Pages

Linggo, Disyembre 20, 2015


Pangalan: _________________________________        Iskor: _______________
Grade 8 - _________________                                                            
                                                                                                                               
I.                   Panuto :  Isulat ang tamang sagot sa bawat aytem.
_______________________1.  Ito ay isang uri ng popular na babasahin kung saan mababasa ang tungkol sa mga nangyayari sa araw-araw.
_______________________2. Ito ay naisasahimppapawid o panradyong pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang napapanahong isyu.
_______________________3. Isa itong uri ng paglilimbag ang naglalaman ng balita , impormasyon at patalastas.
_______________________4. Ano ang tawag sa kalipunan ng iba’t ibang akdang pampanitikan?
_______________________5. Siya ang sinasabing kauna-unahang Pilipino na gumawa ng komiks.
_______________________6.  Ito ay paghahatid ng impormasyon, audio o biswal man, sa pamamagitan ng  midyang pangmasa tulad ng radyo, telebisyon, internet o iba pang bagay sa tulong ng network.
_______________________7. Larangan ng panitikan kung saan nakilala si Carlo J. Caparas.
_______________________8. Isang  personalidad na nakilala sa larangan ng Dokumentaryong Pantelebisyon gaya ng  “Alkansya”.
_______________________9. Sa larangang ito, nakilala si Brillante Mendoza.
_______________________10. Tawag sa  isang anyong pampanitikan na matituturing na maikling kuwento ngunit mas maikli kaysa maikling kuwento.

II. Panuto : Tumbasan ng  nasa PORMAL na antas ng wika  ang mga sumusunod na pangungusap..
11.  P’re, astig tayo, a.


12.  Nadedo ang nebor namin na naadik na sa pagyoyosi.


13.  Mantakin mo, may mga kawatan  pala sa gobyerno ng ‘Pinas.


14. Parak  ang erpat ng syota ni Marvin.



III. Punan ng angkop na ekspresyon upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
15.__________________mas mahirap ang buhay ngayon kaysa sa nakalipas na limang taon .
16._________________ ng marami, nagkulang talaga ang pamahalaan sa pagkalinga sa mga biktima ng kalamida.
17._________________ mo tama ang desisyon mo pero nagkakamali ka.
18._________________1987 konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang pambansang wika.
19._________________, hindi makabubuting isisi natin lahat sa pamahalaan ang hirap ng buhay natin.

IV. Magbigay ng halimbawa ng magasin na tinutukoy sa bawat bilang.
____________________20. Magasing pangkababaihan na naglalaman ng mga artikulo tungkol sa mga isyung pangkalusugan, kagandahan at aliwan.
____________________21. Isang popular na babasahin na naglalaman ng mga maikling kuwento at iba pang akdang Pampanitikan.
____________________22. Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari,shopping at mga isyu hinggil sa kagandahan.
____________________23. Magasin tungkol sa balitang showbiz.
____________________24. Magasing nagbibigay ng pansin sa kagustuhan at suliranin ng kabataan.

____________________25. Ang magasing nagdala ng panitikan sa kabahayan ng pamilyang Pilipino.

V. Tukuyin kung anong uri  ng  konseptong may kaugnayang lohikal ang mga sumusunod na             pangungusap. 
_________________ 26. Sa pagtatrabaho pagtapos ng klase, nasusuportahan niya ang sarili sa pag-aaral.
_________________ 27. Nagtutulungan silang magkakapangkat upang matapos ang kanilang proyekto.
_________________ 28. Pinagbuti niya ang pag-aaral kaya tumaas ang kanyang mga grado.
_________________ 29. Dumami ang mamimili sa kanyang paninda dahil sa murang presyo.
_________________ 30. Nakatapos sana siya ng pag-aaral kung hindi siya napabarkada sa masama at nalulong sa bisyo.

VI. Gawing positibo ang mga sumusunod na negatibong pahayag.
31. Napakaraming relief goods ngunit marami pa raw ang hindi nabibigyan nito.


32. Magsasaya pala ang mga tsismosa at pakialamero sa Pilipinas kapag naaprobahan ang FOI Bill.



VII. Tukuyin ang uri ng anggulo at kuha ng kamera na  inilalarawan sa bawat bilang.
_______________________33. Aerial shot  kung saan ang kamera ay nasa mataas na bahagi at ang tingin ay nasa ibaba.
_______________________34. Ang pagpokus ng kamera nang malayuan sa kabuuan.
_______________________35. Ito ay malapitang pagpokus sa kabuuan ng isang bagay.
_______________________36. Ito ay karaniwang nakapokus sa dalawang taong nag-uusap o mula paa pataas.
______________________37. Ang pokus ay sa ibaba o sa ilalim kung ang kamera ay nasa itaas.

VIII. Isulat ang tinutukoy na elemento ng pelikula sa bawat bilang.
____________________38. Tinitingnan ditto ang angkop na anggulo  upang maipamalas ang tunay pangyayari sa tulong ng ilaw, lenteng kamera at uri ng shots na ginamit.
____________________39. Sa prosesong ito, isinasagawa ang pagsasaayos pagpuputol, pagdudugtong-
dugtong   pagpapakitid at pagpapalawak muli ng negatibo ng mga eksena upang umayon sa filmmaker.
___________________40. Napalulutangnito ang linya ng mga diyalogo at tagpo sa pelikula.

IX. Isulat kung anong gawi ng pagsasalita ang nakapaloob sa bawa’t  pangungusap.
 _________________41. Regalo ko sa iyo ang damit na ito kaya isuot mo at huwag kang mahiya.   
_________________42. Itay, mag-ingat ka sa iyong paglalakad, madulas ang daan.
_________________43. Hindi dapat maiwan si Jonalyn, dapat kasama natin siya sa pagboto.
_________________44. Sige, ako na ang magbabantay sa mga kapatid mo.
_________________45. Huwag mo nang intindihin iyon kasi magsasayang ka lang ng oras.

X. Basahin at unawain ang bawat linya. Pagsunod-sunurin ang mga pangungusap ayon sa mga pangyayari sa Dagling “Hahamakin ang Lahat” ni Abdon Balde, Jr.Isulat ang titik lamang ng mga pangungusap. (5 puntos)
46.-50. ____________________________________________
a.   Binigyan ni Cherry ng pag-asa sa kanya si Dindo kung magagawa nitong mag-break dance
       sa kanilang JS Prom.
b.      Sinuway ni Dindo ang kanyang mga magulang nang magsanay siya sa pagsayaw.
c.       Pinuntahan niya si Cherry upang sabihing handa na siya.
d.      Dahil sa pagmamahal niya kay Cherry at sa matinding determinasyon,  nagawa niya ang imposible na makapag-break dance.
e.       Sinabi ni Cherry na may boyfriend na siya at lumabas na niloko lang niya ang may polio na si Dindo.

XI. I-CLICK ang sumusunod na pamagat at panoorin ang pelikulang ‘Ang Manoro’.  Gawan ito ng maikling pagsusuri. Isaalang-alang ang iba’t ibang elemento ng pelikula at uri ng anggulo at kuha ng kamera. (10 puntos)

50-60.  Ang MANORO