Pangalan:
_________________________________ Iskor: _______________
Grade 8 - _________________
I.
Panuto : Isulat ang tamang sagot sa bawat aytem.
_______________________1. Ito
ay isang uri ng popular na babasahin kung saan mababasa ang tungkol sa mga
nangyayari sa araw-araw.
_______________________2.
Ito ay naisasahimppapawid o panradyong pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang
napapanahong isyu.
_______________________3. Isa
itong uri ng paglilimbag ang naglalaman ng balita , impormasyon at patalastas.
_______________________4. Ano ang tawag sa kalipunan ng iba’t ibang
akdang pampanitikan?
_______________________5.
Siya ang sinasabing kauna-unahang Pilipino na gumawa ng komiks.
_______________________6. Ito ay paghahatid ng impormasyon, audio o
biswal man, sa pamamagitan ng midyang
pangmasa tulad ng radyo, telebisyon, internet
o iba pang bagay sa tulong ng network.
_______________________7. Larangan ng panitikan kung saan nakilala
si Carlo J. Caparas.
_______________________8. Isang personalidad na nakilala sa larangan ng
Dokumentaryong Pantelebisyon gaya ng “Alkansya”.
_______________________9. Sa larangang ito, nakilala si
Brillante Mendoza.
_______________________10.
Tawag sa isang anyong pampanitikan na
matituturing na maikling kuwento ngunit mas maikli kaysa maikling kuwento.
II. Panuto : Tumbasan ng nasa PORMAL na antas ng wika ang mga sumusunod na pangungusap..
11. P’re, astig tayo, a.
12. Nadedo ang nebor namin na naadik
na sa pagyoyosi.
13. Mantakin mo, may mga
kawatan pala sa gobyerno ng ‘Pinas.
14.
Parak ang erpat ng syota ni Marvin.
III.
Punan ng angkop na ekspresyon upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
15.__________________mas
mahirap ang buhay ngayon kaysa sa nakalipas na limang taon .
16._________________
ng marami, nagkulang talaga ang pamahalaan sa pagkalinga sa mga biktima ng kalamida.
17._________________
mo tama ang desisyon mo pero nagkakamali ka.
18._________________1987
konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang pambansang wika.
19._________________,
hindi makabubuting isisi natin lahat sa pamahalaan ang hirap ng buhay natin.
IV. Magbigay
ng halimbawa ng magasin na tinutukoy sa bawat bilang.
____________________20.
Magasing pangkababaihan na naglalaman ng mga artikulo tungkol sa mga isyung
pangkalusugan, kagandahan at aliwan.
____________________21.
Isang popular na babasahin na naglalaman ng mga maikling kuwento at iba pang
akdang Pampanitikan.
____________________22.
Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari,shopping at mga isyu hinggil sa
kagandahan.
____________________23.
Magasin tungkol sa balitang showbiz.
____________________24.
Magasing nagbibigay ng pansin sa kagustuhan at suliranin ng kabataan.
____________________25.
Ang magasing nagdala ng panitikan sa kabahayan ng pamilyang Pilipino.
V. Tukuyin
kung anong uri ng konseptong may kaugnayang lohikal ang mga
sumusunod na pangungusap.
_________________ 26. Sa pagtatrabaho pagtapos ng klase, nasusuportahan niya ang
sarili sa pag-aaral.
_________________ 27. Nagtutulungan silang magkakapangkat upang matapos ang
kanilang proyekto.
_________________ 28. Pinagbuti niya ang pag-aaral kaya tumaas ang kanyang mga
grado.
_________________ 29. Dumami ang mamimili sa kanyang paninda dahil sa murang
presyo.
_________________ 30. Nakatapos sana siya ng pag-aaral kung hindi siya napabarkada
sa masama at nalulong sa bisyo.
VI. Gawing positibo ang mga sumusunod na negatibong pahayag.
31. Napakaraming relief goods ngunit marami pa raw
ang hindi nabibigyan nito.
32. Magsasaya pala ang mga tsismosa at pakialamero
sa Pilipinas kapag naaprobahan ang FOI Bill.
VII.
Tukuyin ang uri ng anggulo at kuha ng kamera na
inilalarawan sa bawat bilang.
_______________________33.
Aerial shot kung saan ang kamera ay nasa
mataas na bahagi at ang tingin ay nasa ibaba.
_______________________34. Ang pagpokus ng kamera nang malayuan sa
kabuuan.
_______________________35. Ito ay malapitang pagpokus sa kabuuan ng
isang bagay.
_______________________36. Ito ay karaniwang nakapokus sa dalawang
taong nag-uusap o mula paa pataas.
______________________37. Ang pokus ay sa ibaba o sa ilalim kung ang
kamera ay nasa itaas.
VIII. Isulat ang tinutukoy na elemento ng pelikula sa bawat
bilang.
____________________38.
Tinitingnan ditto ang angkop na anggulo
upang maipamalas ang tunay pangyayari sa
tulong ng ilaw, lenteng kamera at uri ng shots na ginamit.
____________________39.
Sa prosesong ito, isinasagawa ang pagsasaayos pagpuputol, pagdudugtong-
dugtong pagpapakitid
at pagpapalawak muli ng negatibo ng mga eksena upang umayon sa filmmaker.
___________________40.
Napalulutangnito ang linya ng mga diyalogo at tagpo sa pelikula.
IX. Isulat kung anong gawi ng
pagsasalita ang nakapaloob sa bawa’t
pangungusap.
_________________41.
Regalo ko sa iyo ang damit na ito kaya isuot mo at huwag kang mahiya.
_________________42. Itay, mag-ingat ka sa iyong paglalakad,
madulas ang daan.
_________________43.
Hindi dapat maiwan si Jonalyn, dapat kasama natin siya sa pagboto.
_________________44.
Sige, ako na ang magbabantay sa mga kapatid mo.
_________________45.
Huwag mo nang intindihin iyon kasi magsasayang ka lang ng oras.
X. Basahin at unawain ang bawat linya. Pagsunod-sunurin ang mga
pangungusap ayon sa mga pangyayari sa Dagling “Hahamakin ang Lahat” ni Abdon
Balde, Jr.Isulat ang titik lamang ng mga pangungusap. (5 puntos)
46.-50. ____________________________________________
a. Binigyan
ni Cherry ng pag-asa sa kanya si Dindo kung magagawa nitong mag-break dance
sa kanilang
JS Prom.
b. Sinuway ni Dindo ang kanyang mga magulang nang
magsanay siya sa pagsayaw.
c. Pinuntahan niya si Cherry upang sabihing handa na
siya.
d. Dahil sa pagmamahal niya kay Cherry at sa matinding
determinasyon, nagawa niya ang imposible
na makapag-break dance.
e. Sinabi ni Cherry na may boyfriend na siya at lumabas
na niloko lang niya ang may polio na si Dindo.
XI. I-CLICK ang sumusunod na pamagat at panoorin ang pelikulang ‘Ang Manoro’. Gawan ito ng maikling pagsusuri. Isaalang-alang ang iba’t ibang elemento ng pelikula at uri ng anggulo at kuha ng kamera. (10 puntos)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento