108
'di pa natatapos
itong pangungusap,
may dalawang leong
hangos ng paglakad;
siya'y tinutungo't
pagsil-in ang hangad,
ngunit nangatigil
pagdating sa harap.
109
Nangaawa mandi't
nawalan ng bangis
sa abang sisil-ing
larawan ng sakit;
nangakatingala't
parang nakikinig
sa 'di lumilikat na
tinangis-tangis.
110
Anong loob kaya
nitong nagagapos,
ngayong nasa harap
ng dalawang hayop,
na ang balang
ngipi't kuko'y naghahandog?
Isang kamatayang
kakila-kilabot!
111
'di ko na masabi't
luha ko'y nanatak,
nauumid yaring
dilang nangungusap;
puso ko'y nanlambot
sa malaking habag,
sa kaawa-awang
kinubkob ng hirap.
112
Sinong 'di mahapis
na may karamdaman
sa lagay ng gapos
na kalumbay-lumbay;
lipos ng pighati
saka tinutunghan,
sa laman at buto
niya ang hihimay.
113
Katiwala na nga
itong tigib-sakit
na ang buhay niya'y
tuntong na sa guhit;
nilagnat ang puso't
nasira ang boses,
'di na mawatasan
halos itong hibik.
114
"Paalam,
Albanyang pinamamayanan
ng kasam-a't lupit,
bangis, kaliluhan,
akong tanggulan
mo'y mang pinatay,
sa iyo'y malaki ang
panghihinayang.
115
"Sa loob mo
nawa'y huwag mamilantik
ang panirang talim
ng katalong kalis,
magkaespada kang
para nang binitbit
niring kinuta mong
kanang matangkilik."
116
"Kinasuklaman
mo ang ipinangako —
sa iyo'y gugulin
niniyak kong dugo;
at inibig mo pang
hayop ang magbubo
sa kung itanggol
ka'y maubos tumulo."
117
"Pagkabata ko
na'y walang inadhika
kundi paglilingkod sa
iyo't kalinga;
'di makailan kang
babal-ing masira,
ang mga kamay ko'y
siyang tumimawa."
118
"Dustang
kamatayan ang bihis mong bayad:
dapuwa't sa iyo'y
magpapasalamat,
kung pakamahali't
huwag ipahamak
ang tinatangisang
giliw na nagsukab."
119
"Yaong aking
Laurang hindi mapapaknit
ng kamatayan man sa
tapat kong dibdib
paalam, Bayan ko,
paalam na ibig,
magdarayang sintang
'di manaw sa isip!"
120
"Bayang walang
loob, sintang alibugha,
Adolfong malupit,
Laurang magdaraya,
magdiwang na
ngayo't manulos sa tuwa
at masusunod na sa
akin ang nasa."
121
"Nasa harap ko
na ang lalong marawal,
mabangis na lubhang
lahing kamatayan;
malulubos na nga
ang iyong kasam-an,
gayundin ang aking
kaalipustaan."
122
"Sa abang-aba
ko! Diyata, o Laura ...
mamatay ako'y hindi
mo na sinta!
Ito ang mapait sa
lahat ng dusa;
sa'kin ay sino ang
mag-aalaala!"
123
"Diyata't ang
aking pagkapanganyaya,
'di mo tatapunan ng
kamunting luha!
Kung yaring buhay
ko'y mahimbing sa wala,
'di babahagian ng
munting gunita!"
124
"Guniguning
ito'y lubhang makamandag,
agos na, lha ko't
puso'y maagnas;
tulo kaluluwa't sa
mata'y pumulas,
kayo aking dugo'y
mag-unahang matak."
125
"Nang
matumbasan ko ng luha, ang sakit
nitong pagkalimot
ng tunay kong ibig,
huwag yaring buhay
ang siyang itangis
kundi ang
pagsintang lubos na naamis."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento