Nahahati sa iba’t ibang antas ang wikang ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan. Ang dalawa sa antas na ito ay ang mga sumusunod:
1. Balbal - ito tinatawag “slang” sa Ingles na sa
Pilipinas ay “salitang kalye” na nagkaka-
roon ng sariling codes at wikang itinuturing
na may mababang antas. Sinasabing nabubuo
ito sa kagustuhan ng isang partikular na grupo
na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan.
Halimbawa: lespu (pulis) erpat (ama)
datung (pera) Pinoy (Pilipino)
Pangungusap: Lespu ang kanyang erpat.
Maraming datung si ermat dahil
magaling siyang mag-ipon.
2. Kolokyal - ito ang mga pang-araw-araw na
salita na maaring may kaunting kagaspangan
o maari rin itong refinado ayon sa kung sino
ang nagsasalita. Ang mga ganitong salita ay
maaaring pagpapaikli ng mga salita upang
mapabilis ang daloy ng komunikasyon.
Halimbawa: Nasan, pa`no, sa ’kin,
kelan, meron
Pangungusap: Pa’no ka makatatapos ng
mga gawain sa modyul kung puro ka ML?
Meron
ka bang baon?
3. Lalawiganin - kabilang sa antas na ito ang
mga salitang katutubo o ginagamit sa
partikular na lugar o lalawigan at karaniwan
na ring nakikilala sa kakaibang tono
o punto.
Mga halimbawa : aldaw (araw) balay (bahay)
Papanaw ka na? (Aalis ka na?)
Nainom ka na? (Uminom ka na?)
4. Teknikal – ito ay uri ng daluyan ng
komunikasyon na kabilang sa mga kalakal,
propesyon o tiyak na mga lugar ng kaalaman
ng tao gaya ng agham matematika, musika,
electronics at iba pa.
Mga halimbawa: gravitational force, square root,
octave, inductance
5. Pambansa – ito ay “lingua franca” o madalas
gamitin dahil nauunawaan ng buong bansa
at ginagamit din sa mga aklat, babasahin
at sirkulasyong pangmadla maging sa
paaralan at sa pamahalaan
Mga Halimbawa: pamilya tahanan malaya
6.. Pampanitikan – ito ay ang antas na may
pinakamayamang uri. Madalas ito ay
ginagamitan ng mga salitang may iba
pang kahulugan gaya ng idyoma, eskima,
tayutay at iba't ibang tono, tema at punto.
Mga Halimbawa: kahati sa buhay
ilaw ng tahanan bunga ng pag-ibig