ni Jehleia Viduya
Inaamin ko na pagkatapos ng ilang beses na pagbasa, hindi ko pa rin masasabing 100% ko nang naunawaan ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas. Gayunpaman, naniniwala ako na nasulat man ito sa panahon ng mga Kastila, mananatiling mahalaga at karapat-dapat itong pag-aralan ng mga kasalukuyan at hinaharap pang henerasyon ng mga Pilipino dahil kahit kailan, hindi mapaglilipasan ng panahon ang klasikong akdang ito.
Maliban sa orihinal na pagbabaybay ng mga salita na hindi na marahil mamasamain ni Balagtas kung naiakma man sa kasalukuyang pagbabaybay sa Filipino, napapanahon ang istruktura, ng pagsasalaysay lalo na ang mga kwentong kinapapalooban ng mga mensahe at aral ukol sa iba't ibang aspekto ng buhay ng isang tao, pamilya, bayan at mundo.
Masining na naihayag ni Balagtas ang mga damdamin, mga suliranin at mga kalutasan nito na tiyak na tatatak o kakanti sa puso at isip ng mambabasa.
Sa lahat ng ga akdang nabasa ko na nasulat sa tatlong wikang nauunawaan ko, masasabi kong "da best" talaga ang Florante at Laura.
Kaya naman, susubukan kong magbahagi rito ng mga detalye at mga impormasyong nasaliksik ko sa iba't ibang publikasyon at gayundin ng mga sariling pagpapaliwanag sa layuning makatulong sa mga mag-aaral na naghahangad na lalong maunawaan ang pinakamagandang kontribusyong ito sa kasaysayan ng Panitikang Pilipino.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento