Pages

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pamahiin. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pamahiin. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Hunyo 18, 2021

Mga Pamahiin sa Hayop

 Ang mga PAMAHIIN ay mga paniniwala ng mga matatanda tungkol sa mga bagay-bagay at mga pangyayaring hindi naman magkaugnay.  Wala itong batayan ngunit nagpasalin-salin na sa ibat ibang henerasyon.  May mga patuloy na nagpapaniwala o sumusunod dito. Ngunit mayroon namang hindi na lalo sa panahong ito. Maituturing pa ring bahagi na ang mga ito ng kultura na marahil patuloy na nagsisilbing gabay para sa mga taong naniniwala rito.  .

Mga Pamahiin sa HAYOP

Ang mga DAGA, kapag minura at pinagsalitaan nang masama, lalo itong mamiminsala ng mga kagamitan gaya ng mga damit, dokumento at iba pa.

Ang BIIK o kahit anong hayop na iniuwi para alagaan ay iligid agad sa poste ng bahay nang pitong ulit para hindi ito umalis.

Ang  MANOK na inahin kapag pumutak sa gabi ay malamang may mamamatay sa lugar.

Ang mga KALAPATI kapag naghiwalay, malamang maghihiwalay din ang bagong kasal na nagpalipad sa mga ito.

Ang BUBUYOG kapag dumapo sa sanggol habang natutulog, magkakaroon ng magandang kapalaran ang bata pagdating ng araw.

Ang PARU-PARO na kulay puti, kapag unang makikita sa isang araw, maghapong magiging suwerte.

Ang TANDANG kapag tumilaok nang nakaharap sa pintuan, may darating na panauhin.g  darating.

Ang PANIKI kapag pumasok na paniki sa loob ng tahananay  nangangahulugang may taong mamamatay.

Ang KUWAGO kapag nakarinig ng huni nito nang hatinggabi, may mamamatay sa lugar.

Ang ASO ay mananahimik na lang at hindi mangangagat kapat naunahan ang pagtahol nito ng pagkagat sa dulo ng dila ng taong dadaan.

Ang KABAYOng puti na alaga ay magbibigay ng suwerte sa mga nag-aalaga rito.

Ang GAGAMBA kapag nahulog sa ulo o mukha ay suwerte.

Ang GAGAMBA kapag pinatay o sinira ang bahay nito ay nagbibigay ng kamalasan.

Ang UWAK kapag narinig malapit sa tahanan ay malamang nagbabadya na may masamang mangyayari sa pamilya.

Ang mga BAKA ay dapat iwasan kapag kumukulog at kumikidlat dahil nakaaakit ang mga ito ng kidlat.

Ang KUWAGO kapag humuni sa katanghalian ay nagbabadya ng masamang mangyayari kaya kapag narinig ito, kontrahin sa pamamagitan ng pagbubuhol ng panyo.

Ang TANDANG na puti kapag inalagaan ay suwerte.

Ang MANOK na dumalaga kapag tumilaok, may dalagang mabubuntis sa bahay kung saan ito nakaharap.