143
Sa pagkalungayngay
mata'y idinilat,
himutok ang unang
bati sa liwanag;
sinundan ng taghoy
na kahabag-habag;
"Nasaan ka
Laura sa ganitong hirap?"
144
"Halina, giliw
ko't gapos ko'y kalagin,
kung mamatay ako'y
gunitain mo rin."
pumikit na muli't
napatid ang daing,
sa may kandong
namang takot na sagutin.
145
Ipinanganganib ay
baka mabigla,
magtuloy mapatid
hiningang mahina;
hinintay na lubos
niyang mapayapa
ang loob ng kandong
na lipos-dalita.
146
Nang muling mamulat
ang nagitlaanan,
"Sino? sa aba
ko't nasa Morong kamay!"
ibig na iigtad ang
lunong katawan,
nang hindi
mangyari'y nagngalit na lamang.
147
Sagot ng gerero'y
"Huwag kang manganib
sumapayapa ka't
mag-aliw ng dibdib;
ngayo'y ligtas ka
na sa lahat ng sakit,
may kalong sa iyo
ang nagtatangkilik.
148
"Kung
nasusuklam ka sa aking kandungan,
lason sa puso mo
ang hindi binyagan
nakukutya akong di
ka saklolohan
sa iyong nasapit na
napakarawal.
149
"Ipinahahayag
ng pananamit mo,
taga-Albanya ka at
ako'y Persyano;
ikaw ay kaaway ng
baya't sekta ko,
sa lagay mo ngayo'y
magkatoto tayo.
150
"Moro ako'y
lubos na taong may dibdib
at nasasaklaw rin
ng utos ng Langit;
dine sa puso ko'y
kusang natititiknatural
na ley-ing sa aba't
mahapis.
151
"Anong gagawin
ko'y aking napakinggan
ang iyong pagtaghoy
na kalumbay-lumbay,
gapos na nakita't
pamumutiwanan
ng dalawang ganid,
ng bangis na tangan."
152
Nagbuntunghininga
itong abang kalong
at sa umaaaliw na
Moro'y tumugon,
"Kung di mo
kinalag sa puno ng kahoy,
nalibing na ako sa
tiyan ng leon.
153
"Payapa na
naman disin yaring dibdib,
napagkikilalang
kaaway kang labis;
at di binayaang
nagkapatid-patid
ang aking hiningang
kamataya't sakit.
154
"Itong iyong
awa'y di ko hinahangad,
patayin mo ako'y
siyang pitang habag;
di mo tanto yaring
binabatang hirap,
na ang kamatayan
ang buhay kong hanap."
155
Dito napahiyaw sa
malaking hapis
ang Morong may
awa't luha'y tumagistis;
siyang itinugon sa
wikang narinig
at sa panlulumo'y
kusang napahilig.
156
Anupa't kapwa hindi
nakakibo
di nangakalaban sa
damdam ng puso;
parang walang malay
hanggang sa magtago't
humilig sa Pebo sa
hihigang ginto
157
May awang gerero ay
sa maramdaman,
malamlam na sinag
sa gubat ay nanaw,
tinunton ang landas
na pinagdaanan,
dinala ang kalong
sa pinanggalingan.
158
Doon sa naunang
hinintuang dako
nang masok sa gubat
ang bayaning Moro,
sa isang malapad,
malinis na bato,
kusang pinagyaman
ang lugaming pangko.
159
Kumuha ng munting
baong makakain,
ang nagdaralita'y
inamong tumikim,
kahit umaayaw ay
nahikayat din
ng sabing malambot
na pawang pang-aliw.
160
Naluwag-luwagan ang
panghihingapos,
sapagka't naawas sa
pagkadayukdok,
hindi kinukusa'y
tantong nakatulog,
sa sinapupunan ng
gererong bantog.
161
Ito'y di umidlip sa
buong magdamag,
sa pag-aalaga'y
nagbata ng puyat;
ipinanganganib ay
baka makagat
ng ganid na madlang
nagkalat sa gubat.
162
Tuwing magigising
sa magaang tulog,
itong lipos-hirap
ay naghihimutok,
pawang tumitirik na
anaki'y tunod
sa dibdib ng Morong
may habag at lunos.
163
Nang
magmamadaling-araw ay nahimbing,
munting napayapa sa
dalang hilahil;
hanggang sa
Aurorang itaboy ang dilim,
walang binitiwang
himutok at daing.
164
Ito ang dahilang
ipinagkasundo,
limang karamdamang
parang hinahalo;
ikinatiwasay ng may
dusang puso,
lumakas na muli ang
katawang hapo.