Ang karagatan ay isang uri ng tulang patnigan sapagkat ito ay dulang patula. Nagpapalitan ng patulang pahayag ang mga tauhan dito.
Ang larong ito na karaniwang ginagawa o nilalaro ng mga dalaga at mga binata upang di antukin sa huling gabi ng paglalamay.
Hango ito sa isang alamat tungkol sa singsing na nahulog sa karagatan ng isang prinsesa ang ang piniling mapangasawa ay ang binatang nagtaumpay sa pagsisid sa karagatan.
Ang sumusunod ay halimbawa ng karagatan:
(May isang mesang nakalagay ang mga paninda-mga garapon ng pagkain at mga de-bote. May dalawang dalaga at apat na binata sa paligid ng mesa. Maraming tao sa paligid. Isang matanda ang lalapit sa ponda.)
Ang larong ito na karaniwang ginagawa o nilalaro ng mga dalaga at mga binata upang di antukin sa huling gabi ng paglalamay.
Hango ito sa isang alamat tungkol sa singsing na nahulog sa karagatan ng isang prinsesa ang ang piniling mapangasawa ay ang binatang nagtaumpay sa pagsisid sa karagatan.
Ang sumusunod ay halimbawa ng karagatan:
(May isang mesang nakalagay ang mga paninda-mga garapon ng pagkain at mga de-bote. May dalawang dalaga at apat na binata sa paligid ng mesa. Maraming tao sa paligid. Isang matanda ang lalapit sa ponda.)
Tandang Terong:
Humm… tila matagal nang nakasalang ang sinaing ay ‘di
pa nagagatungan.
Isang Manonood:
Kailangang gatungan ang sinaing nang maluto’t tayo’y
makakain.
Maring:
Ang kahoy na panggatong kaya ‘di masindihan ay higit
na marami ang nasa kalan kaysa kailangan.
Isa pang manonood: Tama si Maring. Ang isa’y malungkot
kaya’t
naghahanap; dalawaha’y angkop at siyang anong sarap;
ngunit pag nagtatlo’y isa na ang kalabisan.Kung ‘di
matiyak ni
Neneng kung sino sa kanila ang
kakausapin,
mga kanayon ano’ng kailangan?
Lahat:
Tanging paraa’y ang karagatan.
Ingkong Terong:
Ayos ka na ba, Neneng?
Neneng:
Tumanggi man po ako’y walang mangyayari.
Kagustuhan rin ninyo ang masusunod.
Kagustuhan rin ninyo ang masusunod.
Ingkong Terong: At
kayong apat?
Apat na Lalaki :
Opo.
Ingkong Terong:
Akin na, Neneng ang iyong
singsing. (Aabutin sa dalaga
ang singsing at ihuhulog sa tubig na nasa garapon).
Kayong apat ay magpapalabunutan kung sino ang unang
sisisid sa singsing na inihulog ni Neneng. (Palabunutan).
At ikaw Berting ang unang sisisid sa dagat ng pag-ibig
upang makuha ang singsing.
Mga Tao:
(Palakpakan)
Isang Tao:
Pagbutihin mo, binata at si Neneng ay marami nang
nailunod na talisuyo sa
karagatan.
Berting:
Magandang gabi sa inyong lahat
Mga
nariritong kanayon ni Neneng
At sa
iyo mutya’y muling nagpupugay.
Ipinangangakong nahulog mong singsing
Aking sisiri’t sa iyo’y ibibigay
Tanda ng pag-ibig na walang hangganan.
Dahilan sa ako’y siyang nakabunot
Ng
palitong itong nagpapahintulot
Ako ay sumisid sa dagat ng nais
At
ang iyong singsing ay aking makamit
Ay
katunayan nang Diyos ang pumili
Na
ako ngang ito’y siya mong itangi.
Sumisid sa singsing na aking hinulog
Subalit ‘di upang siyang maging irog
Kundi idaan lang muna sa pagsubok
Kaya’t sisirin mo ang tanong kong ito
At
singsing kong ito ay nang maangkin mo
Ang
singsing na itong linso’t walang bato
Turan mo’ng simula at ang dulo nito.
Berting: Tila ang
bugtong mo’y sinlalim ng dagat
Na ‘di
matatarok ng isip kong pahat.
Kaya’t iyong
singsing nais mang makuha
Isa pang pagsubok ay hiling ko sinta.
Kulas: Ang
pagkakatao’y isalin sa iba
Nang ‘di
masabing ikaw ay buwaya
Akong
nabunot ng pang-ikalawa
Inaangkin
hirang kanyang karapatan
Sumisid sa
dagat ng singsing mong bugtong
Na siyang
panumbas sa iyong pag-irog.
Neneng: Kung
gayon, o, Kulas, iyo nang sisirin
Ang lalim ng
puno’t dulo niyang singsing.
Kulas:
Singsing, aking Neneng, walang puno’t dulo
Mayroon
ngang simula at may wakas ito
Ang simula’y
bilog nito na panloob
At ang
katapusa’y panlabas na bilog.
Ganyan kung
gawin, singsing ng pag-ibig
Haya’t
nasisid ko singsing mong nahulog.
Neneng: Iyan ang
tanong diyan kay Lamberto
Kaya’t heto
naman ang para sa iyo;
Nang ika’y
parito, pamula sa kanto
Ilang bahay,
Kulas, ang naraanan mo?
May ilaw ay
ilan, iyo sanang turan
Tingnan ko
ang tibay pang-alaala mo?
Kulas:
Salamat Neneng ko’t iyang katanungan
Kay daling
sagutin kaya’t aking masasabing
Ako’y
tanging mahal; Heto ang tugon ko:
Bahay, pito
lamang at sa mga ito’y
Aking
natandaan, apat ang may ilaw-
Ito’y
patotoong isip ko’y malinaw.
Neneng: Kulas,
ika’y mali sa iyong katugunan
Kaya’t
isasalin itong aking tanong
Sa sinong
ikatlong sa tubig lulusong
At siyang
sisisid, sa singsing kong bugtong.
Nardo: Ako ang
ikatlong dapat subukin mo
Kaya’t iyong
dinggin ang tugon ko’y:
Pamula sa
kanto at hanggang sa rito
Walang bahay
ni ilaw akong natandaan
Kundi itong
ponda ni Neneng kong mahal.
Mga Tao: (Palakpakan
at kantiyawan)
Neneng: Kung
gayon ito naman ay tugunin
Pang-una sa
ikatlong iyong sasagutin
Bakit ba ang
tubig sa bilog na mundo
Hindi
tumatapon walang ligwak ito?
Nardo: Sa abot
ng isip narito ang tugon:
Tubig,
bato’t tao, at lahat sa mundo
Ay ‘di
tumatapon dahil sa ang globo
Ay isang
malaki’t mabisang magneto;
Hinihigop
nito ang lahat ng narito
At sa
kalawaka’y ‘di tayo tutungo.
Mga Tao: Magaling!
Mabuhay si Nardo!
Neneng:
Pangalawang tanong,heto na’t pakinggan
Paanong
buwang sa langit ay tanglaw
Aking
mahihipo’t mapaglalaruan?
Ito’y
pangarap nang ako’y musmos pa lamang
Kung
talagang ako ay sadyang mahal mo
Paiirugan mo
ang hiling kong ito.
Nardo:
Salamat, O, Ina, sa pag-aaruga mo,
Noong ako’y
munti’t pinalalaki mo.
Isang
paborito’t ibig kong kuwento
Ay siyang
panugon sa tanong na ito.
Sa
pamamagitan ng isang salamin
Minumutyang
buwan ay pabababain
Kahit sa
kandungan ng mutya ko’t giliw
Mapaglalaruang buwang hinihiling.
Mga Tao: Magaling!
Iyan ang binata namin!...
Pakinggan natin ang tanong na ikatlo.
Nardo: Ako’y
nakahanda sa pangatlong tanong
Singsing na
nahulog aking sisisirin
Sukdang
ikapugto ng hiningang tangan
Kung puso ng
mutya’y aking maaangkin.
Neneng: Ako’y
nangangamba, ako’y natatakot
Na ang
huling tanong kaniyang masagot
Itong
karagatan isang laro lamang
Ngunit
paglalarong birong totohanan
Ayoko na
yatang ito ay ituloy
Baka sa
sagutan ako’y maparool.
Ingkong Terong: Ituloy mo, apo, bahala na ako.
Neneng: Kung
gayon, Leonardo, tugunin mo ito.
Kung tayo’y
makasal, ay nanaisin ko
Na
magpulot-gata sa bayang Mindoro
Na ating
sasakya’y binalsang kawayan
Na bigkis ng
lubid na pawang hinabi
Sa buhanging
pino’t ikaw ang pipili.
Nardo: Neneng,
aking mahal, sadyang mahal kita
Kaya’t
imposible’y pag-aariin pa
Lubid na
buhangin, aking pipiliin
Kung pababaunan ng aking pagkain
Bawat isang linggong kakailanganin
Sa ‘sang
dahong ipil iyong babalutin.
Neneng: ‘Di ba’t
ang hiling sa akin nanggaling
Bakit
ngayo’y ako ang pasusulitin?
Nardo: ‘Pagkat
paniwalang ‘di ka sinungaling
Neneng: Ano ang
batayan ng iyong pasaring?
Nardo: Salamat
kung gayon, mutya ko at giliw
Ikaw ay may
wikang tapat at matining
Nang iyong
sabihin tayo’y kakasalin
Inakalang
tapat ikaw sa paggiliw
Kaya’t sa
problemang aking
Kahati ka sa
tuwa’t sa ligaya gayo’y din
Ang
buhanging lubid ay kaya kong gawin
Kung sa
hirap nito’y kasalo ang giliw.
Neneng: Ayoko’t
‘di tama! ‘Di pala kasal,
Ni walang
sintahan ay mag-aasawa na.
Nardo: ‘Di nga
mag-asawa ngunit may pagsinta!
Neneng: Ay
sayang! Sayang na pag-ibig
Sayang ang
singsing kong nahulog sa tubig
Kung ikaw
rin lang siyang sisisid
Mahanga’y
hintin kong kumati ang tubig.
Tandang Terong: Sa
unang pagkakataon ay nagkaganito ang apo ko.
Ako
ang hahatol. Tama si Nardo.
Ang
karagata’y simula lang ng kuwento
Mula ngayon, Nardo, sa bahay pumanhik
At
doon mo ihibik ang iyong pag-ibig.
Pepito:
(Iiling-iling at magkikibit ng balikat.)
Mga Tao: Mabuhay
si Ingkong Terong! Mabuhay!
Mabuhay ang
karagatan, aliwang Pilipino!
(Palakpakan)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento