205
"Dumating ang
bukas ng aking pag-alis,
sino ang sasayod ng
bumugsong sakit?
dini sa puso ko'y
alin ang hinagpis
na hindi nagtimo ng
kaniyang kalis?
297
"May sakit pa
kayang lalalo ng tindi
na ang sumisinta'y
mawalay sa kasi?
guniguni lamang di
na ang mangyari,
sukat ikalugmok ng
pusong bayani.
298
"(O,
nangag-aalay ng mabangong suob
sa dakilang altar
ni kupidong diyos,
sa dusa ko'y kayo
ang nakatatarok
noong maulila sa
Laura kong irog!)"
299
"At kung hindi
luhang pabaon sa akin,
namatay na muna
bago ko naatim;
dusang di lumikat
hanggang sa dumating
sa Bayang Krotonang
kubkob ng hilahil.
300
"Kuta'y
lulugso na sa bayong madalas
ng mga makinang
talagang pangwalat,
siyang paglusob
ko't ng hukbong akibat,
ginipit ang digmang
kumubkob sa syudad.
301
"Dito'y ang
masidhing lubhang kamatayan
at Parkas Atropos
ay nagdamdam-pagal
sa paggapas nila't
pagkitil ng buhay
ng naghihingalong
sa dugo'y naglutang.
302
"Makita ng
piling Heneral Osmalic
ang aking marahaas
na pamimiyapis,
pitong susong hanay
na dulo ng kalis,
winahi ng tabak
nang ako'y masapit.
303
"Sa kaliwa't
kanan niya'y nalaglag
mga soldados kong
pawang mararahas;
lumapit sa aking
mata'y nagniningas,
Halika, aniya't
kita ang maglamas.
304
"Limang oras
kaming hindi naghiwalay,
hanggang sa nahapo
ang bato ng tapang;
nagluksa ang langit
nang aking mapatay...
habag sa gererong
sa mundo'y tinakpan.
305
"Siya nang
pagsilid ng pangingilabot
sa kalabang hukbong
parag sinasalot
ng pamuksang tabak
na Minandrong bantog...
ang kampo't
biktorya'y napa-aming lubos.
306
"Tagumpay na
ito'y pumawi ng lumbay
ng mga nakubkob ng
kasakunaan;
panganib sa puso'y
naging katuwaan,
ang pinto ng syudad
pagdaka'y nabuksan.
307
"Sinalubong
kami ng haring dakila,
kasama ang buong
bayang natimawa;
ang pasasalamat ay
di maapula
sa di magkawastong
nagpupuring dila.
308
"Yaong bayang
hapo't bagong nakatighaw
sa nagbalang bangis
ng mga kaaway,
sa pagkatimawa ay
nag-aagawang,
malapit sa aki't
damit ko'y mahagkan.
309
"Sa lakas ng
hiyaw ng Pamang matabil,
vivang
dugtung-dugtong ay nakikisaliw;
ang gulong salamat,
nagtanggol sa amin--
dininig sa langit
ng mga bituin.
310
"Lalo ang tuwa
nang ako'y matatap
na apo ng hari
nilang nililiyag;
ang monarko nama'y
di-munti ang galak,
luha ang nagsabi ng
ligayang ganap.
311
"Nagsiakyat
kami sa palasyong bantog
at nangapahinga ang
soldadong pagod;
datapwa't ang
baya'y tatlong araw halos
na nakalimutan ang
gawaing pagtulog.
312
"Sa ligaya
namin ng nuno kong hari,
nakapagitan din ang
lilong pighati;
at ang pagkamatay
ng ina kong pili,
malaon nang lanta'y
nanariwang muli.
313
"Dito naniwala
ang bata kong loob
na sa mundo'y
walang katuwaang lubos;
sa minsang ligaya't
tali nang nakasunod—
makapitong lumbay o
hanggang matapos.
314
"Naging limang
buwan ako sa Krotona
nagpilit bumalik sa
Reynong Albanya;
di sinong susumang
sa akay ng sinta
kung ang
tinutungo'y lalo't isang Laura?
315
"Sa gayong
katulin ng aming paglakad,
naiinip ako't ang
nasa'y lumipad;
aba't nang matanaw
ang muog ng syudad,
kumutob sa aking
puso'y lalong hirap!
316
"Kaya pala
gayo'y ang nawawagayway
sa kuta'y hindi na
bandilang binyagan,
kundi Medialuna't
reyno'y nasalakay
ni Alading salot ng
pasuking bayan.
317
"Ang akay kong
hukbo'y kusang pinahimpil
sa paa ng isang
bundok na mabangin,
di kaginsa-ginsa'y
natanawan namin,
pulutong ng Morong
lakad ay mahinhin.
318
"Isang
binibini ang gapos na taglay
na sa damdam nami'y
tangkang pupugutan;
ang puso ko'y
lalong naipit ng lumbay
sa gunitang baka si
Laura kong buhay.
319
"Kaya di
napigil ang akay ng loob
at ang mga Moro'y
bigla kong nilusob;
palad nang tumakbo
at hindi natapos
sa aking pamuksang
kalis na may poot!
320
"Nang wala na
akong pagbuntunang galit,
sa di makakibong
gapos ay lumapit;
ang takip sa mukha'y
nang aking ialis,
aba ko't si Laura!
may lalo pang sakit?
321
"Pupugutan
dahil sa hindi pagtanggap
sa sintang mahalay
ng Emir sa syudad;
nang mag-asal hayop
ang Morong pangahas,
tinampal sa mukha
ng himalang dilag.
