Pages

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Bagong alpabetong Filipino. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Bagong alpabetong Filipino. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Nobyembre 21, 2019

Ang Ortograpiya ng Wikang Filipino



Isang buhay na wika ang Filipino. Patuloy itong nagkakaroon ng mga pagbabago at umuunlad sa paglipas ng mga panahon.
Masasabing nagsimula ang ortograpiya ng wikang Filipino noong unang panahon, kung kailan ginamit ng mga Pilipino ang katutubong paraan ng pagsulat na tinatawag na baybayin.
Binubuo ng labimpitong (17) simbolo na kumakatawan sa mga mga titik ang Baybayin ayon sa sumusunod:


Noong 1899, nalathala ang Estudios sobre la lengua tagala na sinulat ni Jose Rizal habang nakadestiyero siya sa Dapitan.
Kasama sa panukala ni Rizal sa ortograpiyag Tagalog ang alpabetong may limang patinig at labinlimang katinig, na naging batayan naman ng abakada  na binuo ni Lope K. Santos sa kanyang Balarila na nalathala noong 1940 at naging dahilan kaya tinagurian siyang “Ama ng Balarila g Pilipinas.
Ginawang lima ang patinig: A, E, I, O, U at idinagdag ang letrang R kaya naging dalawampung  letra na ang mga titik ng lumaganap na abakada hanggang sa panahon na mula sa Tagalog, tinatawag ang Wikang Pambansa na wikang Pilipino.

Ang Abakadang Pilipino ay binubuo ng mga sumusunod na titik: A, B,K,D,E,G,H,L,M,N,NG,O,P,R,S,,U,W,Y. Ang mga katinig ay binibigkas nang may kasamang patinig na A, gaya ng mga sumusunod: /A/./Ba/,/Ka/,/Da/,/E/,/Ga/,/Ha/,/I/,/La/,/Ma/,/Na/,/Nga/,/O/,/Pa/,/Ra/,/Sa/,/Ta/,/U/,/Wa/,/Ya/.
Masasabing nagresulta sa paghihiwalay ng E/I at O/U ang matagal na panahong pagtuturo ukol dito na may kinalaman sap ag-aaral ng wikang Espanol. Bilang katunayan, ipinaliwanag ni Tomas Pinpin sa kanyang aklat na pinamagatang “Librong pagaaralan ng manga tagalog nang uikang caftilla” na kailangang matutuhan ng mga kababayan niya ang pagkilala sa magkaibang tunog ng E at I at ng O at U dahil may mga salita sa Espanol na bagama’t magkakatulad ng baybay o ispeling, nagkakaroon ng magkaibang kahulugan dahil sa mga naturang titik.  
Naimpluwensiyahan talaga ng wikang Espanol ang mga wikang katutubo sa ba bansa.  Gayunpaman, hindi ibinilang sa abakada ang mga letra para sa mga tunog na C, CH, F, J, LL, N, Q, RR,V,X AT Z. Patuloy na ginamit ang mga ito sa ilang mga pangngalang pantangi, gaya sa Consuelo, Pocholo, Fallon, Jaro, Magallanes, Cariño, Barrameda, Vizcaya, Maximo at Zamboanga. Samantala, marami sa mga salitang hiram sa mga Kastila ang tinumbasan ng mga tunog sa mga titik ng abakada gaya ng sumusunod:
Hiram na Titik
Titik Tagalog
Salitang Espanyol
Baybay Tagalog
C
k-
s-
calesa
cine
kalesa
sine
CH
ts-
s-
cheque
chinelas
tseke
sinelas
F
p-
fiesta
pista
J
h-
jota
hota
LL
ly-
y-
billar
caballo
bilyar
kabayo
     Ñ
Ny-
bano
banyo
Q
k-
quezo
keso
RR
r-
barricada
barikada
V
b-
ventana
bintana
X
ks-
s-
experimento
xilofano
eksperimento
silopono
Z
s-
zapatos
sapatos

Hinango rin sa mga tuntunin sa Balarila ni Santos ang iba pang gabay sa pagsulat , tulad ng tamang gamit ng ng at nang, pagpapalit ng R sa D, o kung bakit nagiging U ang O ng salita kapag inuulit. 
Tinipon ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ang mga makabuluhang tuntunin pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ginawan ito ng isang hiwalay  at nakamimeograp na polyeto na pinamagatang “Mga Batayang Tuntuning Sinusunod sa Pagsusuring Aklat ni Bienvinido V. Reyes. Ginamit ang polyetong ito bilang gabay ng mga guro, manunulat at editor.

Ang Bagong Alpabetong Filipino

Bagama’t pinangalanan nang “Pilipino” ang Wikang Pambansa sa bisa ng isang kautusang pangkagawaran ni Kalihim Jose Romano noong 1959, inusig pa rin ni Kongresista Inocencio Ferrer ang Surian at ibang ahensya ng pamahalaan dahil sa diumano’y pagpapalaganap nito ng isang “puristang Tagalog” bilang Wikang Pambansa noong 1965.
Nagpetisyon pa sa hukuman ang Madyaas Pro-Hiligaynon Society, isang pangkating pangwika upang pigilin ang gawain ng Surian noong 1969.
Dahil sa mga ito, muling sinuri ang konsepto ng Wikang Pambansa at Konstitusyong 1973, tinawag na “Filipino” ang Wikang Pambansa. Nakabuo ng bagong gabay sa ortograpiya noong 1976 – ang “Mga Tuntunin ng Ortograpiyang Filipino” na nalathala sa anyong mimeograph noong 1977. 
Kabilang sa nilalaman ng bagong gabay ang pagbabago sa abakada na naging 31 letra dahil sa pagdagdag ng 11 letra kaya tinaguriang “pinagyamang alpabeto” dahil sa dami ng letra nito na umani naman ng mga pagpuna.
Kaya’t muling sinuri at binawasan ng titik ang alpabeto na binubuo na lamang ng 28 letra nang malathala ito noong 1987 sa gabay na “Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino” ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas, ang binagong pangalan ng Surian ng Wikang Pambansa.
Ito ang Bagong Alpabetong Filipino na binabasa ang mga titik sa paraang Ingles, maliban sa Ñ
.
Malaking Titik
A
B
C
D
E
F
G
H
I
J
K
L
M
N
O
P
Q
R
S
T
U
V
W
X
Y
Z
Maliit na Titik
a
b
c
d
e
f
g
h
i
j
k
l
m
n
ñ
ng
O
p
q
r
s
t
u
v
w
x
y
z
Ponema
a
b
ks
d
e
f
g
h
i
h
k
l
m
n
o
p
k
r
s
t
u
vb
w
ks, z
j
z