Pages

Linggo, Nobyembre 3, 2019

Talambuhay ni Vanjoss Bayaban


YVANIE JEUOSH BAYABAN a.k.a. Vanjoss Bayaban
Grand Finalist, The Voice KIds Philippines Season 4

Si VANJOSS BAYABAN, 12 taong gulang at isa siya sa tatlong grand finalist ng The Voice Kids Philippines Season 4 ng ABS-CBN Network.


Siya ang panganay sa dalawang magkapatid na anak nina  Bayani at Bayaban, isang welder at isang OFW sa HongKong na umuwi ng Pilipinas para suportahan ang anak.  Sila ay taga-Asingan, Pangasinan.

Naging mag-aaral siya sa SPED Class Gifted and Talented ng Narciso R. Ramos Elementary School Sped Center at kasalukuyang nasa Grade 7 sa Angela Valdez Ramos National High School.

Apat na taong gulang pa lamang siya nang matutong kumanta dahil sa pagtuturo ng kanyang ama,  na dating sumasali rin sa mga amateur singing contest.

Dahil sa pag-asang ang kanyang anak ang magtutuloy sa kanyang pangarap na di natupad, sinuportahan ng tatay anak.  Naging bonding moments nila ang panonood ng mga singing contests sa tv kung saan, nakapupulot ng ng mga tips para makatulong kay Vanjoss.

Hindi naman nabigo ang butihing ama dahil nakasali sa The Voice Kids 2019 ang kanyang anak.
Sa kasalukuyan, umabot na sa 12-Milyon ang views ang blind audition performance ni Vanjoss, kung saan siya naging 3-chair turner dahil sa napakagaling at tila walang kahirap-hirap niyang pagkanta sa “My Love Will See You Through” ni Marco Sison.
Sa semifinals round kung saan kinanta niya ang Makita Kang Muli ng Sugarfree,  pinili siya upang kumatawan sa Team Sarah sa Grand Finals.

Tinaghal siyang Kampeon sa Grand Finals  ng The Voice Kids Philippines Season 4 sa   knayang napakagaling na pag-awit ng "You Raise Me Up" ni Josh Groban. ngayon Nobyembre 3, 2019.