Mga Elemento ng Pelikula
1. Nilalaman – Makatotohanang paglalarawan ng mga
pangyayari batay sa pagkakasunod-sunod nito sa tulong ng sequence iskrip.
2. Sinematograpiya – Tinitingnan ditto ang angkop na
anggulo upang maipamalas ang tunay na pangyayari sa tulong ng ilaw, lente
ng kameraat uri ng shots na ginamit.
3. Tunog – Napalulutang nito ang linya ng mga diyalogo at
tagpo sa pelikula.
4. Musika – Napalilitaw nito ang damdaming nais palutangin
pati ang pagtukoy ng katauhan.
5. Disenyong pamproduksyon – pinananatili nito ang
kaangkupan ng lugar, pananamit, make up, mga kagamitan at eksena na
nangingibabaw sa panahon at katauhang tinutukoy sa pelikula upang ito ay maging
makatotohanan.
6. Pag-e-edit – Dapat na mabisang naisasaayos, napagpuputol,
napagdudugtong-dugtong napakikitid at napalalawak muli ang negatibo ng mga
eksena upang umayon sa filmmaker.
7. Pagdidirehe – Mahusay ang pagkakadirehe ng pelikulang
napagsanib ng mga eemento ng pelikula.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento