Pages

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Sinag sa karimlan ni Dionisio S. Salazar. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Sinag sa karimlan ni Dionisio S. Salazar. Ipakita ang lahat ng mga post

Martes, Oktubre 15, 2019

Sinag sa Karimlan ni Dionisio S. Salazar (Buod)


 Sa pagamutan ng pambansang bilangguan sa Muntinlupa, makikita ang apat na lalaking may kanya-kanyang karamdaman – ang may trangkasong si Bok, dalawampu't siyam na taong gulang na labas masok na sa bilangguan; ang may plaster sa paa na si Doming, na nakabaril ng  matalik na kaibigan na na kalaguyo ng asawa nito; ang inoperahan dahil sa almoranas  na si Mang Ernan, apatnapu't limang taong gulang, isang manunulat, isa ring propesor sa isang unibersidad sa Maynila at naging kasapi rin sa iba't ibang samahan na nakulong dahil sa pagsunog sa maraming aklat na nagpapakalat ng maling impormasyon.

 At ang nasaksak dahil ayaw sumama sa mga pumuga sa bilangguan na si Tony, ang pinakabatang bilanggo sa bilibid na may angking talino.
Bata pa lamang si Tony nang umalis ang kanyang ama. Iniwan sila ng kanyang ina at kapatid. Nagtapos siya nang balediktoryan sa elementarya  ngunit dahil sa kahirapan natuto siyang mandukot at magnakaw na naging dahilan ng kanyang pagkakulong at pagkamuhi  sa sariling ama na umabandona sa kanilang mag-iina.

Sa loob ng bilangguan,  nakilala niya ang isang pari, si Padre Abena na gustong umampon at magpaaral sa kanya tulad din Mang Ernan na gusto ring tumulong sa kanya.

Dumating ang isang tanod at sinabing may dalaw si Tony. Hindi niyang inaasahang may dadalaw pa sa kanya at lalong hindi niya inaasahan na ito ay ang kanyang ama.

Humingi ng kapatawaran ang kanyang ama ngunit noong una ay nagmatigas si Tony.
Gayunpaman, sa pagpapayo nina Padre Abena, Mang Ernan, iba pa niyang mga kaibigan sa bilanguan at ng nars na si Bb. Reyes, bandang huli ay pinatawad din ni Tony ang kanyang ama.
 Gumaan ang loob ni Tony at natuwa siya nang malamang magaling na ang may sakit na ina at muli nyang makakasama paglaya niya dahil sa parole na ipinakiusap ng ama sa isang senador.