingkad ay dahil sa kakambal na pagpapakasakit. Ang lalaking tumatakbo sa mga pagsubok at hamon ng tadhana ay pinagtatampuhan ng tagumpay.

Tony: Mang Ernan, kayo man ang nasa lugar ko’y –

Ernan Nauunawan kita, iho. (Titindig at aakbayan si Tony. Miino ang dugong nagmumula sa sugat sa tiyan.) Dumudugo ang sugat mo! (Kay Bok) Pakitawag mo nga ang doctor… (Kay Tony) Mabuti’y mahiga ka. Siguro’y maaampat ‘yan.

Tony: (Habang nahihiga) Walang anuman ito Mang Ernan.

Bok: (Nakaupo pa rin subalit nakabalabal na ng kumot) Hm… tsiken pid ‘yan.

Doming: Sabagay, hakuman ‘yang nasa lugar ni Toni’y – hewan ko nga ba …


Bok: Bilib gid ako sa imo… Gas-mati ka. Y-y-yeba! ….

Ernan: (Habang bumabalik sa kanyang teheras; sa sarli) A, kung masusunod lamang ng mga tao ang Panalangin ni San Francsico ng Asisi, sana’Y –

Tony: Biglang mapapabangon pagkarinig sa tinuran ni Mang Ernan)

Pagkaganda –ganda nga ng “Panalangin ni San Francisco” … Bathala, gawin Ninyo akong … kasangkapan … Kung saan may galit –

Ernan: (Maagap) Bayaang nakapaghasik ako ng pag-ibig. Ang isang maganda pang bahagi’y ‘yung … “Nasa pagbibigay ang ating ikatatanggap … nasa pagpapatawad ang ating kapatawaran … “

Tony: (Mabilis) Mang Ernan… Madali ngang sabihing “Lumimot at magpatawad, “ ano ho? Pero, ar – ruyyy … (Mapipikit at aasim ang mukha. Hahawakan ang sugat sa tiyan.)

Ernan: (Makikitang sa pag-aangat ng kamay ni Tony ay punung-puno yaon ng dugo) Tony! (Kagyat na nalalapitan ang binata at pagyayamanin.) Doming! Bok! Pakitawang n’yung dokdok! O nars! Madali kayo! …

Bok: Hindi pa rin mababakla; hindi titinag) Bals –wals ‘yan!

Doming: (Patikud–tikod na lalabas subalit doon pa’y sisigaw na) Nars! … Nars!… Narrsss!… (Muling darating ang nars na nakarinig sa malakas na sigaw ni Doming. Agarang lalapatan ng pampaampat ng dugo ang sugat ni Tony. Samantalang nangagamutan sila ay siya namang paglitaw sa may pintuan ng magkasamang P. Abena at Mang Luis. Walang imik silang magmamasid.)

Nars: Sariwa pa’ng sugat mo, kaya huwag ka munang magsalita nang malakas. At huwag kang magpapagalaw ha, Tony?

Tony: Paglabas ko rito’y pupunta ‘ko senyong bahay, ha, Lyd? A, Miss Reyes pala!

Nars: Sabi na’t puwera muna ang salita. Pag sinuway mo ‘koy … Sige ka, hm…

Tony: Okey. (Pipikit dapwat muling didilat. Masusulyapan si P. Abena. Magpapalitan sila ng ngiti.)

Nars: O, hayan , tapos na. Be good, ha, Tony? Promise? Tatango ang binata; hahanda siya sa pag-alis.)

Tony: Maraming salamat, L-Ly – Miss Reyes. Hindi kita malilimot kelanman ! Alam mo na iayan … matagal na. ( Hindi pa rin nakikita ni Tony ang ama sapagkat natatakpan ito ng papalapit na pari.)

P. Abena Magkakilala pala kayo ni Miss Reyes …. Mabait at masipag ang batang ‘yan. Paris mo…

Tony: Siya nga po ang babaing handa kong …

Bok: (Makahulugan ang ngiti) tingin ko’y ayos na Silang dal’wa, Padre.

P. Abena : Hindi masama Pabor ako. Saglit na titigil; kay Tony, sa ibang tinig) Anak, ang tatay mo’y … nagkita kami. nakiusap siyang -

Tony: Malilimutan ang lahat; mapapabagong bigla’t puputulin ang pagsasalita ng kausap) Padre! … Na naman? (Hindi mangungusap si P. Abena. Marahan na lang siyang mapapailing; subalit maagap namang maaalayan si Tony.

Si Mang Luis naman, naroon pa rin sa may pintuan, ay mapapabuntung-hininga’t mapapakagat labi Sa namamalas na katigasan ng anak. Mauuntol ang balak niyang paglapit.

Si Miss Reyes naman naman na hindi pa tuluyang nakakalayo ay magaganyak na manood sa tagpong yaong may pangako ng kapanabikan. Lalapitan si Tony at masuyong pagsasabihan.)

Nars: Tony, di ba’t sabi ko sa’yo’y huwag ka munang gagalaw pagkat makasasama sa yo’yo?

Tony : Patawarin mo ‘ko, Ly – est, Miss Reyes.

Nars: (Tatanguan si Tony) Patatawarin kita pero sa uli-uli’y.. Sige, higa na. (Susunod na sana si Tony subalit magkakatama ang tingin nilang mag-ama. Matagal silang magkakatinginan.0

P. Abena: (Makahulugan) Anak, tamo si Miss Reyes, nakapagpapatawad….

(Hindi tutugon si Tony. Mapapatango siya. Ganap na katahimikan . Walang kaurap-kurap, at halos hindi humihinga sina Mang Ernan sa pagmamasid sa nangyayaring dula sa silid na yaon. Sa pagtaas ng mukha ni Tony ay makikitang may luha sa kanyang pisngi.

Mabubuhayan ng loob si Mang Luis. Dahan-dahan siyang lalapit a bunsong ngayo’y nakayupyop sa bisig ni Padre Abena.

Magaling sa sikolohiya, marahang iaangat ng butihing pari ang ulo ni Tony at siya’y unti-unting uurong upang mabigyan ng ganap na kalayaan ang mag-ama.

Ngayo’y may kakaiba ng sinag sa mukha ni Tony. May kakaiba ring ngiting dumurungaw sa kanyang mapuputlang labi. At sa isang kisap-mata’y mayayapos siya ng kanyang ama. Masuyo, madamdamin, mahaba ang kanilang pagyayakap.

Katulad ng dalawa, mapapaluha rin ang lahat . Maging ang may bakal na pusong si Bok ay mapapakagat-labi’t mapapatungo ng marahn. Pagdaraupin naman naman ni Padre Abena ang mga, titingala ng bahagya at pangiting bubulong.)




  

Biyernes, Agosto 23, 2013

BAKIT NATIN KAILANGAN ANG ISANG WIKANG PAMBANSA


Ni Manuel L. Quezon

                …Ibig kong sabihin sa inyo na kailangan natin ang isang wikang pambansa.

                Isang propesor sa istorya, siya’y dekano pa rin, ang sumulat ng isang lathala na tumatawad sa balak na ito na tayo’y magkaroon  ng isang wikang pambansa, at idinugtong pa na kakailanganin daw natin ang isang daang taon upang makalinang ng isang wikang panlahat. Itulot ninyong sabihin ko, na walang wikang pambansang naitatag sa loob ng dalawampu’t apat na oras.  (Palakpakan) Bawat wika sa Europa na pambansang masasabi ay nangangailangan ng daan-daang taon upang mapaunlad.  Noong may isang libong taon na ngayon ang nakalilipas, ang mga mamamayan ng Inglatera, halimbawa, ang Pransiya, Espanya, o Alemanya, ay hindi nagsasalita ng iisang wika, pagka’t bawat purok sa bawat bansa ay nagsasalita ng ibang diyalekto.  Dahil dito’y may matuwid baga ang propesor sa pagsasabing hindi natin dapat tangkaing magkaroon ng isang wikang panlahat sapagka’t kakailanganin ang tatlong daang taon sa buhay ng isang bansa?  Sa alin mang bayan ay walang mahalaga na tulad ng pagkakilala nila sa kanilang kaisahan bilang isang bansa; at bilang isang bayan ay hindi tayo magkakaroon ng higit na pagkakilala sa bagay na ito hangga’t hindi tayo nagsasalita ng isang wikang panlahat. May maiisip ba kayong higit na kakatuwa kaysa pagpapanayam na itong mga Pilipino  na ang lahat ng kagawad ay hindi makapagsalita ng isang katutubong wikang panlahat? Hindi ako makapagsasalita, sa pagkakataong ito, ng alinmang wikang mauunawaan ng bawat isang lalaki at babaing narito. May ilan sa inyong nakakaintinding mabuti ng Kastila, ang iba’y higit na nakakaintindi ng Ingles. Pangangahasan ko nang sabihin na iilan lamang sa inyo ang nakakaunawa at nakakapagsalita ng Ingles at Kastila.  Hindi lahat kayo’y nakakapagsalita ng isang wikang Pilipino na iyong ipagkakaunawaan, - isang pangyayaring maipalalagay nating katawa-tawa,kung di man nakakahiya. Ar sapagka’t ipinalalagay nilang mahusay silang magsalita ng Ingles,  ang ilan sa ating kabataang mamamaya’y nagpapalagay na masasayang ang napag-aralan nila kung sila’y magsasalita sa isang katutubong wikang panlahat; kaya hindi nila ibig na magkaroon ng isang wikang pambansa ang kanilang mga kababayan matangi kung ang wikang iyon ay Ingles.

Nguni’t ilang Pilipino ang makakapag-ukol ng kanilang buhay sa pag-aaral ng Ingles? Hindi hihigit sa anim na taon,na sa loob ng panahong iyo’y mag-aaral din sila ng iba pang asignatura. At sino ang nagtuturo sa kanila ng Ingles – ng Ingles na natututuhan nila ngayon sa mga paaralan? Iyon bang mga Pilipinong dalubhasa sa Ingles? Hindi, iyong mga kawawang guro na kakaunting Ingles lamang ang nalalaman, na namihasa sa masamang pagbigkas ng Ingles.  At ang Ingles ng kanilang mga tinuturuan, sa palagay ko,ay magiging lalo pang masama.

Hindi natin pamamaligiin ang gayong uri ng Ingles-Ingles na walang makauunawa. May mga matatangi, mangyari pa – maaaring magkaroon pa rin ng maraming makapagsasalita ng mahusay na Ingles.  Marahil ang lahat ng kagawad ng Kapulungang Pambansa ay magsasalita ng Ingles, marahil ang lahat ng alkalde municipal ay magsasalita rin ng wikang iyan, at pati mga gobernador, konsehal o ang lahat ng kawani ng Pamahalaan. Nguni’t hindi sila ang bumubuo n gating bayan. Magkakaunawaan sila nguni’t ang bayan ay hindi mauunawaan ninuman ng kanila na ring mga kababayan. (Palakpakan)

Linggo, Agosto 18, 2013

PAGLALAYAG SA PUSO NG ISANG BATA


Ni Genoveva Edroza-Matute

Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-anak. Ito ay kung nakaligtas siya sa nakaraang digmaan… nguni’t ayaw kong isiping baka hindi. Sa akin, siya’y hindi magiging isang binatang di-kilala, isang ama, o isang alaala kaya ng Bataan. Sa akin, siya’y mananatiling isang batang lalaking may-kaliitan, may kaitiman, at may walong taong gulang.

Pagkaraan ng daan-daaang tinuruan, mga sumipot, nanatiling saglit, at lumisan pagkatapos, pagkaraan ng mga taong ang ila’y nagdumali, ang ila’y nagmabagal at ang ila’y nakintal sa gunita, buhay na buhay pa sa aking isipan ang kanyang mukha at ang kanyang pangalan. Nguni’t ang buhay sa lahat ay ang isang bagay na itinuro niya sa akin isang araw nang siya ang aking maging guro at ako ang kanyang tinuturuan.

Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin siya sa pinakapangit. Ang bilog at pipis niyang ilong ay lubhang kapansin-pansin at tignan lamang iyo’y mahahabag na sa kanya ang tumitingin. Kahit ang paraan niya ng pagsasalita ay laban din sa kanya. Mayroon siyang kakatuwang “punto” na nagpapakilalalang siya’y taga ibang pook.

Ngunit may isang bagay na kaibig-ibig sa munti’t pangit na batang ito, kahit sa simula pa lamang. Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit na hindi siya hilingan ng gayon. Tumutulong siya sa mga tagalinis at siya ang pinakamasipag sa lahat. Siya rin ang pinakahuling umaalis: naglilibot muna sa buong silid upang pulutin ang mga naiiwang panlinis. Lihim ko siyang pinagmamasdan habang inaayos niya ang mga ito sa lalagyan, ipinipinid, at pagkatapos ay magtutungo sa likod ng bawat hanay ng upuan upang tingnan kung tuwid ang bawat isa. At sa pintuan, lagi siyang lumilingon sa pagsasabi ng “Goodbye, Teacher!”

Sa Simula, pinagtakhan ko ang kanyang pagiging mahihiyain. Nakikita ko siyang gumagawa nang tahimik at nag-iisa - umiiwas sa iba. Maminsan-minsa’y nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin upang bawiin lamang ang kanyang paningin. Haba ko siyang tinatanaw tuwing hapon, pinakahuli sa kanyang mga kasamahan, ay naiisip kong alam na alam niya ang kanyang kapangitan, ang katutuwang paraan ng kanyang pagsasalita.
Unti-unti kong napagdugtong-dugtong ang mga katotohanna tungkol sa kanyang buhay. Payak ang mga katotohanan: siya’y isang munting ulilang galing sa lalawigan, lumuwas sa malaking lungsod bilang utusan. At kalahating araw siyang pumapasok sa paaralan upang may makasama sa pagpasok at pag-uwi ang anak ng kanyang panginoon.

Nadama ko ang kakaibang kalungkutan: Nais kong makita siyang nakikipaghabulan sa mga kapwa-bata, umaakyat sa mga pook na ipinagbabawal, napapasuot sa kaguluhang bahagi ng buhay ng bawat bata. Kahit na hindi siya marunong, maging kanya lamang sana ang halakhak at kaligayahan ng buhay-bata.

Tinawag ko siya nang madalas sa klase. Pinagawa ko siya ng marami’t mumunting bagay para sa akin. Pinakuha ko sa kanya ang mga tsinelas ko sa pinakahuling upuan sa silid. Naging ugali niya ang pagkuha sa mga iyon, ang paghihiwalay sa mga iyon upang itapat sa aking paa. Ang pagbili ng aking minindal sa katapat na tindahan, hanggang sa hindi ko na kailangang sabihin sa kanya kung ano ang bibilhin - alam na niya kung alin ang ibig ko, kung alin ang hindi ko totoong ibig.

Isang tahimik na pakikipagkaibigan ang nag-ugnay sa munti’t pangit na batang ito at sa akin. Sa tuwi akong mangangailangan ng ano man, naroon na siya agad. Sa tuwing may mga bagay na gagawin, naroon na siya upang gumawa. At unti-unti kong nadamang siya’y lumiligaya - sa paggawa ng maliliit na bagay para sa akin, sa pagkaalam na may pagmamalasakit ako sa kanya at may pagtingin sa kanya. Nahuhuli ko na siyang nagpapadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan hanggang sa magkanghihiga sa likuran ng silid. Nakikita ko na siyang nakikipaghabulan, umaakyat sa mga pook na ipinagbabawal. Nagkakandirit hanggang sa tindahang bilihan ng aking minindal. At minsan o makalawa ko siyang nahuling nagpapalipat-lipat sa pagtapak sa mga upuan.

At kung ang lahat ay wala na, kinakausap ko siya at sumasagot siya nang pagaril sa Tagalog. At sa mga ganoong pagkakatao’y nagmumukha siyang maligaya at ang kanyang, “Goodbye, Teacher,” sa may-pintuan ay tumataginting. Sa mga ganoong pagkakatao’y naiiwan sa akin ang katiyakang siya’y hindi na totoong napag-iisa at hindi na totoong nalulumbay.

Isang mabagal na paraan ang pag-akit na iyon sa kanya at ang pagtiyak na siya’y mahalaga at sa kanya’y may nagmamahal.

Napasuot na siya sa mga kaguluhang bahagi ng buhay ng bawa’t bata. Nanukso na siya sa mga batang babae. Lalo siyang naging malapit sa akin. Lalo siyang naging maalala at mapagmahal. Maligaya na siya.

Nang hapong iyo’y hindi siya nagpadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan. Ngunit siya’y nagtungo sa huling upuan upang kunin ang aking tsinelas, upang paghiwalayin ang mga iyon at itapat sa aking mga paa. Nagtungo siya sa tindahang katapat upang bilhin ang aking minidal at nagpaiwan siya upang likumin ang mga kagamitan sa paglilinis at upang ayusin ang mga iyon sa lalagyan sa sulok. Pinagpantay-pantay rin niya ang mga upuan sa bawat hanay, gaya ng kanyang kinamihasnan. Ngunit hindi siya tumingin sa akin minsan man lamang nang hapong iyon.

Naisip ko: napopoot siya sa akin. Sa munti niyang puso’y kinapopootan niya ako ng pagkapoot na kasintibay ng pagmamahal na iniukol niya sa akin nitong mga huling buwan. Ang isa mang batang namulat sa pag-iisa at sa kalumbayan ng pag-iisat kawalan ng pagmamahal ay makaaalam din sa kawalan ng katarungan. Ngayo’y paalis na siya, ang naisip ko, nang may kapaitan sa puso.

Tumagal siya sa pagpapantay sa mga upuan. Na tila may binubuong kapasiyahan sa kanyang loob.
Nagtungo siya sa pintuan at ang kanyang mga yabag ay mabibigat na tila sa isang matandang pagod. Sa loob ng maraming buwan, ngayon lamang siya hindi lumingon upang magsabi ng, “Goodbye, Teacher.” Lumabas siya nang tahimik at ang kanyang mabibigat na yabag ay lumayo nang lumayo.

Ano ang ginawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Ito ang itinanong ko nang paulit-ulit sa aking sarili. 

Napopoot siya sa akin. At ito’y sinabi ko rin nang paulit-ulit sa aking sarili.

Bukas…Marahil. Kung pagpipilitan ko bukas…

Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata’y nakita ko sa pintuan. Ang mga mata niyang nakipagsalubungan sa aki’y may nagugulumihanang tingin. “Goodbye, Teacher,” ang sabi niya. Pagkatapos ay umalis na siya.

Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin.

Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo, ay hindi ko na magunita ngayon. Ang tangi kong nagugunita’y ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng puso ng munting batang yaon, sa nakatitinag na kariktan ng kanyang kaluluwa. Nang sandaling yaon, siya ang aking naging guro.


Miyerkules, Hunyo 19, 2013

Mina ng Ginto




(Alamat ng Baguio)

Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga Igorot na pinamumunuan ni Kunto. Bata pa si Kunto ngunit siya na ang pinakamalakas at pinakamatapang sa kanilang nayon kaya siya ang ginawang puno ng matatandang pantas.
Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik . Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang Bathala. Taon-taon ay nagdaraos sila ng cañao bilang parangal sa kanilang mga anito. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang anito.
Kung nagdaraos sila ng cañao ay lingguhan ang kanilang handa. Nagpapatay sila ng baboy na iniaalay sa kanilang Bathala. Nagsasayawan at nagkakantahan sila.
Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mamana. Hindi pa siya lubhang nakalalayo nang nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang landas na kanyang tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay maiilap ngunit ang ibong ito ay kaiba.
Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa pagkakatayo sa gitna ng landas. Nang may iisang dipa na lamang siya mula sa ibon, bigla siyang napatigil.
Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago lumipad. Matagal na natigilan si Kunto . Bagamat siya’y malakas at matapang, sinagilahan siya ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng kanyang nakita.
Hindi na niya ipinagpatuloy ang kanyang pamamana. Siya’y bumalik sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas. Anang isang matanda, “ Marahil ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala. Ipinaaalaala sa atin na dapat tayong magdaos ng cañao.”
Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng cañao,” ang pasiya ni Kunto.
Ipinagbigay-alam sa lahat ang cañao na gagawin. Lahat ng mamamayan ay kumilos upang ipagdiwang ito sa isang altar sa isang bundok-bundukan. Ang mga babae naman ay naghanda ng masasarap na pagkain.
Nang ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng isang baboy. Ang baboy na ito ay siyang iaalay sa kanilang bathala upang mapawi ang galit, kung ito man ay nagagalit sa kanila.
Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok-bundukan. Anong laking himala ang nangyari! Nakita nilang ang baboy ay napalitan ng isang pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay kulay- lupa na sa katandaan at halos hindi na siya makaupo sa kahinaan.Ang mga tao ay natigilan. Nanlaki ang mga mata sa kanilang nakita. Natakot sila.
Maya-maya’y nagsalita ang matanda at nagwika nang ganito: “Mga anak magsilapit kayo. Huwag kayong matakot. Dahil sa kayo’y mabuti at may loob sa inyong bathala, gagantimpalaan ko ang inyong kabutihan. Lamang ay sundin ninyo ang lahat ng aking ipagbilin.
“Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi. Pagkatapos sukluban ninyo ako ng isang malaking palayok. Ipagpatuloy ninyo ang inyong cañao. Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik kayo rito sa pook na ito.      Makikita niyo ang isang punungkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo ay hindi pa ninyo nakikita o makikita magpakailanman. Ang bunga,dahon, at sanga ay maaari ninyong kunin ngunit ang katawan ay huwag ninyong gagalawin. Huwag na huwag ninyong tatagain ang katawan nito.”
Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda.Ipinagpatuloy nila ang kanilang pista. Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa pook na pinag-iwanan sa matanda. Itinaas nila ang palayok at gaya ng sinabi ng matanda, nakita nila ang isang punungkahoy na maliit. Kumikislap ito sa liwanag ng araw-lantay na ginto mula sa ugat hanggang sa kaliit-liitang dahon.
Nagsigawan ang mga tao sa laki ng galak. Si Kunto ang kauna-unahang lumapit sa punungkahoy at pumitas ng isang dahon. Pagkapitas sa dahon ay nagkaroon kaagad ng kapalit ito kayat nag-ibayo ang tuwa sa mga tao. Bawat isa ay pumitas ng dahon.
Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk.Ang dati nilang matahimik na pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at inggitan. Ang punungkahoy naman ay patuloy sa pagtaas hanggang sa ang mga dulo nito’y hindi na maabot ng tingin ng mga tao.
Isang araw, anang isang mamamayan, “kay taas-taas na at hindi na natin maabot ang bunga o dahon ng punong-ginto. Mabuti pa ay pagputul-putulin na natin ang mga sanga at dahon nito. Ang puno ay paghahati-hatian natin.”
Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay kumuha ng mga sibat. Tinaga nila nang tinaga ang puno at binungkal ang lupa upang lumuwag ang mga ugat.Nang malapit nang mabuwal ang punungkahoy ay kumidlat nang ubod-talim. Kumulog nang ubos-lakas at parang pinagsaklob ang lupa at langit.
Ang punungkahoy ay nabuwal. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar na kinabagsakan ng puno. Isang tinig ang narinig ng mga tao.
 “ Kayo ay binigyan ng gantimpala sa inyong kabutihan. Ang punong-ginto upang maging mariwasa ang inyong pamumuhay. Sa halip na kayo’y higit na mag-ibigan , kasakiman ang naghari sa inyong mga puso. Hindi ninyo sinunod ang aking ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang puno. Sa tuwi-tuwina ay inyong nanaisin ang gintong iyan.”
At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno ay nilulon na ng lupang kinabuwalan. Mula nga noon, nagkaroon na ng minang ginto sa Baguio at nakukuha lamang ito sa pamamagitan ng paghukay sa lupa.

Linggo, Setyembre 16, 2012


Mula sa panulat nina:
Dapat:  Bheng Arellano
Hindi Dapat:  Rudolf Miranda
Lakandiwa:  Bert Cabual



LAKANDIWA:

“Dapat ba o Hindi Dapat na dagdagan
Ng isa pang taon ang haiskul na paham?”
Tanong itong ngayo’y kinasasabikang
Mag-ilaw ng tugong sa baya’y tatanglaw.

Itong Balagtasa’y aking ibubukas
Sa nangalilimping kawal ni Balagtas;
Ang mga makata’y maaring maghayag
Ng pangangatwirang madiwa’t matatag.

Makatang may giting at lakas ng loob
Na sa Balagtasang ito ay lumahok;
Ngayo’y oras ninyong pumutak...sumangkot,
Kumbaga sa tandang at inahing manok.

Martes, Agosto 21, 2012

Paalam, Sec. Robredo

         Una ko siyang binanggit sa isang post ko rito nang siya ay napasama sa Search for 2010 Worl Mayor Prize Award. Kaya nakakalungkot na sa muli kong pag-post ay pamamaalam na dahil sa  kanyang biglaang pagpanaw.
          Ang totoo, hindi ko siya personal na kakilala.  Gayunpaman, base sa mga nabasa, nababasa, narinig at naririnig ko tungkol sa kanya, isa talaga siyang mabuting tao at isang ehemplo sa pagiging mabuting lider.  Karapat-dapat siyang tularan ng maraming namumuno sa iba't ibang sangay ng ating pamahalaan na halos puro pansariling interes ang prayoridad.
         Siguro nga, mas maaga talagang pinagpapahinga ang mga mabubuting lider.  Pero sana man lamang ay hindi masayang ang mga ginawa niyang pagsisikap upang magkaroon magandang pagbabago ang isang bayan.  Sana'y dumama pa ang kagaya niya sa paninindigan at pagbibigay ng serbisyo sa kanyang mga nasasakupan.
        Paalalam sa isang mabuting lider. Paalam, Sec. Jesse M. Robredo.
       

* Ang larawan ay kinopya at ibinahagi mula sa Facebook Official Gazette of  the Republic of the Philippines. Maraing salamat po.


Miyerkules, Mayo 9, 2012

Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan


(Balagtasan)
- Jose Corazon de Jesus

LAKAN-DIWA:
Yamang ako’y siyang Haring inihalal
Binubuksan ko na itong Balagtasan,
Lahat ng makata’y inaanyayahang
Sa gawang pagtula ay makipaglaban.

Ang makasasali’y batikang makata
At ang bibigkasi’y magagandang tula,
Magandang kumilos, may gata sa dila
At kung hindi ay mapapahiya.

Itong Balagtasa'y galing kay Balagtas
Na Hari ng mga Manunulang lahat,
Ito’y dating Duplong tinatawag-tawag
Balagtasan ngayon ang ipinamagat.

At sa gabing ito’y sa harap ng bayan
Binubuksan ko na itong Balagtasan
Saka ang ibig kong dito’y pag-sapan:
BULAKLAK NG LAHING KALINISLINISAN.

Tinatawagan ko ang mga makata,
Ang lalong kilabot sa gawang pagtula,
Lumitaw na kayo’t dito’y pumagitna
At magbalagtasan sa Sariling Wika.

PARU-PARO:
Magandang gabi sa kanilang lahat
Mga nalilimping kawal ni Balagtas,
Ako’y paru-parong may itim na pakpak
At nagbabalita ng masamang oras.

Nananawagan po, bunying Lakan-Diwa,
Ang uod na dating ngayo’y nagmakata,
Naging paru-paro sa gitna ng tula
At isang bulaklak ang pinipithaya.

Martes, Mayo 8, 2012

ANG PAMANA


 ni Jose Corazon de Jesus

Isang araw, ang Ina ko'y nakita kong namamanglaw
naglilinis ng marumi't mga lumang kasangkapan,
sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan
nakita kong ang maraming taon noon kahirapan;
sa guhit ng kanyang pisnging laumalalim araw-araw
nakita ko ang Ina ko'y tila mandin namamanglaw,
at ang sabi, “itong piano'y sa iyo ko ibibigay
ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
mga silya't aparador sa kay Titong ibibigay
sa ganyan ko hiahati itong ating munting yaman.

Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng kanyang mukha
tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
subalit sa akingmata'y may namuong mga luha
na hindi ko mapigilan at hindi ko masansala;
naisip o ang Ina ko, ang Ina kong kaawaawa
tila kami'y iiwan na't may yari nang huling nasa,
at sa halip na magalak sa pamang mapapala
sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita,
napaiyak akong tila kaawaawang ba't
niyakap ko ang Ina ko at sa kanya ay winika.

Ang ibig ko sana Nanay, kita'y aking pasayahin
at huwag ko nang makitang ikaw'y malulungkot mandin,
Oh! Ina ko, ano ba ang naisipang paghatiin
ang lahat ng kayamanang naiwan mo sa amin?
“wala naman” - yaong sagot, “baka ako'y tawagin
ni Bathala, ang mabuti'y malaman mo ang habilin
itong piyano, iyang silya't salamin
pamana ko sa inyong bunsong ginigiliw...

“Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan
ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
ang ibig ko'y ikaw Inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko'y ikaw.
Aanhin ko ang piyano kapag ikaw ay namatay
ni hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay
ang ibig ko'y ikaw Inang
at mabuhay ka na lamang
inililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
ni hindi ka maaaring mapantayan ng daigdigan
ng lahat ng ginto rito
pagka't ikaw, Oh! Ina ko,
Ikaw'y wala pang kapantay.

                                                                                       - Panulaang Tagalog nina Angeles, Matienzo at Panganiban; pp.78-79

Lunes, Mayo 7, 2012

Alay Pasasalamat Ng Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School


Ika-26 ng Setyembre, taong nagdaan
Bagyong Ondoy naranasan sa buong bayan
Pagbaha’y nanalasa sa aming paaralan
Naging putikang  tambakan ng sirang kagamitan.

Nagkapit-kamay, buong pusong nagtulungan
Mga mag-aaral, guro, magulang at pamayanan
Dalawang linggong naglinis, tila walang kapaguran.
Naghanda upang eskwelaha’y magamit kina-Lunesan

Ngunit anong saklap, tila nagsara ang kalangitan
Oktubre na! Ang San Isidro, nagulantang…
Natupok! Naabo! Ang mahal naming paaralan –
Tuluyang nilamon ang tira ng bagyong nagdaan.

Binaha na nga, bakit pa nasunugan?
Sino’ng di mahahapis sa aming kinasapitan?
Puso ma’y bato, hapdi’y mararamdaman
Animo’y basing-sisiw kaming mga Governian.

Sino’ng lalapitan? Sino’ng maaasahan
Upang makabangon, aming paaralan?
Gayong kaliwa’t kanan ang nangangailangan,
Sino o ano ang uunahin ng hihingan?

Mula sa pagkalugmok na kinasadlakan
Sumilay ang tagumpay na inaasam
Pagka’t ngayo’y nakabangon na, aming paaralan
Dahil sa tulong ng lahat ng kinauukulan.

Ang PLDT-Smart sa pamumuno ni G. Manny Pangilinan
Nagkalob ng napakagandang 2-storey container van
Na magagamit ng mga mag-aaral
Upang sa pag-aaral lalong ganahan.

Hindi malilimutan! Hindi mnatutumbasan
Kabutihang ibinahagi sa ‘ming pangalawang tahanan
Kaya’t taos-puso po naming kayong pinasasalamatan
Kalakip ang pangakong handog nyo’y iingatan.

                                          Joy O. Dilan

Biyernes, Marso 30, 2012


Mangarap at Magsikap
-Joy Ollero Dilan

(Isang talumpati sa temang  “Alay Ninyong Kaalaman, Gamit Namin sa Pag-unlad ng Bayan”  na binigkas ng may-akda para sa mga gradweyts ng  Macalva Elementary School noong Marso 29, 2012..)

            Isang taon lang ang kulang para  maging tatlong dekada  ang nakakaraan mula nang ako at ang aking mga kasabayan ay nakaupo sa kinauupuan ninyong mga mag-aaral na ngayo’y lilisan sa Macalva Elementary School upang  tumuntong sa mataas na paaralan at maging unang batch ng K+12 program ng  Kagawaran ng Edukasyon sa bansa.
            At sa hindi inaasahang pagbabalik kong ito, kagyat na bumabalik ang mga alaala ng aming elementary days…na parang kailan lang…
            Parang kailan lang…  nilalakad namin ang  pagpasok at pag-uwi mula sa paaralan. Bihira pa noon ang sasakyan. Minsan, pag sinuswerte, iniaangkas kami ng libre ng mga mababait na tricycle drivers.
            Parang kailan lang… kasla kami kuton nga agsasaruno tapno mapan agsatdo ti danum nga pagsibog ti mulmula ti hardin iti eskwelaan.
Parang kailan lang…  agiyawidak ti sangasupot a nutribun ta nagpagatang ni antik.  Ngamin adu kadaguti kaeskwelaak, dida kayat ti nutribun  isu pa-sekreto nga ilako da kaniak sadan to igatang ti tinudok wenno ice candy. Ay apo, mano laeng balon ko idi – mikol, diyes, benteng (kwarta nga saanen nga am-amo daguiti ubbing ita). No dadduma, awan pay balon ko.  
Parang kailan lang…No pangaldawen, isukatkon tay balon ko nga kapasyet ti karne wenno sida a balon daguiti kaeskwelaak.  Masdaaw idi ni nanangko no apay nga kapasyet ti kayat ko a balunen. Ngamin, kaykayatmet daguiti gagayyem ko.
Parang kailan lang…nakaragragsak kami nga agkakadua nga aggagayyem ken agkakaeskwelaan. This is one thing I will always be grateful of my elementary years – having good friends whose friendship last through the years. I’m just so happy that to these days, we still communicate with each other.
 Parang kailan lang idi napadasak naminsan ti saka-saka a nagawid. Tennga ti aldaw pay…binulod ngamin ni Mam Romero ket nalipatanna nga insubli diay tsinelas  ko.… mabutengak met a mangala. Those days, nagan la ni mam, agpigpigerger kamin. No pay kasdiay, maitured mi met latta ti mapan makibayyabas diay arubayanda nu kua.
Parang kailan lang, minalemak nga mangyawid ti  Philippine Journal of Education magazines  nga  pagyamyamanak nga impabpabulod daydi Dios ti alwad na a Grade III teacher ko, ni Mam Panelo . At the end of the skul year, nabasak aminen nga istorya ken dandaniw  sadiay. Not to mention all kinds of  magazines and komiks nga binubulodmi kenni Maria Flor kenni mam Llavore idi.
Isu saan yo laglagilawen, apo no nalaingak nga agistorya…nasursurwak ngamin ditoy eskwelaan…baben daguiti materials nga impabpabulod daguiti nasisingpet ken mannakaawat nga mamaestrak ditoy idi.
Eniweys, so much for the Part I of intro.  Adda pay katuloy na. Iyaanus yo la coman, apo  ta subbuteken ti panagtakder ko ditoy  since I know this is a once-in-a-lifetime opportunity only”.  
Memories keep flooding  the moment I entered Macalva Elementary School.  It’s like being “home” again. 
However, back to reality… sa dahilan kung  bakit narito tayo ngayon at sa papel na aking ginagampanan -Guest Speaker. Panauhing Tagapagsalita. 
Ang tanong ko kay mam Llavore nang ako’y tawagan, “Bakit ako?” 
Hindi  impressive ang resume ko.  Sa karaniwang pamantayan ng tao, hindi ako ganon ka-successful kasi hindi pa naman ako mayaman.  Hangang saan lang ba ang narrating ko?
But then, I realized , bakit nga ba hindi?  Afterall, in my own right, I am successful.  I’ll tell you why… later.   For the meantime, mag-recitation  muna tayo,mga bata,ok?
Unang tanong, ano ang tema  o paksa ng Pagtatapos sa taong ito?
Ikalawang tanong, Ano  ang unang bagay na pumasok sa isip mo nang mabasa o marinig ang paksang ito? 
Ikatlong tanong,  Sino ang  unang naisip mo nang mabasa o marinig nyo ang paksang ito?
Whatever, whoever…tama lahat. Naisip nyo e. 

Kapupulutan ng  kaalaman  ang lahat ng kapwa  at maging ang iba pang mga bagay sa mundo. Ang mga kaalamang ito ay maaaring positibo at maaari namang negatibo. Depende ito sa kakayahang magbigay-kahulugan, umunawa, dumama at tumanggap ng bawat  tao.
Para-paraan ang pagtatamo ng kaalaman. Nagsisimula siyempre ito sa tahanan. Hindi nga ba’t  tinaguriang unang guro ang ating magulang?  Dahil sa kanila, ating natutuhan ang mga pangunahing kasanayan sa buhay – pangangalaga sa katawan at kalusugan ( kas iti umno a pannangan), pakikipag-usap nang may paggalang, pagpapahalaga sa kultura’t mga kinalakhang kaugalian.         
At dahil sa pagmamahal at pagpapahalaga ng ating mga magulang na mabigyan tayo ng ibayong kaalaman at gayundin ng pangarap nilang magkaroon tayo ng magandang kinabukasan, dinala tayo sa paaralan, ang institusyon ng pamahalaan para sa pormal na pagbabahagi ng kaalaman –edukasyon. Sa paaralan,  ipinagkatiwala tayo ng ating mga magulang  sa ating mga guro upang lalong mahubog ang ating mga kakayahan.
   Ang kaalaman o edukasyon ay sadyang napakahalaga.  Kaya naman, minsan maririnig natin sa ating mga magulang, “Mag-aral kang mabuti, anak. Igagapang naming ang iyong pag-aaral” na ang ibig sabihin ay gagawin nila ang lahat upang mapag-aral ang kanilang anak. Magastos kasi ang magpaaral lalo ngayon kasi may Nursery, Kindergarten at Preschool na. (Imbag laketdin ta idi siak ti inserrek ni nanang ko ditoy  nga eskwelaan nga idi ket Macalva Community School pay laeng, inawatdak a dagus ta atiddog ngamin ti takiag ko isu nagaw-at ko ti bangir a lapayag ko uray innem laeng ti tawen ko idi).
             Sabi ng nanay ko noon, “Ang edukasyon ay kayamanan na hindi makukuha ninuman”. Kanayon nga ibaga na uray natandaanak la ngaruden ngem kinaagpaysuna, diak unay maawatan pay idi.

Sabado, Pebrero 11, 2012

Buod: "Tata Selo" ni Rogelio Sicat


        Ang kwentong Tata Selo ay tungkol sa isang matanda na naghangad  lamang na makapagsaka sa kaniyang dating lupa na naibenta dahil sa pagkakasakit ang kanyang asawa.  Dahil sa kahirapan, hindi na niya ito nabawi kaya nakiusap na lang siya kay Kabesa Tano na siya na lang ang magsaka sa kanyang lupa.
        Ngunit isang araw, sapilitan siya pinaaalis ni Kabesang Tano dahil may iba nang magsasaka sa kanyang dating lupa. Hindi siya pinakinggan sa kanyang pagsusumamo. Sa halip, sinaktan pa siya nito.  Nagdilim ang kanyang paningin at nataga niya si Kabesang Tano na  ikinamatay nito. Nakulong si Tata Selo.
       Sa bandang huli, pinagsamantalahan pa ng alkalde ang anak ni Tata Selo na si Saling.  Nanlulumo man ay wala na silang magawa.
Nanaig ang hustisya ng mga mayayaman. 

Buod ng “Kwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza Matute


           Ang maikling kuwentong ito ay tungkol sa  isang guro at ina na kung bansagan ng kanyang mga estudyante ay “Mabuti”.
          Si Mabuti ang naging dahilan upang  maunawaan ng isang mag-aaral sa katauhan ni Fe ang tunay na kahulugan ng buhay.
          Si Mabuti  may suliraning iniiyakan, tulad din ni Fe. Sa kabila nito, napaghingahan niya ng damdamin ang guro.  Bumuti ang kanyang pakiramdam at naging positibo ang kanyang  pananaw sa buhay.
        Natuklasan niya ang isang lihim sa pagkatao nito na nagbunga ng anak. Ang anak na ipinagmamalaki ng guro sa kabila ng lahat. Hindi niya kinabakasan ng kapaitan ang guro. 
        Naramdaman ni Fe na sila ni Mabuti  ay iisa dahil nadama niya na silang dalawa ay bahagi ng mga nilalang na nakararanas ng kalungkutan at nakakikilala ng kaligayahan.