Pages

Sabado, Pebrero 8, 2020

Ibong Adarna (Buod ng Unang Kabanata)

Noong unang panahon, sa Kaharian ng Berbanya, hinahangaan ang pamamahala ng hari na si Don Fernando.

Umunlad kasi ang kanilang kaharian at tumanggap ng pantay na biyaya ang mga mamamayan.  Nagpapatupad lang din siya ng mga kautusan na makabubuti sa lahat ng mga mamamayan  at bayan.

Umiiral naman ang hustisya sa mga usaping idinudulog sa kanya dahil inaaral muna niyang mabuti ang mga katwiran bago magbigay ng hatol.

May napakaganda at napakabuting asawa si Don Fernando.  Siya si Donya Valeriana.

May tatlo silang anak na pawing mga lalaki – sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan.

Mahal na mahal ng hari at reyna ang kanilang mga anak.  Gusto nilang lumaki ang mga ito na mararangal. Kaya naman, bata pa lang, pinaturuan na ang mga ito ng  mga kaalaman o karunungang kakailanganin ng mga ito.

Naniniwala kasi si Don Fernando na hindi porke’t hari siya,  ligtas na sa pangungutya kung maging mangmang man ang kanilang mga anak.  Alam nag hari na napakahalagang maging marunong upang maging kapaki-pakinabang sa palasyon ang isang pinuno.

Nang dumating ang araw na itinakdang pagpili ng tatlong prinsipe – pagpapari o paglilingkod sa kaharian.

Paglilingkod sa bayan ang kanilang pinili.

Minabuti ng hari na pagsanayin sila sa paghawak ng patalim at sandata ngunit isa lang ang maaaring humawak ng trono pagdating ng takdang panahon.
Siyempre pa, alam ng magkapatid na paborito ng kanilang amang hari si Don Juan.