Pages

Biyernes, Marso 26, 2021

Mga Bahagi ng Pahayagan

 


1. Mukha ng Pahayagan – dito nakalagay ang pinakamahalagang pangunahing balita.


2. Pahina ng Opinyon     – dito nakalagay ang mga personal na opinyon ng mga 

                                            manunulat batay sa mga laganap na isyu.


3. Pahina ng Editoryal o Pangulong Tudling  - dito mababasa ang mga opinyon, kuru-kuro at

                                           pananaw ng patnugot hinggil sa isang napapanahong isyu.                                                                                                                                                                                                                   

4. Pahina ng Tanging Lathalain       -  dito mababasa ang mga kawili-wiling artikulo tungkol sa

                                           isang partikular na tao o grupo ng tao, lugar, bagay o pangyayari.


5. Pahina ng Klasipikadong Anunsyo – dito nakalagay ang mga patalastas tungkol sa iba’t-

                                            ibang mga bagay, produkto o serbisyo.


6. Panlibangang Pahina  – dito nakalagay ang mga paboritong komiks o mga puzzle

               katulad ng Sudoku at crossword. Mababasa rin dito ang mga

               artikulo tungkol sa mga artista at pelikula.


7. Pangkalakalang Pahina - dito mababasa ang mga artikulo tungkol sa pagnenegosyo at

               ekonomiya 

 8. Pahina ng Agham at Teknolohiya – dito mababasa ang mga artikulo na may kaugnayan                                                  sa  siyensiya,at teknolohiya

 9. Pahina ng Palakasan/Isports - dito matutunghayan ang mga artikulo  na may kinala                                                         sa mga liga o  iba’t ibang laro