Ang mga PAMAHIIN ay mga paniniwala ng mga matatanda tungkol sa mga bagay-bagay at mga pangyayaring hindi naman magkaugnay. Wala itong batayan ngunit nagpasalin-salin na sa ibat ibang henerasyon. May mga patuloy na nagpapaniwala o sumusunod dito. Ngunit mayroon namang hindi na lalo sa panahong ito. Maituturing pa ring bahagi na ang mga ito ng kultura na marahil patuloy na nagsisilbing gabay para sa mga taong naniniwala rito. .
Mga Pamahiin sa HAYOP
Ang mga DAGA, kapag minura at pinagsalitaan nang masama,
lalo itong mamiminsala ng mga kagamitan gaya ng mga damit, dokumento at iba pa.
Ang BIIK o kahit anong hayop na iniuwi para alagaan ay iligid
agad sa poste ng bahay nang pitong ulit para hindi ito umalis.
Ang MANOK na inahin
kapag pumutak sa gabi ay malamang may mamamatay sa lugar.
Ang mga KALAPATI kapag naghiwalay, malamang maghihiwalay din
ang bagong kasal na nagpalipad sa mga ito.
Ang BUBUYOG kapag dumapo sa sanggol habang natutulog,
magkakaroon ng magandang kapalaran ang bata pagdating ng araw.
Ang PARU-PARO na kulay puti, kapag unang makikita sa isang
araw, maghapong magiging suwerte.
Ang TANDANG kapag tumilaok nang nakaharap sa pintuan, may
darating na panauhin.g darating.
Ang PANIKI kapag pumasok na paniki sa loob ng tahananay nangangahulugang may taong mamamatay.
Ang KUWAGO kapag nakarinig ng huni nito nang hatinggabi, may
mamamatay sa lugar.
Ang ASO ay mananahimik na lang at hindi mangangagat kapat
naunahan ang pagtahol nito ng pagkagat sa dulo ng dila ng taong dadaan.
Ang KABAYOng puti na alaga ay magbibigay ng suwerte sa mga nag-aalaga rito.
Ang GAGAMBA kapag nahulog sa ulo o mukha ay suwerte.
Ang GAGAMBA kapag pinatay o sinira ang bahay nito ay
nagbibigay ng kamalasan.
Ang UWAK kapag narinig malapit sa tahanan ay malamang
nagbabadya na may masamang mangyayari sa pamilya.
Ang mga BAKA ay dapat iwasan kapag kumukulog at kumikidlat
dahil nakaaakit ang mga ito ng kidlat.
Ang KUWAGO kapag humuni sa katanghalian ay nagbabadya ng
masamang mangyayari kaya kapag narinig ito, kontrahin sa pamamagitan ng
pagbubuhol ng panyo.
Ang TANDANG na puti kapag inalagaan ay suwerte.
Ang MANOK na dumalaga kapag tumilaok, may dalagang
mabubuntis sa bahay kung saan ito nakaharap.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento