Pages

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Bert Cabual. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Bert Cabual. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Setyembre 16, 2012


Mula sa panulat nina:
Dapat:  Bheng Arellano
Hindi Dapat:  Rudolf Miranda
Lakandiwa:  Bert Cabual



LAKANDIWA:

“Dapat ba o Hindi Dapat na dagdagan
Ng isa pang taon ang haiskul na paham?”
Tanong itong ngayo’y kinasasabikang
Mag-ilaw ng tugong sa baya’y tatanglaw.

Itong Balagtasa’y aking ibubukas
Sa nangalilimping kawal ni Balagtas;
Ang mga makata’y maaring maghayag
Ng pangangatwirang madiwa’t matatag.

Makatang may giting at lakas ng loob
Na sa Balagtasang ito ay lumahok;
Ngayo’y oras ninyong pumutak...sumangkot,
Kumbaga sa tandang at inahing manok.