Sa isang madilim at nakakatakot na gubat, maraming malalaking puno at kakaibang mga
halaman at mga mababangis na hayop tulad ng serpyente, hyena, basilisko at
leon. Matatagpuan dito ang Ilog Cocito na makamandag ang tubig. Nasa malapit
ito sa Reyno Averno.
Nagsimula ang tulang pasalaysay sa paglalarawan ng isang madilim at
nakakatakot na gubat na madilim at nakakatakot kung saan makikita ang maraming malalaking puno, kakaibang halaman,
mababangis na hayop at makamandag na ilog.
Sa isang puno ng Higera sa gitna ng gubat, nakagapos ang isang umiiyak na lalaking mala-Adonis at Narciso sa
kaguwapuhan at tikas.
Naalala niya ang kalagayan ng
bayan niyang Albanya na noon ay pinaghaharian ng kasamaan, sa pamumuno ni Konde
Adolfo na nagtaksil kay Haring Linseo at naging ganid sa kayamanan ng Dukeng Ama ng
lalaking nakagapos.
Ipinagdalamhati rin niya ang pinakamamahal niyang si Laura na naisip
niyang nagtaksil sa kanya at nasa piling na ni Adolfo.
Sa tindi ng pagdurusa, tila kinuwestyon pa niya ang Langit kung bakit
pinayagang mangyari ang ganon sa Albanya.
Gayunpaman, nagpakumbaba rin siya at sinabi sa kanyang panalangin na
matitiis niya ang anumang pagdurusa kung ito ang kaloob sa kanya. Kasunod nito,
humirit pa ang siya na sana’y isagi siya ng Langit sa alaala ni Laura.
Nawalan ng malay ang lalaking nakagapos.
Nang magkamalay, ipinagpatuloy niya ang pag-iyak habang inaalala ang mga
nakaraang ‘moments’ nila ni Laura kung kailan iniyakan siya ng Prinsesa kapag naghahanda siyang umalis para
pumunta sa pakikipagdigma sa ibang kaharian bilang pagsunod sa Hari na ama
nito.Naalala rin niya ang pang-aaliw nito sa kanya at pagluha kapag malungkot
siya.
Kasunod ng pagdaloy ng mga alaala ang realisasyon at panghihinayang ng
lalaki sa mga luha at pangako ni Laura sa masaklap na kinahantungan ng
pag-iibigan nila ng dalaga.
Sa kabila ng lahat, tiniyak ng lalaki na mamahalin niya hanggang sa
huling hibla ng buhay niya si Prinsesa Laura.
Sa ikalawang pagkakataon, nawalan
ng malay ang lalaking nakagapos.