Pages

Biyernes, Marso 30, 2012


Mangarap at Magsikap
-Joy Ollero Dilan

(Isang talumpati sa temang  “Alay Ninyong Kaalaman, Gamit Namin sa Pag-unlad ng Bayan”  na binigkas ng may-akda para sa mga gradweyts ng  Macalva Elementary School noong Marso 29, 2012..)

            Isang taon lang ang kulang para  maging tatlong dekada  ang nakakaraan mula nang ako at ang aking mga kasabayan ay nakaupo sa kinauupuan ninyong mga mag-aaral na ngayo’y lilisan sa Macalva Elementary School upang  tumuntong sa mataas na paaralan at maging unang batch ng K+12 program ng  Kagawaran ng Edukasyon sa bansa.
            At sa hindi inaasahang pagbabalik kong ito, kagyat na bumabalik ang mga alaala ng aming elementary days…na parang kailan lang…
            Parang kailan lang…  nilalakad namin ang  pagpasok at pag-uwi mula sa paaralan. Bihira pa noon ang sasakyan. Minsan, pag sinuswerte, iniaangkas kami ng libre ng mga mababait na tricycle drivers.
            Parang kailan lang… kasla kami kuton nga agsasaruno tapno mapan agsatdo ti danum nga pagsibog ti mulmula ti hardin iti eskwelaan.
Parang kailan lang…  agiyawidak ti sangasupot a nutribun ta nagpagatang ni antik.  Ngamin adu kadaguti kaeskwelaak, dida kayat ti nutribun  isu pa-sekreto nga ilako da kaniak sadan to igatang ti tinudok wenno ice candy. Ay apo, mano laeng balon ko idi – mikol, diyes, benteng (kwarta nga saanen nga am-amo daguiti ubbing ita). No dadduma, awan pay balon ko.  
Parang kailan lang…No pangaldawen, isukatkon tay balon ko nga kapasyet ti karne wenno sida a balon daguiti kaeskwelaak.  Masdaaw idi ni nanangko no apay nga kapasyet ti kayat ko a balunen. Ngamin, kaykayatmet daguiti gagayyem ko.
Parang kailan lang…nakaragragsak kami nga agkakadua nga aggagayyem ken agkakaeskwelaan. This is one thing I will always be grateful of my elementary years – having good friends whose friendship last through the years. I’m just so happy that to these days, we still communicate with each other.
 Parang kailan lang idi napadasak naminsan ti saka-saka a nagawid. Tennga ti aldaw pay…binulod ngamin ni Mam Romero ket nalipatanna nga insubli diay tsinelas  ko.… mabutengak met a mangala. Those days, nagan la ni mam, agpigpigerger kamin. No pay kasdiay, maitured mi met latta ti mapan makibayyabas diay arubayanda nu kua.
Parang kailan lang, minalemak nga mangyawid ti  Philippine Journal of Education magazines  nga  pagyamyamanak nga impabpabulod daydi Dios ti alwad na a Grade III teacher ko, ni Mam Panelo . At the end of the skul year, nabasak aminen nga istorya ken dandaniw  sadiay. Not to mention all kinds of  magazines and komiks nga binubulodmi kenni Maria Flor kenni mam Llavore idi.
Isu saan yo laglagilawen, apo no nalaingak nga agistorya…nasursurwak ngamin ditoy eskwelaan…baben daguiti materials nga impabpabulod daguiti nasisingpet ken mannakaawat nga mamaestrak ditoy idi.
Eniweys, so much for the Part I of intro.  Adda pay katuloy na. Iyaanus yo la coman, apo  ta subbuteken ti panagtakder ko ditoy  since I know this is a once-in-a-lifetime opportunity only”.  
Memories keep flooding  the moment I entered Macalva Elementary School.  It’s like being “home” again. 
However, back to reality… sa dahilan kung  bakit narito tayo ngayon at sa papel na aking ginagampanan -Guest Speaker. Panauhing Tagapagsalita. 
Ang tanong ko kay mam Llavore nang ako’y tawagan, “Bakit ako?” 
Hindi  impressive ang resume ko.  Sa karaniwang pamantayan ng tao, hindi ako ganon ka-successful kasi hindi pa naman ako mayaman.  Hangang saan lang ba ang narrating ko?
But then, I realized , bakit nga ba hindi?  Afterall, in my own right, I am successful.  I’ll tell you why… later.   For the meantime, mag-recitation  muna tayo,mga bata,ok?
Unang tanong, ano ang tema  o paksa ng Pagtatapos sa taong ito?
Ikalawang tanong, Ano  ang unang bagay na pumasok sa isip mo nang mabasa o marinig ang paksang ito? 
Ikatlong tanong,  Sino ang  unang naisip mo nang mabasa o marinig nyo ang paksang ito?
Whatever, whoever…tama lahat. Naisip nyo e. 

Kapupulutan ng  kaalaman  ang lahat ng kapwa  at maging ang iba pang mga bagay sa mundo. Ang mga kaalamang ito ay maaaring positibo at maaari namang negatibo. Depende ito sa kakayahang magbigay-kahulugan, umunawa, dumama at tumanggap ng bawat  tao.
Para-paraan ang pagtatamo ng kaalaman. Nagsisimula siyempre ito sa tahanan. Hindi nga ba’t  tinaguriang unang guro ang ating magulang?  Dahil sa kanila, ating natutuhan ang mga pangunahing kasanayan sa buhay – pangangalaga sa katawan at kalusugan ( kas iti umno a pannangan), pakikipag-usap nang may paggalang, pagpapahalaga sa kultura’t mga kinalakhang kaugalian.         
At dahil sa pagmamahal at pagpapahalaga ng ating mga magulang na mabigyan tayo ng ibayong kaalaman at gayundin ng pangarap nilang magkaroon tayo ng magandang kinabukasan, dinala tayo sa paaralan, ang institusyon ng pamahalaan para sa pormal na pagbabahagi ng kaalaman –edukasyon. Sa paaralan,  ipinagkatiwala tayo ng ating mga magulang  sa ating mga guro upang lalong mahubog ang ating mga kakayahan.
   Ang kaalaman o edukasyon ay sadyang napakahalaga.  Kaya naman, minsan maririnig natin sa ating mga magulang, “Mag-aral kang mabuti, anak. Igagapang naming ang iyong pag-aaral” na ang ibig sabihin ay gagawin nila ang lahat upang mapag-aral ang kanilang anak. Magastos kasi ang magpaaral lalo ngayon kasi may Nursery, Kindergarten at Preschool na. (Imbag laketdin ta idi siak ti inserrek ni nanang ko ditoy  nga eskwelaan nga idi ket Macalva Community School pay laeng, inawatdak a dagus ta atiddog ngamin ti takiag ko isu nagaw-at ko ti bangir a lapayag ko uray innem laeng ti tawen ko idi).
             Sabi ng nanay ko noon, “Ang edukasyon ay kayamanan na hindi makukuha ninuman”. Kanayon nga ibaga na uray natandaanak la ngaruden ngem kinaagpaysuna, diak unay maawatan pay idi.

             Nupay kasdiay, ingakarkarigatak  ti nagturpos ti elementarya kalpasanna, sekundarya. Diak kayat ti agsardeng nga agadal uray idi na bed-ridden ni nanang ko for almost 3 months. Parbangon pay laeng, mapanakon agnateng idi tapno mailakok sakbay mapan agiskwela.
             Inarapaap ko ti agbalin a doctor wenno journalist. Nangato kano iti arapaap ko. Libre naman, bakit di pa taasan?  Pag bumagsak daw, mas masakit. Ngem para kaniak, no mapaay man, mabalin met a maisalat.
             If you can’t be the moon, be a star…
             Time for college enrollment.  Malagip ko pay daydi langa ni nanang ko. Kasla napaay idi inyawatna kaniak ti Php250.00 ket kinuna “makaamo kan anak ko”.
             Diak kayat idi ti ag-maestra. Ngem kaykayat ko ti mangala ti kurso nga pang-maestrangem saan a makaadal.    Bahala na si Batman sa kinabukasan. Ang mahalaga, magkaroon ng diploma. Diploma na lang ang pinangarap ko.
             Sa loob ng 4 taong pag-aaral sa kolehiyo, hindi ko naranasang mag-summer vacation kasi nagsa-summer classes ako para magkaroon ng mga bakanteng oras sa susunod na semester at  makapagworking student as library aide. Libre na sa libro, may dagdag alawans pa ako.
             After college, nag-board exam agad at nakapasa naman. Pero ‘yon na lang yon.  Pinakawalan ko ang mga pagkakataong makapagturo agad.
            Kung isasalaysay ko nang detalyado ang mga pinagdaanan ko, baka mainip kayo dahil aabutin pa tayo ng ilang oras dito.
             To cut my very long story, namasukan ako sa ibang trabaho at nagkapamilya. For 10 years, I was a fulltime wife and mom. It was however, those times that I learned to use computer and surf the net. See, ang kaalaman ko sa kompyuteresasyon,  ay natutuhan ko sa bahay.
         When time came that I needed a secure employment, hindi ako nahirapang makapasok dahil sa diploma ko. Noon ko narealize na tama pala talaa si nanay.  Lumipas man ang maraming taon, hindi mawawala ang edukasyon. Mothers know best talaga. Pero siyempre, lahat ng magulang  at pangalawang magulang natin- ang mga guro. (Kaya, palakpakan  po natin ang lahat ng mga magulang, narito man sila o wala).
        Sa pagkakataong ito, I would like you to think, my dear graduates na kayo ay nahaharap sa panibagong yugto ng isang pagtatanghal sa entablado na kung tawagin ay mundo.
             Ipagpalagay natin na ang unang yugto ay noong kayo’y isilang sa mundo – at habang kayo ay baby pa.
             Ang ikalawang yugto ay noong kamusmusan ninyo na hindi pa nag-aaral.
            Ang ikatlong yugto ay ang panahon ng pag-aaral ng elementarya na ngayon ay magtatapos na.
             Ilang taon na ba kayo ngayon – 11, 12- 13?
            Isipin nyo na ang  eksenang gagampanan n’yo ay ganito: nakaharap kayo sa isang luma at mahabang tulay na kailangang tawirin – ito ang tulay ng kaalaman na nag-uugnay sa kasalukuyan at sa pangarap n’yong bukas.
             Ang tanong, tatawirin n’yo ba ang tulay?
          Alalahanin ninyo, ilang taon na ba ang nilakbay n’yo sa buhay? Ang kinakaharap n’yong tulay ay maaaring lakbayin sa loob ng mas maikling panahon. Kaya, bakit naman hindi n’yo subukan at tawirin ito? Sa kung paanong paraan,  nakasalalay ito sa kung paano ang gusto n’yong takbo ng pagtatanghal ng buhay n’yo sa mundo.
             Anu’t  anuman, isipin nyo na  kayo ang nagsusulat ng sariling kwento ng buhay nyo.
            Ang mga magulang, mga guro, kaibigan at pamahalaan ay nandyan lang – may kanya-kanyang papel din silang ginagampanan sa pag-aalay ng kaalaman sa inyo.   Ngunit kung hanggang saan ang mararating o kung ano ang magiging bunga ng alay nilang mga kaalaman o edukasyon, nasa sa inyo iyon. Depende kung paano nyo gagamitin ang mga ito para mapaunlad ang sarili nyo, ang pamilya, pamayanan at bansa sa ganitong pagkakasunod-sunod.
             Kung hindi ako nagdesisyon noon sa gamiting tuition fee ang Php250.00 na bigay ni nanay, siguro,  hindi ako nakatapos ng pag-aaral. Siguro rin, wala ako rito ngayon.
             Marahil, may magsasabi, tapos ka nga ng pag-aaral hindi ka naman yumaman, wala kang  sariling sasakyan, maliit ang bahay mo at hanggang saan lang ba ang mga lugar na nalakbay mo?
             But you know dear graduates, one thing I want to share you – I made it afterall.
             Nagawa kong naguhin ang buhay ko for the better. Kumbaga sa computer, nag-upgrade ako mula sa pinanggalingan ko.  
            Ang mahalaga, hindi ako problema ng bansa. Nakakatulong ako sa pamahalaan at sa bayan sa aking mga simpleng paraan.  Sinisikap kong maging isang mabuting guro sa mga mag-aaral na tinuturuan ko…gaya nang mga naging guro ko.
             I used to ask my students, “Bakit kayo nag-aaral?” Karamihang sagot nila, “para sa parents ko” o “para makatulong sa pamilya ko”.
             Sabi ko, “Mahirap paniwalaan. Hindi tama! Why study for other people? Educate yourself – for your own good. Pag kaya mo na,  then go! Look back…give back!”
  
