Pages

Huwebes, Agosto 5, 2021

Ang Talambuhay

 

Ang talambuhay ay kasaysayan ng buhay ng isang tao.  Ito ay tinatawag na awtobayograpiya kung ito ay sariling kasaysayan ng buhay ng  sumulat samantalang bayograpiya naman kapag ibang tao ang sumulat sa kasaysayan ng buhay ng isang tao.

 Ang talambuhay ay naglalaman ng mga totoong impormasyon at karananasan sa buhay ng isang tao.

Maaaring ang talambuhay ay karaniwan na  naglalahad ng buhay ng isang tao mula pagsilang hanggang sa kanyang kamatayan  at nagtataglay ng mga impormasyon tungkol sa kanyang mga kapanganakan, tirahan, pamilya, edukasyon, mga karangalang natamo,  mga naging tungkulin, mga nagawa at iba pang bagay tungkol sa  taong pinapaksa.

Maaari ring ang talambuhay ay Di-Karaniwan kung hindi gaanong binibigyan ng pansin ang mga mahahalagang detalye sa buhay ng tao maliban kung may kaugnayan ito  simula ng paksa. Sa halip, ang pokus dito ay ang mga layunin,  prinsipyo,  paninindigan ng isang tao at kung paano nauugnay ang mga ito sa kanyang tagumpay o kabiguan

Walang komento: