Ang tunay na drama ayon kay
Sebastian ay nagsimula noong mga unang taon ng pangungupkop ng mga Amerikano.
Idinagdag pa ni Tiongson na ang drama ay binubuo ng tanghalan, iba’t ibang kasuotan, iskripto, “characterization”, at
“internal conflict”. Ito an pangunahing
sangkap ng tunay na drama ayon sa
banyagang kahulugan. Sa kabilang dako,
ayon sa mga librong kinunsulta ko, ang
drama ay drama kahit wala ang mga sangkap na nabanggit. Ito ang dramang
Pilipino. Ayon pa rink ay Tiongson.
Memises ang pangunahing sangkap
ng Dulang Pilipino. Memises ay
ang pagbibigay buhay ng actor sa mga pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng mga Pilipino. Ito rin ang malaking pagkakaiba ng banayaga
sa Pilipinong dula.
Inilalarawan sa tunay na
PIlipinong Dula ang mga pangarap ng bansa. Dito ipinapakita ang mga
katutubong kultura, paniniwala at tradisyon. Ikinukuwento rin ang paghihirap at
pagpupunyagi sa buhay ng mga katutubong Pilipino. Dito rin mamamalas ang iba’t ibang anyo ng
kanilang pamahalaan at uri ng lipunan.
Samakatuwid, ang tunay a dulang Pilipino ay nagbibigay ng mas malawak na
pang-unawa sa kulturang Pilipino at nagbibigay ng kasagutan sa mga pangangailangan ng mga Pilipino. Higit sa lahat, ito’y nagsisilbing gabay para
sa kabutihan ng mga mamamayang Pilipino.
Ang kasaysayan ng Dulang Pilipino
ay isinlang sa lipunan ng mga
katutubong Pilipino bago pa dumating ang
mga dayuhang mananakop. Ayon kay Casanova, ang mga katutubo’y likas na
mahiligin sa mga awit, sayaw, at tula
na siyang pinag-ugatan ng mga unang anyo
ng dula. Ang mga unang awitin ay nasa
anyo ng tula . Ang mga katutubo rin ay mayaman sa epikong
bayan na kalimita’y isinasalaysay sa pamamagitan ng pag-awit.Ang mga awit,
sayaw at ritwal ay karaniwang ginaganap para sa pagdiriwang ng kaarawan,
binyag, pagtutuli, ligawan, kasalan, kamatayan, pakikipagdigmaan , kasawian,
pananagumpay, pagtatanim, pag-aani, at pangingisda, atbp. Bago dumating ang mga
katutubong Pilipino.
-Mula sa Gabay ng Pagtuturo ng Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010