Noong unang panahon, sa tribu ng Hannanga sa lupain ng mga Ifugao, isang batang lalaki ang ipinanganak ng mag-asawang Amtulao at Dumulao. Pinangalanang Aliguyon, siya ay lumaking lubhang matalinong bata. Kinakitaan siya ng pagnanasang magtamo ng karunungan at kasanayan.
Lumaki si Aliguyon sa ilalim ng pagsasanay ng kanyang ama sa paghawak ng sibat at sa mga pangaral nito tunkol sa buhay. Dahil dito, sa pagkabata pa lamang niya ay nagging mahusay na siya sa pakikipaglaban at maging sa pagbigkas ng mahihiwagang orasyon. Hinahangaan siya ng ibang mga bata sa nayon at kinikilala bilang kanilang pinuno.
Sabado, Oktubre 30, 2010
Biyernes, Oktubre 29, 2010
Ang Uod at ang Kalabaw
"Maawa ka sa akin! Huwag mong ugain ang aking bahay!Gusto ko pang matulog!"pakiusap ng uod sa kalabaw.
"Bakit ibig mo pang matulog eh maliwanag na?"t anong ng kalabaw.
Sa halip huminto ay lalong lumakas ang uga ng punongkahoy. Patuloy kasing kinakaskas ng kalabaw ang katawan sa puno.
Sa halip huminto ay lalong lumakas ang uga ng punongkahoy. Patuloy kasing kinakaskas ng kalabaw ang katawan sa puno.
Hindi alam ng kalabaw na sadyang may panahong dapat matulog ang uod. Ito ay ilang linggo bago siya magkaroon ng pakpak at makalipad.Tama namang nananaginip ang uod at umaasang paggising ay isa na siyang magandang paruparo.Kaskas naman nang kaskas ng ulo ang kalabaw sa puno.
Huwebes, Oktubre 28, 2010
Ang Asong Magnanakaw
May isang asong nagnakaw ng piniritong manok. Habang pinagpapasasaan niya ito, may munting butong bumara sa kanyang lalamunan. Hindi niya alam kung paano iyon aalisin. Sa tindi ng paghihirap ay napatahol siya nang sobrang lakas.
Tumakbo siya kung saan-saan upang maghanap ng mag-aalis ng bikig. Nagmakaawa siya sa paghingi ng tulong dahil hirap na hirap na siya.
Tumihaya na ang aso at ibinuka ang kanyang bibig. Isang pusa ang pinakiusapan niyang tanggalin ang bikig sa lalamunan.
"Kung maalis mo ang bikig ko ay gagantimpalaan kita.”
Biyernes, Oktubre 22, 2010
ANG INAKAY NA MATIGAS ANG ULO
Ang ulilang pugad ay galaw nang galaw dahil sa isang inakay doon na gustong lumipad. Nang dumating ang inang ibon, may dala itong pagkain.
"Ayoko ng pagkain! Ang gusto ko ay makalipad!"pagmamaktol ng inakay.
"Aba ,anak! Wala ka pang pakpak! Mura pa ang iyong bagwis kaya huwag kang pangahas,"payo ng ina.
"Inip na inip na ako! Gusto kong tumulad sa ibang ibong nasa himpapawid na!" sabi ng inakay na matigas ang ulo.
"Huwag kang mainggit. Maghintay ka ng tamang panahon. Pagsapit ng araw ay
makakalipad ka rin."
"Huwag kang mainggit. Maghintay ka ng tamang panahon. Pagsapit ng araw ay
makakalipad ka rin."
niya nagunita ang pangaral ng kanyang ina.
Filipino I, Alamat
Ang INakay na Matigas ang ULo,
Pabula
Huwebes, Oktubre 21, 2010
Ang Bagtok na Taga-bundok at ang Bagtok na Taga-siyudad
Mag-amigo sina Bagtok na taga-bundok at Bagtok na taga-siyudad. Usa na adlaw, bidu aw ni Bagtok na taga-bundok sa ilang pinuy anan niya. Iyang gilaag si Bagtok na taga-siyudad sa maayong tanawon tanamanan ng pangisdaan sa Bundok. Na lipay sila.
Human nilang mituyok naghukad si Bagtok na taga-bundok ilang gisawa ang humay ug mais na tinigom niya. Human nilag kaon gistorya ni Bagtok na taga-siyudad ag ug pagkaon didto.
Filipino I, Alamat
Ang Bagtok na Taga-bundok at ang Bagtok na Taga-siyudad,
Pabula
Linggo, Oktubre 17, 2010
Story Collage
Ang mga larawang ito ay bahagi ng isang picture collage na batay sa "Spice of Life" ni Larry Alcala mula sa http://www.ourawesomeplanet.com/awesome/2007/05/rodics_makati_i.html
Martes, Oktubre 12, 2010
Ang Alamat ng Bulkang Pinatubo
Masagana ang Kahariang Masinlok. Magandang maganda noon ang umaga. Maningning ang sikat ng araw .Sariwa ang hanging amihan. Lunti ang mga halaman sapaligid. Masigla ang awit ng mga ibon. Bughaw ang kabundukan. Subalit ang kagandahan ng umaga ay hindi nakasiya sa Datu.Wala siyang madamang kaligayahan sa lahat ng namamalas.
Filipino I, Alamat
Alamat,
Alamat ng Bulkang Pinatubo,
Pinatubo
Lunes, Oktubre 11, 2010
Ang Alamat ng Bundok Pinto
(Bahagi ng “The Legend of Mount Pinto” ng Maguindanao)
Mula sa “The Legends” by Damiana L. Eugenio
Mula sa “The Legends” by Damiana L. Eugenio
Labis na nakamamangha at napakahiwaga ang tungkol sa yungib. Ito ay pinanirahan ng mga supernatural na nilikha tulad ng mga diwata at reyna na pinaniniwalaang lumitaw noong unang panahon. Sila ang pinaniniwalaang magagandang nilikha ng Diyos na may napakarimng ari-arian tulad ng iba’t ibang uri ng mga alahas. Mayroon din silang mga bagay-bagay na yari sa tanso tulad ng mga agong (gongs), mmga kulintang, mga gandingan at iba pang mga bagay-bagay na may kaugnayan o kabilang sa kumpletong mga instrumentong musikal na yari sa tanso.
Sabado, Oktubre 9, 2010
Alamat ng Basey (Visaya)
(Bahagi ng The Beautiful Bungangsakit)
Salin ni Reynaldo S. Reyes
Mula sa “The Legend “ by Damiana L. Eugenio, UP Press
Dahil sa ipinakitang kalupitan ng mga tulisang-dagat, ang mga naninirahan sa Balud, sa pangunguna ng mga misyonerong Heswita ay nagtungo sa Binongtoan, isa sa kalapit na nayon.
Salin ni Reynaldo S. Reyes
Mula sa “The Legend “ by Damiana L. Eugenio, UP Press
Dahil sa ipinakitang kalupitan ng mga tulisang-dagat, ang mga naninirahan sa Balud, sa pangunguna ng mga misyonerong Heswita ay nagtungo sa Binongtoan, isa sa kalapit na nayon.
Doon ay nagsimula silang bumuo ng panibagong nayon at matatag na kuta na yari sa adobe. Pinatatag nila ang kanilang nayon. Naglagay sila ng mga pamigil na harang laban sa marahas na pananalakay ng mga tulisang-dagat. Ang mga taga-pamuno ng Binongtoan ay sina Ambrocio Makarumpag, Francisco Karanguing, Juan Katindoy at Tomas Makahilig.
Biyernes, Oktubre 8, 2010
Isang Kakaibang 'Graduation Speech'
Ang sumusunod na talumpati ay nabasa ko sa Facebook Notes ni Loraine Joy Tamayo at aking inire-repost dito sa hangaring makapagbigay-inspirasyon sa lahat ng mga mag-aaral na makakabasa nito.
Talumpati raw ito ng isang enhinyerong La Sallian sa isang seremonya ng pagtatapos sa UP College of Engineering.
Ngayong araw na ito, sa ating pagtatapos, mayroon akong dalang Transcript of Record. Ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito ay nag-aral sa De La Salle University. Sa unibersidad na ito, kapag ikaw ay isang undergraduate, may ID number ka na nagsisimula sa “94” at pataas, kung lumipas ang isang buong school year at umabot ka sa 15 units na bagsak, masisipa ka sa paaralan.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)