Isang buhay na wika ang Filipino. Patuloy itong nagkakaroon
ng mga pagbabago at umuunlad sa paglipas ng mga panahon.
Masasabing nagsimula ang ortograpiya ng wikang Filipino noong
unang panahon, kung kailan ginamit ng mga Pilipino ang katutubong paraan ng
pagsulat na tinatawag na baybayin.
Binubuo ng labimpitong (17) simbolo na kumakatawan sa mga
mga titik ang Baybayin ayon sa sumusunod:
Noong 1899, nalathala ang Estudios sobre la lengua tagala na
sinulat ni Jose Rizal habang nakadestiyero siya sa Dapitan.
Kasama sa panukala ni Rizal sa ortograpiyag Tagalog ang
alpabetong may limang patinig at labinlimang katinig, na naging batayan naman
ng abakada na binuo ni Lope K. Santos sa
kanyang Balarila na nalathala noong 1940 at naging dahilan kaya tinagurian
siyang “Ama ng Balarila g Pilipinas.
Ginawang lima ang patinig: A, E, I, O, U at idinagdag ang
letrang R kaya naging dalawampung letra
na ang mga titik ng lumaganap na abakada hanggang sa panahon na mula sa Tagalog,
tinatawag ang Wikang Pambansa na wikang Pilipino.
Ang Abakadang Pilipino ay binubuo ng mga sumusunod na titik:
A, B,K,D,E,G,H,L,M,N,NG,O,P,R,S,,U,W,Y. Ang mga katinig ay binibigkas nang may
kasamang patinig na A, gaya ng mga sumusunod: /A/./Ba/,/Ka/,/Da/,/E/,/Ga/,/Ha/,/I/,/La/,/Ma/,/Na/,/Nga/,/O/,/Pa/,/Ra/,/Sa/,/Ta/,/U/,/Wa/,/Ya/.
Masasabing nagresulta sa paghihiwalay ng E/I at O/U ang
matagal na panahong pagtuturo ukol dito na may kinalaman sap ag-aaral ng wikang
Espanol. Bilang katunayan, ipinaliwanag ni Tomas Pinpin sa kanyang aklat na
pinamagatang “Librong pagaaralan ng manga tagalog nang uikang caftilla” na
kailangang matutuhan ng mga kababayan niya ang pagkilala sa magkaibang tunog ng
E at I at ng O at U dahil may mga salita sa Espanol na bagama’t magkakatulad ng
baybay o ispeling, nagkakaroon ng magkaibang kahulugan dahil sa mga naturang
titik.
Naimpluwensiyahan talaga ng wikang Espanol ang mga wikang
katutubo sa ba bansa. Gayunpaman, hindi
ibinilang sa abakada ang mga letra para sa mga tunog na C, CH, F, J, LL, N, Q,
RR,V,X AT Z. Patuloy na ginamit ang mga ito sa ilang mga pangngalang pantangi,
gaya sa Consuelo, Pocholo, Fallon, Jaro, Magallanes, Cariño, Barrameda,
Vizcaya, Maximo at Zamboanga. Samantala, marami sa mga salitang hiram sa mga
Kastila ang tinumbasan ng mga tunog sa mga titik ng abakada gaya ng sumusunod:
Hiram na Titik
|
Titik Tagalog
|
Salitang Espanyol
|
Baybay Tagalog
|
|
C
|
k-
s-
|
calesa
cine
|
kalesa
sine
|
|
CH
|
ts-
s-
|
cheque
chinelas
|
tseke
sinelas
|
|
F
|
p-
|
fiesta
|
pista
|
|
J
|
h-
|
jota
|
hota
|
|
LL
|
ly-
y-
|
billar
caballo
|
bilyar
kabayo
|
|
Ñ
|
Ny-
|
bano
|
banyo
|
|
Q
|
k-
|
quezo
|
keso
|
|
RR
|
r-
|
barricada
|
barikada
|
|
V
|
b-
|
ventana
|
bintana
|
|
X
|
ks-
s-
|
experimento
xilofano
|
eksperimento
silopono
|
|
Z
|
s-
|
zapatos
|
sapatos
|
|
Hinango rin sa mga tuntunin sa Balarila ni Santos ang iba
pang gabay sa pagsulat , tulad ng tamang gamit ng ng at nang, pagpapalit ng
R sa D, o kung bakit nagiging U ang O ng salita kapag inuulit.
Tinipon ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ang mga
makabuluhang tuntunin pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ginawan ito
ng isang hiwalay at nakamimeograp na
polyeto na pinamagatang “Mga Batayang Tuntuning Sinusunod sa Pagsusuring Aklat
ni Bienvinido V. Reyes. Ginamit ang polyetong ito bilang gabay ng mga guro,
manunulat at editor.
Ang Bagong Alpabetong Filipino
Bagama’t pinangalanan nang “Pilipino” ang Wikang Pambansa sa
bisa ng isang kautusang pangkagawaran ni Kalihim Jose Romano noong 1959, inusig
pa rin ni Kongresista Inocencio Ferrer ang Surian at ibang ahensya ng
pamahalaan dahil sa diumano’y pagpapalaganap nito ng isang “puristang Tagalog”
bilang Wikang Pambansa noong 1965.
Nagpetisyon pa sa hukuman ang Madyaas Pro-Hiligaynon
Society, isang pangkating pangwika upang pigilin ang gawain ng Surian noong
1969.
Dahil sa mga ito, muling sinuri ang konsepto ng Wikang
Pambansa at Konstitusyong 1973, tinawag na “Filipino” ang Wikang Pambansa.
Nakabuo ng bagong gabay sa ortograpiya noong 1976 – ang “Mga Tuntunin ng
Ortograpiyang Filipino” na nalathala sa anyong mimeograph noong 1977.
Kabilang sa nilalaman ng bagong gabay ang pagbabago sa
abakada na naging 31 letra dahil sa pagdagdag ng 11 letra kaya tinaguriang
“pinagyamang alpabeto” dahil sa dami ng letra nito na umani naman ng mga
pagpuna.
Kaya’t muling sinuri at binawasan ng titik ang alpabeto na
binubuo na lamang ng 28 letra nang malathala ito noong 1987 sa gabay na
“Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino” ng Linangan ng mga Wika
sa Pilipinas, ang binagong pangalan ng Surian ng Wikang Pambansa.
Ito ang Bagong Alpabetong Filipino na binabasa ang mga titik
sa paraang Ingles, maliban sa Ñ
.
Malaking Titik
|
||||||||||||||||||||||||||||
Maliit na Titik
|
a
|
b
|
c
|
d
|
e
|
f
|
g
|
h
|
i
|
j
|
k
|
l
|
m
|
n
|
ñ
|
ng
|
O
|
p
|
q
|
r
|
s
|
t
|
u
|
v
|
w
|
x
|
y
|
z
|
Ponema
|
ks, z
|