322
"Aking
dali-daling kinalag sa kamay
ang lubid na walang
awa at pitagan;
mga daliri ko'y
naalang-alang
marampi sa balat na
kagalang-galang.
323
"Dito
nakatanggap ng lunas na titig
ang nagdaralitang
puso sa pag-ibig;
araw ng ligayang
una kong pagdinig
ng sintang Florante
sa kay Laurang bibig.
324
"Nang aking
matantong nasa bilangguan
ang bunying
monarka't ang ama kong hirang;
nag-utos sa hukbo't
aming sinalakay
hanggang di mabawi
ang Albanyang Bayan.
325
"Pagpasok na
namin sa loob ng reyno,
bilanggua'y siyang
una kong tinungo;
hinango ang hari't
ang dukeng ama ko
sa kaginooha'y isa
si Adolfo.
326
"Labis ang
ligayang kinamtan ng hari
at ng natimawang
kamahalang pili;
si Adolfo lamang
ang nagdalamhati,
sa kapurihan kong
tinamo ang sanhi.
327
"Pangimbulo
niya'y lalo nang nag-alab
nang ako'y tawaging
Tanggulan ng Syudad,
at ipinagdiwang ng
haring mataas
sa palasyo real
nang lubos na galak.
328
"Saka
nahalatang ako'y minamahal
ng pinag-uusig
niyang karikitan;
ang Konde Adolfo'y
nagpapakamatay--
dahil sa
Korona't--kay Laura'y makasal."
**Ang Patibong ni
Adolfo at Ang Kasaysayan ni Aladin**
329
"Lumago ang
binhing mula sa Atenas
ipinunlang nasang
ako'y ipahamak;
kay Adolfo'y walang
bagay na masaklap,
para ng buhay kong
hindi nauutas.
330
"Di nag-ilang
buwan ang sa reynong tuwa
at pasasalamat sa
pagkatimawa,
dumating ang isang
hukbong maninira
na taga-Turkiyang
masakim na lubha.
331
"Dito ang
panganib at pag-iiyakan
ng bagong nahugot
sa dalitang bayan,
lalo na si Laura't
ang kapangambahan
ang ako ay sam-ing
palad sa patayan.
332
"Sapagkat
heneral akong iniatas
ng hari sa hukbong
sa Moro'y lalabas;
nag-uli ang loob ng
bayang nasindak,
puso ni Adolfo'y
parang nakamandag.
333
"Niloob ng
Langit na aking nasupil
ang hukbo ng bantog
na si Miramolin;
siyang mulang araw
na ikinalagim
sa Reynong Albanya
ng Turkong masakim.
334
"Bukod dito'y
madlang digma ng kaaway
ang sunod-sunod
kong pinagtagumpayan;
anupa't sa aking
kalis na matapang,
labimpitong hari
ang nangagsigalang.
335
"Isang araw
akong bagong nagbiktorya
sa Etolyang Syudad
na kusang binaka,
tumanggap ng sulat
ng aking monarka,
mahigpit na biling
umuwi sa Albanya.
336
"At ang
pamamamahala sa dala kong hukbo,
ipinagtiwalang iwan
kay Minandro;
noon di'y tumulak
sa Etolyang Reyno,
pagsunod sa hari't
Albanya'y tinungo.
337
"Nang dumating
ako'y gabing kadiliman,
pumasok sa reynong
walang agam-agam;
pagdaka'y
kinubkob... (laking kaliluhan!)
ng may tatlumpong
libong sandatahan.
338
"Di
binigyang-daan akin pang mabunot
ang sakbat na kalis
at makapamook;
buong katawan ko'y
binidbid ng gapos,
piniit sa karsel na
katakut-takot.
339
"Sabihin ang
aking pamamangha't lumbay,
lalo nang matantong
monarka'y pinatay
ng Konde Adolfo't
kusang idinamay
ang ama kong irog
na mapagpalayaw.
340
"Ang nasang
yumama't haring mapatanyag
at uhaw sa aking
dugo ang yumakag
sa puso ng konde sa
gawang magsukab...
(O, napakarawal na
Albanyang Syudad!)
341
"(Mahigpit
kang aba sa mapagpunuan
ng hangal na puno
at masamang asal,
sapagka't ang
haring may hangad sa yaman
ay mariing hampas
ng Langit sa bayan.)
342
"Ako'y lalong
aba't dinaya ng ibig,
may kahirapan pang
para ng marinig
na ang prinsesa
ko'y nangakong mahigpit
pakasal sa Konde
Adolfong balawis?
343
"Ito ang
nagkalat ng lasong masidhi
sa ugat ng aking
pusong mapighati
at pinagnasaang
buhay ko'y madali
sa pinanggalingang
walang magsauli.
344
"Sa
pagkabilanggong labingwalong araw,
naiinip ako ng di
pagkamatay;
gabi nang hangui't
ipinagtuluyan
sa gubat na ito't
kusang ipinugal.
345
"Bilang
makalawang maligid ni Pebo
ang sandaigdigan sa
pagkagapos ko,
nang inaakalang
nasa ibang mundo,
imulat ang mata'y
nasa kandungan mo.
346
"Ito ang buhay
kong silu-silong sakit
at hindi pa tanto
ang huling sasapit..."
mahabang salita ay
dito napatid,
ang gerero naman
ang siyang nagsulit.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento