Pages

Sabado, Enero 23, 2021

Replektibong Sanaysay Tungkol sa Ponolohikal na Varayti ng Wika

 

- Joy Ollero

 

 

May pagkakataong napuri ako ngunit mas maraming beses na na-bully ako dahil sa pagbigkas ng mga salita sa Filipino at English na kalauna’y nalaman kong dahil pala sa Ponolohikal na Varayti ng Wika.

 

Ipinanganak ako at namuhay sa probinsya nang halos tatlong dekada. Kung tutuusin, Ilocano ang unang kong wika ngunit parang simula’t sapul, ginagamit ko na rin ang Filipino.  Sinanay kasi akong magsalita ng Tagalog.

 

Kaya naman, minsan, napupuri ako ng ilang matatanda sa probinsya dahil mahusay daw akong mag-Tagalog at hindi halata na hindi ako lumaki sa Maynila.  Ngunit pagdating naman sa Kamaynilaan, malimit na napapansin ang matigas na pagbigkas ko raw ng mga salita. Lumalabas daw ang pagka-Ilocano ko.

 

Minsan, pinuproblema ko ito. Bakit kasi?

 

Ayon sa isang pagtalakay sa klase, ang Ponolohikal na varayti ay ukol sa ponema na yunit ng tunog ng ating wika na nagpapaiba rin sa kahulugan nito. Nagiging salik sa pagkakaroon ng varayti ng wika ang Ponolohiya dahil sa iba’t ibang paraan ng pagbigkas ng tunog ng mga taong kabilang naman sa iba’t ibang kultura.

 

Sa madaling salita, ang ponolohikal na varayti ng wika ay ukol sa mga salita o ekspresyon na parehas ang kahulugan ngunit magkaiba ang tunog at bigkas ng mga salita (dialectal accent).

 

Batay na lang sa salitang “ponolohiya” na kumbinasyon ng mga salitang “pono” na “phone” sa Ingles ay nangangahulugan “tunog” at “lohiya” na ang ibig sabihin naman ay pag-aaral ng mga tunog. At ang “ponolohikal na varayti ng wika” ay isa sa tatlong salik ng pagkakaroon ng pagkakaiba sa tawag o kahulugan ng mga salita.

 

Pinakakaraniwang halimbawa ng ponolohikal na varayti ang pagkakapalitan ng bigkas sa /e/ at /i/ gayundin sa /o/ at /u/.

 

Ngunit sa palagay ko, isa pang dahilan ng pagkakapalitan ng bigkas /e/ at /i/ o ng /o/ at /u/ ay medyo nakasanayan din ito ng dila ng mga Pilipino palihasa’y noong unang panahon, sa Baybayin, tatlo lang naman ang patinig - a, e/i at o/u.

 

Kaya siguro partikular ang pagkakamali ko lalo na sa mga pangalan ng tao katulad ng “Amelia” na nagiging “Amilia”, “Celia” na nagiging “Cilia” at “Emilio” na nagiging “Imilio” kundi man “Emelio”.  Ang isa pa sa mga salitang malimit na napagpapalit ko ang ay “peso” at “piso”.

 

Marahil nga, maaari itong iugnay sa Ponolohikal na varayti ng wika. Ngunit sa kung paano, hindi ko pa ganap na maipaliwanag. Siguro nga, sadyang “dialectal accent” ang problema.  O baka nga minsan, sadyang may kakaiba lang sa dila ko.

 

Sa susunod na may mam-bully sa akin, sasabihin ko na lang na “Ponolohikal na varayti ng wika ang gamit ko.  Magsaliksik ka nang malaman mo.” J

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Miyerkules, Enero 13, 2021

Ang Balagtasan

 


Ang Balagtasan ay isang tulang patnigan na nangangailangan ng matalas na pag-iisip. Ang Balagtasan, na tinaguriang “makabagong duplo”  ay batay sa lumang tradisyon ng patulang pagtatalo tulad ng Karagatan.

Totoong mayaman na sa tradisyong tulang sagutan ang  iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas bago pa man ito masakop ng mga dayuhan.

Gayunpaman, nauso ang Balagtasan sa Panahon ng Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas.

Nabuo ang konsepto nito sa isang pagpupulong ng nangungunang mga manunulat noong Marso 28, 1924, sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa Instituto de Mujeres (Women's Institute), Tondo, Maynila.

Hinango sa pangalan ng noon ay matagal nang namayapang magaling na makatang si Francisco Balagtas ang terminong “Balagtasan” at ang unang naitalang Balagtasan sa Pilipinas ay isinagawa bilang paggunita sa kanyang kaarawan sa nasabing taon.

Karaniwang may paksa o isyung pinag-uusapan ang pangunahing tatlo-kataong kalahok sa Balagtasan.

INaasahang  ang mga kalahok sa Balagtasan ay magaling sa pag-alala ng mga tulang mahahaba at pagbigkas nito nang may datíng (con todo forma) sa publiko.

 

Ang Balagtasan ay isang makabagong duplo.

Elemento ng Balagtasan

1. Tauhan

      a. Lakandiwa - tagapakilala ng paksang paglalabanan sa

tulaan ng dalawang mambabalagtas.

      b. Mambabalagtas -  tawag sa taóng nakikipagbalagtasan o makatang lumalahok dito na karaniwan ding sumusulat ng piyesa ng balagtasan.

        c. Manonood - mga tagapakinig sa isang pagtatanghal ng balagtasan.

2. Ang paksa – bagay o isyu na pinag-uusapan, tatalakayin o pagtatalunan upang ganap na maipaliwanag at maunawaan ang konteksto nito. Maaari itong tungkol sa tema politika, pag-ibig, karaniwang bagay, kalikasan, lipunan, at

kagandahang asal.

Lunes, Enero 11, 2021

Mga Kayarian ng Salita sa Filipino

 

Mga Kayarian ng Salita sa Filipino

1)      Payak –pinakapayak o simpleng kayarian ng salita; binubuo ng salitang-ugat lamang;

Halimbawa:

                Una

                Ilaw

                tagumpay

                tubig

                 bahay

                hangin

                sikap

 

2)      Maylapi – binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi.

      Mga paraan ng paglalapi ng salita:

a.       Pag-uunlapi – ang panlapi na tinatawag na “unlapi” ay ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat

Halimbawa:

Salitang-ugat

UNlapi

Salitang Maylapi (Inunlapian)

Una

Ilaw

tagumpay

buhay

kulay

hangin

sikap

Na

Um

Nag

Ma

Ma

Ma

mag

nauna

umilaw

nagtagumpay

mabuhay

makulay

mahangin

magsikap

 

     b.      Paggigitlapi – ang panlapi na tinatawag na “gitlapi” ay isinisingit sa gitna ng salita

Halimbawa:              

 

Salitang-ugat

GITlapi

Salitang Maylapi (Ginitlapian)

buhay

hangin

 

sabi

sikap

In

In

Um

In

in

binuhay

hinangin

humangin

sinabi

sinikap

            

c.       Paghuhulapi – ang panlapi na tinatawag na “hulapi” ay idinurugtong sa dulo ng salita

Halimbawa:

Salitang-ugat

HUlapi

Salitang Maylapi (Hinulapian)

Una

Ilaw

buhay

kulay

hangin

sabi

sikap

hin

an

in

an

in

han

in

unahin

ilawan

buhayin

kulayan

hanginin

sabihan

sikapin

 

d.      Kabilaan – ang panlapi ay ikinakabit sa unahan at hulihan ng salitang-ugat; paggamit ng unlapi at hulapi sa salita.

Halimbawa:

Salitang-ugat

UNlapi/

HUlapi

Salitang Maylapi (Kabilaan)

Una

Ilaw

tagumpay

buhay

kulay

hangin

sabi

sikap

Na/han

In/an

Pag/an

Ma/an

Na/an

Ma/an

Pag/han

Pag/an

naunahan

inilawan

pagtagumpayan

mabuhayan

nakulayan

mahanginan

pagsabihan

pagsikapan

             

e.      Laguhan – ang panlapi ay nasa unahan, gitna at hulihan ng salitang-ugat.

Halimbawa:

Salitang-ugat

UNlapi/

GITlapi/

HUlapi

Salitang Maylapi (Laguhan)

sikap

 

Pag/um/an

 

pagsumikapan

 

 

3)      Inuulit – ang kabuuan o isa o higit pang pantig ay inuulit.

 

                Dalawang uri ng pag-uulit:

          a.       Pag-uulit na Ganap – inuulit ang buong salitang-ugat

            Halimbawa:

                araw-araw, gawa-gawa, halo-halo, sabi-sabi, sama-sama,

           b. Pag-uulit na Parsyal – isang pantig o bahagi lamang ng salita ang inuulit

                                Halimbawa:

                                                kahali-halina, bali-baligtad, kapani-paniwala

 

4)      Tambalan – binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isa lamang salita.

 

                Dalawang uri ng Pagtatambal:

a.       Malatambalan o Tambalang Parsyal – nananatili ang kahulugan ng    

    dalawang salitang pinagtatambal. Ginagamitan ito ng gitling sa pagitan

                   Halimbawa:

                          Bahay-ampunan, balik-bayan,

 

               b.      Tambalang Ganap – nakabubuo ng kahulugang iba kaysa sa

                  kahulugan ng dalawang salitang pinagsama

                        Halimbawa:

                               Hampaslupa, bahaghari, balikbayan, kapit tuko