Sa Pilipinas, ang tabloid ay dyaryo na karaniwang nakalimbag
sa wikang Filipino bagama’t meron namang nakalimbag sa wikang Ingles.
Sa kabila na nauso na ang gadgets lalo na ng cellphones,
masasabing buhay na buhay pa rin ang industriya ng dyaryo sa bansa. Katunayan,
araw-araw, marami pa ring tabloids ang makikitang ibinibenta sa bangketa at
pagdating ng hapon, ubos na ito kundi man
ay konti na lang ang natira. Ibig
sabihin, bumibenta pa rin kahit pa nga una nang inilabas sa radyo at telebisyon
ang mga nakalimbag na balita rito.
May sarilang hatak ang print media dahil nga hindi lahat ay
nakakapanood ng telebisyon at radyo. Mura lang naman kasi ang dyaryo o tabloid
kaya kayang=kayang bilhin ng mga karaniwang mamamayan. Bukod dito, may epekto pa rin sa mambabasa
ang dyaryo hangga’t naitatabi ito.
Karaniwang dahilan ng tao sa pagbili ng dyaryo ang magbasa balita,
tsismis, isports, panitikan at magsagot
ng palaisipan.
Mukhang all-in-one
na, pinagsama-sama lahat sa dyaryo para magustuhan ng mga tao. Mainam itong
pampalipas-oras o libangan kapag walang ginagawa.
Kaya lang, masyadong binibigyang-pokus sa mga tabloid ang tungkol
sa sex at karahasan kaya’t tinagurian
itong sensationalized journalism.
Mayroong nasa humigit-kumulang 20 national daily tabloid sa Pilipinas.