Ang Dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na
maikling kuwento na lumaganap sa Pilipinas noong unang dekada ng pananakop ng
mga Amerikano.
Hindi tiyak ang angkop na haba nito subali’t dapat na hindi
ito umabot sa haba ng isang maikling kuwento.
Kabilang sa mga kilalang manunulat ng dagli ay sina Inigo Ed
Regalado, Jose Corazon de Jesus, Rosaurio Almario, Patricio Mariano, at
Franuseo Lacsamana.
Batay sa ginawang pananaliksik, nalathala sa “Pahayagang Muling Pagsilang,” ang dagli
noong 1902 na pinamahalaan ni Lope K. Santos.
Nagpatuloy ang paglaganap ng anyong ito mula 1930, ayon ito sa pananaliksik
ni Rolando Tolentino.
Ayon nman sa pananaliksik ni Arsenio Manuel, nag-ugat ang
dagli sa pahayagang Espanyol at tinawag itong “Instantaneas,” at nagpatuloy ang
paglaganap ng anyong ito hanggang 1920.
Sa isa pang ginawang pananaliksik ni Aristotle Atienzaa,
malaking bilang ng mga dagli na kinalap nina Tolentino para sa
antolohiyang,”Ang Dagling Tagalog:1903-1936, “ang tumatalakay sa karanasan ng
mga lalaki sa isang lipunang kumikilala sa mga kalalakihan. Karaniwang iniaalay
ang daagli sa isang babaeng napupusuan, ang ilan naman ay ginamit ito upang
ipahayag ang damdaming makabayan upang lumaban sa mga Amerikanong mananakop.
Nagbabago-bago ang anyo ng dagli batay sa obserbasyon ni
Tolentino tulad ng Tanging Lathalain, Pangunahing balita sa pahayagan at anekdota.
1.
Tanging Lathalain (feature)-isang uri ito ng
pamahayagan na nagsasaad ng mga ulat batay sa masusing pag-aaral, pananaliksik
at pakikipanayam, nagsasaad ito ng
katotohanan batay sa isang ulat. Tulad ito ng sanaysay o salaysay na
pampanitikan, subali’t nagtataglay ng higit pang katangian tulad ng malalim na
kahulugan at malawak na paksa.
2.
Pangunahig Balita sa Pahayagan (headline)
-Ang balita ay ulat ng pangyayari. Ang headlineo ulo ng balita ay siyang
pinakatampok na balita sa araw na iyon.
3. Anekdota- Ito ay isang kuwento na
karaniwang pumapaksa sa isang taong tanyag upang maipahatid sa mga mambabasa
ang katangian nito. Kung minsan, ang
anekdota ay nagsasalaysay ng mga tunay na pangyayari at kung minsan naman ay
bungang-iisip lamang.
Ang Dagli sa Kasalukuyan
Karaniwang
napagkakamalang katumbas ng “flash fiction” o “sudden fiction” sa Ingles ang
dagli. Ngunit ayon kay Dr. Reuel Molina Aguila, naunanng nagkaroon ng dagli sa
Pilipinas noong 1900s bago pa man magkaroon ng flash fiction na umusbong noong
1990. Maaari itong nagsimula sa anyong pasingaw at diga ng magkakabarkada
kaya’t masasabing marami sa mga probinsya ang nagkaroon ng ganitong kuwentuhan.
Ang
sumusunod ay mga dagli na lumabas at nalathala sa kasalukuyan.
1.
2007-Antolohiyang, “Mga Kuwentong Paspasan,” ni
Vicente Garcia Groyon.
2.
2011-Inilathala ang antolohiyang , “Wag lang di
Makaraos” (100 Dagli, Mga Kuwentong Pasaway, Paaway at Pamatay) ni Eros
Atalia. Dito, tinatalakay ang samo’t
saring pangyayari sa lipunan sa paraang madaliang unawain dahil simple lang ang
paggamit ng wika.
3.
2012-Inilathala ang koleksyon ng mga dagli ni
Jack Alvarez na pinamagatang, “Autobiografia ng Ibang Lady Gaga. Isa itong makabuluhang kontribusyon sa
panitikan ng bansa sapagkat iniangat ang dagli sa isang sining ng paglikha ng
malaking daigdig mula sa maliitt at particular na karanasan.
Sa pagdaraan ng panahon, iba’t ibang
katawagan ang pinanukala na hango sa “flash fiction,” tulad ng, “ Mga Kuwentong
Paspasan, 2007” at “Kislap” mula sa mga
salitang Kuwentong-Isang Iglap. Ang mga
katawagang ito ay binuo ng manunulat na si Abdon balde jr. Ang mga “Kwentong
Paspasan”, 2007 ay mga kuwentong binubuo ng 150 na salita samantalang ang
“Kislap” ay kalipunan ng mga kuwentong hindi hihigit na 150 salita na rin.
Samantalang si Vin Nadera na isa ring
manunulat ay tinawag na “Kagyat” ang “flash fiction”, at si Manuel Corosa na isa pa ring manunulat ay tinawag itong
“iglap”.