1. Mukha ng
Pahayagan – dito nakalagay ang pinakamahalagang pangunahing balita.
2. Pahina ng Opinyon – dito nakalagay ang mga personal na opinyon ng mga
manunulat batay sa mga laganap na isyu.
3. Pahina ng Editoryal
o Pangulong Tudling - dito mababasa ang mga opinyon, kuru-kuro at
pananaw ng
patnugot hinggil sa isang napapanahong isyu.
4. Pahina ng Tanging
Lathalain - dito mababasa ang mga kawili-wiling artikulo
tungkol sa
isang
partikular na tao o grupo ng tao, lugar, bagay o pangyayari.
5. Pahina ng
Klasipikadong Anunsyo – dito nakalagay ang mga patalastas tungkol sa iba’t-
ibang
mga bagay, produkto o serbisyo.
6. Panlibangang
Pahina – dito nakalagay ang mga
paboritong komiks o mga puzzle
katulad ng Sudoku at crossword. Mababasa rin
dito ang mga
artikulo tungkol sa mga artista
at pelikula.
7. Pangkalakalang
Pahina - dito mababasa ang mga artikulo tungkol sa pagnenegosyo at
ekonomiya
8. Pahina ng Agham at Teknolohiya – dito mababasa ang mga artikulo na may kaugnayan sa siyensiya,at teknolohiya
9. Pahina ng Palakasan/Isports - dito matutunghayan ang mga artikulo na may kinala sa mga liga o iba’t ibang laro
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento