Pages

Linggo, Setyembre 16, 2012


Mula sa panulat nina:
Dapat:  Bheng Arellano
Hindi Dapat:  Rudolf Miranda
Lakandiwa:  Bert Cabual



LAKANDIWA:

“Dapat ba o Hindi Dapat na dagdagan
Ng isa pang taon ang haiskul na paham?”
Tanong itong ngayo’y kinasasabikang
Mag-ilaw ng tugong sa baya’y tatanglaw.

Itong Balagtasa’y aking ibubukas
Sa nangalilimping kawal ni Balagtas;
Ang mga makata’y maaring maghayag
Ng pangangatwirang madiwa’t matatag.

Makatang may giting at lakas ng loob
Na sa Balagtasang ito ay lumahok;
Ngayo’y oras ninyong pumutak...sumangkot,
Kumbaga sa tandang at inahing manok.

Martes, Agosto 21, 2012

Paalam, Sec. Robredo

         Una ko siyang binanggit sa isang post ko rito nang siya ay napasama sa Search for 2010 Worl Mayor Prize Award. Kaya nakakalungkot na sa muli kong pag-post ay pamamaalam na dahil sa  kanyang biglaang pagpanaw.
          Ang totoo, hindi ko siya personal na kakilala.  Gayunpaman, base sa mga nabasa, nababasa, narinig at naririnig ko tungkol sa kanya, isa talaga siyang mabuting tao at isang ehemplo sa pagiging mabuting lider.  Karapat-dapat siyang tularan ng maraming namumuno sa iba't ibang sangay ng ating pamahalaan na halos puro pansariling interes ang prayoridad.
         Siguro nga, mas maaga talagang pinagpapahinga ang mga mabubuting lider.  Pero sana man lamang ay hindi masayang ang mga ginawa niyang pagsisikap upang magkaroon magandang pagbabago ang isang bayan.  Sana'y dumama pa ang kagaya niya sa paninindigan at pagbibigay ng serbisyo sa kanyang mga nasasakupan.
        Paalalam sa isang mabuting lider. Paalam, Sec. Jesse M. Robredo.
       

* Ang larawan ay kinopya at ibinahagi mula sa Facebook Official Gazette of  the Republic of the Philippines. Maraing salamat po.


Miyerkules, Mayo 9, 2012

Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan


(Balagtasan)
- Jose Corazon de Jesus

LAKAN-DIWA:
Yamang ako’y siyang Haring inihalal
Binubuksan ko na itong Balagtasan,
Lahat ng makata’y inaanyayahang
Sa gawang pagtula ay makipaglaban.

Ang makasasali’y batikang makata
At ang bibigkasi’y magagandang tula,
Magandang kumilos, may gata sa dila
At kung hindi ay mapapahiya.

Itong Balagtasa'y galing kay Balagtas
Na Hari ng mga Manunulang lahat,
Ito’y dating Duplong tinatawag-tawag
Balagtasan ngayon ang ipinamagat.

At sa gabing ito’y sa harap ng bayan
Binubuksan ko na itong Balagtasan
Saka ang ibig kong dito’y pag-sapan:
BULAKLAK NG LAHING KALINISLINISAN.

Tinatawagan ko ang mga makata,
Ang lalong kilabot sa gawang pagtula,
Lumitaw na kayo’t dito’y pumagitna
At magbalagtasan sa Sariling Wika.

PARU-PARO:
Magandang gabi sa kanilang lahat
Mga nalilimping kawal ni Balagtas,
Ako’y paru-parong may itim na pakpak
At nagbabalita ng masamang oras.

Nananawagan po, bunying Lakan-Diwa,
Ang uod na dating ngayo’y nagmakata,
Naging paru-paro sa gitna ng tula
At isang bulaklak ang pinipithaya.

Martes, Mayo 8, 2012

ANG PAMANA


 ni Jose Corazon de Jesus

Isang araw, ang Ina ko'y nakita kong namamanglaw
naglilinis ng marumi't mga lumang kasangkapan,
sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan
nakita kong ang maraming taon noon kahirapan;
sa guhit ng kanyang pisnging laumalalim araw-araw
nakita ko ang Ina ko'y tila mandin namamanglaw,
at ang sabi, “itong piano'y sa iyo ko ibibigay
ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
mga silya't aparador sa kay Titong ibibigay
sa ganyan ko hiahati itong ating munting yaman.

Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng kanyang mukha
tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
subalit sa akingmata'y may namuong mga luha
na hindi ko mapigilan at hindi ko masansala;
naisip o ang Ina ko, ang Ina kong kaawaawa
tila kami'y iiwan na't may yari nang huling nasa,
at sa halip na magalak sa pamang mapapala
sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita,
napaiyak akong tila kaawaawang ba't
niyakap ko ang Ina ko at sa kanya ay winika.

Ang ibig ko sana Nanay, kita'y aking pasayahin
at huwag ko nang makitang ikaw'y malulungkot mandin,
Oh! Ina ko, ano ba ang naisipang paghatiin
ang lahat ng kayamanang naiwan mo sa amin?
“wala naman” - yaong sagot, “baka ako'y tawagin
ni Bathala, ang mabuti'y malaman mo ang habilin
itong piyano, iyang silya't salamin
pamana ko sa inyong bunsong ginigiliw...

“Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan
ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
ang ibig ko'y ikaw Inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko'y ikaw.
Aanhin ko ang piyano kapag ikaw ay namatay
ni hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay
ang ibig ko'y ikaw Inang
at mabuhay ka na lamang
inililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
ni hindi ka maaaring mapantayan ng daigdigan
ng lahat ng ginto rito
pagka't ikaw, Oh! Ina ko,
Ikaw'y wala pang kapantay.

                                                                                       - Panulaang Tagalog nina Angeles, Matienzo at Panganiban; pp.78-79

Lunes, Mayo 7, 2012

Alay Pasasalamat Ng Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School


Ika-26 ng Setyembre, taong nagdaan
Bagyong Ondoy naranasan sa buong bayan
Pagbaha’y nanalasa sa aming paaralan
Naging putikang  tambakan ng sirang kagamitan.

Nagkapit-kamay, buong pusong nagtulungan
Mga mag-aaral, guro, magulang at pamayanan
Dalawang linggong naglinis, tila walang kapaguran.
Naghanda upang eskwelaha’y magamit kina-Lunesan

Ngunit anong saklap, tila nagsara ang kalangitan
Oktubre na! Ang San Isidro, nagulantang…
Natupok! Naabo! Ang mahal naming paaralan –
Tuluyang nilamon ang tira ng bagyong nagdaan.

Binaha na nga, bakit pa nasunugan?
Sino’ng di mahahapis sa aming kinasapitan?
Puso ma’y bato, hapdi’y mararamdaman
Animo’y basing-sisiw kaming mga Governian.

Sino’ng lalapitan? Sino’ng maaasahan
Upang makabangon, aming paaralan?
Gayong kaliwa’t kanan ang nangangailangan,
Sino o ano ang uunahin ng hihingan?

Mula sa pagkalugmok na kinasadlakan
Sumilay ang tagumpay na inaasam
Pagka’t ngayo’y nakabangon na, aming paaralan
Dahil sa tulong ng lahat ng kinauukulan.

Ang PLDT-Smart sa pamumuno ni G. Manny Pangilinan
Nagkalob ng napakagandang 2-storey container van
Na magagamit ng mga mag-aaral
Upang sa pag-aaral lalong ganahan.

Hindi malilimutan! Hindi mnatutumbasan
Kabutihang ibinahagi sa ‘ming pangalawang tahanan
Kaya’t taos-puso po naming kayong pinasasalamatan
Kalakip ang pangakong handog nyo’y iingatan.

                                          Joy O. Dilan

Biyernes, Marso 30, 2012


Mangarap at Magsikap
-Joy Ollero Dilan

(Isang talumpati sa temang  “Alay Ninyong Kaalaman, Gamit Namin sa Pag-unlad ng Bayan”  na binigkas ng may-akda para sa mga gradweyts ng  Macalva Elementary School noong Marso 29, 2012..)

            Isang taon lang ang kulang para  maging tatlong dekada  ang nakakaraan mula nang ako at ang aking mga kasabayan ay nakaupo sa kinauupuan ninyong mga mag-aaral na ngayo’y lilisan sa Macalva Elementary School upang  tumuntong sa mataas na paaralan at maging unang batch ng K+12 program ng  Kagawaran ng Edukasyon sa bansa.
            At sa hindi inaasahang pagbabalik kong ito, kagyat na bumabalik ang mga alaala ng aming elementary days…na parang kailan lang…
            Parang kailan lang…  nilalakad namin ang  pagpasok at pag-uwi mula sa paaralan. Bihira pa noon ang sasakyan. Minsan, pag sinuswerte, iniaangkas kami ng libre ng mga mababait na tricycle drivers.
            Parang kailan lang… kasla kami kuton nga agsasaruno tapno mapan agsatdo ti danum nga pagsibog ti mulmula ti hardin iti eskwelaan.
Parang kailan lang…  agiyawidak ti sangasupot a nutribun ta nagpagatang ni antik.  Ngamin adu kadaguti kaeskwelaak, dida kayat ti nutribun  isu pa-sekreto nga ilako da kaniak sadan to igatang ti tinudok wenno ice candy. Ay apo, mano laeng balon ko idi – mikol, diyes, benteng (kwarta nga saanen nga am-amo daguiti ubbing ita). No dadduma, awan pay balon ko.  
Parang kailan lang…No pangaldawen, isukatkon tay balon ko nga kapasyet ti karne wenno sida a balon daguiti kaeskwelaak.  Masdaaw idi ni nanangko no apay nga kapasyet ti kayat ko a balunen. Ngamin, kaykayatmet daguiti gagayyem ko.
Parang kailan lang…nakaragragsak kami nga agkakadua nga aggagayyem ken agkakaeskwelaan. This is one thing I will always be grateful of my elementary years – having good friends whose friendship last through the years. I’m just so happy that to these days, we still communicate with each other.
 Parang kailan lang idi napadasak naminsan ti saka-saka a nagawid. Tennga ti aldaw pay…binulod ngamin ni Mam Romero ket nalipatanna nga insubli diay tsinelas  ko.… mabutengak met a mangala. Those days, nagan la ni mam, agpigpigerger kamin. No pay kasdiay, maitured mi met latta ti mapan makibayyabas diay arubayanda nu kua.
Parang kailan lang, minalemak nga mangyawid ti  Philippine Journal of Education magazines  nga  pagyamyamanak nga impabpabulod daydi Dios ti alwad na a Grade III teacher ko, ni Mam Panelo . At the end of the skul year, nabasak aminen nga istorya ken dandaniw  sadiay. Not to mention all kinds of  magazines and komiks nga binubulodmi kenni Maria Flor kenni mam Llavore idi.
Isu saan yo laglagilawen, apo no nalaingak nga agistorya…nasursurwak ngamin ditoy eskwelaan…baben daguiti materials nga impabpabulod daguiti nasisingpet ken mannakaawat nga mamaestrak ditoy idi.
Eniweys, so much for the Part I of intro.  Adda pay katuloy na. Iyaanus yo la coman, apo  ta subbuteken ti panagtakder ko ditoy  since I know this is a once-in-a-lifetime opportunity only”.  
Memories keep flooding  the moment I entered Macalva Elementary School.  It’s like being “home” again. 
However, back to reality… sa dahilan kung  bakit narito tayo ngayon at sa papel na aking ginagampanan -Guest Speaker. Panauhing Tagapagsalita. 
Ang tanong ko kay mam Llavore nang ako’y tawagan, “Bakit ako?” 
Hindi  impressive ang resume ko.  Sa karaniwang pamantayan ng tao, hindi ako ganon ka-successful kasi hindi pa naman ako mayaman.  Hangang saan lang ba ang narrating ko?
But then, I realized , bakit nga ba hindi?  Afterall, in my own right, I am successful.  I’ll tell you why… later.   For the meantime, mag-recitation  muna tayo,mga bata,ok?
Unang tanong, ano ang tema  o paksa ng Pagtatapos sa taong ito?
Ikalawang tanong, Ano  ang unang bagay na pumasok sa isip mo nang mabasa o marinig ang paksang ito? 
Ikatlong tanong,  Sino ang  unang naisip mo nang mabasa o marinig nyo ang paksang ito?
Whatever, whoever…tama lahat. Naisip nyo e. 

Kapupulutan ng  kaalaman  ang lahat ng kapwa  at maging ang iba pang mga bagay sa mundo. Ang mga kaalamang ito ay maaaring positibo at maaari namang negatibo. Depende ito sa kakayahang magbigay-kahulugan, umunawa, dumama at tumanggap ng bawat  tao.
Para-paraan ang pagtatamo ng kaalaman. Nagsisimula siyempre ito sa tahanan. Hindi nga ba’t  tinaguriang unang guro ang ating magulang?  Dahil sa kanila, ating natutuhan ang mga pangunahing kasanayan sa buhay – pangangalaga sa katawan at kalusugan ( kas iti umno a pannangan), pakikipag-usap nang may paggalang, pagpapahalaga sa kultura’t mga kinalakhang kaugalian.         
At dahil sa pagmamahal at pagpapahalaga ng ating mga magulang na mabigyan tayo ng ibayong kaalaman at gayundin ng pangarap nilang magkaroon tayo ng magandang kinabukasan, dinala tayo sa paaralan, ang institusyon ng pamahalaan para sa pormal na pagbabahagi ng kaalaman –edukasyon. Sa paaralan,  ipinagkatiwala tayo ng ating mga magulang  sa ating mga guro upang lalong mahubog ang ating mga kakayahan.
   Ang kaalaman o edukasyon ay sadyang napakahalaga.  Kaya naman, minsan maririnig natin sa ating mga magulang, “Mag-aral kang mabuti, anak. Igagapang naming ang iyong pag-aaral” na ang ibig sabihin ay gagawin nila ang lahat upang mapag-aral ang kanilang anak. Magastos kasi ang magpaaral lalo ngayon kasi may Nursery, Kindergarten at Preschool na. (Imbag laketdin ta idi siak ti inserrek ni nanang ko ditoy  nga eskwelaan nga idi ket Macalva Community School pay laeng, inawatdak a dagus ta atiddog ngamin ti takiag ko isu nagaw-at ko ti bangir a lapayag ko uray innem laeng ti tawen ko idi).
             Sabi ng nanay ko noon, “Ang edukasyon ay kayamanan na hindi makukuha ninuman”. Kanayon nga ibaga na uray natandaanak la ngaruden ngem kinaagpaysuna, diak unay maawatan pay idi.

Sabado, Pebrero 11, 2012

Buod: "Tata Selo" ni Rogelio Sicat


        Ang kwentong Tata Selo ay tungkol sa isang matanda na naghangad  lamang na makapagsaka sa kaniyang dating lupa na naibenta dahil sa pagkakasakit ang kanyang asawa.  Dahil sa kahirapan, hindi na niya ito nabawi kaya nakiusap na lang siya kay Kabesa Tano na siya na lang ang magsaka sa kanyang lupa.
        Ngunit isang araw, sapilitan siya pinaaalis ni Kabesang Tano dahil may iba nang magsasaka sa kanyang dating lupa. Hindi siya pinakinggan sa kanyang pagsusumamo. Sa halip, sinaktan pa siya nito.  Nagdilim ang kanyang paningin at nataga niya si Kabesang Tano na  ikinamatay nito. Nakulong si Tata Selo.
       Sa bandang huli, pinagsamantalahan pa ng alkalde ang anak ni Tata Selo na si Saling.  Nanlulumo man ay wala na silang magawa.
Nanaig ang hustisya ng mga mayayaman. 

Buod ng “Kwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza Matute


           Ang maikling kuwentong ito ay tungkol sa  isang guro at ina na kung bansagan ng kanyang mga estudyante ay “Mabuti”.
          Si Mabuti ang naging dahilan upang  maunawaan ng isang mag-aaral sa katauhan ni Fe ang tunay na kahulugan ng buhay.
          Si Mabuti  may suliraning iniiyakan, tulad din ni Fe. Sa kabila nito, napaghingahan niya ng damdamin ang guro.  Bumuti ang kanyang pakiramdam at naging positibo ang kanyang  pananaw sa buhay.
        Natuklasan niya ang isang lihim sa pagkatao nito na nagbunga ng anak. Ang anak na ipinagmamalaki ng guro sa kabila ng lahat. Hindi niya kinabakasan ng kapaitan ang guro. 
        Naramdaman ni Fe na sila ni Mabuti  ay iisa dahil nadama niya na silang dalawa ay bahagi ng mga nilalang na nakararanas ng kalungkutan at nakakikilala ng kaligayahan.