Pages

Miyerkules, Enero 12, 2011

HANDIONG

Epiko ng Bikol
Salin sa Tagalog ni J. Arrogante

VIII
Ang Kabikolan ay isang lupain
Patagang  mayaman sa mga baybayin
Sa buong daigdig pinakamarikit
Sagana sa butil, aming nakakamit.

IX
Si Baltog ang lalaking kauna-unahang
Nanirahan sa dakilang patagan
Nagmulang Botavara,
Lahing di nakikita

Lunes, Enero 10, 2011

Dumalo si Tuwaang sa Isang Kasalan


(Halaw mula sa Tuwaang – Epikong Manobo)
Ipinagtapat ni Tuwaang ang ipinag-uutos sa kanya ng hangin sa kanyang tiyahin sa ina.  Ito ay tungkol sa dapat niyang pagdalo sa kasal ng Mutya ng Monawon.
“Tuwaang, huwag ka nang pumunta,” pigil ng kanyang tiyahin. “Nararamdaman kong hindi ka mapapabuti roon.”
Nagmatigas ang determinadong si Tuwaang. Tiniyak niya sa kanyang tiyang na kaya niya ang kanyang sarili. Masidhi ang pagnanais niyang Makita ng kagandahan ng dalaga ng Monawon.
Naghanda si Tuwaang at tumulak na sa pagdalo sa kasal. Isinakbit niya  ang hugis-pusong buslo na maaaring makapagpakidlat, ginamit ang kupya at baluti na gawa pa ng mga diyosa, at  dinala ang isang mahabang espada at punyal, maging ang kanyang kalasag at sibat.
Narating ni Tuwaang ang kapatagan ng Kawkawangan sa pamamagitan ng talim ng kidlat.  Nang nagpapahinga na siya roon ay nakarinig siya ng huni ng ibong gungutan. Tinangka niyang hulihin ang ibon ngunit, nakita niya ang matatalim na tari nito. Nagsalita ang Gungutan at sinabi nito kay Tuwaang na dahil sa panaginip kaya niya nalaman ang pagdating ng binata, na gusto niyang samahan .

Linggo, Enero 9, 2011

INDARAPATRA AT SULAYMAN

 (Isinatula ni Bartolome del Valle)

Noong unang panahon ayon sa alamat ng pulong MIndanaw,
ay wala ni kahit munting kapatagan. Pawang kabundukan
ang tinatahanan ng maraming taong doo’y namumuhay
maligaya sila sapagkat sagana sa likas na yaman.

Subali’t ang lagim ay biglang dumating sa kanilang bundok
na dati’y payapa. Apat na halimaw ang doo’y nana lot.
Una’y si Kurita na maraming paa at ganid na hayop
pagka’t sa pagkain kahit limang tao’y kanyang nauubos.

Ang Bundok Matutum ay tinirhan naman ng isang halimaw
na may mukhang tao na nakatatakot kung ito’y mamasdan,
ang sino mang tao na kanyang mahuli’y agad nilalapang,
at ang laman nito’y kanyang kinakain na walang anuman.

Ang ikatlo’y si Pah na ibong malaki. Pag ito’y lumipad
ang Bundok na Bita ay napadidilim niyong kanyang pakpak,
ang lahat ng tao’y sa kuweba tumahan upang makaligtas
sa salot na itong may matang malinaw at kukong matalas.

Ang Bundok Kurayang pinananahanan ng maraming tao
ay pinagpalagim ng isa pang ibong may pitong ulo;
walang makaligtas sa bagsik ng kanyang matalas na kuko
pagkat maaaring kanyang matanaw ang lahat ng dako.

Linggo, Enero 2, 2011

'Holidays' sa Taong 2011

Ang sumusunod ay listahan ng mga araw na  ipagdiriwang o “holidays” para sa taong ito ng 2011 sa ilalim ng   Proklamasyon Blg 84.

A. Regular Holidays
New Year’s Day – January 1 (Saturday)
Araw ng Kagitingan – April 9 (Saturday)
Maundy Thursday – April 21
Good Friday – April 22
Labor Day – May 1 (Sunday)
Independence Day – June 12 (Sunday)
National Heroes Day – August 29 (Last Monday of August)
Bonifacio Day – November 30 (Wednesday)
Christmas Day – December 25 (Sunday)
Rizal Day – December 30 (Friday)

B. Special (Non-Working) Days
Ninoy Aquino Day – August 21 (Sunday)
All Saints Day – November 1 (Tuesday)
Last Day of the Year – December 31 (Saturday)

C. Special Holiday (for all schools)
EDSA Revolution Anniversary – February 25 (Friday)

Ayon sa GMANews.tv,   tatlong ‘holidays’ lamang ang magbibigay sa publiko ng mahabang  ‘weekends’ o pahinga na mas mababa sa kalahati ng 11 na mahabang ‘weekends’ noong taong 2010.

Sinabi ni  Chief Presidential Legal Counsel Eduardo de Mesa sa GMANews.tv  na nasa diskresyon ni Pangulong  Noynoy Aquino sa paglilipat ng mga holiday na hindi pangrelihiyon sa araw ng Lunes na pinakamalapit dito.  Binanggit ni  de Mesa ang  RA 9492 na nagsasaad na ang mga di-pangrelihiyong ‘holidays’ ay maaaring ilipat maliban kung itinalaga ng batas at/o ng proklamasyon