Pages

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kolokyal. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kolokyal. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Marso 26, 2021

Antas ng Wika

 Nahahati sa iba’t ibang antas ang wikang ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan. Ang dalawa sa antas na ito ay  ang mga sumusunod:


1. Balbal - ito tinatawag “slang” sa Ingles na sa

   Pilipinas ay “salitang kalye” na nagkaka-

    roon ng sariling codes at wikang itinuturing

    na may mababang antas. Sinasabing nabubuo

    ito sa kagustuhan ng isang partikular na grupo

     na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan.

    Halimbawa:   lespu (pulis)        erpat  (ama)       

                        datung (pera)     Pinoy (Pilipino)

 Pangungusap:  Lespu ang kanyang erpat. 

        Maraming datung si ermat dahil 

            magaling siyang mag-ipon.

 

2. Kolokyal - ito ang mga pang-araw-araw na 

   salita na maaring may kaunting kagaspangan 

   o maari rin itong refinado ayon sa kung sino 

   ang nagsasalita. Ang mga ganitong salita ay

   maaaring pagpapaikli ng mga salita upang

   mapabilis ang daloy ng komunikasyon.

     Halimbawa: Nasan,   pa`no, sa ’kin, 

                          kelan,  meron

     Pangungusap:  Pa’no ka makatatapos ng 

            mga gawain sa modyul kung puro ka ML?

            Meron ka bang baon?

3. Lalawiganin -  kabilang sa antas na ito ang 

      mga  salitang katutubo o ginagamit sa 

      partikular na lugar o lalawigan at karaniwan

      na ring  nakikilala sa kakaibang tono

      o punto.

     Mga halimbawa : aldaw (araw)  balay (bahay)

                          Papanaw ka na?  (Aalis ka na?)

                        Nainom ka na?   (Uminom ka na?)

4. Teknikal – ito ay uri ng daluyan ng

        komunikasyon na kabilang sa mga kalakal,

        propesyon o tiyak na mga lugar ng kaalaman 

        ng tao gaya ng agham matematika, musika, 

        electronics at iba pa.

 Mga halimbawa: gravitational force, square root,

         octave, inductance

5.  Pambansa – ito ay “lingua franca” o madalas 

        gamitin dahil nauunawaan ng buong bansa 

       at ginagamit din sa mga aklat, babasahin 

       at sirkulasyong  pangmadla maging sa 

      paaralan at sa pamahalaan

Mga Halimbawa: pamilya     tahanan    malaya    

6.. Pampanitikan – ito ay  ang antas na may 

         pinakamayamang uri. Madalas ito ay 

         ginagamitan ng mga salitang may iba 

        pang kahulugan gaya ng idyoma, eskima,  

        tayutay at iba't ibang tono, tema at punto.

 Mga Halimbawa:   kahati sa buhay   

          ilaw ng tahanan      bunga ng pag-ibig