Sa pagamutan ng pambansang bilangguan sa Muntinlupa,
makikita ang apat na lalaking may kanya-kanyang karamdaman – ang may
trangkasong si Bok, dalawampu't siyam na taong gulang na labas masok na sa
bilangguan; ang may plaster sa paa na si Doming, na nakabaril ng matalik na kaibigan na na kalaguyo ng asawa
nito; ang inoperahan dahil sa almoranas
na si Mang Ernan, apatnapu't limang taong gulang, isang manunulat, isa
ring propesor sa isang unibersidad sa Maynila at naging kasapi rin sa iba't
ibang samahan na nakulong dahil sa pagsunog sa maraming aklat na nagpapakalat
ng maling impormasyon.
At ang nasaksak dahil
ayaw sumama sa mga pumuga sa bilangguan na si Tony, ang pinakabatang bilanggo
sa bilibid na may angking talino.
Bata pa lamang si Tony nang umalis ang kanyang ama. Iniwan
sila ng kanyang ina at kapatid. Nagtapos siya nang balediktoryan sa elementarya
ngunit dahil sa kahirapan natuto siyang mandukot
at magnakaw na naging dahilan ng kanyang pagkakulong at pagkamuhi sa sariling ama na umabandona sa kanilang mag-iina.
Sa loob ng bilangguan, nakilala niya ang isang pari, si Padre Abena
na gustong umampon at magpaaral sa kanya tulad din Mang Ernan na gusto ring
tumulong sa kanya.
Dumating ang isang tanod at sinabing may dalaw si Tony.
Hindi niyang inaasahang may dadalaw pa sa kanya at lalong hindi niya inaasahan
na ito ay ang kanyang ama.
Humingi ng kapatawaran ang kanyang ama ngunit noong una ay
nagmatigas si Tony.
Gayunpaman, sa pagpapayo nina Padre Abena, Mang Ernan, iba
pa niyang mga kaibigan sa bilanguan at ng nars na si Bb. Reyes, bandang huli ay
pinatawad din ni Tony ang kanyang ama.
Gumaan ang loob ni
Tony at natuwa siya nang malamang magaling na ang may sakit na ina at muli
nyang makakasama paglaya niya dahil sa parole na ipinakiusap ng ama sa isang senador.