Ang EDITORYAL
- Nagsasaad ng pagpuna, panunuligsa, pagtuturo,
pagpapaunawa, pagbibigay-puri, pagbibigay-kahulugan napapanahong balita at
kumakatawan sa paninindigan ng buong patnugutan at pahayagan.
- Maituturing na ambag
sa pakikipagtalo ukol sa napapanahong isyu.
Mga Uri ng Editoryal
Editoryal ng Pagpapabatid (Editorial of
Information)
Editoryal ng Panghihikayat (Editorial of
Persuasion)
Editoryal
ng Panunuligsa (Editorial
of criticism)
Editoryal ng Pagpaparangal (Editorial of Praise or Commendation)
1. Pamagat (Title/Headline)
-Dapat nakakukuha ng atensiyon ng
mambabasa
2. Simula (Lead)
Di tulad ng sa balita na itinuturing na ‘puso’
ng kuwento ang lead, sa editoryal, ang ‘puso’ ay maaaring nasa gitna o wakas,
depende sa kapritso at istilo ng editorial writer.
Hindi kailangang sundin ang tradisyunal na ASSKPB.
Mas may kalayaan ang manunulat ng editorial na maging
malikahin kaysa manunulat ng balita sa pagsulat ng ‘lead’.
Maaaring isang makabuluhan at makatawag-pansing
pangungusap tungkol sa paksa o isyu na mapagtatalunan/matatalakay o
pagsasalaysay na naghahayag ng suliranin o isyu.
News peg – isang maikling pahayag tungkol sa
isang balita na pinagbatayan ng editoryal o napapanahong isyu na
nangangailangan ng agarang solusyon.
3. Katawan
Naglalaman ng mga ‘basic facts’, mga sanhi at
bunga sa likod ng mga pangyayari, sitwasyon at argumento.
Inilalahad dito ang mga detalye ng
mga katotohanan tungkol sa isyu,
kalakip ang
opinion o prinsipyong pinapanigan ng patnugutan.
opinion o prinsipyong pinapanigan ng patnugutan.
4. Konklusyon/Wakas
- Naglalaman ng pinakamahalagang
kaisipan, tagubilin, mungkahi o direksyon na maaaring payo, hamon o
simpleng buod ng akda
simpleng buod ng akda
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Editoryal
1. Planuhin ang isusulat.
Pumili ng paksa. Maaaring kahit anong isyu,
pangyayari at personalidad na laman ng mga balita pero hangga’t maaari,
tiyaking taglay ng editoryal ang mga sumusunod:
ü Napapanahon
ü Malaman
ü Naghahayag ng Pananaw
ü Walang
‘conflict of interest’
2. Tiyaking nauunawaang mabuti
ang sitwasyon o isyu.
3. Gawing makatawag pansin at
kawili-wili ang panimula na binubuo ng batayang balita at
reaksyon.
4. Kailangang magtaglay ng
isa lamang ideya o panukala.
-Hango ang paksa sa mga balitang pangkasalukuyan na may malaking
kahalagahan sa nakararami, maging sa mga mag-aaral, mga mamamayan o sa
buong bansa.
5. Magbasa at magsaliksik para sa
mga impormasyon at datos.
6. Ipaliwanag ang isyu gaya ng
ginagawa ng isang reporter at sabihin ang kahalagahan ng sitwasyon
7. Gawing matipid sa mga salita subalit gawing mabisa at kaakit-
akit ang mga pangungusap.
8. Kailangan itong maging
makatwiran
9. Kailangan itong umiwas sa
pagmumura ni sa pagsesermon.
10. Gawing pormal ang
pananalita at paglalahad ng opinyon.
11. Magbigay ng estadistika kung
kinakailangan.
12. Kung magbigay ng argumento,
simulan sa pinakamahalaga.