Pages

Huwebes, Nobyembre 21, 2019

Ang Ortograpiya ng Wikang Filipino



Isang buhay na wika ang Filipino. Patuloy itong nagkakaroon ng mga pagbabago at umuunlad sa paglipas ng mga panahon.
Masasabing nagsimula ang ortograpiya ng wikang Filipino noong unang panahon, kung kailan ginamit ng mga Pilipino ang katutubong paraan ng pagsulat na tinatawag na baybayin.
Binubuo ng labimpitong (17) simbolo na kumakatawan sa mga mga titik ang Baybayin ayon sa sumusunod:


Noong 1899, nalathala ang Estudios sobre la lengua tagala na sinulat ni Jose Rizal habang nakadestiyero siya sa Dapitan.
Kasama sa panukala ni Rizal sa ortograpiyag Tagalog ang alpabetong may limang patinig at labinlimang katinig, na naging batayan naman ng abakada  na binuo ni Lope K. Santos sa kanyang Balarila na nalathala noong 1940 at naging dahilan kaya tinagurian siyang “Ama ng Balarila g Pilipinas.
Ginawang lima ang patinig: A, E, I, O, U at idinagdag ang letrang R kaya naging dalawampung  letra na ang mga titik ng lumaganap na abakada hanggang sa panahon na mula sa Tagalog, tinatawag ang Wikang Pambansa na wikang Pilipino.

Ang Abakadang Pilipino ay binubuo ng mga sumusunod na titik: A, B,K,D,E,G,H,L,M,N,NG,O,P,R,S,,U,W,Y. Ang mga katinig ay binibigkas nang may kasamang patinig na A, gaya ng mga sumusunod: /A/./Ba/,/Ka/,/Da/,/E/,/Ga/,/Ha/,/I/,/La/,/Ma/,/Na/,/Nga/,/O/,/Pa/,/Ra/,/Sa/,/Ta/,/U/,/Wa/,/Ya/.
Masasabing nagresulta sa paghihiwalay ng E/I at O/U ang matagal na panahong pagtuturo ukol dito na may kinalaman sap ag-aaral ng wikang Espanol. Bilang katunayan, ipinaliwanag ni Tomas Pinpin sa kanyang aklat na pinamagatang “Librong pagaaralan ng manga tagalog nang uikang caftilla” na kailangang matutuhan ng mga kababayan niya ang pagkilala sa magkaibang tunog ng E at I at ng O at U dahil may mga salita sa Espanol na bagama’t magkakatulad ng baybay o ispeling, nagkakaroon ng magkaibang kahulugan dahil sa mga naturang titik.  
Naimpluwensiyahan talaga ng wikang Espanol ang mga wikang katutubo sa ba bansa.  Gayunpaman, hindi ibinilang sa abakada ang mga letra para sa mga tunog na C, CH, F, J, LL, N, Q, RR,V,X AT Z. Patuloy na ginamit ang mga ito sa ilang mga pangngalang pantangi, gaya sa Consuelo, Pocholo, Fallon, Jaro, Magallanes, Cariño, Barrameda, Vizcaya, Maximo at Zamboanga. Samantala, marami sa mga salitang hiram sa mga Kastila ang tinumbasan ng mga tunog sa mga titik ng abakada gaya ng sumusunod:
Hiram na Titik
Titik Tagalog
Salitang Espanyol
Baybay Tagalog
C
k-
s-
calesa
cine
kalesa
sine
CH
ts-
s-
cheque
chinelas
tseke
sinelas
F
p-
fiesta
pista
J
h-
jota
hota
LL
ly-
y-
billar
caballo
bilyar
kabayo
     Ñ
Ny-
bano
banyo
Q
k-
quezo
keso
RR
r-
barricada
barikada
V
b-
ventana
bintana
X
ks-
s-
experimento
xilofano
eksperimento
silopono
Z
s-
zapatos
sapatos

Hinango rin sa mga tuntunin sa Balarila ni Santos ang iba pang gabay sa pagsulat , tulad ng tamang gamit ng ng at nang, pagpapalit ng R sa D, o kung bakit nagiging U ang O ng salita kapag inuulit. 
Tinipon ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ang mga makabuluhang tuntunin pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ginawan ito ng isang hiwalay  at nakamimeograp na polyeto na pinamagatang “Mga Batayang Tuntuning Sinusunod sa Pagsusuring Aklat ni Bienvinido V. Reyes. Ginamit ang polyetong ito bilang gabay ng mga guro, manunulat at editor.

Ang Bagong Alpabetong Filipino

Bagama’t pinangalanan nang “Pilipino” ang Wikang Pambansa sa bisa ng isang kautusang pangkagawaran ni Kalihim Jose Romano noong 1959, inusig pa rin ni Kongresista Inocencio Ferrer ang Surian at ibang ahensya ng pamahalaan dahil sa diumano’y pagpapalaganap nito ng isang “puristang Tagalog” bilang Wikang Pambansa noong 1965.
Nagpetisyon pa sa hukuman ang Madyaas Pro-Hiligaynon Society, isang pangkating pangwika upang pigilin ang gawain ng Surian noong 1969.
Dahil sa mga ito, muling sinuri ang konsepto ng Wikang Pambansa at Konstitusyong 1973, tinawag na “Filipino” ang Wikang Pambansa. Nakabuo ng bagong gabay sa ortograpiya noong 1976 – ang “Mga Tuntunin ng Ortograpiyang Filipino” na nalathala sa anyong mimeograph noong 1977. 
Kabilang sa nilalaman ng bagong gabay ang pagbabago sa abakada na naging 31 letra dahil sa pagdagdag ng 11 letra kaya tinaguriang “pinagyamang alpabeto” dahil sa dami ng letra nito na umani naman ng mga pagpuna.
Kaya’t muling sinuri at binawasan ng titik ang alpabeto na binubuo na lamang ng 28 letra nang malathala ito noong 1987 sa gabay na “Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino” ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas, ang binagong pangalan ng Surian ng Wikang Pambansa.
Ito ang Bagong Alpabetong Filipino na binabasa ang mga titik sa paraang Ingles, maliban sa Ñ
.
Malaking Titik
A
B
C
D
E
F
G
H
I
J
K
L
M
N
O
P
Q
R
S
T
U
V
W
X
Y
Z
Maliit na Titik
a
b
c
d
e
f
g
h
i
j
k
l
m
n
ñ
ng
O
p
q
r
s
t
u
v
w
x
y
z
Ponema
a
b
ks
d
e
f
g
h
i
h
k
l
m
n
o
p
k
r
s
t
u
vb
w
ks, z
j
z



Linggo, Nobyembre 3, 2019

Ang Tabloid


      Sa Pilipinas, ang tabloid ay dyaryo na karaniwang nakalimbag sa wikang Filipino bagama’t meron namang nakalimbag sa wikang Ingles.
      Sa kabila na nauso na ang gadgets lalo na ng cellphones, masasabing buhay na buhay pa rin ang industriya ng dyaryo sa bansa. Katunayan, araw-araw, marami pa ring tabloids ang makikitang ibinibenta sa bangketa at pagdating ng hapon,  ubos na ito kundi man ay konti na lang ang natira.            Ibig sabihin, bumibenta pa rin kahit pa nga una nang inilabas sa radyo at telebisyon ang mga nakalimbag na balita rito.
     May sarilang hatak ang print media dahil nga hindi lahat ay nakakapanood ng telebisyon at radyo. Mura lang naman kasi ang dyaryo o tabloid kaya kayang=kayang bilhin ng mga karaniwang mamamayan.  Bukod dito, may epekto pa rin sa mambabasa ang dyaryo hangga’t naitatabi ito.
     Karaniwang dahilan ng tao sa pagbili ng dyaryo ang magbasa balita, tsismis, isports, panitikan at  magsagot ng palaisipan. 
     Mukhang all-in-one na, pinagsama-sama lahat sa dyaryo para magustuhan ng mga tao. Mainam itong pampalipas-oras o libangan kapag walang ginagawa.
    Kaya lang, masyadong binibigyang-pokus sa mga tabloid ang tungkol sa sex at karahasan kaya’t tinagurian itong sensationalized journalism.
     Mayroong nasa humigit-kumulang 20 national daily tabloid sa Pilipinas.


Kasaysayan ng Komiks sa Pilipinas

Malaking bahagi ng aking kabataan sa dekada 80’s hanggang mga unang taon ng 90’s ang KOMIKS.  Kung tutuusin,  mas natuto at nahilig akong magbasa ng iba’t ibang akda at babasahin dahil sa Komiks. Naaalala ko pa,  bawat bahay yata sa lugar namin noon, bumibili ng komiks tapos naghihiraman kami. 

Hanggang kolehiyo, pag nasa bayan (palengke ako, hindi puwedeg di ako dumaan sa komiks stand.  Nauupo ako doon, nag-aarkila at nagbabasa ng komiks.  Mas matipid kasi at mas makakarami ako kung renta na lang kaysa bibili ng bago.

Kailan nga ba nauso ang komiks?
Si Dr. Jose Rizal ang sinasabing  kauna-unahang Pilipino na gumawa ng komiks dahil sa kanyang komiks strip na “Pagong at Matsing” na inilathala sa magasing "Trubner's Record" sa Europa  noong 1884.

Halaw ang “Pagong at  Matsing” ni Rizal sa isang popular na pabula sa Asya.
Habang nasa panahon ng rebulosyunaryo ang Pilipinas noong 1896-1898, lumabs ang mga magasing may nakaimprentang mga cartoons.  Kabilang dito ang “Miao” at “Te con Leche”.
Nang matalo ang Pilipinas sa digmaan, maraming mga Pilipino na kontra sa mga Amerikano ang lumipat sa malayang pamamahayag.

Noong 1907, inilathala ang "Lipang Kalabaw", isang magasing Tagalog na nasa pangangasiwa ni Lope K. Santos. Nagtataglay ang magasing ito ng mga satirikong cartoons na patungkol sa mga Amerikanong opisyal. Ngunit natigil ang paglalathala ng magasing noong 1909.

Lumabas  ang mga unang serye ng Filipino komiks bilang page filler sa mga magasing tagalog noong 1920. Kabilang sa mga magasing ito ang "Telembang" at ang muling binuhay na "Lipang Kalabaw", na nagtataglay pa rin ng mga satirikong cartoons laban sa mga Amerikano at mga pederalista. 

Maituturing ang dalawang komiks na ito bilang mga “panimula” ng komiks sa Pilipinas.
Noong 1922, lumabas naman ang Liwayway, na  sa simula ay hindi naglalaman ng komiks serye ngunit pagdating ng 1929, inilathala na sa magasin ang "Album ng Mga Kabalbalan ni Kenkoy" bilang isang filler sa entertainment section nito. Ang karakter na si Kenkoy ang bida sa seryeng ito, isang nakatutuwang batang Pilipino na naging representasyon ng mga kabataang may pagiisip na kolonyal noong 1930s.'

Mula noon, nagsulputan na ang mga regular na serye ng komiks.  Unang lumabas ang  Halakhak Komiks noong 1946, na tumagal lamang nang sampung edisyon dahil sa kakulangan ng maayos na distribusyon.

Noong 1947, lumabas naman ang Pilipino Komiks, sa pamamahala ni Tony Velasquez.  Nagbigay-daan ito para sa paglalathala ng iba pang magasin ng komiks.
Sunod-sunod na ang paglabas ng mga naging sikat na komiks tulad ng  Tagalog Klasiks noong 1949, at Silangan Komiks noong 1950.

Lumabas ang unang isyu ng Silangan Komiks noong Marso 15, 1950 sa ilalim ng pamamahala ni Ben Cabailo, Jr., ipinagmalaki nito ang mga pinakabata at magagaling na dibuhista nang panahong iyon na sina Nestor Redondo, Alfredo Alcala, Nolasco “Noly” Panaligan, Elpidio Torres at Antonio de Zuniga. Isa sa mga sumukat na kuwento mula sa Silangan ay ang “Prinsipe Ahmad, Anak ni Aladdin” na likha ni Alfredo P. Alcala.

Ilang lingo matapos ilabas ang unang komiks ng Silangan, inilathala ang Aksiyon Komiks ng Arcade Publications. Naging patnugot  nito si Eriberto Tablan samantalang  sina Alfredo Alcala at Virgilio Redondo naman ang  mga punong ilustrador. 

Sumunod sa mga ito ang Bituin Komiiks  (April 1950) Bulaklak Komiks (Agosto 1950), Pantastik Komiks (Oktubre 1950), Hiwaga Komiks (1950), Espesyal (1952), Manila Klasiks (1952), at Extra Komiks (1953). Dito nagsimula ang isa sa pinakamalaking industriya ng komiks sa buong mundo, kaya noong kalagitnaan ng 1950’s, hindi man opisyal ay itinuring ang komiks bilang pambansang libro ng mga Pilipino.

Lumawak pa ang mga ginamit na anyo sa paggawa ng komiks.  Noong 1950s, kumuha ng inspirasyon ang komiks mula sa ibang anyo ng panitikan tulad ng komedya, alamat, mga paniniwala at maging sa mitolohiyang Pilipino. 

Mayaman sa mga kuwentong patungkol sa aswang, kapre, nuno sa punso, tikbalang at iba pang mga karakter na mga sinaunang paniniwala ng mga Pilipino ang mga naunang komiks na Tagalog.
Hinango ng ilang komiks ang mga ideya ng karakter sa mga komiks ng Amerika, tulad ng Kulafu at Og (Tarzan), Darna (Wonder Woman o Superman), at D.I. Trece (Dick Tracy).

Sa panahon ng Martial Law, ipinatanggal ang ilan sa mga nilalaman ng komiks. Ipinag-utos din ang paggamit ng murang papel para sa komiks. Naapektuhan nito ang itsura at kalidad ng komiks, kaya naman bumaba ang benta ng mga ito sa pagpasok ng dekada 80s.

Nagresulta ito sa pag-alis ng mga dibuhista o ilustrador ng komiks sa Pilipinas para magtrabaho sa parehong industriya sa Amerika.  Kabilang dito sina Alfredo Alcala, Mar Amongo, Alex Nino, Tony de Zuniga, Rudy Nebres at Nestor Redondo.

Pagkatapos ng Martial Law, muling namuhunan ang industriya ng komiks sa mga makabagong mambabasa.  Drama ang naging usong tema sa komiks sa pagpapasikat ng mga manunulat na sina Pablo S. Gomez, Elena Patron at Nerissa Cabral.

Dekada otsenta, nauso naman ang mga Komiks na tulad ng Love Story, Love Song, Love Letter, Theme Song at iba pa na nagpokus sa mga Kuwentong Pag-ibig.

Tumagal lamang ang pagbabalik ng interes sa komiks  hanggang sa mga unang taon ng 1990s kung kailan nagsimula nang mahumaling ang mga Pilipino sa ibang anyo ng paglilibang tulad ng video games, karaoke, pocketbook novels, at kalaunan, sa cellphones na sinundan pa ng  Internet at  text messaging.

Maraming gumagawa ng komiks ang nagtipid sa produksyon, binawasan ang suweldo ng mga manunulat at dibuhista, gumamit ng murang papel at dinamihan ang mga pahinang nakatuon sa showbiz kaysa komiks. Dahil sa baba ng suweldo, ang mga manggawa sa industriya ng komiks ay nawalan na ng gana sa paggawa ng mga lumang kuwento at ang guhit ng mga ilustrador ay pangkaraniwan na lamang.  Samakatuwid, hindi na nito nasasalamin ang mayamang g tradisyon ng komiks na nasimulan noon.

Sa taong 2005, wala nang kahit anong kumpanya o malaking tagalimbag ng komiks sa Pilipinas. Ang mga naiwan ay mga maliliit na lamang na naglalathala ng sariling titulo ng komiks.
Sa kasalukuyan ay marami pa rin ang nagnanasang buhayin ang industriya sa bansa. Isa na rito si Carlo J. Caparas.  Noong taong 2007, tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang tradisyunal na komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng mga ginawa nilang komiks caravan sa iba’t bang bahagi ng bansa.

Hindi lamang sa Pilipinas nakilala ang galing at husay ng mga manlilikha ng komiks kundi maging sa ibang bansa. World-class nga naman kasi ang kakayahan ng mga Pilipino sa paglikha ng komiks.
Kinilala ang galing at husay ng mga Pilipino sa larangan ng sining at malilikhaing pagsulat sa lokal man at internasyonal na komunidad .  Kabilang sa mga komikerong Pilipino na kilala sa labas ng Pilipinas sina Gerry Alaguilan, Whilce Portacio, Philip Tan Alfredo Alcantara at marami pang iba.



  

Talambuhay ni Vanjoss Bayaban


YVANIE JEUOSH BAYABAN a.k.a. Vanjoss Bayaban
Grand Finalist, The Voice KIds Philippines Season 4

Si VANJOSS BAYABAN, 12 taong gulang at isa siya sa tatlong grand finalist ng The Voice Kids Philippines Season 4 ng ABS-CBN Network.


Siya ang panganay sa dalawang magkapatid na anak nina  Bayani at Bayaban, isang welder at isang OFW sa HongKong na umuwi ng Pilipinas para suportahan ang anak.  Sila ay taga-Asingan, Pangasinan.

Naging mag-aaral siya sa SPED Class Gifted and Talented ng Narciso R. Ramos Elementary School Sped Center at kasalukuyang nasa Grade 7 sa Angela Valdez Ramos National High School.

Apat na taong gulang pa lamang siya nang matutong kumanta dahil sa pagtuturo ng kanyang ama,  na dating sumasali rin sa mga amateur singing contest.

Dahil sa pag-asang ang kanyang anak ang magtutuloy sa kanyang pangarap na di natupad, sinuportahan ng tatay anak.  Naging bonding moments nila ang panonood ng mga singing contests sa tv kung saan, nakapupulot ng ng mga tips para makatulong kay Vanjoss.

Hindi naman nabigo ang butihing ama dahil nakasali sa The Voice Kids 2019 ang kanyang anak.
Sa kasalukuyan, umabot na sa 12-Milyon ang views ang blind audition performance ni Vanjoss, kung saan siya naging 3-chair turner dahil sa napakagaling at tila walang kahirap-hirap niyang pagkanta sa “My Love Will See You Through” ni Marco Sison.
Sa semifinals round kung saan kinanta niya ang Makita Kang Muli ng Sugarfree,  pinili siya upang kumatawan sa Team Sarah sa Grand Finals.

Tinaghal siyang Kampeon sa Grand Finals  ng The Voice Kids Philippines Season 4 sa   knayang napakagaling na pag-awit ng "You Raise Me Up" ni Josh Groban. ngayon Nobyembre 3, 2019.