            Mahalaga ang edukasyon, ang diploma. Ngunit kung sa iba’t ibang dahilan, hindi ito makamtan, sana’y pahalagahan ang mga kaalamang nakamtan mula sa mga magulang, mula sa Macalva Elementary School, mula sa mga pakikipagkaibigan sa pamayanan at iba pa. Gamitin ito upang mapaunlad ang sarili.
              Kaya makatapos man o hindi ng hayskul..makapagkolehiyo man o hindi,   ang mahalaga, hindi kayo magiging pasanin ng ibang tao at pamahalaan at siyempre pa, masaya at walang pagsisising makakapagbalik tanaw sa nakaraan. Kaya, mangarap kayo… magsikap.  Laglagipenyo, addik nga dakayo ti agar-aramid ti masakbayanyo. 
             Binabati ko ang mga magtatapos ngayon na nagtamo ng mga karagalan. Go and follow your dreams. Alalahanin ninyo, matatalino kayo. Kayang-kaya nyo ang mga hamon ng mas mataas na      edukasyon.  Kaya nyo yan.
             Binabati ko  at  hinahangaan ang mga magtatapos ngayon na sa pamantayan ng karaniwang tao, ay hindi matatalino  ngunit nagtiyaga  upang kahit papaano ay makapasa.  Go and follow your dreams. Alalahanin ninyo, hindi man kayo matatalino, may kakayahan din kayong pagtagumpayan ang mga hamon ng mas mataas na edukasyon.  Kaya nyo yan.
             Binabati ko at higit na hinahangan ang mga magtatapos ngayon na sa kanilang murang gulang ay naranasan ang hirap ng pagiging mahirap at sa mga nakasanas ng kakulangan sa pagmamahal ng  magulang at ibang tao sa iba’t ibang kadahilanan. Go and follow your dreams. Alalahanin n’yo,  survivors, kaya ninyong  harapin ang mga hamon ng mas mataas na edukasyon.
             Dawatek man nga tumakder kayo amin, my dear graduates. Go to your parents/guardiana who are with you this afternoon..  Kiss them and promise them that you will do your best to be someone they will be proud of someday.            
             My dear graduates, sana’y pakatandaan ninyo  na kung isasapuso at pahahalagahan ninyo,   ang pagtutulungan ng tahanan, paaralan at  pamahalaan sa pag-aalay ng kaalaman ay magbubunga ng  kabutihang magagamit upang mapaunlad ang ating sarili, pamilya, pamayanan at bayan.


Walang komento: